Tuesday , July 23 2019
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin (page 155)

Category Archives: Bulabugin

Feed Subscription

Senators wala talagang ethics o iwas pusoy? (Sa pagbubuo ng Senate Ethics Committee)

MARAMING Senador daw ang gustong buuin na ang Senate Ethics Committee … Ang problema ‘alang gustong mamuno sa nasabing committee. Dahil dito, sabi ni Senate President Franklin  Drilon, mas mabuti raw na mag-concentrate na lang sa paggawa ng batas ang mga Senador, kasi ‘yan naman ang trabaho nila bilang mambabatas. Mayroon nga kasing suhestiyon si Senator Tito ‘insertion’  Sotto na ... Read More »

Alias Edward sonaba-Gan, hari ng pekeng sigarilyo sa Divisoria Maynila (Paging: NBI)

KALAT na kalat na naman ang bentahan ng mga pekeng sigarilyo na hindi lang mababa ang kalidad, lasang ipis pa umano na ibinibenta ng katapat na halaga ng isang orihinal na sigarilyo. Sa dami at lakas nga raw ng bentahan ng pekeng yosi na ibinabagsak sa isang BODEGA sa Divisoria ‘e kaya na niyang mag-SUPPLY sa buong Metro Manila. Matagal ... Read More »

SM MoA security super palpak

KADA weekend ay mayroon ginaganap na International PYROTECHNIC competition/display sa SM Mall of Asia. Nitong nakaraang weekend ay ilang kamaganak natin ang mga nanood sa nasabing event. Pero hindi natin nagustuhan ang mga nangyari batay sa sumbong na ipinarating sa atin. Mayroon kasing ilang foreigner sa harap ng New Orleans Restaurant na nagkainitan dahil mayroon umanong nakaharang kaya natatakpan ang ... Read More »

Jueteng tandem ni Jojo-Joy namamayagpag sa Parañaque (Attn: NCRPO RD C/Supt. Carmelo Valmoria)

MALAKASAN na pala ang jueteng operations ng isang alyas JOY at isang alyas JOJO sa area ng Parañaque. Magkatulong ang TANDEM nina alyas Joy, bilang teng-we management, at alyas Jojo, ang dating immigration employee na ngayon ay isa nang financier ng TENG-WE. Aba, bakit noong panahon ni Mayor Jun Bernabe ay walang jueteng sa Parañaque? Gaano ba kalaki ang ‘parating’ ... Read More »

Escort girls na-Estafa ‘gahasa’ ba ni Vhong Navarro?!

ISANG very reliable source (BUGALOO) ang nagbulong sa atin na ang bagong nag-asunto ng rape laban kay actor/TV host VHONG NAVARRO ‘e kilalang escort girl. Paunawa lang po, may karapatan rin po ang babaeng nag-asunto kay VHONG na itanggi ‘yan. Gaya ng unang kumalat na balita na ang unang babaeng nagreklamo at nasasangkot sa kasong pambubugbog ay sinabi rin na ... Read More »

TESDA Director Joel ‘bulsa-nueva’ este Villanueva nadawit din sa P10-B Pork Barrel Scam (Jesus is Lord!)

NAGULAT  tayo nang idamay ni TRC deputy director general Dennis Cunanan sa kanyang testimonya si TESDA Director Joel ‘Bulsa-nueva’ este Villanueva. Ang dating CONGRESSMAN na paboritong dalaw ni Pangulong Noynoy sa Malakanyang. Isa si TESDA Director Joel Bulsa-nueva ‘este mali na naman’ Villanueva sa mga batang mambabatas na plinanong isama sa Senate Slate ng Liberal Party pero last minute ‘e ... Read More »

Sen. Koko Pimentel fiscalizer o papansin (Re: Decriminalization ng Libel sa Senado)

KONTRA sa decriminalization ng LIBEL si Senator Aquilino “Koko” Pimentel III, kasalukuyang chairperson ng Senate Committee on Justice. Aniya, ito raw ang tanging remedyo para sa mga inidibidwal na sa pakiramdam nila ay nabiktima sila ng masasamang salita na naging dahilan para maapektohan ang kanilang dignidad at reputasyon. Kakaiba ang posisyong ito ni Sen. Koko sa kanyang mga kasamahan na ... Read More »

Lapu-Lapu Health Spa cum ‘pokpokan’ sa Pasay City deadma lang ang awtoridad

PABORITO pala itong galaan at lamyerdahan ngayon d’yan sa Pasay City ng mga ‘maiinit’ ang katawan. Ang tawag nila rito ay health SPA pero ang dinarayo d’yan ay ‘yung ‘espesayal na serbisyong’ pokpokan. Saan ka naman nakakita ng health SPA na ang mga masahista ay menor de edad at nasa loob ng aquarium?! D’yan lang ‘yan sa kanto ng Leveriza ... Read More »

Vhong Navarro ‘rapist’ ba talaga?!

