Monday , April 22 2019
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin

Category Archives: Bulabugin

Feed Subscription

Political ceasefire sa semana santa dapat pairalin ng mga kandidato (Pabor tayo sa apela ni Imee)

SA RAMI ng mga kandidatong nangangampanya araw-araw, tanging si senatorial bet at Ilocos Norte Governor Imee Marcos lamang ang nakaalalang manawagan na magkaroon ng political ceasefire bilang paggunita o pagninilay sa Semana Santa. Noong nakaraang linggo ay nanawagan si Imee sa lahat ng magkakalabang politiko na pairalin muna ang isang “political ceasefire” sa nalalapit na paggunita ng Semana Santa o ... Read More »

Sterling insurance tinanggal sa BPLO, 60% ‘tongpats’ tuloy-tuloy pa rin

PAGLILINAW: ‘Tongpats’ po ang ginamit nating termino dahil ito ang ginagamit na termino ng mga nagrereklamo. Anila, mas mdaling maintindihan at makare-relate ang ibang negosyante na nagkukuwestiyon kapag ito ang ginamit na termino. Para sa mga hindi pamilyar sa isyung ito, ito po ‘yung reklamo ng ilang business owners dahil nagtataka sila kung bakit sa 100 porsiyentong ibinabayad nila sa ... Read More »

Hotel sa Boracay ipinasara na sinunog pa?

ISANG hotel owner ang biktima ng ilang ‘unscrupulous’  people sa Boracay. Sinunog umano ang kanyang hotel sa Boracay bago ipasara nina DILG Usec Epimaco Densing III at assistant to the Mayor Rowen Aguirre ang isla. Heto ngayon ang problema ng nasabing negosyante, ayaw siyang bigyan ng Arson report kaya hindi siya makasingil sa insurance.  Kaya malaki ang ipinagtataka niya kung ... Read More »

Iba naman! Doc Willie Ong dapat sa senado

ISA sa mga inirerespetong kandidato ng inyong lingkod ngayon si Doc Willie Ong, tumatakbo sa Senado. Nagdesisyong tumakbo si Doc Willie na ang tinatapakang base ay 10 milyong followers sa social media. Sa totoo lang, maraming Chinese businessmen ang nagpadala ng donasyong pera kay Doc Willie pero tinanggihan niya lahat ito. Mayroon pang nag-offer na all-out financial support sila kay ... Read More »

Eleksiyon hindi pa natatapos, House speakership pinag-aagawan na?!

WALANG magtatangkang saklutin ang karderong puno ng kanin hangga’t hindi pa nakararating sa kusina, lalo na kung hindi man lang nakaaakyat pa sa hagdanan. ‘Yan ang kasabihan ng matatanda ukol sa paghahangad ng mga probetsong nakalaan lang doon sa mga taong, sabi nga ‘e ‘malalapit sa kusina.’ Ang tinutukoy po natin ‘e ‘yung paghahangad ng mga politikong malalapit sa Duterte ... Read More »

Sterling insurance sa BPLO pinagpahinga, pero 60% ‘tara’ tuloy pa rin

MAY bagong gimik pala ang Bureau of Permits and Licensing Office (BPLO) ng dalawang lungsod sa Metro Manila. Para wala raw ebidensiya, pinagpahinga ang Sterling insurance pero ang ‘tara’ na 60% tuloy-tuloy pa rin. Ibig sabihin, walang system na ginagamit pero lahat ng issuance, sinisingil pa rin ng 60%. Otherwise, hindi maipo-process ang business permit ng applicant/s. Bagong estilo ‘di ... Read More »

Perya ng Bayan ni Piryong weteng solo arangkada sa QC!

NAKAGUGULAT ang birtud ng isang alyas Piryong diyan sa Quezon City. Malakas ang ugong na si alyas Piryong umano ang financier/operator ng Perya ng Bayan as in PNB sa Kyusi. Ang operasyon daw niyan ay may basbas ng Philippine Charity Sweepstakes Office  (PCSO). Pero sabi naman ng PCSO, huwag tangkilikin ang Peryahan ng bayan. Legal jueteng ba ‘yan!? Wattafak! Kaya ... Read More »

Total ban vs Chinese construction workers isinusulong ni Sen. Nancy Binay

‘YAN na nga ang sinasabi natin, hindi kulay ang pinag-uusapan kundi ang klarong tindig sa mga krusyal na isyung pinag-uusapan. Kaya naman pinabilib tayo ni Senator Nancy Binay na tumitindig na dapat talagang isulong ang total ban kontra Chinese construction workers. Bakit nga naman kukuha ng Chinese construction workers kung marami naman tayo niyan. Hindi ba kabalintunaan na nagpapadala tayo ... Read More »

