Sunday , October 20 2019
Breaking News
You are here: Home / News (page 21)

Category Archives: News

Feed Subscription

Dahil sa nakalusot na P1-B droga… BoC at PDEA official ipatatawag ng Senado

NAKATAKDANG ipatawag ng senado ang mga opisyal ng Bureau of Customs (BoC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bunsod ng panibagong pagkakalusot ng 140-kilos ng droga sa Aduana na nagkakahalaga ng P1-bilyon. Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, Chairman ng Public Order Committee ng Senado, sa pagbubukas ng 18th Congress ay ipatatawag niya sina BOC Comm. Leon Guerrero at dalawa nitong ... Read More »

Comelec kinondena sa ‘pagkontra’ sa utos ni Duterte laban sa Smartmatic

KINONDENA ng grupong Mata sa Balota ang hayagang ‘pagkontra’ ng Commission on Elections (Comelec) sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na palitan ang Smartmatic ng kompanya na malinis sa kahit anong klaseng anomalya. Sa opisyal na pahayag ni Mata kay Balota Movement (MSBM) Chairman Atty. Leo O. Olarte, M.D., abogado at dating presidente ng Philippine Medical Association at kasalukuyang vice president ... Read More »

Loren ‘komedyante’ — ATM

PINAGTAWANAN ng  Anti-Trapo Movement (ATM) ang pahayag ni  Senator Loren Legarda na dahil sa delicadeza ay hindi siya  lumahok sa botohan para sa super franchise ng kanyang anak na minadaling aprobahan ng senado. “The Constitution prohibits her from having direct or indirect interest in a franchise granted by the Government. It is established that her being the mother of the ... Read More »

US, hinihingi social media details sa lahat ng visa applicants

SINIMULAN na ‘umano’ ng gobyerno ng Estados Unidos na hingin ang detalye ng mga social media accounts ng visa applicants. Ito raw ay bahagi ng mas pinaigting na screening ng mga potensiyal na immigrants at mga bisita na ipinatupad ng administrasyon ni US President Donald Trump. Batay sa ulat, maliban sa social media usernames, inoobliga rin ang mga aplikante para ... Read More »

6 sugatan, ospital at iba pang gusali napinsala sa pagsabog sa tea house sa Maynila

SUGATAN ang anim katao sa nangyaring pagsabog sa Maynila kahapon, Linggo ng umaga. Natunton ang pinagmulan ng pagsabog sa Yogurt & Teahouse sa Gastambide Street, Sampaloc, Maynila. Apektado rin sa pagsabog ang katapat nitong Jashley Hydro Refilling Station at ang mga kalapit na gusali. Nasira ang kanilang roll-up na pintuan, habang nabasag ang glass windows ng Mary Chiles General Hospital ... Read More »

P.6-M shabu nakuha sa dalawang tulak

DALAWANG big time drug traders ang naa­res­to ng pulisya na na­kom­piskahan nang ma­hi­git sa P.6 milyong halaga ng shabu sa iki­nasang buy bust ope­ration sa Malabon City kahapon ng madaling araw. Kinilala ng hepe ng Malabon police na si P/Col. Jessie Tamayao ang mga suspek na sina Marlon Solano, alyas Bombay,  32 anyos, residente s Block 54, Lot 21, Phase 3F2 Dagat-Dagatan, at Matthew Von ... Read More »

Dagdag oil explorations vs balik brownouts

MAAARING dumanas ng regular na power inter­ruption ang bansa hang­gang hindi nagaga­wang sapat ang numinipis na oil at gas reserves at maisu­long ang energy inde­pen­dence sa mga susu­nod na taon. Batay sa pag-aaral na isinagawa ng mga eks­perto, patuloy sa pagba­ba ang oil at gas reserves ng Filipinas na nagbu­bun­sod upang umasa ang ban­sa sa pag-aangkat ng nasabing produkto. Malaki rin ang epek­tong dulot  ng importa­syon sa presyo at supply ng oil at gas. Nagpahayag ng pa­ngam­ba ang mga eksperto na kapag hindi nabigyang solusyon ang nasabing ... Read More »

PBS kasado vs Erwin Tulfo

INIIMBESTIGAHAN ng Philippine Broadcasting Service  (PBS) ang episode ng programa ng komen­taristang si Erwin Tulfo na minura at pinag­bantaan si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bau­tista sa government-run radio station Radyo Pilipinas. Nabatid sa source sa Radyo Pilipinas na anomang araw ay ilalabas ng Program Content and Development Committee ang kanilang rekomen­dasyon sa kahihinatnan ng programa ni ... Read More »