INISIP man natin na isa na namang framed-up ang paglitaw ng isang babaeng nagrereklamo na siya umano ay biktima rin ng pagsasamantala at panggagahasa ni Vhong Navarro, e sa pagkakataong ito ay gusto natin sundan ang kasong ito. Ayon sa biktima, isa raw siyang audience sa isang noontime show nang magkakilala sila ng actor/TV host. Kinuha umano ni Vhong ang ... Read More »

Illegal aliens sa Bicol Region

Dapat nang maghanda ang illegal foreigners sa bansa dahil matapos raw ang Bureau of Immigration (BI) Annual Report ay susunod na ang crackdown sa mga undocumented and improperly documented foreign nationals. Magandang unahing ipasalakay ni BI Comm. Fred Mison ang Bicol region na laganap na raw ang mga walang dokumentong banyaga lalo na sa mga minahan. Masyado na raw malaki ... Read More »

Balahura magtrabaho ang DMCI sa NAIA

FOR the _th time …muli na naman na nag-patikim ng aksidente ang nire-renovate na Ninoy Aquino International Airport [NAIA] International Passenger Terminal 1 nitong nakaraang linggo. Hindi akalain ng isang departing passenger na si Lorna Delos Reyes, 59-anyos, na sa halip na niyebe ang pumatak sa ulo nya ay ang bumagsak sa kanya ay styrofor mula sa kisame ng T-1 ... Read More »

Convicted, accused, suspect sa kasong plunder biglang nagkakaroon ng malalang sakit (Karma o excuse …)

NAGTATAKA tayo kung bakit lahat ng mga nasasangkot sa kasong plunder (convicted na si Erap, akusadong si GMA at ngayon ay ang suspect na si Janet Lim Napoles) kapag nasa kulungan na ay biglang nagkakasakit?! Naalala ko pa noon si Erap, mula sa pinagkakulungan nila ng anak na si Denggoy ‘este Jinggoy sa Fort Sto. Domingo ay nakagawa ng paraan ... Read More »

Kim Henares tiyope vs casino financiers?!

KAPAG napapanood natin si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner KIM HENARES sa telebisyon parang nakahahanga ang kanyang mga posisyon at deklarasyon laban sa tax evaders. Lalo na nang ‘habulin’ niya ang TAXES ni boxing champ Manny Pacquiao. Pero sa realidad, parang hindi naman ganyan kaseryoso si Madam KIM. Aba  ‘e matagal nang inirereklamo sa atin ng mga lehitimong taxpayers ... Read More »

Social networking sites, online freedom of expression inutil sa Pinas

ONLI in da Pilipins lang talaga! Mantakin ninyo i-UPHOLD ng Supreme Court ang online libel?! Constitutional daw ang online provision sa Cybercrime Law o Republic Act 101-75 (Cybercrime Prevention Act of 2012). Binigyang-diin ni SC spokesperson, Atty. Theodore Tae ‘este’  Te, sa inilabas na resolusyon ng SC en banc, ang online libel ay para lamang sa orihinal na author o ... Read More »

Abusadong pulis masama ‘este’ MASA ni Erap (Pakibasa lang NCRPO Director C/Supt. Carmelo Valmoria)

Imbes maging tagapagpatupad  ng peace & order at sundin ang sinumpaang tungkulin sa taumbayan na “to serve and protect” ay kabaligtaran ang ginagawa isang tulis ‘este’ pulis ng Manila Action & Support Assignment (MASA) na pinamumunuan ni Major BERNABE IRINCO. Isang PO2 RENE LAGRIMAS na nagyayabang na tao raw sya ni Yorme Erap sa MASA at sa sobrang senglot kasama ... Read More »

Denial Kings sa Senado bakit hindi kasuhan ang mga Girl Friday nila?

GUSTO natin ‘yang hamon ni Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano sa tatlong DENIAL KINGS sa Senado na sina Senate Minority Leader Juan ‘Tanda’ Ponce-Enrile, Sen. Bong ‘Pogi’ Revilla at Sen. Denggoy este Jinggoy ‘Sexy’ Estrada. Totoo naman ang hamon ni Sen. Alan. Kung totoong wala silang kinalaman at tanging mga chief of staff nila ang nagmaniobra n’yan ‘e bakit ... Read More »

FCDA refund ng maynilad sa customers sapat nga ba?