Korte Suprema, sinupalpal si Ricky Sandoval

TULOY ang kaso… ‘Yan ay dahil ibinasura ng ikalawang dibisyon ng Korte Suprema ang petisyon ni Malabon Rep. Ricky Sandoval na kumukuwestiyon sa resolusyon ng Ombudsman na kasuhan ang congressman ng graft at malversation of public funds. Ayon sa pinakamataas na hukuman sa bansa, matibay ang ebidensiya ng Ombudsman upang sampahan ng kaso si Sandoval nang iendoso ang Dr. Rodolfo ... Read More »

Wakas na nga ba ng political career ni ER Ejercito?

SINENTENSIYAHAN na ng anim hanggang walong taong pagkakakulong ang aktor na pumasok sa politika na si dating Laguna governor ER Ejercito matapos mapatunayang “guilty” sa illegal insurance deal na kanyang inaprobahan nang siya ay mayor pa ng Pagsanjan noong 2008. Si Ejercito ay hinatulan ng Sandiganbayan Fourth Division sa kasong paglabag sa Section 3(e) Anti-Graft and Corrupt Practices Act, na ... Read More »

Duterte naniguro sa San Juan?

SA KAINITAN ng kampanya para sa national at local elections, lumabas sa social media ang larawan na itinataas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kamay ni former San Juan vice mayor Francis Zamora sa isang okasyon sa Biñan, Laguna. Pero ang incumbent vice mayor na si Janelle Ejercito Estrada ay nag-post din ng katulad na larawan sa kanyang facebook account na ... Read More »

P32-B unpaid taxes mula sa foreign Pogo workers hahabulin ng BIR

SA wakas ay naglabas din ng nakatutuwang pahayag si Finance Secretary Sonny Dominguez III. Sinabi ni Secretary Dominguez, hahabulin ng gobyerno ang pinaniniwalaan nilang P32 bilyong unpaid income taxes mula sa mga dayuhang nagtatrabaho bilang  Philippine offshore gaming operators (Pogo). ‘Yan daw P32 bilyones na ‘yan ay mula sa 25 percent ng US$1,500 average na kita kada buwan ng 138,001 ... Read More »

Pangulong Digong napikon kay Oreta na walang paki sa ilegal na droga

MUKHANG napikon na si Pangulong Rodrigo Duterte dahil wala umanong pakialam si Mayor Antolin “Len Len” Oreta III sa kanyang isinusulong na anti-illegal drug war. Matindi ang pagbabanta at ultimatum ng Pangulo laban kay Mayor Len Len. Kung hindi raw seseryosohin ang anti-illegal drug cam­paign, tiyak na may kalalagyan siya. Pansamantala, binigyan ng Pangulo si Mayor Oreta nang isang buwan ... Read More »

Anyare Jim repapips?

WALA naman tayong nakikitang masama kung masturbation ang pag-uusapan. Kaya nagtaka tayo kung bakit nag-deny pa noong una si Jim Paredes na siya ‘yung nasa video gayong kahit saang anggulo tingnan ‘e siya talaga ‘yun. Hik hik hik… Kaya hayun, umamin din sa huli at humingi ng apology. Normal ang masturbation sa maraming kalalakihan. Pinaka-exercise nila ito lalo na kung ... Read More »

‘Hulaan’ sa celebrities narco-list kailan wawakasan ng PDEA?

HANGGANG sa kasalukuyan ay naghahari ang kapraningan sa hanay ng celebrities lalo sa entertainment sector kung sino ang nasa ‘bluebook’ na nakuha ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga nadakip nilang big time party drugs suppliers na ‘yung isa nga ay napaslang. Sabi kasi ng PDEA, ‘yung isang supplier na nanlaban at napaslang sa Sta. Cruz, Maynila ay siyang ... Read More »

Female toilets sa NAIA terminal 1 ‘very uncomfortable’ sa kababaihan dahil halos walang privacy

MARAMING natuwa dahil natapos na rin ang renovation ng comfort rooms malapit sa carousel/conveyor ng mga bagahe sa arrival area Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Sa wakas, hindi na dehado ang ating paliparan sa terminal 1. Pero,  nagulat tayo nang isang araw ay makita natin na may pila ng mga kababaihan sa loob ng cubicle  ng nasabing ... Read More »

Sino ang financier ni Isko Moreno?!

