Tuesday , August 4 2020
Breaking News
You are here: Home / News (page 4)

Category Archives: News

Feed Subscription

Inutil ako vs China (Digong umamin)

INAMIN ni Pangulong Duterte na inutil siya sa isyu ng South China Sea dahil kapos sa kakayahan ang Filipinas na makipagdigma sa China. “We have to go to war and I cannot afford it. Maybe some other president can but I cannot. Inutil ako riyan. I cannot…the moment I send my marines there at the coastal shores of Palawan, tinamaan ... Read More »

Mega web of corruption: IBC-13 deadma sa COA report

ni Rose Novenario ILANG taon nang paulit-ulit na naghahayag ng rekomendasyon ang Commission on Audit (COA) sa management ng Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) kung ano ang dapat gawin upang maituwid ang pagkalugi ng gobyerno sa kuwestiyonableng joint venture agreement (JVA) na pinasok nito sa R-II Builders/Primestate Ventures, Inc., noong Marso 2010. Ayon sa 2017 at 2018 Annual audit report ng ... Read More »

Death penalty hirit ni Duterte

DALAWANG taon bago bumaba sa puwesto at naitalang libo-libong drug-related killings bunsod ng inilunsad niyang drug war, muling nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na kagyat na isabatas ang death penalty. “I reiterate the swift passage of a law reviving the death penalty by lethal injection for crimes specified under the Dangerous [Drugs] Act of 2002,” aniya sa kanyang ... Read More »

Lola namatay sa Bacolod (Habang nakapila sa distribusyon ng SAP)

BINAWIAN ng buhay ang isang matandang babae noong Huwebes, 23 Hulyo, sa Barangay Villamonte, lungsod ng Bacolod, sa lalawigan ng Negros Occidental, habang nakapila sa namamahagi ng social amelioration program (SAP) benefit na ilalaan para sa pangangailangan ng mga apo. Kinilala ni Barangay Chairman Rommel Flores ang pumanaw na residenteng si Aurelia Magbanua, 87 anyos, mula sa Purok Sabes. Ani ... Read More »

Yorme binalaan mga ‘tolonges’ sa drive-thru

SERYOSONG nagbabala si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso  sa lahat ng mga ‘tolongges’ na nagsasamantala sa drive-thru COVID testing center gaya ng mga pinag­kakakitaan ang mga gustong magpa-test pero ayaw pumila. Ipinag-utos ni Mayor Isko ang pag-aresto sa apat na pedicab drivers na tinawag niyang mga ‘tolongges’ sa pila sa drive-thru testing area sa lungsod. Nabatid ng alkalde base ... Read More »

3 apo nahawa ng CoViD-19 (Namatay muna bago lumabas ang resulta)

NAUNA nang pumanaw ang isang lalaki bago pa man lumabas ang resultang positibo siya sa coronavirus disease of COVID-19 sa Bgy. Agustin, sa lungsod ng San Fernando, lalawigan ng La Union. Ayon sa Chairman ng Bgy. San Agustin na si Nicanor Ramos, nahawaan ng 74-anyos na lolo ang kaniyang mga menor-de-edad na apong may edad anim, 10, at 16. Kabilang ... Read More »

Tuloy ang palitan ng speaker sa Oktubre — Cayetano

TULOY ang palitan ng speaker sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Oktubre at walang mag­babago sa napag-usapan. Ito ang sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa interbyu kahapon sa radio DZBB. “Well ang usapan po kasi namin, ako ang personal commitment ko po sa ating Pangulo bilang head ng koalisyon, mag­hihintay ako ng advice n’ya sa tamang oras,” ani ... Read More »

Anomalya sa ‘foreign assisted project’ isinumbong sa Senado at sa Pangulo

ISINUMBONG ng isang Filipino-Chinese contractor kina Pangulong Rodrigo Duterte at Senate President Vicente Sotto III ang umano’y nagaganap na katiwalian sa mga ‘foreign-assisted projects’ ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Sa mga liham na ipinadala ng isang nagpakilalang Jingxy Fu, ng China Gezhouba Group Corporation Limited, na may tanggapan sa High South Corporate Tower, 26th St., corner Avenue, ... Read More »

