Thursday , April 25 2024

Awra, bangungot ng kabataan ni Vice Ganda

MAHIGIT isang linggo na mula nang maganap ang anniversary concert ng Ang Probinsyano sa Araneta Coliseum pero hanggang ngayon ay bukambibiga pa rin ng mg manonood ang mga naganap doon at special mention ang stand-up comedy na ginawa nina Awra at Vice Ganda.

Tinawag na kutong lupa ni Vice si Awra pero sinabi naman ni Awra na siya raw ang bangungot ng kabataan ni Vice.

Tinuruan ni Vice si Awra para maging tunay na Unkabogable star at nakasunod naman si Awra sa mga patawa ni Vice.

Sabi ni Vice, kapag maganda raw, dapat marami kang sinalihang beauty contest. Marami na raw nasalihan si Vice pero ang tanong ni Awra, nananalo ba naman siya?

Tinuruan din ni Vice si Awra kung paano mag-intro kapag sumasali ng beauty contest. May bagong patawa si Vice. ”Hi, I’m Vice Ganda and I am proud to represent the Shoe Capital of the Philippines  …”. “Marikina?” singit ni Awra.

“Shaw Boulevard,” patuloy ni Vice sa kanyang intro.

Si Awra naman ang sumubok. ”Hi, I’m Awra Briguela , 12 years old from the Summer Capital.”

“Baguio?” hula ni Vice.

”Hindi! Summer, Leyte,” patuloy ni Awra.

Joke lang naman ito at ‘wag seryosohin lalo na ng mga bata. Of course, ang Shoe Capital ay ang Marikina nga naman at ang Summer Capital of the Philippines of course ay Baguio City.

Pero ang Summer (Samar), hindi po siya sa Leyte.

Sa totoo lang, at a very young age, nakasusunod si Awra sa mga joke ni Vice (although alam kong medyo scripted ito) pero Vice Ganda ‘yan, may mga sing-along comedian na takot makasama si Vice sa entablado dahil nga ‘di sila makasabay sa bilis ng utak ni Vice na magbato ng mga punchlines.

May posibilidad na sisikat nang husto tulad ni Vice itong si Awra.

Promise!

Ang magada kay Awra, sa mura niyang edad, hindi na niya itinatago ang  tunay na pagkatao. Mas okey nga ang ganito kaysa mga kakilala ko na kung kailan malalaki na ang mga anak, at saka pa lumantod ang mga hitad.

MAKATAS – Timmy Basil

About Timmy Basil

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *