Saturday , May 25 2019
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin (page 8)

Category Archives: Bulabugin

Feed Subscription

‘Tsongki’ ni Digong panggising nga ba?

Duterte Marijuana tsongki

MAHILIG talagang magpasakay si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga patawa o joke. Pero ang higit na natatawa, ang isang kahuntahan natin na kabisado ang marijuana noong kanyang kabataan. Halata raw na walang alam sa ‘joints’ si Digong kasi hindi naman raw pampagising ang omads. “Pampa-relax ang omads,” sabi niya. “Kaya hindi siya gigisingin nito… patutulugin siya o kaya mag-food ... Read More »

Baradong traffic sa P. Burgos Drive hanggang Jones Bridge, sino ang kumikita sa raket?

MARAMING reklamo ang nakararating sa inyong lingkod sa baradong trapiko mula sa P. Burgos hanggang Jones Bridge patungong Binondo at Divisoria. Dati namang maluwag ang trapiko noong buksan ang intersection sa Magallanes Drive at P. Burgos, pero nakapagtataka kung bakit isinara?! Ang siste, kapag isinara ang nasabing intersection, wala nang ibang lulusutan ang mga sasakyan mula sa Quiapo kundi ang ... Read More »

Buhay ng PNR passengers nanganganib (Sa reklamong iregularidad ng PNR officials)

AGREE tayo riyan na malaking panganib ang hinaharap ng Philippine National Railways (PNR) passengers dahil sa mismanagement ng mga opisyal nito. Ayon sa presidente ng Bagong Kapisanan ng mga Manggagawa sa PNR (BKMP) na si Edgar Bilayon, kailangan ang agarang pagsibak kay General Manager Junn Magno dahil umano ng katiwalian, palpak na pamamahala at imoralidad na nangyayari ngayon sa PNR. ... Read More »

LTFRB bubusisiin ni Sen. Grace Poe (Sa sandamakmak na iregularidad)

LTFRB Martin Delgra Grace Poe

HAYAN na napansin na ng senado ang hindi matapos- tapos na gulo at bangayan sa Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB). Kaya bago mag-Pasko, uusok ang puwet ng mga opisyal ng LTFRB dahil nagpatawag na ng inquiry ang Senate committee on public services ngayong linggo. Ang nasabing committee, ay pinamumunuan ni Senator Grace Poe. Isa umano sa bubusiin ang ... Read More »

Cops sa drug war maging maingat pero ‘wag matakot — Albayalde (Sa conviction ng tatlong pulis sa Kian’s slay)

Oscar Albayalde PNP police War on Drugs Shabu

NAWA’Y maging babala sa mga alagad ng batas na nagmamalabis sa kanilang kapangyarihan ang karanasang ito. Tinutukoy natin ang tatlong pulis na nahatulan ng reclusion perpetua o habambuhay na kulong (20 hanggang 40 taon) at walang parole, dahil napatunayan ng hukuman ang pagpaslang nila kay Kian delos Santos, noo’y 17-anyos, gamit ang lisensiya ng ‘drug war.’ Marami ang natuwa sa ... Read More »

Eskapo na naman sa BI detention cell! (Paging: SoJ Menardo Guevarra)

WALA tayong kamalay-malay na may pinatakas ‘este natakasan na naman pala ng preso ang mga guwardiya ng Bureau of Immi­gration – Civil Security Unit (BI-CSU). Isang Korean fugitive raw na nagngangalang Choi Yeong Sup ang pinatakas ‘este nakatakas sa kamay ng kanyang mga bantay habang naglalamiyerda sa SM Mall of Asia! Huwatt?! Ano naman kasi ang ginagawa ng mga kumag ... Read More »

Dureza may delicadeza

ANG mga kagaya ni resigned Presidential Adviser on the Peace Process secretary Jesus Dureza ang nakapanghi­hinayang na nawala sa burukrasya. May paninindigan at may delicadeza na hindi natin nakikita sa ibang opisyal ng pamahalaan lalo na yaong mga matindi kung magkapit-tuko. Tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbi­bitiw ni Dureza matapos sibakin ang dalawang opisyal ng Office of the Presidential ... Read More »

Hindi lang online casino workers… Chinese ‘prosti’ sandamakmak rin sa Macapagal Blvd.