MARAMI umano ang nagugulat na empleyado sa Manila City hall dahil sa ‘haba ng pisi’ ng kampanya ni Isko Moreno. Sabi ng mga taga-city hall, isang taon nang walang gatol sa pag-iikot si Isko Moreno sa Kamaynilaan pero mukhang hindi pa rin nauubusan ng panggasta at todo-gastos sa kanyang pangangampanya. At hindi lang simpleng gastos, napakagalante umanong magpa­mudmod. Maging ang ... Read More »

Online gambling sa loob ng BI detention cell (Onli in da Pilipins!)

NOONG nakaraang linggo, isang biglaang ‘raid’ na naman ang isinagawa ng Bureau of Immigration sa sarili niyang detention diyan sa Warden’s Facility sa Bicutan. Bunsod daw ito ng balitang kumalat sa social media na isang online casino ang pinapatakbo mismo sa loob ng detention at sangkot ang foreign detainees! Grabe na ito! Kasamang sumalakay ng BI-Intelligence Division ang PNP Special ... Read More »

Simula ng piesta ng mga bolero

‘YAN po ang narinig nating huntahan sa  isang coffee shop. Naalala natin, simula na nga pala ngayon ng kampanya ng mga kandidato sa lokal. Mula mayor, vice mayor hanggang konsehal, mula gobernador, bise gobernador, hanggang bokal at mga congressman sa bawat distrito. Kaya ngayong araw, opisyal nang magsisimula ang kampanyahan at bolahan. Mga Oh Promise Me (OPM) na walang katuparan. ... Read More »

Bukol-estafa tandem at jowawits i-lifestyle check!

LIFESTYLE check! Ito ngayon ang sigaw ng mga nabukulang IOs matapos nilang malaman na natakasan sila ng estafa-in-tandem nina Boy Imbisibol Bukol King and Boy Bukol Prince! Mahirap na raw kasi sa kanila ang maghabol dahil parang blessing in disguise pa ang pagkak­adestino ng dalawang bukolero matapos silang ibato sa labas ng airport. Susme sobra palang kinawawa ang mga IO! ... Read More »

Kalbaryo ng bayan ang TRAIN Law ni Sonny Angara

Sonny Angara

SA pagtakbo muli ni Senator Sonny Angara sa Senado, hindi dapat kalimutan na isa siya sa may-akda ng Tax Reform for Acceleration (TRAIN), na nagdudulot ng pahirap sa bayan. Lahat ay apektado ng masamang dulot ng TRAIN law at bilang nagpapakilala sa mga botante, dapat akuin ni Angara na kabilang siya sa may utak ng kontrobersiyal na batas na dahilan ... Read More »

Pabor tayo kapag nawalis ang bus terminals sa EDSA

ISA tayo sa mga natutuwa kapag nagtuloy-tuloy ang pagliinis ng bus terminals sa EDSA. Pero hindi naman totally, wala. Dapat magkaroon lang ng isa bawat lugar sa EDSA. Halimbawa, isa sa Cubao, isa sa Muñoz, isa sa Mandaluyong, puwede na ‘yun. Pagkatapos ‘yung ibang bus ay mag-terminal na sa mga lugar na hindi makaaabala sa trapiko.  Sana nga, ay malinis ... Read More »

Paggamit ng pekeng foundation at benepisaryo, estilong kurakot!

PUTOK na naman sa mga balita ang pangalan ni Janet Lim-Napoles, na binansagang “Pork Barrel Queen” matapos kurakutin ang may P10 bilyong halaga ng pondo ng taongbayan, kasama ang mga kasabwat na senador at kongresista. Sabi nila, “ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw” pero kung totoo ang mga paratang laban kay Napoles, ang sinungaling ay siya ring magnanakaw. Gumamit umano ... Read More »

Bill waiver plan ipatutupad ng Manila Water (Ngayon lang nangyari sa kasaysayan)

FOR the first time sa kasaysayan ng maraming kompanya sa Filipinas, ngayon lang nangyari na magpatupad ng bill waiver plan ang isang  water company. This will probably be the largest voluntary revenue loss by a Philippine company for the sake of their customers. Kahapon, ipinaabot sa atin ang plano ng east zone concessionaire Manila Water na bill waiver para sa ... Read More »

‘Rebolusyonaryong’ utak stagnant si Nur

GUSTO nating ikorek ang misconception ng marami nating kababayan sa katangian ng isang rebolusyonaryo. Ang isang rebolusyonaryo po ay laging naghahangad ng mga bagong bagay, bagong ideya, bagong sitwasyon. Ibig sabihin, ayaw nila ng stagnant. Ayaw nila ng lumang kaisipan. Gusto nilang laging umiinog at umiikot ang mundo. Kaya kung si Nur Misuari ang ating pag-uusapan, hindi na natin siya ... Read More »

Scroll To Top