Friday , April 19 2024

Bagong APT Studio ng Eat Bulaga binuksan nitong Christmas season

Malaking pagdiriwang ng tagumpay para kay Sir Antonio Tuviera, presidente at chief executive officer ng Television and Production Exponents (TAPE), Inc ang pagkakaroon ng bago at sariling world-class studio ng Eat Bulaga na matatagpuan sa Marcos Highway, Cainta, Rizal.

Halos apat na dekada silang umuu­pa lamang ng studio.

“Ang feeling na­min is it’s a bles­sing,” ayon kay Mr. T, na umaming matagal nang pinagpla­nohan ang pagpapatayo ng sariling studio. Bu­kod sa pinaganda, una rin sa mga layunin ang comfort ng audience. Alay nila ito sa milyon-milyong tagasubaybay ng show.

“That’s why we would like to give it back to the audience, to everbody, because we owe it to them. Hindi naman maitatayo itong mga ganito without them,” kuwento ng mabait na TV producer.

Nagpalipat-lipat ng tahanan ang longest running noontime variety show sa Filipinas sa loob nang halos 40 taon pero nananatiling tapat ang kanilang millions of viewers.

Hanggang ngayon ay nanati­ling number one sa ratings game sa NUTAM ang Eat Bulaga. 

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Atasha Muhlach Daniel Padilla

Daniel at Atasha iniuugnay ng fans

REALITY BITESni Dominic Rea KINIKILIG ako actually sa naglalabasang cropped photos nina Daniel at Atasha Muhlach.  …

Kathryn Bernardo Jericho Rosales Alden Richards

Kathryn pinag-aagawan daw nina Alden at Echo

REALITY BITESni Dominic Rea PAGKARAANG ianunsiyo ni Kathryn Bernardo na she’s already healed after her break-up with Daniel …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *