Monday , March 25 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Bahay ng 71-anyos mag-asawa natupok sa electric fan (Misis patay, mister may 2nd degree burn)

Bahay ng 71-anyos mag-asawa natupok sa electric fan (Misis patay, mister may 2nd degree burn)

PINANINIWALAANG electrical short circuit ang sanhi ng pagkatupok ng isang bahay na ikinamatay ng isang lola at pagkasunog ng balat ng kaniyang asawa sa Dammang East, Echague, Isabela.

Namatay sa sunog si Virginia Matterig, 71, na hindi agad nakalabas sa kanyang kuwarto bunsod ng kapansanan.

Samantala, inabot ng second degree burn ang sunog sa balat ng asa­wang si Villamor Mat­terig, 71, na nagtangkang pumasok sa loob habang nasusunog ang kanilang dalawang palapag na bahay.

Inihayag ni Senior Fire Officer 1 Reinier Cante, tagasiyasat ng BFP Echa­gue, nag-overheat ang naiwang nakasinding wall fan mula sa unang pala­pag ng bahay hanggang matupok ang pangala­wang palapag dahil gawa ito sa kahoy.

Hindi agad naka­rating ang mga bombero dahil malayo at hindi maganda ang daan patu­ngo sa Barangay Dam­mang East.

HATAW News Team

 

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top