Tuesday , January 28 2020
Breaking News
You are here: Home / News (page 2)

Category Archives: News

Feed Subscription

P50-M hatag ni Digong sa biktima ng Taal eruption

BINIGYAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ng P50 milyon ang mga lokal na pamahalaan ng Batangas na naapektohan ng pag­sabog ng bulkang Taal. Nagtungo kahapon ang Pangulo sa PUP Gymnasium para pangu­nahan ang pamamahagi ng food packs sa mga bakwit. Sinabi ni Sen. Christopher “Bong” Go, binigyan ni Pangulong Duterte ng tig-limang milyong piso ang Lipa City, Agoncillo, Tanauan, Mabini, Batangas ... Read More »

‘Window hours’ sa Batangas, ipinahinto ni Año

IPINATIGIL ni Depart­ment of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang implementasyon ng ‘window hours’ na ipinagkakaloob nila para sa ilang nagsilikas na residente ng Batangas na nais bumalik sa kanilang mga tahanan upang kunin ang kanilang mga personal na gamit o ‘di kaya’y pakainin ang kanilang mga alaga, na naiwan sa kanilang mga tahanan na direktang tinamaan ng ... Read More »

Lola, 2 Maria patay 3 sugatan sa sunog sa QC at Tagbilaran

NALITSON nang buhay ang 65-anyos lola habang dalawang paslit na Maria ang nilamon ng apoy sa mga sunog na naganap sa Quezon City at lungsod sa Tagbilaran, nitong Linggo ng gabi. Iniulat na tatlo ang sugatan nang hindi maka­labas sa nasusunog nilang tahanan sa Bara­ngay Sto. Domingo, Quezon City. Kinilala ni Maj. Gilbert Valdez, Deputy Fire Mashal ng Bureau of Fire ... Read More »

Pangako napako — Colmenares… Cell sites ng 3rd telco apurahin

DAPAT silipin ng Kongreso ang progreso ng operasyon ng third telco na Dito Telecom kasunod ng report na nahuhuli sa kanilang ipinangakong target na pagsisimula ng operasyon, ayon kay dating Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares. Sinabi ni Colmenares, ikalawang quarter ng 2020 ang nakatakdang pilot testing ng Dito Telecom subalit lumilitaw na kulang-kulang pa rin ang pasilidad nito gaya ... Read More »

Kontratang UP-Zobel de Ayala binubusisi na ng Palasyo

BINUBUSISI na rin ngayon ng Palasyo ang isa pang kontrata na pinasok ng negosyanteng si Fernando Zobel de Ayala sa pamahalaan. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, iimbestigahan na ang kontrata ng mga Ayala sa University of the Philippines Ayala Land Technohub sa Quezon City. Ayon kay Panelo, napag-alaman niya na umuupa lamang si Ayala ng P20 kada square meter ... Read More »

Duterte inimbita ni Trump sa US Asean Summit

INANYAYAHAN ni US President Donald Trump si Pangulong Rodrigo Duterte para dumalo sa US-ASEAN Summit na gaganapin sa Las Vegas sa 14 Marso 2020. Sa kalatas na inilabas ng Palasyo kahapon, nakasaad na bukod kay Pangulong Duterte, inim­bi­tahan rin ni Trump ang siyam na leaders ng mga bansang bumubuo sa ASEAN. Unang inihayag ang paanyaya ni Trump noong ASEAN Summit and ... Read More »

Panelo sinopla si Lacson

“TALK to your lawyers, hindi ka naman abo­gado.” Ito ang buwelta ng Palasyo sa pahayag ni Sen. Panfilo Lacson na mauuwi sa constitutional crisis ang nakaambang paghahain ng quo warranto petition ng Office of the Solicitor General sa Korte Suprema para sa prankisa ng ABS-CBN. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, mas maka­bubu­ting kumonsulta muna si Lacson sa kanyang mga ... Read More »

Quo warranto ihahain sa SC… Calida atat sa ABS-CBN

WALANG basbas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang plano ni Solicitor General Jose Calida na bawiin ang prankisa ng ABS-CBN, ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo. Ang pahayag ay ginawa ni Panelo kasu­nod ng plano ni Calida na maghain ng quo warranto petition sa Korte Suprema na kumukuwestiyon sa ‘validity’ ng prankisa ng naturang TV network. Ayon kay Panelo, ang plano ... Read More »