Margaret Ty, patong-patong kaso sa korte

PITONG kaso ng estafa at pag-iisyu ng mga talbog na tseke ang kinakaharap ngayon  sa iba’t ibang korte sa Metro Manila ni Margaret Ty-Cham, ang itinakwil na anak ng yumaong Metro­bank founder George Ty.  Mga negosyante, alahera, private lenders, banko at maging credit card company ang nag­sam­pa ng mga kasong estafa at paglabag sa Batas Pambansa 22 o Bouncing Checks Law laban ... Read More »

House speaker dapat dikit ni Duterte MARGARET TY, PATONG-PATONG KASO SA KORTE

KONTROBERSIYAL ang larawan na kuha mula sa Japan, kasama ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tatlong House Speaker wannabes na sina Taguig Rep. Alan Peter Caye­tano, Marinduque Rep. Lord Allan Velaso, at Leyte Rep. Martin Romual­dez, pero para sa isang political analyst marami man ang naglalaban sa House Speakership sa bandang huli ay kung sino ang nakakasama ng Pangulo sa umpisa ... Read More »

Walang korupsiyon garantiya ni Duterte sa Japanese investors

TOKYO – Tiniyak ni Pangu­long Rodrigo Du­ter­te sa mga negosyan­teng Hapones na walang makasasagabal sa kanil­ang pamumuhunan sa Filipinas dahil papatayin niya ang problema. Aabot sa P300-B ang ilalagak na kapital ng Japanese investors sa Filipinas na lilikha nang mahigit 80,000 trabaho para sa mga Pinoy batay sa mga trade agreement na nilagdaan ng Filipinas at Japan sa pagbisita ng ... Read More »

Asec. Delola ng DOE ‘sinilip’ sa Kongreso

IPINABUBUSISI ng Kongreso ang kahina­hinalang pagpabor ni Depart­ment of Energy (DoE) Asec. Redentor Delola sa isang kompan­ya ng supplier ng koryente sa Mindanao. Kinakitaan umano ng “conflict of interests” o espesyal na proteksiyon sa isang kompanya na ipinagbabawal saan­mang ahensiya ng pama­halaan. “Kailangan maim­bestigahan ang isyung ito. Dahil kung siya nga ay may pinoprotektahan o pumabor sa isang kom­panya. Aba, ... Read More »

Garapalan sa Speakership… Vote buying suportado ng tycoons

DESMAYADO ang isang mamba­batas sa aniya’y lantarang pagpo­pondo ng isang business tycoon sa isang top contender sa House Speakership sa pamamagitan ng panunuhol o vote buying sa mga kongresista para makuha ang kanilang boto. Sinabi ni Alliance of Concerned Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio hindi na bago ang isyu na may malalaking negosyante ang nasa likod ng pagpopondo sa mga ... Read More »

Comelec nagbabala sa mga nanalong kandidato: Walang SOCE, ‘di makauupo sa puwesto

BINALAAN ng Commis­sion on Elections (Comelec) ang mga nag­sipanalong kandidato sa katatapos na midterm elections nitong 13 Mayo na hindi sila makauiupo sa puwesto kapag hindi sila nakapagsumite ng kanilang statement of contributions and expen­ditures (SOCE) bago o sa 13 Hunyo. Sa opisyal na paha­yag, ipinaliwanag ni Comelec education and information director James Jimenez na: “sa ilalim ng batas, kinakai­langan ... Read More »

Gov’t officials pinagbawalang pumunta sa Canada

ANG pagbabawal sa mga opisyal ng pamahalaan na magpunta sa Canada ay bahagi ng patakaran ng administrasyong Duterte na dumistansiya sa Otta­wa dahil sa pagkaantala nang pagbabalik ng basu­ra ng Canada mula sa Filipinas, ayon sa Palasyo. Kamakailan ay inutu­san ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng pamahalaan na itigil ang pagbibigay ng mga travel authority para sa official ... Read More »

Alejano sa PMA Mabalasik Class: Huwag tularan upper classmen na naging corrupt

PINAALALAHANAN ni Magdalo Rep. Gary Ale­jano ang Mabalasik Class ng Philippine Military Academy na nagtapos ngayon na laging alala­hanin ang idealismo na natutuhan sa Academy. “Laging isapuso ang pagmamahal sa bayan, at ang pagiging tapat sa tung­kulin sa lahat ng panahon. Kayo ay sun­dalo ng bayan at hindi ng iilan. Samot-sari ang tukso sa serbisyo kaya da­­pat maging matatag. Alalahaning ... Read More »

Payo kay ex-SAP Bong Go: Politika, karahasan iwasan — Duterte

HUWAG magpadala sa politika at iwasan ang paggamit ng karahasan. Ito ang payo ni Pa­ngu­long Rodrigo Duterte kay incoming senator Christopher “Bong” Go sa ginananp na thanksgiving party para sa kanyang longtime aide kama­kalawa sa Davao City. Anang Pangulo, maa­aring tumagal nang hang­gang 12 taon sa Senado si Go kapag ginampanan nang mabuti ang tung­kulin at bigyan pra­yori­dad ang mga ... Read More »

