Sunday , March 24 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bong, balik-pelikula; Nabuong script, gagamitin na

Bong, balik-pelikula; Nabuong script, gagamitin na

MAY nalaman kami tungkol kay Bong Revilla na habang nasa loob ng kulungan ay nakagawa ng script. Kaya sa paglaya niya ay babalik siya sa showbiz. Ang plano, gagawa siya ng mga pelikula pagkatapos ng May 2019 election.

Ang tsika, noong panahong nakakulong siya sa PNP Custodial Center sa Camp Crame ay nakapagsulat siya ng mga script at kasama na roon ang Tres na kamakailan ay ipinalabas at pinagbidahan ng mga anak niyang sina Jolo, Luigi, at Bryan Revilla.

Hindi namin napanood ang Tres kaya hindi namin alam kung maganda ang takbo ang script na ang balita ay kumite dahil maraming Pinoy ang gustong muling makapanood ng totoong action movie.

Maliban dito, gagawa rin si Bong ng isang libro na may kinalaman sa  pagkakulong niya sa Camp Crame. 

About Alex Datu

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top