Monday , September 23 2019
Breaking News
You are here: Home / News (page 15)

Category Archives: News

Feed Subscription

Defense chief nanawagan ng kahinahunan sa Recto incident

NANANAWAGAN si Defense secretary Delfin Lorenzana para sa kahinahunan at itigil ang paggatong sa damdamin ng sambayanan sa usapin ng aksidenteng pagbangga at pagpapalubog ng isang Chinese vessel sa isang Filipino fishing boat malapit sa Recto Bank na sinasabing nakapaloob sa exclusive economic zone (EEZ)  ng Filipinas sa West Philippine Sea. Sa Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico sa Malate, ... Read More »

Boss, araw-araw nagpapa-kiss sa mga empleyada

ISANG boss ng isang kompanya sa Beijing, China ang inulan ng batikos matapos mapabalitang pinupuwersa niya ang kanyang mga babaeng empleyado na humalik sa kanya tuwing umaga. Bilang patakaran ay pinapipila ng hindi na kinilalang lalaki ang kan­yang mga empleyadang babae tuwing 9:00 hang­gang 9:30 am upang isa-isa silang makipag-lips to lips sa kanya. Ayon sa boss, ginagawa niya ito ... Read More »

Katawan ng ginang naputol, naligis ng 14-wheeler truck (Mister kritikal sa ospital)

NAHATI at naipit sa gu­long ng isang 14-wheeler truck, ang katawan ng isang babae nang masa­ga­saan sa Quezon Bou­levard southbound, ma­la­pit sa Central Market nitong Miyerkoles ng umaga. Isang lalaki na pina­niniwalaang kasama ng babae ang dinala sa ospi­tal. Ayon sa Manila Traffic Division ng Manila Police District, nakasakay ang dalawang biktima sa motorsiklo nang mahagip sila ng isang pick-up ... Read More »

‘OJT’ sa house ‘di kalipikado sa speakership (Mag-give way sa seniors)

MAS makabubuting magparaya sa Speakership race ang isang mamba­batas na ang tanging credential ay suportado ng isang  malaking business tycoon kaysa igiit ang ambisyosong panaginip, ayon sa isang political analyst. Inulit ni political analyst Ranjit Rye hindi pang-OJT (on-the-job training) ang trabaho ng isang House Speaker, kaya mas mainam umano na magparaya sa Speaker­ship race si Marin­­duque Rep. Lord Allan ... Read More »

5-anyos totoy, nilapa ng 10 aso (Pinabayaang makalabas ng bahay)

PATAY ang isang 5-anyos batang lalaki nang atakehin ng halos 10 aso sa Bara­ngay Aguada, lungsod ng Isabela, sa lalawigan ng Basilan nitong madaling araw ng Lunes. Sa ulat, sinabing naglala­kad mag-isa ang bata na napabayaang lumabas mag-isa ng kanilang bahay da­kong 2:00 am nitong Lunes nang makasalubong ang mga aso. Nakita umano ng isang pulis ang batang lalaki at ... Read More »

Hit-and-run sa Recto Bank: ‘Simple maritime incident’ giit ng Palasyo

AYAW ni Pangulong Rodrigo Duterte  na maging international crisis ang naganap na hit-and-run sa Recto Bank kaya naging maingat sa pagkibo sa isyu at tinawag lamang itong maritime incident. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, nanindigan ang Pangulo na dapat pa­king­­gan ang lahat ng panig sa gitna ng iba’t ibang bersiyon habang isinaaalang-alang ang may 320,000 overseas Filipino workers sa ... Read More »

Tsansingerong manager ‘himas-rehas’ ngayon

DERETSO sa kulungan ang isang assistant man­ager ng isang con­venience store maka­rang ireklamo sa mada­las na tsansing sa 18-anyos service clerk sa Valenzuela City. Kinilala ang suspek na si Alvin Adan Ma­cas­pi, 26 anyos, as­sistant manager ng isang sangay ng 7/11 convenience store sa kanto ng Pio Valenzuela St., MacArthur High­way na nahaharap sa ilang bilang ng “Acts of Lasciviousness” ... Read More »

Dibdib ng Pinay dinakma ng Chinese nat’l kulong

HINULI ang 26-anyos turistang Chinese national nang maaktohang naka­dakma sa malusog na dibdib ng isang babaeng nakasabay niya sa eleva­tor pababa sa isang hotel sa Pasay City nitong Lunes ng gabi. Kinilala ang suspek na si Xin Yinbo, pansa­mantalang nanunuluyan sa Room 204 ng isang hotel na matatagpuan sa Roxas Boulevard ng naturang lungsod. Sa reklamo ng biktima na itinago sa ... Read More »

