Saturday , January 18 2020
Breaking News
You are here: Home / News (page 10)

Category Archives: News

Feed Subscription

Preparasyon sa Undas pinangunahan ni Mayor Toby Tiangco

PINANGUNAHAN ni Mayor Toby Tiangco noong Lunes ang inspek­siyon sa NavoHimlayan public cemetery upang masigurong magiging ligtas at maayos ang pagdaraos ng Undas sa lungsod. “Tuwing Undas, umaa­bot sa 10,000 ang duma­dalaw sa NavoHimlayan, at sa mga katabi nitong priba­dong sementeryo. Nais nating masiguro na magi­ging maayos ang lahat sa araw ng ating pag-aalala, walang sakuna, at ligtas ang lahat ... Read More »

Go humiling ng incentives para sa barangay kay Digong

KINOMPIRMA ni Sena­tor Christopher “Bong” Go na hiniling niya kay Pangulong Rodrigo Duterte na mabigyan ng incentives ngayong Pasko ang barangay officials. Ayon kay Go, batid niyang nasa committee level pa lang ang kan­yang isinusulong na panukalang batas na pag­kakaroon ng buwa­nang suweldo ng mga barangay officials gaya ng regular employees sa mga tanggapan ng go­byerno. Sinabi ni Go, dahil hindi na ... Read More »

Gov’t offices half day ngayon

NAGDEKLARA ang Palasyo ng suspensiyon ngayon sa trabaho sa gobyerno, 31 Oktubre 2019 simula 12:00 ng tanghali. Batay sa memo­ran­dum circular 69 na nilag­daan ni Executive Secre­tary Salvador Medialdea, binibigyan ng pagka­kataon ng Malacañang ang mga manggagawa na makapaghanda sa pag­gunita sa All Saints’ Day sa 1 Nobyembre at Undas sa 2 Nobyembre dahil marami ang magsisi­uwian sa kanilang pro­binsiya ... Read More »

P30.5-M donasyon at TF ni Isko personal na iniabot sa PGH

MISMONG si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Doma­goso ang nagkaloob sa Philip­pine General Hospital (PGH) ng milyon-milyong donasyon kabilang ang kanyang talent fee sa kanyang pagmomodelo sa JAG Jeans. Umabot sa hala­gang P30.5 milyong donasyon kabilang ang kanyang P1 milyong talent fee mula sa isang kilalang brand ng damit, ang pormal niyang ipinagkaloob sa tang­gapan ni PGH Director Gerardo Legaspi. ... Read More »

Paggunita sa Undas kasado na, QC councilors nagpaalala sa publiko

PLANTSADO na ang paghahanda ng pama­halaan at ng Philippine National Police (PNP) sa paggunita sa araw ng Undas ngayong 1-2 Nobyembre para matiyak ang kaligtassan ng publiko. Kaugnay nito nagpaalala si Quezon City 5th District Councilor Allan Butch Francisco sa publiko na bukod sa dapat matiyak ang maayos at matiwasay na pagbiyahe ng mga kababayan natin na magsisipag-uwian sa kanilang ... Read More »

Radio manager at Remate tabloid stringer itinumba (Sa Tacurong City)

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang Mindanao-based radio station manager na si Benjie Caballero, limang beses binaril ng isa sa dalawang hindi kilalang suspek dakong 1:15 pm, kahapon , 30 Oktubre, sa Tacurong City, Sultan Kudarat. Ang ulat ng pagkamatay ni Caballero ay inihayag ng Aninaw Productions sa kanilang social media page kasabay ng pagkondena sa pag-atake laban sa mga mamamahayag ... Read More »

Bilang Halloween mask… Mukha ni Digong ibinenta sa Amazon

IMBES mapikon, naaliw ang Palasyo sa pagbebenta ng US-based online shopping platform Amazon ng Duterte-inspired Halloween masks. “That means he has arrived. Can you imagine, (he’s) trending all over the world. Talagang tinatakot ‘yung mga kriminal,” ani Presidential Spokesman Salvador Panelo. “‘Di ba ganyan naman ang tingin pag ikaw ay nagiging topic ng lahat, niloloko ka, pinupuri ka, ibig sabihin ... Read More »

PH cinema, bumida sa Tokyo Film Festival

NAPAHANGA ng Pinoy filmmakers at actors na nag-represent sa bansa ang mga hurado sa ika-32 Tokyo International Film Festival (TIFF) Red Carpet at Opening Ceremony sa Roppongi Hills, Tokyo, Japan. Sa 181 na pelikula para sa exhibition ng TIFF ngayong taon, walong productions ang mula sa Pilipinas—marka ng isang impressive feat sa Philippine Cinema. Pinangunahan nina Bela Padilla, Mara Lopez, ... Read More »

