Thursday , February 27 2020
Breaking News
You are here: Home / News (page 40)

Category Archives: News

Feed Subscription

Crisologo, anak, 44 supporters, pinalaya ng piskalya (Pinigil sa pulisya)

PINAWALAN ng Quezon City Police District (QCPD) si Quezon City Mayoralty candidate 1st District congressman Vincent “Bingbong” Crisologo, anak niyang abogado, at 44 supporters maka­raang ipag-utos ng Quezon City Pro­secu­tors’ Office dahil sa kakulangan ng ebiden­siya para sa kasong vote buying. Ayon kay Assistant City Prosecutor Felomina Apostol Lopez, nakita niyang walang sapat na ebidensiya ang pulisya sa pagsasampa ng kasong ... Read More »

Resulta ng botohan apektado sa nasirang VCMs

MAKAAPEKTO ang pagkasira ng vote coun­ting machines (VCM) sa resulta ng halalan, ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin. “Definitely it will affect election results in areas where it malfunc­tioned and taken as a whole, it can affect voters turnout and consequently some places can have a failure of election,” ayon kay Villarin. Sa kabila nito, sinabi ni Villarin na luma ... Read More »

Ex-VP Jojo Binay nairita sa nagka-aberyang VCM

NAIRITA si dating Vice President Jejomar Binay kaugnay sa naranasan dahil nagkaaberya ang Vote Counting Machine (VCM) dahil ni-reject ang kanyang balota. Bandang 7:30 am, bomoto ang matandang Binay  sa Cluster 162, San Antonio High School, Bgy. San Antonio Village, ngunit pagdating sa kanya ay dalawang beses  nagkaaberya ang VCM  dahil ini-reject ang kan­yang balota. Nagpasyang magre­klamo sa Commission on Elections (Comelec) si ... Read More »

50% ng VRVMs sa Iloilo depeketibo rin — Comelec

HINDI bababa sa kala­hati ng 2,572 Voter Regis­tration Verification Machines (VRVMs) sa lalawigan ng Iloilo ang nagkaroon ng mga aberya sa halalan kahapon Lunes, 13 Mayo. Sinabi ni Atty. Roberto Salazar, Iloilo election supervisor, napil­tian ang Board of Election Inspectors (BEIs) na mag-manual verification ng voter registration bilang pagsunod sa protocol sa paggamit ng VRVM. Layunin ng VRVM na mapabilis ... Read More »

Comelec umamin: 400-600 VCMs depektibo

INAMIN ng Commission on Elections (Comelec), nagkaroon ng depekto ang may 400 hanggang 600 vote counting ma­chines habang isinasa­gawa ang halalan kaha­pon, 13 Mayo. Ayon kay James Jimenez, tagapagsalita ng Comelec, ang nasabing bilang ay hindi magdu­dulot ng malaking epekto sa resulta ng halalan dahil mayroong 85, 700 VCM units sa buong bansa ang gumagana at ginawan umano ng paraan ... Read More »

Reelectionists halos sabay-sabay bomoto

ITINALA ni dating Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano ang kanyang boto sa Taguig City. Nabatid, na 10:30 am nang bomoto si Alan sa Cipriano P. Santa Teresa Elementary School, Brgy. Bagumbayan at sina­mahan ng kanyang misis na si Taguig City Mayor Lani, kanidatong kongre­sista sa ikalawang dis­trito. Samantala, si Alan Peter ay tumatakbo na­mang kongresista sa ... Read More »

Barangay vehicle niratrat sa Munti

ISANG sasakyan ng barangay ang pinaulanan ng bala ng hindi kilalang mga suspek sa Muntin­lupa City kahapon ng madaling araw. Sa ulat na natanggap ng Muntinlupa City Police, 4:20 am kahapon nang maganap ang insi­dente sa Marina Heights Avenue, Brgy. Sucat ng naturang siyudad. Nabatid, habang nag­kakape ang mga tanod na sina Roger Oliva Jr., Tauton Francisco Jr., at Florencio Dabu  sa waiting ... Read More »

Isko nanguna sa Maynila

NANGUNA sa bilangan si Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa partial unofficial result habang pangalawa ang reeleksiyonistang si Joseph Ejercito Estrada sa pagka-alkalde ng lungsod ng Maynila. Ganoon din ang resulta sa inisyal na resulta ng bilangan mula sa City Board of Canvassers na ginaganap sa San Andres Sports Complex, nangu­nguna si Domagaso sa karera para sa pinaka­mataas na posisyon ng ... Read More »