Mag-ina tumilapon sa bangga ng jeepney, Baby utas ina kritikal

PATAY ang isang-buwang gulang na sanggol habang kritikal ang kala­gayan sa pagamutan ng kanyang ina matapos mabangga ng humaharurot na pampasaherong jeep habang naglalakad sa gutter ng kalsada sa Navotas City, kahapon ng umaga. Isinugod ng nagres­pondeng JRY ambulance si Kaehll Ejija Mariano sa Navotas City Hospital na hindi na umabot nang buhay sanhi ng pinsala sa ulo at katawan. ... Read More »

Proyekto ng Manila Water para sa ‘cross-border water sharing’, patuloy na isinasagawa

Nakapaglatag na ang Manila Water ng 300 mm na pipeline sa kahabaan ng Tandang Sora Avenue sa Quezon City. Nagbigay-daan ito upang maibahagi ang hanggang 2.5 million liter per day (MLD) na tubig mula sa West Zone concession area ng Maynilad papuntang East Zone ng Manila Water sa pamamagitan ng “cross-border sharing”. Nangako ang Maynilad na magbabahagi ito nang hanggang ... Read More »

Sa Shangrila BGC… Negosyante arestado sa P8.5-M party drugs

NAARESTO ng mga operatiba ng Taguig police at Philippine Drugs Enforcement  Agency (PDEA) ang isang lalaking negosyante na hinihi­nalang miyembro ng sindikato. Nakompiska ang aabot sa P8.5 milyong halaga ng party drugs sa isang five-star hotel sa naturang lungsod kama­kalawa. Kinilala ng pulisya ang suspek na si Domi­ngo Tanyao Uy Jr., 44, Filipino Chinese, nego­syante, may address na 2803 Balete ... Read More »

5-taon basura ng Canada ‘itatapon’ pabalik ni Duterte

NAPIKON na si Pangulong Rodrigo Duterte kaya gagastusan na ang pagbabalik sa Canada ng mga basura nilang limang taon nang nakatambak sa bansa. “President Rodrigo Roa Duterte is upset about the inordinate delay of Canada in shipping back its containers of garbage. We are extremely disappointed with Canada’s neither here nor there pronouncement on the matter,” ayon kay Presidential Spokesman ... Read More »

PhilSA aprub

PASADO sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang batas na layong buuin ang Philip­pine Space Agency (PhilSA). Ipinanukala ni Sen. Benigno “Bam” Aquino IV, ang Senate Bill No. 1983 o ang “Act Esta­blishing the Philippine Space Development and Utilization Policy and Creating the Philippine Space Agency.” Ayon kay Aquino, ang paglulunsad sa isang space program ay maka­pagbibigay sa ... Read More »

Gastos pag-uwi ng labi ni Dayag mula Kuwait kinargo ng DFA

SASAGUTIN ng Depart­­ment of Foreign Affairs (DFA) ang gastusin sa pagpapauwi ng labi ng overseas Filipino works (OFWs) na napatay ng kanyang employer sa Kuwait kamakailan. Nagpaabot ng pakiki­ramay ang ahensiya sa pangunguna ni Secretary Teodoro  “Teddy” Locsin sa pamilya ng OFW na namatay nang dalhin sa Al-Sabah Hospital, Ku­wait nitong 14 Mayo na idineklarang dead on arrival. Kinilala ang ... Read More »

‘Pabayang’ Comelec execs kinasuhan sa Ombudsman

SINAMPAHAN ng ka­song administratibo ng Mata Sa Balota Movement at ng ilang non-govern­ment organizations (NGOs) ang mga ‘non impeachable’ officials ng Commission on Election (Comelec) sa Office of the Ombudsman  bunsod sa hindi pagpapatupad ng pinakamahalagang baha­gi ng Automated Election System (AES) law na nagdulot ng kali­wa’t kanang ulat ng ka­pal­pakan ng mga makina at proseso sa katatapos na 13 ... Read More »

Cannabis (MJ) oil sa vape cartridge nasabat sa CMEC

HINULI ng mga tauhan ng Philippines Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang Filipino American national nang kunin sa Central Mail Exchange Center ang 30 vape cartridge na nagla­laman ng cannabis oil sa Domestic Road, Pasay City kahapon. Dakong 12:30 pm nang hulihin ang suspek na si Hamre Tamayo Orion Alfonso, 27, ng Wisconsin USA  na nag­mamay-ari ng shipment mula China, kasalu­kuyang ... Read More »

Scroll To Top