Thursday , April 25 2019
Breaking News
You are here: Home / News (page 27)

Category Archives: News

Feed Subscription

Parking attendant patay sa sagasa ng senglot na bokal

PATAY ang isang park­ing attendant makaraang masagasaan ng rumara­gasang kotse na mina­maneho ng isang bokal sa lalawigan ng Isabela, kahapon ng madaling-araw sa Quezon City. Sa ulat ni C/Insp. Manolo Refugia, hepe ng Quezon City Police District –Traffic Enforce­ment Sector 4,  hindi umabot nang buhay sa Capitol Medical Center ang biktimang si Celso Calacat, 50, residente sa Block 7, Gumaok ... Read More »

KTV bar waitress pinatay ng kustomer

PATAY ang isang wait­ress habang sugatan ang kahera ng KTV bar maka­raan pagsasaksakin ng galit na kustomer sa Tondo, Maynila, noong gabi ng Martes. Ang biktimang napa­tay ay si Anecita Sialo­ngo, 41, habang ang kare­ha ay kinilalang si alyas Tamayo, 67-anyos. Sa inisyal na imbes­tigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente sa KTV bar sa Juan Luna St., dakong 9:00 gabi. ... Read More »

Bertiz naospital sa alta presyon

John Bertiz NAIA

KAGAYA ng matataas na opisyal ng mga na­karaang admi-nistrasyon, ang ospital ay kanilang naging kanlungan sa panahon ng kagipitan sa politika. Kahapon, ang kon­trobersiyal na ACTS-OFW party-list Rep. ay tumakbo rin sa ospital dahil sa pananakit ng dibdib. Ayon kay House Minority Leader at Quezon Rep. Danilo Suarez, si Bertiz ay na-confine sa St. Luke’s Medical Center. Hindi umano naka­ka­tulog ... Read More »

Joel Maglunsod sinibak ni Digong (Crackdown sa KMU umpisa na)

Joel Maglunsod Rodrigo Duterte

SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte si Labor Underscretary Joel Mag­lunsod, ang huling opi­syal sa kanyang administrasyon na rekomen­dado ng National Demo­cratic Front (NDF). Hindi direktang ti­numbok ng Pangulo ang dahilan ng pagpapaalis niya kay Maglungsod ngunit hindi ikinubli ang pagkapikon sa patuloy na pagsasagawa ng strike ng mga obrero na nakaa­apekto aniya sa ekono­miya ng bansa. “Pero ang solusyon talaga ... Read More »

Mocha ‘di absuwelto sa resignasyon (Andanar dapat sumunod kay Uson)

Mocha Uson Martin Andanar

HINDI ligtas si Assistant Secretary Mocha Uson sa pananagutan matapos siyang mag-resign sa puwesto sa Presidential Communications Operations Office (PCOO). Ayon kay Rep. Salva­dor Belaro, ng 1-Ang Edukasyon Party-list, ang hepe ng PCOO na si Sec. Martin Andanar, ay dapat rin sumunod kay Uson. Ang pagbibitiw ni Uson, ani Belaro ay isang gintong oportunidad para sa Malacañang at sa PCOO ... Read More »

Resignation ni Mocha aprub kay Duterte

Hataw Frontpage Resignation ni Mocha aprub kay Duterte

KINOMPIRMA ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson. Sinabi ni Go, kama­kalawa ng hapon natang­gap ni Pangulong Duterte ang resignation letter ni Uson. Ayon kay Go, inire­respeto nila ang naging desisyon ni Uson at pinasasalamatan nila ang kanyang serbisyo. Magugunitang naging kontrobersiyal si Uson ... Read More »

Killer ng 9-anyos stepdaughter arestado

ARESTADO sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Batasan Police Station 6, ang lalaking hinihinalang pumatay sa kanyang 9-anyos stepdaughter sa Brgy. Payatas, Quezon City, kahapon umaga. Sa ulat ni Supt. Joel Villanueva, hepe ng Batasan PS 6, dinakip si Mark Christian Cayetano, 24, construction worker at residente sa 23 Luzon St., Brgy. Payatas B sa nasabing lungsod, ... Read More »

Drug personality, 1 pa tiklo sa parak

BAGSAK sa piitan ang isang lalaking kabilang sa drugs watchlist at kanyang kasama nang maaktohang bumabatak ng ilegal na droga sa isang apartment sa Pasay City, kamakalawa ng hapon. Nakakulong sa detention cell ng Pasay City Police ang mga suspek na sina Vicente Dineros, nasa drugs watchlist, 43, may asawa, tint installer, at residente sa Champaca St., Brgy. 137, Zone ... Read More »

Pot session niratrat, 3 patay (Sa San Pablo, Laguna)