Mindanao niyanig ng kambal na lindol (Estudyante, 5 pa patay)

HINDI pa man nakaba­bawi sa lindol na tumama sa isla sa unang bahagi ng buwan ng Oktubre, niya­nig muli ng dalawang malalakas na lindol ang malaking bahagi ng Min­danao na nag-iwan ng anim na patay at dose-dosenang sugatan kaha­pon ng umaga, 29 Oktubre. Naunang yumanig ang 6.6 magnitude lindol sa bayan ng Tulunan sa lalawigan ng Cotabato dakong 9:04 am ... Read More »

‘Wag bawasan, dagdagan… PGH P10-B budget iginiit ng All UP Workers Union

HINILING ng health workers ang P10-bilyong budget mula sa pama­ha­laang Duterte para sa Philippine General Hospital (PGH) sa isi­nagawa nilang piket sa bukana ng ospital, ka­ma­kalawa. Isinaad ng All UP Workers Union-Manila, isang kinikilalang unyon ng rank and file na kawani ng pagamutan na makatuwiran ang hi­ni­hiniling nilang budget dahil makikinabang dito hindi lang ang health workers, kundi maging ang ... Read More »

Sa gitgitan sa masikip na kalye… 17-anyos tricycle driver binaril sa harap ng simbahan, patay

Patay ang isang 17-anyos tricycle driver matapos pagbabarilin ng kanyang nakagitgitang driver ng kotse sa harap ng simbahan sa Brgy. Poblacion, sa bayan ng Pandi, sa lalawigan ng Bulacan nitong Martes ng gabi, 28 Oktubre. Kinilala ang napaslang na si John Paul Bonifacio, 17 anyos, residente sa Bgy. Malibong Matanda sa naturang bayan. Dead-on-the spot ang biktima na pinagbabaril sa ... Read More »

2 estudyante nalunod sa maputik na quarry

NALUNOD sa maputik na quarry site ang dalawang batang babae matapos itulak sa malalim na hukay ng hindi kilalang suspek sa Brgy. Guyong, sa bayan ng Sta. Maria, sa lalawigan ng Bulacan kahapon, 29 Oktubre. Wala nang buhay nang matagpuan sa maputik na hukay ang mga biktimang kinilalang sina Nicole Samantha Saire, 9 anyos, Grade 4 pupil; at Angelyn Badilis, ... Read More »

Sekyu timbog sa baril at shabu, 5 tulak tiklo sa buy bust

ARESTADO sa mga ope­ratiba ng San Simon Police Anti-Drugs Special Operation Unit ang isang guwardiya at limang lalaking hinihinalang kilabot na tulak ng ipinag­baba­wal na gamot na pa­wang nasa listahan ng most wanted drug personalities sa bayan ng San Simon, lalawigan ng Pampanga, makaraang isagawa ang anti-drug buy bust ope­rations sa magkaka­hiwalay ng lugar sa natu­rang bayan. Base sa ulat ... Read More »

4K pulis ipakakalat sa mga terminal, sementeryo sa Metro Manila

IPINAKALAT ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang halos 4,000 pulis na magbabantay sa mga terminal at sementeryo sa Metro Manila. “Sa araw na ito maglalagay kami ng police assistance desks sa lahat ng terminal, lalo sa malalaking terminal natin sa Cubao at malalaking sementeryo,” pahayag ni NCRPO chief P/BGen. Debold Sinas. “Bukas magde-declare na kami ng full alert,” ... Read More »

Panahon pa ni Erap… 120K kidney patients, nakalibre sa Manila dialysis center

Erap Estrada Manila

DISYEMBRE 2014 pa nang buksan ni former Manila Mayor Joseph Estrada ang pinaka­malaking dialysis center sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center sa Tondo, Maynila. Ito ang inihayag ng kampo ng dating alkalde, na sa pamamagitan umano ng City Ordinance 8346 at Council Resolution No. 163 na inapro­bahan ng konseho noong Abril 2014, binigyan ng kapangyarihan si Estrada na pumasok ... Read More »

Kelot nalitson sa Malate fire

ISANG hindi kilalang lalaki ang kompirmadong namatay sa sunog na naganap sa Guerrero Street, Malate, Maynila kahapon. Ayon sa Manila Fire Bureau, nagsimula ang sunog bago mag-6:00 am sa isang bahay sa Guerrero St., na mayroong kainan. Umabot ito sa unang alarma at naideklarang fire out dakong 7:14 am. Isang lalaki ang nakom­pir­mang namatay sa nasa­bing sunog. Umabot sa P.2 ... Read More »

