Thursday , February 27 2020
Breaking News
You are here: Home / News (page 19)

Category Archives: News

Feed Subscription

Kahit recess, ‘Ninja cops’ hearing tuloy… Panig ni Albayalde diringgin ngayon

KAHIT nasa recess ang dalawang kapulungan ng kongreso, tuloy pa rin ang pagdinig ng Senate Committee on Justice na pinamumunuan ni Senador Richard Gordon sa kontrobersiyal na ‘Ninja cops.’ Ayon kay Gordon, nais nilang bigyan ng pagkakataon si Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde para sagutin ang mga aku­sasyon laban sa kanya. Bukod dito sinabi ni Gordon, ... Read More »

Driver/mekaniko ng Montero todas sa tandem

PATAY ang isang driver/mekaniko nang harangin ang dala-dala niyang Montero SUV at pagba­barilin ng riding-in-tandem sa Quezon City, nitong Martes ng umaga. Sa ulat na nakarating kay QCPD Director, P/Col. Ronnie Montejo, ang biktima ay kinilalang si John Carl Tulabot Basa, 21 anyos, may live-in partner,  tubong Marilao Bulacan, kasalukuyang naninirahan sa Blk 27 Lot 48, Northville 2, Bignay, Valenzuela ... Read More »

42-anyos ginang hubo’t hubad na tinadtad ng saksak ng kapitbahay

NAKAHUBAD at puno ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng isang ginang nang matag­puan sa loob ng kaniyang bahay sa Caloocan City, nitong Lunes ng gabi. Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Noel Flores, dakong 7:30 pm nang madiskubre ang walang buhay at hubad na katawan ni Florinda De Villion, 42 anyos, ng kan­yang amang si Benjamin, na ... Read More »

Kitty Duterte ligtas na sa dengue

NAGPAPAGALING na si presidential daughter Veronica “Kitty” Duter­te sa sakit na dengue. Ito ang nabatid kay Presidential Spokesman Salvador Panelo. Aniya, batay sa nakuha niyang impo­rmasyon sa ina ni Kitty at longtime partner ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña, nagpa­paga­ling na ang 15-anyos na presidential daughter. Kamakalawa ay binista ng Punong Ehe­ku­tibo sa ospital si Kitty, batay sa ... Read More »

Isetann mall walang business permit, nanganganib ipasara

POSIBLENG ipasara ang Isetann mall matapos matuklasang walang permit ang operator nito. Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, kailangan magpaliwanag ang management kung bakit ang operator nito, walang mga kaukulang permit. Ito ang inihayag ng alkalde sa isang tala­kayan matapos siyang sabihan ng Bureau of Per­mits na ang Trans Orient Management Company, ang operator ng Isetann Mall, ay ... Read More »

Sa 100 days ng Bagong Maynila: Barangay chairpersons hinamon ni Yorme Isko

ISANTABI ang politika at harapin ang bagong hamon na pagkakaisa para sa ikagaganda at kaayusan ng lungsod ng Maynila. Ito ang hamon ni Manila Mayor Isko More­no sa 896 barangay chair­persons at pangunahing departamento ng lungsod kasabay ng nilagdaang Executive Order No. 43 sa kanyang “The Capital Report: The First 100 Days of Bagong Maynila” sa ginanap na City Develop­ment ... Read More »

‘Sex den’ sa Makati hotel buking sa 35 Chinese ‘sex workers’

SINALAKAY  ng mga awtoridad ang isang hotel na ginagawang sexual activities kung saan 35 babaeng Chinese national’s na pawang sex workers ang nasagip, 21 lalaking  kustomer na kanila rin kababayan at 10 empleyadong Filipino ang hinuli sa Makati City kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni Makati City Police Chief Col. Rogelio Simon, naaresto ang mga suspek sa ikinasang entrap­ment operation ... Read More »

60-anyos lolang street sweeper, winalis ng wagon 

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang lolang street sweeper nang siya ay ‘walisin’ ng rumaraga­sang wagon sa Brgy. Payatas, Quezon City, nitong Lunes ng madaling araw. Kinilala ni P/MSgt. Edgardo Talacay, deputy ng Traffic Sector 5 ng Quezon City Police District (QCPD) ang bik­ti­mang si Marilyn Flora Pareño, 60 anyos, resi­dente ng Sorsogon St., Group 6, Area B, Brgy. Payatas, QC. Sumuko ... Read More »