TATLONG lalaki ang patay makaraan pagbabarilin ng naka-bonnet na mga suspek habang bumabatak umano ng ilegal na droga ang mga biktima sa isang kubo sa San Pablo, Laguna, nitong Martes. Ayon sa ulat, sinasabing posibleng onsehan sa droga ang dahilan ng pagpatay kina Jesus Cuevas Carabio, Henry Royo Rubina at Ramon Malones. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, limang suspek ang ... Read More »

La Union mayor, 2 pa patay sa ambush

PATAY ang mayor ng bayan ng Supiden sa lalawigan ng La Union ma­karaan pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek nitong Lunes ng gabi, ayon sa pulisya kahapon. Ayon kay Bangar Police C/Insp. Cirilo Butigan, si Mayor Ale­xander Buquing at kan­yang misis na si Vice Mayor Wendy Buquing, ay pauwi sa kanilang bahay nang harangin ng mga suspek ang kanilang sasakyan ... Read More »

NPDC sa NHI alis na kayo sa Luneta

Penelope Belmonte NPDC

PINAAALIS ng Natonal Parks and Development Committe (NPDC) ang National Historical Institute (NHI) sa compund ng Luneta dahil natapos na ang kanilang kontrata noong Disyembre 2017 pa. Ayon kay Malou Reyes, chief of staff ni NPDC Executive Director Penelope Belmonte, masyado nang mahaba ang palugit na ibinigay nila sa NHI pero nagmamatigas pa rin umano ang mga opisyal ng naturang ... Read More »

Kalahating bilyong kita sa STL hindi inire-remit sa PCSO

STL PCSO money

LANTARANG inihayag ni Philippine Charity Sweepstakes Office Director Sandra Cam na umaabot sa mahigit kalahating bilyong piso ang hindi inire-remit sa PCSO ang singil sa Small Town Lottery (STL). Sinabi ni Cam, malaking pera ang nawawala sa kaban ng  PCSO dahil sa kagagawan ng mga delinkuwenteng STL operators na ‘pino­proteksiyonan’ umano ng ilang tiwaling opisyal ng PCSO. “Lumaki nang lumaki ... Read More »

Only Pinoy sa Central Sulawesi, ligtas

LIGTAS ang bukod tanging Filipino nang yanigin ng 7.5 magnitude earthquake at manalasa ang tsunami sa Central Sulawesi, Indonesia ni­tong Biyernes na ikina­matay nang mahigit 800 katao. Ito ang ulat ng Depart­ment of Foreign Affairs (DFA) sa Mala­cañang kahapon, ayon kay Presidential Spokes­man Harry Roque. Ayon kay Philippine Ambassador to Indonesia Leehiong T. Wee, kasalu­kuyang nasa Lapas Penitentiary ang Filipino ... Read More »

400 patay sa tsunami sa Sula­wesi, Indonesia

MAHIGIT 400 katao ang iniulat na namatay sa 7.5 lindol na sinundan ng tsunami sa isla ng Sula­wesi, Indonesia. Umabot sa anim na metro ang taas nang humampas na alon at inanod ang mga residente kasama ang kanilang mga ari-arian. Nagpahayag ng paki­kiramay ang Filipinas sa kalunos-lunos na sinapit ng mga taga-Indonesia. Naghahanda ngayon ang Filipinas sa pagpa­padala ng tulong ... Read More »

4 Chinese sa kidnapping ng kababayan pinalaya ng Pasay Police

ARESTADO ng mga tauhan ng Pasay City Police ang apat Chinese national nang dukutin at saktan ang isang kapwa Chinese na may mala­king utang sa kanila, sa loob ng isang hotel sa lungsod, iniulat ng Southern Police District (SPD) kahapon. Kahapon, sinabi ni Pasay City Police chief, S/Supt. Noel Flores,  wala na sa kanilang kus­todiya ang mga suspek na sina ... Read More »

11-anyos PH Wushu Taolu athlete nahulog sa kama patay

Rastafari Daraliay Wushu Taolu athlete

BINAWIAN ng buhay ang isang 11-anyos Wushu Taolu junior athlete at miyembro ng Philippine team, nang mahulog mula sa tinu­tulugang double deck sa Philippine Center for Sports Medicine Buil­ding, Rizal Memorial Sports Complex sa P. Ocampo St., Malate, Maynila, kamakalawa. Isinugod sa Adven­tist Medical Hospital ngunit nalagutan ng hininga ang biktimang si Rastafari Daraliay, resi­dente sa Block 7, Lot 7, ... Read More »

‘2 private firms only’ hinataw (Tower providers pumalag kay RJ)

Hataw Frontpage PINOYS TIWALA KAY LENI, 2 PRIVATE FIRMS ONLY HINATAW

HINAGUPIT ng industry giant American Tower Corp., at  ng Telenor Norway  ang panukala ni Presidential  Adviser on Economic Affairs and Information Technology Communications Ramon Jacinto na limitahan sa dalawang kompanya ang papayagang maging tower providers sa bansa. Ginawa ni Manish Kasliwal, chief business officer ng American Tower sa Asia, at ng kinatawan ng Telenor Norway, ang pahayag sa kauna-una­hang public ... Read More »