KUNG may mga nagpapagal para humanap ng ‘ginto,’ mayroon din mga lugar para mag­palamig at magpapagpag ng pagod. Ang tinutukoy natin rito ay mga Chinese nationals na ilegal na nagtatrabaho sa mga online gaming or casino at mga Chinese prostitutes na naglipana ngayon sa Macapagal Blvd. Kakaiba ang siste ng mga babaeng Chinese na nagta­trabaho bilang prosti. Pumapasok sila sa ... Read More »

MPD DD S/Supt. Vicente Danao Jr., ‘ipinanghaharabas’ ng nagpapakilalang bagman digs

Vicente Danao

ALAM kaya ni Manila Police District  (MPD) Director, S/Supt. Vicente Danao Jr., na isang nagpapakilalang ‘bagman’ Digs ang umiikot sa buong Kamaynilaan at ibinabando ang kanyang pangalan sa mga ilegalista?! Ayon sa ating mga mapagkakatiwalaang sources, ikinokompriso umano ni bagman Digs ang pangalan ni DD Danao sa halagang P.8 milyon kada linggo. Kaya nga raw umiikot ang wetpaks ng mga ... Read More »

Notorious fixers sa BI dapat ipatawag sa Senado

HAYAN na, ipinatawag na ng mga Senador ang mga ahensiyang Department of Labor and Employment (DOLE) at Bureau of Immigration (BI) dahil sa pagdagsa ng Chinese nationals sa bansa. Dati, sa Binondo lang natin nakikita ang mga GI (Genuine Instik) dahil nandoon ang negosyo nila. Kapag nagawi sa Binondo, walang karapatang umangal kapag narinig silang maiingay sa kalsada, sa restaurant ... Read More »

Manang Imee Marcos, huwag daw ‘makisakay’ sa ‘katig’ ng millennials

Imee Marcos

BUHOK, damit, sapatos, bag, porma at maging lengguwahe ng millenials, sinasakyan ngayon ng mga kandidato, lalo na ‘yung mga maagang pumalaot sa kanilang sorties. Isa na riyan si Ilocos Norte Governor Imee Marcos na kumakarera sa Senado. Overacting at trying hard na raw ang dating ni Manang lalo na kung tumitirada ng Bboom Bboom dance ng Momoland. Talaga naman trying ... Read More »

Mga pulis sa Okada nabukayo na ni Pangulong Digong

O ‘Yan… Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagsalita at nakapansin sa sandamakmak na lespu sa Okada casino. Diyan ba naka-duty ang mga pulis na ‘yan na halos hindi na yata nagre-report sa mother units nila at masyadong nasasarapan sa lamig at kulay ng Okada. Ay sus! Sa totoo lang Mr. President, hindi lang po riyan sa Okada nagkalat ... Read More »

Sa banggaang Tugade vs Lizada matira matibay?

PITX DoTr Tugade LTFRB Lizada

MUKHANG mayroong “Joan of Arc” ngayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na walang takot na nagsasalita para panindigan ang kanyang opinyon na lumalabag si Transportation Secretary Art Tugade sa anti-graft and corrupt practices act. Mantakin ninyo, ganoon kalakas ang loob ni Atty. Aileen Lizada kahit na nga nagpahayag ang mga bossing sa Department of Transportation (DOTr) nang ... Read More »

Award-bola tinabla ni Presidente Duterte

GUSTO natin ‘yung sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nandoon siya sa Cavite. Ayaw niya ‘yung iniimbita siya pagkatapos ay bibigyan siya ng award o plaque. Hindi raw dapat ginagawa ‘yun. Hehehe! Oo nga naman. Ano ba ang palagay ninyo sa Pangulo, mabobola ninyo sa ganyang estilo?! Kung sa bagay, usong-uso ngayon ‘yan. Kahit hindi naman sila award giving body ... Read More »

Relasyong PH-China tunay kayang makikinabang ang sambayanang Pinoy? (Para sa kapayapaan at pag-unlad)

AYON kay Chinese President Xi Jinping, sa ilang panahon at anim na beses na pagkikita nila ni Pangulong Rodrigo Duterte naging malalim ang palitan nila ng mga opinyon sa relasyon ng China at Filipinas at sa mga isyung pareho silang may interes. Kamakalawa, 29 memorandum of understanding (MOU) ang nilag­daan ng Filipinas at China. Ang mga nilagdaang MOU ay may ... Read More »

Dalawang MPD officials todo-kampanya na para kay Isko Moreno

Isko Moreno Erap Estrada Manila MPD

MAUGONG ang kuwentohan at saysayan sa Manila Police District  (MPD) HQ tungkol sa dalawang opisyal nila na nakikitang madalas na nakabuntot at kasa-kasama ni Isko Moreno sa kanyang pag-iikot-ikot sa Maynila. Sabi nga ng isang lespu, “Magkakaroon ng saysay ‘yan Bay, kapag nakalusot si Isko bilang yorme.” Pero ang sabi ng isa pang lespu, “Bay, akala ko, ‘yung dalawang opisyal ... Read More »