Ex-parak tigbak sa riding-in-tandem; Traffic enforcer utas din sa Pasay

PATAY ang isang dating pulis-Pasay nang barilin sa ulo ng dalawang hindi kilalang armadong sus­pek habang kumakain kasama ang anak na lalaki at nadamay rin ang isang babae na tinamaan ng ligaw na bala sa isang karinderia, nitong Linggo ng gabi sa Pasay City. Dead on-the-spot sa pinangyarihan ang bikti­mang si Joselito Lopez, 46, dating nakalatalaga sa Station Intelligence Unit ... Read More »

DOH official sinabon ng kongresista

NAKATIKIM ng batikos ang mga opisyal ng Department of Health (DOH) sa dating kawani nito dahil sa maling pahayag na walang epek­tibong bakuna laban sa meningitis sa Filipinas. Ayon kay Iloilo Rep. Janette Garin, kailangan pagsabihan ni Secretary Francisco Duque ang mga tauhan niya lalo si Centers for Health Develop­ment (CHD) Director Eduardo Janairo na nagsabing hindi gina­gamit ang meningococcal ... Read More »

Kolehiyalang angkas dinalirot, TNVS driver naghihimas na ng rehas

PAGKATAPOS huma­plos at dumalirot ng 22-anyos kolehiyala, nauwi sa paghimas ng rehas na bakal ang isang Angkas driver matapos ares­tohin ng mga barangay tanod saka ipinasa sa pulisya sa Quezon City, nitong Sabado ng gabi. Kinilala ni P/Lt. Cipriano Galanida, hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Anonas Police Station 9, ang inarestong Angkas driver na si Herbert  Teves, may-asawa, at ... Read More »

Dahil sa mabahong amoy… 2 empleyado ng oil factory hinimatay

DAHIL sa nalanghap na mabahong amoy na kanilang ikinahilo at ikinahimatay, isinugod sa ospital ang 11 empleyado ng pabrika sa Caloocan City, nitong Linggo ng umaga. Ayon kay Caloocan City police chief P/Col. Noel Flores, si Limwell Ibe, 31, at Bobby Benitez, 24, kapwa nagtatrabaho bilang waste and water treatment plant operators ay kasalukuyang naka-confine sa East Avenue Medical Center ... Read More »

Pabrika ng mantika ipina-inspeksiyon ni Malapitan

Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan

NAG-INSPEKSIYON ang pamahalaang lung­sod ng Caloocan sa Trans-Asia Philippines Manufacturing Industries Corporation dahil sa pagkakaospital ng ilang mga empleyado nito matapos makalanghap ng kemikal. Kaagad ipinag-utos ni Mayor Oca Malapitan ang pagsasagawa ng personal na inspeksiyon sa kompanya para sa kaligtasan ng mga residente at kawani nito. Ayon kay Dr. James Lao, City Disaster Risk Reduction and Manage­ment Office head, ... Read More »

5,000 year old city sa Israel nadiskubre

NADISKUBRE ng mga archaeologist ang isang 5,000-year-old city at isang 7,000 year old religious temple sa northern Israel. Ayon sa mga eksperto mula Israel Antiquities Authority, ang siyudad ay mailalarawan bilang “Early Bronze Age New York” ng rehiyon na may lawak na 160 acres at kayang umu­kopa ng 6,000 katao. Sinabi nina Israel Antiquities Authority directors Dr. Ytzhak Paz at ... Read More »

P1-M pabuya vs dumukot sa Hyrons couple

HANDANG magbigay si Zam­boanga del Sur Gover­nor Victor Yu ng P1 milyong pabuya sa makapagbibigay ng impormasyo0n sa pagka­kakilanlan at kinaroroonan ng mga dumukot sa mag-asawang Hyrons sa bayan ng Tukuran noong Biyernes ng gabi, 4 Oktubre. Sa isang pahayag, sinabi ni Yu, umaasa siyang mapa­bibilis ang pagliligtas sa mga biktima kung mag-aalok siya ng pabuya. Nanawagan si Yu sa ... Read More »

Operators ng PUV binalaan: Kapag hindi sumunod sa modernisasyon prankisa tatanggalin

BINALAAN ng Kagawaran ng Transportasyon (DoTr) ang lahat ng mga operator ng public utility vehicle (PUV) na maaari silang maalisan ng prankisa kapag nagpatuloy sila sa pagtutol sa PUV Modernization Program ng pamahalaan hanggang sa palugit na itinakda sa susunod na taon. Ayon kay transportation undersecretary Mark De Leon, bibigyan ng paalala ang PUV operators ukol sa requirements at regulasyon ng ... Read More »