Digong lumagda sa one-time gratuity para sa JO, kontraktuwal sa gobyerno

NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang one-time gratuity pay para sa job order at contract of service workers sa gobyerno. Pinirmahan ng Pangulo ang Administrative Order No.20 na nagbibigay ng maximum na P3,000. “Granting a year-end gratuity pay to JO (job order) and COS (contract of workers is a well-deserved recognition of their hard work,” ayon sa order ng Pangulo. (ROSE ... Read More »

Health audit sa bakwit kailangan gawin — Imee

DAPAT gawing prayoridad ngayon ng Department of Health (DOH) at Barangay Health Workers ang health audit sa lahat ng bakwit lalo sa mga pasyenteng senior citizen na may malubhang karamdaman. Ayon kay Senador Imee Marcos, kailangan agad mabigyan ng tulong medikal dahil delikado sa kalusugan ang manatili sa evacuation centers. Sinabi ni Marcos, prayoridad ang mga buntis at mga bata ... Read More »

RDC Bilibid sorpresang ginalugad ni Bantag

NASAMSAM ng mga tauhan ng Bureau of Correction (BuCor) ang iba’t ibang uri ng kontrabando kabilang ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu matapos magsa­gawa ng Oplan Galugad sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) kahapon ng madaling araw. Nagsagawa ng sorpre­sang operasyon sa pangu­nguna ni BuCor Director General Gerald Bantag sa loob ng Reception and Diagnostic Center ng NBP ... Read More »

10K barangay officials, bubulabugin ni Isko

BUBULABUGIN ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang 10,000 barangay officials sa Maynila upang makiisa sa patuloy na pagsusumikap ng lokal na pamahalaan sa paglilinis at pagsasaayos ng Lungsod. “Balewala ang pagliling­kod nang tapat at sigasig ng gobyerno kapag ang tao, ‘di nag-participate… impor­tante na tulungan ninyo ang city government hindi para sa atin kundi para sa mga susunod na ... Read More »

‘Kamay ng Malacañang’ gumagalaw vs prankisa ng ABS-CBN — Defensor (Palasyo naghugas ng kamay)

HALATANG gumaga­law ang Malacañang laban sa prankisa ng dambuhalang ABS-CBN Network matapos mag­hain ang Office of the Solicitor General ng petisyon sa pagbawi nito. Ayon kay Anak Kalusugan Rep. Mike Defensor, malinaw na ang ehekutibo ay hindi sang­ayon sa pagpapalawig ng prankisa ng nasabing network. “The OSG by filing a petition to revoke the ABS -CBN franchise is a clear ... Read More »

Koordinasyon ng Iraqi Embassy malaking tulong sa PH — DFA

MALAKI ang papel ng Iraqi Embassy sa Maynila sa nagpapatuloy na repatriation ng mga Filipino sa Iraq, ito ang inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA). Ayon sa DFA, sa pakikipagtulungan ng naturang Embahada, napabibilis ang proseso sa pagpapauwi sa ating mga kababayang naiipit sa kaguluhan sa Middle East o Gitnang Silangan. Nitong Miyerkoles, tagumpay na nakauwi sa bansa ang unang ... Read More »

Gulay mula sa Benguet patuloy na dumaragsa para sa mga bakwit ng Taal

DARATING pa ang mara­ming gulay mula sa lalawigan ng Benguet para sa mga biktima ng pagsabog ng bulkang Taal dahil sa patuloy na relief operations ng mga lokal na maggugulay ng lalawigan. Ayon kay Agot Balanoy ng League of Associations in the La Trinidad Vegetable Trading Post, nakapag-ipon sila ng 3,000 kilo ng sari-saring gulay mula sa kanilang mga miyembro ... Read More »

Tulong sa mga biktima ng pagsabog ng Taal, ipinadala ng Bulakeños

PERSONAL na dinala ni Governor Daniel Fernando kasama si P/Col. Emma Libunao, police provincial director ang tulong mula sa pamahalaang panlalawigan ng Bulacan para sa mga biktima ng pagputok ng bulkang Taal sa Batangas. Nagkaloob ng tulong-pinansiyal ang gobernador na nagkakahalaga ng isang P1 milyon at 500 packs ng relief goods sa mga Bata­ngueño na tinanggap ng kanilang punong panlala­wigan ... Read More »

2 patay, 82,000 bakwit inilikas sa Taal eruption

DALAWA katao pa ang binawian ng buhay dahil sa cardiac arrest habang patu­ngo sa mas ligtas na lugar kasunod ng pagsabog ng bulkang Taal noong Linggo, 12 Enero, habang mahigit sa 80,000 residente sa 14-kilometer radius permanent danger zone ang ligtas na nailikas ng pamahalaan, iniulat kahapon. Kinilala ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (BPDRDMO) ang mga ... Read More »