Sa Speakership race: Beteranong solon ‘di OJT — Defensor

BILANG pagtukoy kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, tahasang sinabi ni Anakalusugan re­pre­sentative-elect Mike Defensor na hindi isang on the job training (OJT) ang pagiging House Speaker. Ayon kay Defensor, sa umpisa pa lamang, dapat ay taglay ng kumakan­didatong Speaker ang katangian ng isang maga­ling na lider, pangunahin ang may sapat na experience at competence. “The next Speaker should carry ... Read More »

SONA ni Duterte inihahanda, 3 pre-sona kasado na

NAGHAHANDA na ang Malacañang para sa nalalapit na state of the nation address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Du­ter­te sa susunod na buwan. Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, itinakda nila ang tatlong magkakasunod na ling­gong pre-SONA forum. Ito ang pag-iikot ng mga miyembro ng gabi­nete sa iba’t ibang rehiyon sa bansa para ipaliwanag at ilatag sa mga tao ang mga nagawang ... Read More »

Aegis Juris frat member 2-4 taon kulong sa Atio hazing-slay (Sa obstruction of justice)

PINATAWAN ng dala­wang taong pagkakabi­langgo at apat na buwan hanggang apat na taon at dalawang buwan, ang inihatol ng Manila Metro­politan Trial Court sa isang miyembro ng Aegis Juris Fraternity na napatunayang guilty sa kasong obstruction of justice sa pagkamatay sa hazing ng Rizal scion at University of Sto. Tomas  (UST) law student Horacio “Atio” Castillo III noong 17 Setyembre ... Read More »

Magsyota huli sa akto: Sakto sa pot session

HULI sa akto ang magsyota habang sumisinghot ng shabu sa loob ng bahay ng isang construction worker sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ang mga naa­res­­tong suspek na sina Monaliza Alapide, 47 anyos, repacker, residente sa Wyoming St., at Cirilo Paz Jr., 50 anyos, ng Santiago St., kapwa residente sa Vista Verde Executive Village Kaybiga, Brgy. 166. Sa nakarating na ... Read More »

Isko at Erap nagharap na (Peace and order hiniling kay Lim)

PERSONAL na nagharap sina Manila outgoing Mayor Joseph Ejercito Estrada at Mayor–elect Francisco “Isko” Moreno Doma­goso matapos mag-courtesy visit ang huli sa tanggapan ng una sa Manila City Hall, sa Ermita, Maynila kahapon ng hapon. Naging maayos ang pagha­harap ng dalawa na inorga­nisa ng kanilang “transistion team” simula pa noong 27 Mayo. Sinabi ni Estrada, lahat ng departamento at opisina, ... Read More »

Pangulo ‘hindi tameme — Panelo

NAUNA rito, ipinag­tanggol ni Presidential Spokesperson, Secretary Salvador Panelo na hindi tameme si Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu nang paglubog ng fishing vessel na na-hit-and-run ng Chinese fishing boat. Ani Panelo, hinihintay ni Pangulong Duterte ang mga detalye hinggil sa insidente bago maglabas ng opisyal na pahayag ang Punong Ehekutibo. “He’s (Duterte) not silent. He’s waiting for the facts to ... Read More »

Kahit gustong ‘umayuda’ ng US… ‘Nuke war’ tablado kay Digong (‘Hit-and-run’ sa Recto Bank maritime incident lang)

WALANG kapasidad ang Filipinas na kumasa sa isang nuclear war kaya hindi maglulunsad ng aksiyong militar sa West Philippine Sea kahit pinalubog ng Chinese fishing vessel ang Philippine fishing boat. Ito ang unang men­sahe ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa nang­yaring ‘hit-and run’ sa Recto Bank nitong 9 Hunyo. “We can never be ready in a nuclear war. In a ... Read More »

4 notoryus na karnaper, bumulagta sa Pampanga

APALIT, PAMPANGA – Dead on the spot ang apat na miyembro ng kilabot na robbery holdup gang na sinasabing sangkot sa serye ng nakawan sa lalawigang ito makaraang makipag­barilan sa  pinagsanib na puwersa ng Apalit Police at 2nd PMFC Patrol, sa Sitio Dudurot-Paligue, Barangay Colgante, sa bayan ng Apalit kamakalawa nang madaling araw. Nabatid sa isinumiteng ulat ni P/Lt. Col. ... Read More »

Deployment ban ng OFW sa Kuwait hiniling

HINILING ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP -ECMI) na magpatupad ng deployment ban sa overseas Filipino workers (OFWs) sa Kuwait. Hinikayat din ng CBCP- ECMI ang gobyerno na ipatupad ang kasunduang pinagtibay ng Filipinas at Kuwait noong nakaraang taon para sa pagbibigay ng proteksiyon sa mga OFW. Ayon kay Balanga ... Read More »