Gustong bumili ng bahay… Sekyung nangholdap ng binabantayang banko kalaboso

IMBES makabili ng bahay, naghi­himas ng malamig na rehas sa kulungan ang isang security guard na nabigong holdapin ang binabantayng banko sa lungsod ng Sta. Rosa, lalawigan ng Lagu­na, nitong Lunes ng umaga, 7 Oktubre. Sa ulat ng pulisya, kabubu­kas ng Prestige Bank pasado 9:00 am, nang magdeklara ng holdap ang guwardiyang kinila­lang si Romeo Dimaano Jr., 34 anyos, at ... Read More »

Isko: second hand cellphone bawal itinda sa Isetann mall

BAWAL nang magtinda ng nakaw na cellphone ang Isettan Mall. Ito ang babala ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa mall kasabay ng banta na ipasasara kapag napa­tunayang nagkukubli ng mga vendor na nagbebenta ng nakaw na cellphone. Ginawa ng alkalde ang babala matapos maiulat na isang estudyante sa university belt ang naholdap nito lamang nakaraang linggo. Dahil umano ... Read More »

‘Umalingasaw’ na baho ng PNP, Palasyo ‘di natitigatig

PABOR ang Palasyo sa labasan ng baho ng mga opisyal ng Philippine National Police (PNP). Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi naba­bahala ang Palasyo sa batuhan ng akusasyon ng matataas na opisyal ng PNP kaysa magtakipan. “Hindi ba mas maganda nga iyon para lumalabas iyong baho sa isang organisasyon, ‘di ba? Kung may naglalabas diyan na kontra sa ... Read More »

Colonels ‘di generals, plus ‘Ninja cops’ kakastigohin ni Digong (Nalito sa superintendent)

INILINAW ni Pangulong Rodrigo Duterte  na wa­lang heneral na sangkot sa illegal drugs kundi colonel lamang. Ang paglilinaw ay ginawa ng Pangulo sa kanyang media interview sa Davao City kahapon nang dumating siya mula sa Russia. “Alam mo I must admit my ignorance actually. Iyong ranggo kasi no’ng nauso ‘yang sup-sup, superintendent tapos kung ano-anong… Kaya sa panahon ko sabi ko ... Read More »

2 generals, ‘ninja cops’ binantaan ni Digong (Maghanda pagbalik sa PH)

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na tutuldukan niya ang korupsiyon sa pulisya sa natitirang mahigit dala­wang taon ng kanyang administrasyon. “Pero anyway, before I — ito igarantiya. Before my term ends, I have two years and so many months left. Ubusin ko talaga itong mga p***** i** na ‘to,” aniya sa talum­pati sa harap ng Filipino community sa Russia kamakalawa ... Read More »

Putin walang Crackdown vs Pinoys sa Russia

GINARANTIYAHAN ni Russian President Vladimir Putin kay Pangulong Rodrigo Duterte na hindi maglulunsad ng crackdown ang kanyang pamahalaan laban sa undocumented Pinoy workers. “Secretary Bello is working on an agreement na kayong nandito staying — overstaying or have had problems, there will be — they will be covered with an under­standing,” anang Pangulo sa kanyang talumpati sa harap ng Filipino ... Read More »

Pulis inatake sa puso habang nasa training idineklarang patay

HINDI na umabot nang buhay nang isugod sa pagamutan ang isang aktibong pulis habang nag-eehersisyo sa loob ng kampo sa Taguig City, nitong Miyerkoles. Pinaniniwalaang inatake sa puso ang biktimang si P/SSgt. Victorino Oreiro, Jr., 39, naka-talaga sa Police Community Precinct (PCP-3) ng Taguig City Police Station. Sa ulat ng Southern Police District (SPD), dakong 6:00 am, nangyari ang insidente ... Read More »

Wanted person nakipagbarilan sa parak tigbak

PATAY ang  isang lalaking wanted sa Valenzuela City matapos makipagbarilan sa mga pulis na nagsisilbi ng arrest warrant laban sa kanya sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Carlito Gaces ang suspek na si Dominic Batin, ng Don Simeon St., Mapulang Lupa na hindi umabot nang buhay sa Valenzuela City Medical Center (VCMC) sanhi ng tama ng ... Read More »

Mapua, binulabog ng bomb threat (Pekeng IED natagpuan)

BINULABOG ng bomb scare ang Mapua University kahapon ng umaga mula sa nagpakilalang miyembro ng ‘New People’s Army (NPA)’ sa Intramuros, Maynila ngunity kalaunan ay natuklasang ‘hoax’ at bomb scare ang naganap. Dahil dito, tuluyan nang sinuspende ng Mapua manage­ment ang klase at ipina­tupad ”Digital Day” o ang klase ay gaganapin online. Nabatid na isang text message, mula sa hindi inilabas na numero ... Read More »

Scroll To Top