Mega web of corruption: Lupain ng IBC-13, ‘inagaw’ (Ika-10 Bahagi)

ni ROSE NOVENARIO PANGKARANIWANG kalakaran sa lipunang Filipino na ang pribadong lupain ay nakakamkam o naipagbibili sa paluging presyo para sa pagsusulong ng proyekto ng pamahalaan. Kabaligtaran ang naging kapalaran ng mahigit apat na ektaryang lupain na pagmamay-ari ng Intercontinental Broadcasting Corportaion (IBC-13), isang sequestered, government-owned and controlled corporation (GOCC) at state-run network. Sa isang kuwestiyonableng joint venture agreement na ... Read More »

Media sapol sa Anti-Terror Law

ni ROSE NOVENARIO TALIWAS sa ipina­ngalandakan na hindi gagamitin sa malayang pamamahayag at akti­bismo ang Anti-Terror Law, unang naging ‘casualty’ ng kontrobersiyal na batas ang isang alternative media magazine. Mariing kinondena ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang pagkompiska ng mga tauhan ng Pandi Police sa libo-libong kopya ng alternative media magazine Pinoy Weekly mula sa tanggapan ... Read More »

Abogado sa Iloilo kakasa vs PECO (Kung sasampahan ng disbarment case)

ITINURING na harassment ng isang abogado sa Iloilo City ang banta ng Panay Electric Company (PECO) na sasampahan siya ng disbarment sa Korte Suprema kasunod ng pagbubunyag ng pagkakaroon ng offshore companies ng dating Distribution Utility. Ayon kay Atty. Zafiro Lauron malinaw sa bantang paghahain ng kasong disbarment laban sa kanya, nais siyang patahimikin sa isyu, iginiit ng abogado na ... Read More »

75% Pinoys pabor sa balik-ere ng ABS-CBN

TATLO sa apat na Pinoy, gustong maibalik sa ere ang ABS-CBN sa pama­magitan ng bagong prankisa na hinarang ng 70 kongresista sa Mababang Kapulungan. Base ito sa datos na lumabas sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na pinag­haha­wakang pundasyon ngayon ng anim na miyembro ng Makabayan bloc sa Kamara na humihiling na payagang pagbotohan sa plenaryo ang desisyon. Sa ... Read More »

COVID-19 hindi inatrasan… PCOO employees mas takot sa ‘gutom’ (COS, JO no work no pay)

ni ROSE NOVENARIO WALANG takot na haharapin ng ilang kawani ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang panganib ng coronavirus disease (COVID-19) kaysa mamatay sa gutom sa mararanasang “no work, no pay policy” kapag sumailalim sa 14-day quarantine. Desperado ang ilang empleyado ng PCOO na kabilang sa iniulat na 25 COVID-19 active cases ng kagawaran dahil ang kanilang employment status ... Read More »

36 LSI mula Negros Occ positibo sa COVID-19

HINDI bababa sa 35 locally stranded individuals (LSIs) mula sa lalawigan ng Negros Occidental at isang Bacolodnon ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) matapos sumailalim sa testing.   Sa mga bagong kaso, lima ay mula sa lungsod ng Sagay City, tig-tatlo mula sa bayan ng Hinigaran, at mga lungsod ng Bago, at Victorias; tigdalawa mula sa mga bayan ng Murcia, ... Read More »

Prinsipal sa Cotabato itinumba ng bala

BINAWIAN ng buhay ang isang school principal nang barilin sa bayan ng Pikit, lalawigan ng Cotabato, noong Huwebes ng umaga, 23 Hulyo.   Kinilala ni P/Capt. Mautin Pangandigan, hepe ng Pikit municipal police, ang biktimang si Abdullah Hussain, 43 anyos, residente sa Barangay Fort Pikit, sa naturang bayan.   Nabatid na si Hussain ay punong-guro ng Dagadas Elementary School na ... Read More »

Katiwalian nangangamoy sa bentahan ng rapid test kits – Barbers

DESMAYADO si Surigao del Norte 2nd district Rep. Robert Ace Barbers sa isyu ng bentahan na “unreliable rapid test kits” sa bansa habang nagbabala na isisiwalat niya ang mga nagbebenepisyo rito.   “Tingin ko mga scam ‘yung rapid (test) e. May nagnenegosyo riyan. I suspect there’s someone who is engaged in this business, which tinkers with the life of people ... Read More »