Grade 5 student dinukot, nakatakas sa kidnaper

NADAKMA ng mga tau­han ng isang barangay ang isang lalaki na nagtangkang dumukot sa isang babaeng Grade 5 student na agad naka­pag­sumbong sa kanyang ama nang makatakas sa suspek, nitong Biyernes ng umaga sa Sta. Cruz, Maynila. Nahaharap sa kasong abduction in relation to Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law, ang  suspek na si Rodennis Garcia, 49, jobless, resi­dente ... Read More »

Negosyante nakaligtas sa ambush

HIMALANG nakaligtas mula sa tiyak na kama­tayan ang isang lalaking negosyante na tinam­bangan at pinagbabaril ng riding in tandem sa Tondo, Maynila, habang papauwi, kahapon. Pinsalang fracture sa magkabilang kamay ang nakadale sa biktimang si Ricardo Papa, 45, nego­syante at residente sa Tandang Sora, Quezon City, na nilapatan ng lunas sa Mary Johnston Hospital. Nakatakas naman ang mga suspek na ... Read More »

Magdyowa swak sa hoyo sa P3.4M shabu

SA kulunghan bu­mag­­sak ang live-in partners nang makom­piskahan ng P3.4 milyong halaga ng shabu sa isang buy bust ope-ration sa Brgy. Mang-gahan, Pasig City, mada-ling araw kahapon. Kinilala ni Quezon City Police District (QC-PD) Director, P/BGen. Joselito Esquivel Jr.,  ang mga naarestong sus­pek na sina Mark Kim Cudia, 28, miyembro ng Bahala na Gang, at resi­dente sa Brgy. Kaunlaran, Cubao, ... Read More »

Aksiyon ni Digong hiniling vs 2 BoC officials

Bureau of Customs BOC Duterte Rey Leonardo Guerrero

ILANG desmayadong negosyante ukol sa sinasabing umiiral na katiwalian sa Bureau of Customs (BoC) sa kabila ng puspusang paglilinis na ipina­patupad ng pamunuan ng nasabing ahensya ang nanawagan kay Pangu­long Rodrigo Duterte. Ayon sa grupo ng mga broker, mayroon pa rin umanong sindikato sa BoC na sadyang bina­balewala ang direktiba ni Pangulong Duterte na supilin ang korupsiyon sa loob ng ... Read More »

Oplan pakilala… Rep. Velasco ‘alak’ at ‘regalo’ para sa Solons

NAKADALAWANG termino na bilang congressman ay hindi pa rin kilala sa House of Representatives si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, isa sa tumatakbo bilang House Speaker kaya ang naging paraan ng pagpapakilala niya sa mga kapwa mambabatas ay sa pama­magitan ng pagbibigay ng regalo. Kinompirma ng isang kongresista na tu­mang­ging magpabanggit ng pangalan, na nakatang­gap siya ng gift bags na ... Read More »

Pinalubog na Pinoy fishing vessel kasado sa Cabinet meeting ngayon

MAGDARAOS ng joint cluster meeting ngayon ang mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte upang talakayin ang paglubog ng Filipino fishing vessel matapos banggain ng tinukoy na Chinese fishing boat sa Recto Bank sa West Philippine Sea kamakailan. Ang pulong ay dadaluhan ng security, justice, and peace cluster sa ilalim ni Defense Secretary Delfin Loren­zana at economic develop­ment cluster ... Read More »

Pinay tinulungan muna saka kinidnap at hinalay ng Kuwaiti police officer

DINUKOT at sinasabing hinalay ang isang Filipina household service worker (HSW) ng isang Kuwaiti police officer na tumulong sa kanya sa loob ng airport sa Kuwait nitong 4 Hunyo 2019. Puspusan ang pakiki­pag-ugnayan ng Depart­ment of Foreign Affairs (DFA), sa pamamagitan ng Embahada ng Pilipinas sa Kuwaiti authorities para sa mabilisang pag-aresto sa suspek na hu­ma­­lay sa Pinay na hindi ... Read More »

Lamang sa boto, umangat pa sa recount… Kampo ni VP Robredo, nanawagang ideklarang panalo sa protesta ni Marcos

MULING nanawagan ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa Presidential Electoral Tribunal (PET) na maresolba na sa lalong madaling panahon ang electoral protest na inihain laban sa kaniya ni Bongbong Marcos. Ito ay matapos mapa­tunayan sa resulta ng initial recount, para sa tatlong probinsiyang pinili mismo ni Marcos, na lamang talaga si Robredo sa botohan. Nitong Huwebes, 13 Hunyo, ... Read More »

Scroll To Top