Binata binistay sa loob ng bahay

TODAS ang isang 29-anyos lalaki nang pagbabarilin ng dalawang ‘di kilalang suspek sa loob ng bahay ng isa sa mga suspek sa Tondo, Maynila Kinilala ang biktima na si Macklin Martinez, walang trabaho, residente sa Randy Sy compound sa Pacheco St., Tondo, Maynila dahil sa tama ng bala sa katawan. Naaresto sa follow-up operation ang mga suspek na sina Leo ... Read More »

ASG huli sa Parañaque

INARESTO ng Southern Police District (SPD) at National Bureau of Investigation (NBI), ang isang pinagsu­suspetsa­hang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Parañaque City, kama­kalawa. Kinilala ang akusadong si Haber Baladji, alyas Ama­ma, nasa hustong gulang, sinabing isa sa mga kasapi ng ASG. Sa ulat ng Southern Police District (SPD), nagsagawa ng intelligence driven operation ang mga tauhan ng District ... Read More »

Ari ipinahimas sa masahista parak wanted sa kabaro

INIREKLAMO ng isang masahista at sinampahan ng kasong acts of lasciviousness sa himpilan ng pulisya ang isang pulis na nambastos sa isang massage parlor kamakalawa ng hapon, 28 Oktubre sa lungsod ng Balanga, lalawigan ng Bataan. Kinikilala ang suspek na si P/Cpl. Robin Mangada, nasa hustong gulang, at kasalukuyang nakatalaga sa Abucay Municipal Police station. Ayon sa ulat, dakong 2:40 ... Read More »

Sa oposisyon vs Kaliwa dam… ‘Extraordinary powers’ iwinasiwas ni Digong

MAAARING i-takeover ng gobyerno ang operasyon ng ng tubig mula sa Maynilad at Manila Water kapag idinekla ni Pangulong Rodrigo Duterte ang state of emergency bunsod ng krisis sa tubig. Ipinaliwanag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kung sa tingin ng Pangulo ay kailangan mag-takeover ay gagampanan niya ang pangunahing tunkulin ng Pangulo na pagsilbihan at protektahan ang mga mamamayan mula ... Read More »

Nanghalay ng bagets… Bading sinampahan ng kasong unjust vexation sa Malabon

SWAK sa kulungan ang isang bading matapos gapangin at pagsamantalahan ang isang 17-anyos binatilyo habang mahimbing na natutulog kahapon ng madaling araw sa Malabon City. Kaagad tumigil sa pagnanasa ang suspek na si Ace Luziano, alyas Maxine, 20, make-up artist at naninirahan sa isang katabing bahay ng biktima sa Gov. Pacucal Avenue, Brgy. Potrero bago nagmamadaling lumabas. Sa imbestigasyon ni ... Read More »

Nangangamoy na 300 kilong karne kompiskado

NAKOMPISKA ng mga tauhan ng Pasay City Veterinary Office ang 300 kilong karne ng baboy na umano’y nangangamoy at nakalatag sa bangketa sa lungsod kahapon ng umaga. Nasabat dakong 10:00 am, ang mga naturang karne na nasita sa  Advincula St., at FB Harrison ng nasabing lungsod. Nakita umanong nakalatag sa bangketa na sinasabing nangangamoy na ang mga karne ng baboy ... Read More »

Buntis pinaglakad ng ambulansiya… Puso ng baby tumigil inunan agad humiwalay nanay dinugo patay

PAIIMBESTIGAHAN ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Doma­goso ang pagkamatay ng isang buntis na ginang na unang dinala sa Ospital ng Sampaloc at ipinalipat sa Sta. Ana Hospital kamakailan. Sa impormasyon na ibinigay kay mayor Isko, dakong 8:00 am nitong 21 Oktubre, nagpunta mag-isa ang pasyenteng buntis na si Myra Morga sa Sampaloc Hospital dahil sumasakit ang tiyan at kanya na ... Read More »

Para hindi puro dada… VP Leni kursunadang drug czar ni Duterte

HINAMON ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo na maging drug czar para patunayan ang kanyang mga suhestiyon sa pag­susulong ng drug war sa bansa. “I do not surrender anything. I said if she wants, I can commission her to be the drug czar,” anang Pangulo sa pana­yam ng media kahapon sa Palasyo. Anang Pangulo, pa­nay ang batikos ... Read More »

Nagkainitan sa perya… 3 mag-uutol at 2 pinsan, pinagsasaksak sa perya

KRITIKAL ang kalagayan ng tat­long mag-uutol habang sugatan din ang dalawa pa nilang pinsan makaraang pagsasaksakin ng tatlong helper ng isang mini-carnival o perya matapos ang kanilang mainitang kompron­tasyon sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Pawang ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC) sina  Rogelio Capoquian, 25 anyos, at mga kapatid na sina Jayson, 27 anyos, at Jermie Niño, 23 anyos ... Read More »

Scroll To Top