MARAMING customers ng MAYNILAD ang natuwa nang biglang bumaba ang kanilang WATER BILL. Mayroong mula P900 ay naging P163 na lang ang binayaran nitong nakaraang Disyemre 2013. Dahil sa laki ng ibinawas sa kanilang water bill, s’yempre tuwang-tuwang ang mga subscriber. Kung bakit nagkaganito? Ito po ang paliwanag ng MAYNILAD: Nag-refinance umano sila ng utang sa halagang US$ 121 milyon ... Read More »

Bagman namunini na naman sa Metro Manila (Sa panahon ni PNP-NCRPO Chief, Gen. Carmelo Valmoria)

HILONG talilong daw ang mga ilegalista sa Metro Manila dahil sa sandamakmak na ‘BAGMAN’ ang orbit nang orbit. Maya’t maya ay mayroong nagpapakilalang sila ang BAGMAN o KOLEKTONG ng PNP-NCRPO. Gaya na lang ng isang KUPITAN ‘este’ KAPITAN. Hindi umano maintindihan kung kapitan ng barko o kapitan ng pulis ang isang nagngangalang PAGA-DOR-AN alias BOY SAKRA. Si PAGADOR-AN umano ang ... Read More »

Plantilla position sa Pasay City Hall binalasubas na ng mga non-eligible? (Paging: Civil Service Commission)

DEMORALISADO umano ang halos lahat ng rank and file employees ng Pasay City hall dahil umano sa patuloy na pagtatalaga ni Mayor Antonino Calixto ng mga ‘di- kwalipikadong tao sa mga sensitibong posisyon diyan sa city hall. Halimbawa na lamang umano ay ang isang Noel “Boyet” Del Rosario at Dolly Casas ng Bureau of Permits and Licensing Office (BPLO). Personal ... Read More »

Congratulations Michael Christian Martinez!

MAY bago na namang bayani ang sambayanang Pinoy. ‘Yan ay sa katauhan ng 17-anyos na Filipino ice skater Michael Christian Martinez. Congratulations Michael! You really made us proud! Si Martinez ang kauna-unahang Filipino at unang Southeast Asian na naging kwalipikado sa Sochi Winter Games. Nakagugulat na isang Pinoy ang lumutang sa Winter Games na ito, dahil hindi naman nagyeyelo sa ... Read More »

2 notorious fixer strikes again at BI

LAST week, may isinagawang operation ang BI -Intelligence Division sa 999 Mall sa Binondo. Kanilang inimbitahan ang 35 undocumented and improperly documented Chinese nationals sa BI Main Office para sumailalim sa masusing imbestigasyon. Hindi na naman nakaligtas sa matatalas na mata ng mga empleyado ng BI ang paglutang at pagiging aligaga ng notorious fixer in-tandem na sina BETTY CHUWAWA at ... Read More »

Iskorap este Erap para sa mahirap ba ‘ika n’yo? Pakiulit nga?!

MULA ngayong araw, “WALA NANG LIBRE” sa Maynila. Ang mga serbisyo-publiko lalo sa mga ospital na pinatatakbo ng siyudad ng Maynila ay may bayad na. Matapos ihain at ipasa ng Konseho na pinamumunuan ni Vice Mayor Isko Moreno ang City Ordinance 8331, opisyal nang idineklara na ang lahat ng serbisyo sa anim na ospital ng Maynila ay may bayad na. ... Read More »

Mag-ingat sa mga raketeros – BOC NAIA

MAHIGPIT na nagbabala sa publiko ang Bureau Of Customs NAIA sa mga modus operandi ng ilang grupo na nambibiktima ng mga kababayan natin na may mga kamag-anak o pamilya sa ibang bansa. Ayon kay Customs-NAIA assistant Chief for cargo Rosalinda Mamadra, ‘wag basta maniniwala kung may matanggap kayong sulat o e-mail na may nagpadala sa inyo ng bagahe na nasa ... Read More »

Ang tampururot ni Erap kay Binay

HINDI natin alam kung gimik ito o totoo. Pero kung totoo ito, masasabi nating umiral na naman ang pagiging ‘SPOILED BRAT’ ni ERAP. ‘Yun bang tipong kapag hindi nasunod ang gusto niya ‘e biglang aayaw o gagalitin ‘yung taong tumututol. At tuwina, ‘yang pagiging ‘SPOILED BRAT’ niya ang naglalagay sa kanya sa indulto. Huwag natin kalimutan na dahil sa ‘jueteng’ ... Read More »

Toxic materials ng ibang bansa itinatapon sa Pinas

MATAPOS mabisto at masakote ng Bureau of Customs (BoC) ang isang consignee na nakabase sa Valenzuela City na nag-i-import ng hazardous and toxic waste materials sa bansa, kompirmadong ang ating bansa ay ginagawang ‘dumpsite’ ng ibang bansa. Sa kaso ngang ito, mula sa Canada ang 50X40-footer container vans na mayroong laman na basura mula sa  Canada. Kaya naman under investigation ... Read More »

Scroll To Top