NDF peace negotiator pumanaw

IPINAGLUKSA ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang pagpanaw kahapon ni Fidel V. Agcaoili sa Utrecht, The Netherlands sanhi ng sakit sa baga.   “The National Democratic Front of the Philippines (NDFP) announces with deep sorrow the untimely passing of Ka Fidel V. Agcaoili today, 23 July 2020 at 12:45 pm in Utrecht, The Netherlands. He would have ... Read More »

‘Berdugo’ sa NPA purging timbog

IKINAGALAK ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr., ang pagkakadakip ng mga awtoridad sa sinabing berdugo ng New People’s Army (NPA) sa pagpurga sa kanilang hanay noong dekada ‘80.   Sa kalatas ay tinukoy ang naarestong rebeldeng komunista na si Felomino Salazar, Jr., dahil sa kasong 15 bilang ng kasong murder, bunsod ng papel niya bilang ‘berdugo’ ng NPA Southern ... Read More »

Empleyado pa sa Kamara patay sa COVID-19

ISANG araw matapos tanggihan ng liderato ng Kamara ang pagsasagawa ng mass testing sa mga empleyado nito, namatay ang isang 52-anyos lalaking kawani, pangatlo, dahil sa COVID-19.   “We are deeply saddened to know that he passed away early this morning,” ani House Secretary General Atty. Jose Luis G. Montales.   Ang namatay ay 52-anyos na nakatalaga sa Bills and ... Read More »

2 RTVM employees positibo sa COVID

NAGPOSITIBO sa coronavirus disease (COVID-19) ang dalawang empleyado ng Radio Television Malacanang (RTVM).   Nabatid sa source, kagabi lumabas ang resulta ng swab test ng tatlong kawani na klasipikado bilang person under investigation (PUI), at dalawa sa kanila ang nagpositibo sa COVID-19.   Ang RTVM ang naatasang ekslusibong mamahala sa broadcast ng ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni ... Read More »

‘Moso at ‘mosang contact tracer tablado sa Palasyo

PINAGTAWANAN ng Malacañang ang panukalang kunin ng pamahalaan ang mga tsismoso’t tsismosa sa pamayanan para maging contact tracer dahil ang gawaing ito’y para sa mga may kaalaman sa criminal investigation — upang matunton ang mga nakahahalubilo ng mga taong nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19)   Ang pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque ay reaksiyon sa sinabi ni Philippine National Police ... Read More »

Hamon sa PECO: ‘No offshore companies’ sa Bahamas ebidensiya ilabas — Lawyer

HINDI sapat ang pagtanggi ng Panay Electric Company (PECO) na wala silang offshore companies bagkus hinamong maglabas ng kanilang ebidensiya na magpapatunay na wala silang tagong investments sa British Virgin Islands na kilalang taguan ng illegal funds at ginagamit sa money laundering scheme. Ayon kay Atty. Zafiro Lauron, kung walang itinatago ang PECO ay madali itong makahihingi ng sertipikasyon sa ... Read More »

Mega web of corruption: IBC-13 JVA sa R-II Bldrs ipawalang bisa — COA

ni Rose Novenario INIREKOMENDANG ipawalang bisa ang pinasok na joint venture agreement (JVA) ng Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) sa R-II Builders-Primestate Ventures, Inc., dahil lugi ang gobyerno sa kasunduan. Nakasaad sa rekomendasyon ng Commission on Audit (COA) sa 2018 Annual Audit Report, “Rescind the JVA and its amendments as this will result in IBC-13 losing its share in the JVA ... Read More »

Franchise ng ABS-CBN buhay pa (Kahit ‘pinatay’ sa Kongreso)

BUHAY pa ang ABS-CBN kahit ‘pinatay’ ito sa kongreso, may dalawang linggo na ang nakararaan. Ito ang sinabi ngayon ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, na nagsabing gagawin nila ang lahat upang muling buhayin ang network. Ito ay matapos hilingin ni Zarate, kasama ang lima pang kongresista sa 305 miyembro ng Mababang Kapulungan na ratipikahan ang naging desisyon ng 70 ... Read More »

Kelot, 2 menor de edad timbog sa P1.3-M shabu

NADAKIP ang isang lalaki na sinabing ‘tulak’ ng ilegal na droga kabilang ang dalawang menor de edad sa buy bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Quezon City Police District, Southern Police District, at Parañaque Police na nakakompiska ng mahigit P1.3 milyong halaga ng shabu, sa Barangay Baclaran, Parañaque City, nitong Martes ng hapon.   Ang tatlo ay isinailalim sa ... Read More »

Scroll To Top