Pinoys tiwala kay Leni (Duterte sadsad sa ratings, Bongbong, binara ng PET)

Hataw Frontpage PINOYS TIWALA KAY LENI, 2 PRIVATE FIRMS ONLY HINATAW

NAG-IIBA na ang ihip ng hangin para kay Vice President Leni Robredo, ngayong lumalakas ang tiwala sa kaniya ng mga Filipino sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Sa Third Quarter Survey na inilabas ng Pulse Asia, nakitang lu­ma­kas ang suporta ng pinakamahihirap na Fili­pino kay Robredo. Mula 50 percent noong Hunyo 2018, umarangkada ito ng 16 percent, kaya nasa 66 ... Read More »

Flood control sa 3 probinsiya sa Central Luzon kailangan — GMA

GMA Gloria Macapagal Arroyo Flood control

BINIGYANG importansiya ni House Speaker Gloria Maca­pagal Arroyo ang isang master plan para sa flood control sa tatlong probinsiya sa Gitnang Luzon kasama ang Pampanga, Nueva Ecija at Bulacan. Ayon kay Arroyo impor­tanteng magkaroon ng flood control dahil sa dalas ng sakuna sa bansa. Sa pakikipag-usap sa mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH), iginiit ni Arroyo ... Read More »

ERC dapat managot sa asuntong Graft

SAMPAHAN ng kaso ang pamunuan ng Energy Regulatory Commission (ERC) dahil sa muli nitong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Ito ang naging rekomendasyon ng dalawang komite ng Kongreso makaraang matapos ang imbestigasyon kaugnay sa suspensiyon ng ERC sa Competitive Selection Process (CSP). Sa pinal na ulat, ang ERC Resolution No. 1, Series of 2016 ... Read More »

BOC, port officials ipinahihiya ng mga tiwali sa gobyerno

NAGSASABWATAN ang mga corrupt na opisyal ng gobyerno para hiyain ang mga pinuno ng Bureau of Customs (BOC) na gumaganap sa kanilang tung­kulin. Inihayag ito ng isang Customs official na tumangging magpabanggit ng pangalan, bilang reaksiyon sa naganap na pagdinig noong Huwebes sa House committee on danger­ous drugs at Committee on good government hinggil sa sinabing drug shipment na itinago umano ang ... Read More »

Libreng sakay ng Senior Citizens sa LRT-2 at MRT-3, inihayag ni Rep. Datol

SIMULA sa araw na ito, 1-7 Oktubre 2018, ay libreng makasasakay ang mga Senior Citizen sa Metro Rail Transit-3 at Light Rail Transit-2. Inihayag ito ni kahapon ni Senior Citizens Party-List Rep. Francisco Datol Jr., kaugnay ng pagdiriwang ng “Elderly Filipino Week” base sa mga tugon nina MRT-3 General Manager Rodolfo Garcia at LRT Authority Administrator Reynaldo Berroyo sa kanyang ... Read More »

P53-M jackpot sa Grand Lotto solong napanalunan

MAHIGIT P53 milyon ang iuuwi ng isang mananaya makaraan tumama sa nitong Miyerkoles. Ayon sa PCSO, ang winning combination ay 34-09-28-24-19-42. Samantala, inaa­sa­hang mahihigitan ng Ultra ­Lotto 6/58 sa Biyernes, ang pinakamalaking jack­pot prize noong 2010 na P741 milyon. Ito ay dahil walang tumama sa winning com­bination noong Martes na pumalo na sa P734 milyon. Read More »

Inflation tututukan, federalismo ‘tabi muna

PAGLABAN sa pagtaas ng presyo ng bilihin ang prayo­ridad ng Palasyo kaya isinantabi muna ang ibang isinusulong na adbo­kasiya gaya ng federa­lismo. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kinikilala ng administrasyon na pangunahing dapat pagtuunan ng pansin ay bigyan solusyon ang pag­lo­­bo ng inflation kaysa fede­ralismo. “Well, of course, right now, the foremost priority of the administration is fighting inflation. ... Read More »

Jason Aquino wala na sa NFA (Palasyo sinopla si Piñol)

Manny Piñol Jason Aquino NFA rice

WALA na ni katiting na papel sa National Food Authority (NFA) at NFA Council si Jason Aquino taliwas sa paha­yag ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na hanggang Oktu­bre pa siya mananatiling NFA administrator. Sa Palace press briefing kahapon, sinabi ni Presidential Spokes­man Harry Roque, ini­linaw ni Special As­sistant to the President Christopher “Bong” Go na hindi na konektado si Aquino ... Read More »

Scroll To Top