5 Chinese national arestado sa KFR

HINULI ang limang Chinese national na sinabing miyem­bro ng kidnap for ransom group sa Las Piñas City, kahapon nang madaling araw. Kinilala ang mga suspek na sina Shen Li Wei, 29, Ruan Hu Bin, 29, Chen Sing, 29, Weng Peng Chao, 29, at Li Hui Sie. Ang mga biktima ay kinilalang sina Zhou Yang, Sengxiao Ling, at Ou Shen. Sa ulat ni Las ... Read More »

Digong masayang makasama sa ‘hell’ si Joma Sison (Sa nabinbin na peace talks)

MALIIT na ang tsansa na umusad muli ang peace talks sa kilusang komunista, ayon sa Palasyo. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo  na kailangan magpakita ng sinseridad ang kilusang komunista na maisulong ang kapayapaan bago magbalik sa hapag ng negosasyon ang gobyernong Duterte. “Sinasabi niya (Duterte) laging mayroon siyang small window for peace talks provided na ‘yung nasa kabilang mesa ... Read More »

3 construction workers nakoryente 1 patay

PATAY ang isang construction worker habang nakaratay sa paga­mutan ang dalawang kasa­mahan nang makoryente sa ginagawa nilang paaralan sa Navotas City. Dead on arrival sa Navotas City Hospital ang biktimang kinilalang si Orlando Gediom, 30 anyos, ng Brgy. San Juan Aluminos. Patuloy namang ginagamot sa ospital si Rey Juan, 33 anyos, ng Brgy. Baliok, San Clemente Tarlac, at Jordan Pacheco, ... Read More »

Mayor Binay ‘itinuro’ sa vote-buying (Ulat sa Bayan leaflets nabuyangyang)

8 ‘tauhan’ ni Abby Binay timbog sa vote buying POSIBLENG maharap sa diskalipi­kasyon si Makati City Mayor Abigail Binay sakaling mapatunayan ang pagkakasangkot niya sa “vote buying” makaraang mahuli ang nasa 60 katao kabilang ang tatlong opisyal ng barangay sa naturang lungsod kahapon ng madaling araw. Kinilala ang mga opi­syal na sina Karen May Mati­bag, barangay treasurer; Medlyn Joy Ong, ... Read More »

8 ‘tauhan’ ni Abby Binay timbog sa vote buying

Mayor Binay ‘itinuro’ sa vote-buying (Ulat sa Bayan leaflets nabuyangyang) NADAKIP ng NCRPO Regional Special Ope­rations Unit (RSOU) ang walo katao na pinaghi­hinalaang tauhan ni Makati Mayor Abigail Binay sa kasong vote-buying. Sa isinagawang ope­ra­syon sa pangunguna ni NCRPO chief, P/BGen. Guillermo Eleazar, naga­nap ang vote-buying sa Barangay Hall ng San Isidro, 2246 Marconi St., Makati City dakong 10:45 kagabi, ... Read More »

Roxas madi-disqualify sa paglabag sa SOCE

MAGWAGI man si Manuel “Mar” Roxas III sa nalalapit na halalan, puwede siyang ma-disqualify sanhi ng misrepresentation at late filing ng kanyang Statement of Contributions and Ex­penses (SOCE) sa pre­sidential elections noong 2016. Sa memorandum ng Department of Interior and Local Government na may pamagat na “Manuel Araneta Roxas II—2016 Elections Undeclared Campaign Expenditures” nitong 31 Enero 2019, malinaw na ... Read More »

‘Heavyweights’ suportado si JV (Reelection bid pinaboran)

MISTULANG “all-star cast” ng “heavyweight” showbiz celebrities, reli­gious leaders, at promi­neteng mga politiko ang sumusuporta , kasama ang maraming mama­mayan, sa reelection bid ni Senator JV Ejercito. Sa pagpapasalamat ni Ejercito, tinaguriang “Mr. Healthcare” dahil sa pagsusulong niya ng Universal Health Care Law, sa mga nag-endoso sa kanya at mga taga­suporta kasunod ng pag-akyat niya sa winning chart base. Sa ... Read More »

Ang Probinsyano Partylist wala na pong iba — Coco Martin

SA DAMI ng tuma­tak­bong party-list ay muling idiniin ng aktor na si Coco Martin na iisa lamang ang kanyang sinusuportahan at ito na nga ang Ang Probinsyano Partylist. Ang popular na aktor ay nanawagan sa kan­yang social media accounts para ipaalala sa kanyang mga tagahanga na ang number #54 ay numero ng party-list na kanyang ini-endoso. All out ang panga­ngampanya ... Read More »

Janella Ejercito-Estrada nagalak sa suporta (Taga-San Juan pinasalamatan)