Sa pakikialam sa kontrata sa tubig… Ph infra projects apektado

MAKASASAMA sa public-private part­ner­ship deals para sa  mga proyektong  pang-impra­estruktura ng bansa ang pakikialam ni Pangulong Rodrigo Duterte sa  water con­cession agreements ng Manila Water Co. Inc., at ng Maynilad Water Services Inc., gayondin ang pagbabanta niya na hindi ire-renew ang prankisa ng ABS-CBN. Ito ang babala ni Romeo L. Bernardo ng Global Source Partners, country analyst for the Philippines, ... Read More »

PWD, 3 paslit na mag-uutol, ina, isa pa patay sa sunog

PATAY ang anim katao na kina­bibilangan ng person with disability (PWD), tatlong paslit na magka­kapatid, ang kanilang 36-anyos ina, at isa pang lalaki sa sunog na naganap nitong Huwebes nang madaling araw sa Yuseco Street, Tondo, Maynila, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP). Kinilala ang mga namatay na biktimang sina Jean Paul Esguerra, PWD, 42 anyos; si Odessa Conde, ... Read More »

4 ‘tulak’ huli sa droga, pampasabog, baril at bala

DINAKIP ang apat na hinihinalang ‘tulak’ ng shabu nang makompis­kahan ng droga, pampa­sabog, baril at bala sa iki­nasang buy bust operation ng mga ope­ratiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa lungsod, nitong Miyer­koles ng madaling araw. Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Ronnie Montejo ang apat na sina Michael Meneses alias Warlito, 38 anyos, residente sa ... Read More »

1,000 sundalo ng AFP tumulak sa ME para sa paglikas ng Pinoys

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo ang kanyang buong suporta sa mga tropang Pinoy na nagtungo sa Gitnang Silangan para tumulong sa paglikas sa overseas Filipino workers (OFWs). Sa kanyang talumpati sa send-off program kahapon sa Pier 13 sa Port Area, Maynila, sinabi ng Pangulo na kanyang ipag­darasal ang tagumpay ng misyon. “There will be imponderables to reckon with. Hindi natin alam. ... Read More »

DFA nagpapauwi na ng distressed OFWs

NAGSIMULA nang magpauwi ng overseas Filipino workers (OFWs) ang Department of Foreign Affairs (DFA) na pinangunahan ng 13 Pinoy na dumating sa bansa kaugnay ng matinding tensiyon sa Iran at Iraq. Inihayag ng DFA, dakong 4:00 pm kahapon dumating ang 13 Pinoy sa pamamagitan ng embahada ng Filipinas sa Iraq. Sila ay kinabibi­langan ng dalawang grupo ng Pinoy workers mula ... Read More »

Walang pagtaas ng presyo ng isda sa Maynila kahit may shortage — Isko

PINAYOHAN ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang fish dealers na huwag magtaas ng presyo ng isda lalo ang bangus at tilapia kahit may ulat na may kaku­langan o shortage dahil sa nararanasang kala­midad sa southern Tagalog partikular sa Batangas at Laguna. Ayon kay Moreno, ang nasabing mga produkto ay mangga­galing sa Central Luzon at Cordillera Adminis­trative Region para punan ... Read More »

Ulo nasugatan, mukha nagasgas… Babae nahulog sa riles ng LRT1

ISANG pasaherong babae ang sugatan nang mahulog sa riles ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 makaraang mahilo sa Doroteo Jose Station sa Sta, Cruz, Maynila kaha­pon ng umaga. Dahil sa pangyayari, pansamantalang itinigil ang operasyon ng LRT Line 1 upang mabigyan ng tulong  ang babaeng pasa­hero na  hindi pina­ngalanan, edad 32 anyos. Sa report ni Jacqueline Gorospe, Corporate Com­munication ... Read More »

12 tindahan sa Bambang inasunto ng DTI

KAUGNAY nito, may 12 establisimiyento sa Bambang, Maynila ang naisyuhan ng notice of violations ng Department of Trade and Industry (DTI) dahil sa overpricing ng face masks at medical supplies. Ayon kay DTI Under­secretary Ruth Castelo, sa 17 establisimiyento sa Bambang ay 12 ang nakitaan ng paglabag. Sinabi ni Castelo, sasampahan ng kasong administratibo at kriminal ang nasabing mga esta­blisimiyento ... Read More »

Scroll To Top