Crackdown vs illegal aliens sa casino dapat tutukan ni Labor Sec. Bello

BUKOD sa magandang relasyon ngayon ng mga pinuno ng ating bansa at ng China, oportunidad para makapagtrabaho sa Filipinas ang tinitingnang bentaha ng ilang Chinese nationals kaya naman sandamakak na sila ngayon sa Perlas ng Silangan. Ayon sa ilang impomante, ang legal na Chinese workers ay gumagastos nang halos P50,000 para maging legal na manggagawa sa bansa. ‘Yan gastos na ... Read More »

NUJP’s “Sign Against the Sign” campaign dapat suportahan ng media workers

NUJP Sign Against the Sign

DAPAT suportahan ng mga mamamahayag ang signature campaign ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) na “Sign Against the Sign.” Layunin nitong i-repeal ang batas na nag-aatas sa mga kasapi ng media na lumagda bilang saksi o testigo sa isang anti-drug operations na isinagawa ng mga alagad ng batas. Sa pamamagitan ng nasabing signature campaign, layon ng NUJP ... Read More »

Senate President Tito Sotto sinabing “unconstitutional” ang desisyon ng SC

Filipino Panitikan CHED

KLARO ang posisyon ni Senate President Vicente Sotto II sa desisyon ng Korte Suprema na kumakatig sa Commission on Higher Edu­cation na tanggalin ang Filipino at Panitikan sa mga core subject na dapat ituro sa tertiary level o kolehiyo. Sabi ni Tito Sen, ito ay unconstitutional at maaaring ikapahamak ng mga susunod na henerasyon sa pag-unawa ng sariling wika. Aniya, ... Read More »

Prehuwisyong Prime Water ni Villar

MAGANDANG umaga po kaibigang Jerry, Gusto lang pong ipaalam sa inyo na mula nang mapasok ng Prime Water (March 2018) ang Meralco Village, Lias, Marilao, Bulacan e hindi na gumanda ang takbo ng tubig dito sa amin.  Gabi-gabi kailangan naming magpuyat at pag minalas-malas pa kahit panghugas ng pinggan wala kaming makukuha. 2:00am – 3:00am tutulo nang mahina, 4:00am lalakas ... Read More »

Ilong ng motorista ‘umuusok’ sa konsumisyon vs Pasay City ASBU

ANO ba talaga ang papel ng Anti-Smoke Belching Unit (ASBU) ng Pasay City?! Sitahin ang mga lumalabag sa kanilang ordinansa o maghintay ng mga nagkakamali para makipag-ayos sa kanila?! ‘Yan po ang P600 to P1,000 question na gusto nating ibato sa Pasay ASBU dahil sa reklamo ng mga motorista. Supposedly, ang papel ng ASBU ay magbantay ng mga sasakyang mauusok ... Read More »

Comelec: Walang masama sa pagtakbo ni Alan at Lani sa Taguig

ANG Commission on Elections na mismo ang nagsabi na walang illegal o masama sa pagtakbo ni dating Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa unang distrito ng Taguig at ng kanyang asawa na si Lani sa ikalawang distrito ng parehong lungsod. Malamang ang inihain na petisyon laban sa mag-asawa ay pawang paninira ng kanilang mga kalaban na takot harapin sila ... Read More »

PITX walang support system mula sa DOTr? (Para sa maayos na trapiko o lip service lang?)

NOONG una nating mabalitaan ang tungkol sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), isa tayo sa mga natuwa. Inisip natin, isa ito sa mga hakbang ng pamahalaan para paluwagin ang trapiko ng mga sasakyan at tao sa Metro Manila. Kung hindi tayo nagkakamali, naglabas pa ng Memorandum Circular 2018-010 ang LTFRB para sa paggamit ng PITX. Ayon sa LTFRB, putol ang ... Read More »

51 container vans ng basura mula sa South Korea itinambak sa PH?

HETO na naman, sanrekwang basura na naman ang dumating sa bansa sa pamamagitan ng mga container port. Kung dati ay mula sa Canada, this time, mula naman sa South Korea. Ang sabi nga ng Bureau of Customs (BoC), “massive shipment of garbage to the Philip­pines.” Sa ulat ay umaabot ito sa 1,200 tons na hazardous waste. Gaya rin sa isyu ... Read More »

Lady district engineer hulicam sa ‘lagayan’ ng SOP sa road project (Militar italaga na rin sa DPWH?!)

Lorna Ricardo DPWH SOP PACC Greco Belgica

CAUGHT in the act ang isang lady DPWH district engineer na kinilalang si Lorna Ricardo habang humihirit ng ‘SOP’ o tongpats para sa P100-million Lagawe-Caba-Ponghal Road Development Project sa Ifugao province. Hulicam na hulicam kaya hindi makatanggi si Engr. Ricardo dahil mismong ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang naglabas ng hulicam sa kanya. Iniharap ni PACC commissioner Greco Belgica ang ... Read More »

Scroll To Top