LUBOS ang pasasalamat ni San Juan mayoralty candidate Janella Ejercito-Estrada sa mga taga-San Juan nang dagsain ang kanyang campaign rally sa Pinaglabanan Shrine kamakailan. Sa mga pagtitipon ng supporters ng magka­bilang kampo sa lungsod ng San Juan noong naka­raang Sabado, kitang-kita na mas marami ang supporters ni Janella sa kanilang pagtitipon na tinatayang lumagpas ng 30,000 lehitimong resi­dente ng San ... Read More »

Payo ng mga nanay ng Otso Diretso sa kapwa ina: Iboto ang maninindigan vs pagbabanta at bullying

HINDI nakaranas ng birthday party si Pilo Hilbay noong kabataan niya. Sabi ng kaniyang inang si Nanay Lydia, malimit si­yang pasaringan ng kani­lang mga kapitbahay sa Tondo na Ilokano umano kasi sila kaya hindi niya maipaghanda si anak. Hindi nila alam na wala lang talaga silang sapat na salapi para sa luhong ito. Malimit paluin ng kani­yang ina si Samira ... Read More »

500 Corrupted SD cards, papalitan ng Comelec

TATLONG araw bago ang halalan sa 13 Mayo, iniulat ng Commission on Elections (Comelec) na hindi bababa sa 500 Secure Digital (SD) cards ang corrupted. Gagamitin ang SD cards upang paglagyan ng encrypted image ng mga balotang ipinasok sa vote counting machines (VCMs) sa mismong araw ng halalan. Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez sa isang press briefing na sa ... Read More »

Pribadong kontrata ng public markets kakanselahin ni Lim

KAKANSELAHIN ng nagba­balik na alkalde ng Maynila Alfredo S. Lim ang lahat ng kontratang nagsapribado sa mga pampublikong palengke ng lungsod upang mapro­tektahan sa mataas na baya­rin ang stall owners, vendors at mga residenteng namimili ng kanilang kaila­ngan sa araw-araw. Kaugnay nito, tiniyak din ni Lim na kanyang ibababa ang singil ng mga bayarin sa stall owners at vendors nang ... Read More »

Water allocation sa Pampanga at Bulacan babawasan ng NWRB

IPATITIGIL simula 16 Mayo ang alokasyon ng irrigation water sa Pam­panga at Bulacan mula sa Angat Dam dahil sa kritikal na pagbaba ng antas ng tubig na naipon sa nasabing dam simula noong nakaraang linggo, ayon sa National Water Resources Board (NWRB). Sisimulan ng NWRB ang pagbabawas ng alokasyon sa irigasyon sa nasabing mga lalawigan mula sa 3,450 milyong litro ... Read More »

Nagtatapon ng wastewater sa Marikina River, huhulihin ng PRRC

Nagsasagawa ang Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) ng masusing imbestigasyon sa sinasabing ilegal na pagtapon ng wastewater sa Marikina River. Ikinasa ang opera­syon nang mai-tag ang mga opisyal ng PRRC sa Facebook viral video na ipinaskil ni Abdusalla Monakil, isang concerned netizen, na makikitang nagdidiskarga ng kemikal na isang ebidensiya ng liquid waste pollution sa Marikina River. Dahil pangunahing tributaryo ... Read More »

Suporta kay Coco Martin, APPL umapaw… Ang Probinsyano partylist ‘panalo’ sa Bohol, Cebu

DAHIL sa sobrang gigil sa kanilang iniidolong action superstar na si Coco Martin ay hindi na napigilan ang mga tao nang dumugin habang nasa isang rally sa lalawigan ng Bohol upang ikampanya ang #54 Ang Probinsyano Partylist. Nagkaroon ng maliit na galos ang kanang pisngi ni Coco matapos akyatin at pilit siyang hawakan ng mga naghihi­yawang fans habang sumasayaw at ... Read More »

JV sumuko na

MISTULANG sumuko na sa laban sa 13 May0 2019 midterm elections si reelectionist Senator JV Ejercito matapos niyang iasa sa milagro ang kandidatura sa pagka-senador. Sa twitter post kaha­pon ni JV, isang maka­hulugang kataga ang kanyang binitiwan na nagdulot ng alinlangan sa kanyang mga taga­suporta. “I would need a miracle to win a seat back,” bahagi ng post sa Twitter ... Read More »

Kawani ng kapitolyo, idiniin si Jonvic sa vote-buying sa Cavite

ISANG kasalukuyang empleyado ng Kapitolyo ng lalawigan ng Cavite ang lumutang upang sabihin na magmula Oktubre 2018 ay sinimulan na ng kampo ng tumatakbong gobernador ng Cavite na si Jonvic Remulla ang vote-buying gamit ang kaban ng bayan sa pamamagitan ng isang programang tinatawag na “Lingap sa Kalikasan.”  Sa isang press con­ference, sinabi ng ‘whistle­blower’ na siya mismo ay may ... Read More »

Scroll To Top