Thursday , March 28 2024

Vir Gonzales

Sylvia, malakas ang laban kay Nora sa pagka-Best Actress

HINDI pa man naipalalabas ang Isa Pang Bahaghari  ni Nora Aunor, iniintriga agad na matatalbugan siya sa award ni Sylvia Sanchez. Pagtatanggol ng isang netizen kay Guy,  paanong hindi masasapawan ni Sylvia si Guy eh, istorya ng kabaklaan ang pelikulang nagtatampok din kina Phillip Salvador at Michael de Mesa. Napapangiti nga si Guy kapag napag-uusapan ang pagsasama nila noon ni Ipe, ito ay sa pelikulang Bona. Naging stalker …

Read More »

Ivana, pagpapasahan ng kaseksihan ni Ate Vi

MASUWERTE si Ivana Alawi, imagine gagawin siyang bida ni Joed Serrano sa pelikulang ipo-prodyus niya, ang Anak ng Burlesk Queen. Worth naman na magbida si Ivana dahil napakaseksi niya bukod sa  talented din naman. Hindi rin naman siya pahuhuli kung acting ang pag-uusapan. Dapat matuwa si Ivana sa proyektong ito dahil si Vilma Santos ang original Burlesk Queen.  Nangangahulugan ding siya ang pagpapasahan ng kaseksihan ni Ate …

Read More »

Wish ni Ate Vi, matutupad na; Nora, ‘di pa rin okey sa mga anak

MAGKAIBANG feeling  ngayong Kapaskuhan ang nararamdaman nina Nora Aunor at Cong. Vilma Santos. Masaya si Ate Vi dahil malapit nang matupad ang matagal na niyang hinihintay. Ang magkaroon ng apo kay Luis Manzano. Malungkot naman si Guy dahil hindi sila magkasundo-sundo ng kanyanng mga anak dahil sa isang bagay na parang hindi maibigay ng kanyang mga anak. Ganoon din naman ang mga anak …

Read More »

Joed Serrano, Santa Claus ng showbiz

ISA pang nakaranas ng suwerte ay ang baguhang si Sean de Guzman, bida sa pelikulang Anak ng Macho Dancer produced ni Joed Serrano at idinirehe ni Joel Lamangan. Imagine ang suwerte talaga ni Sean dahil malaking break ang ibinigay ng Godfather Production ni Joed. Maraming humahanga kay Joed na sa kabila ng kahirapan ngayon sa showbiz, patuloy siya sa pagtulong sa kapwa. Noong araw kasi nakaranas ng kahirapan si …

Read More »

Nora, binagsakan ng suwerte ni Joed

DALAWANG uri mayroong ng himala sa mundo ng showbiz. Isang tinatawag na suwerte at mayroon ding malas. Sa sitwasyon ni Nora Aunor, nagkaroon ng mala-himalang suwerte noong aluking gumanap sa pelikulang Kontrabida na ipo-prodyus ng Godfather Productions ni Joed Serrano na isang batang That’s Entertainment. May bagong discovery si Joed, si Charles Nathan at kinuha si Nora bilang star ng pelikula. Pangarap kasi ni Joed na maging artista niya sa …

Read More »

Sarah Javier, nakakapag-compose na ng kanta  

MASUWERTE si Sarah Javier, dating taga-That’s Entertainment at   kasabayan nina Mayor Isko Moreno, Isabel Granada, Ruben Manahan at iba pa, dahil nag-klik ang kanyang Christmas Song. Ngayon ay may bagong release na single si Sarah, ang Ihip ng Hangin na bagay ang tema ngayong may Covid. Ani Sarah, nalaman niyang may talent pala siya sa pagsusulat ng mga kanta noong magkaroon ng lockdown na babad siya sa bahay. …

Read More »

Ilang taga-showbiz, nasaktan sa komento ni Robin

robin padilla

MARAMING taga-showbiz ang nalungkot at nasaktan sa sinabi ni Robin Padilla na lumang style na ng mga pelikula ang ipalalabas ngayong Metro Manila Film Festival 2020. May mga nagtatanong kung bakit naman namimintas si Robin? Tanong din sa actor kung napanood ba nito ang lahat ng entries kung kaya nasabi niya iyon. Hindi na raw dapat nagsasabi ng ganoon ang actor dahil alam …

Read More »

Gov. Daniel, umapela kay Digong sa mga paputok

PROBLEMADO ang Bulacan Governor Daniel Fernando sa ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagbabawal ang pagtitinda ng paputok sa Bagong Taon. Alam ng marami na sa Bocaue, Bulacan ito ginagawa at ikinabubuhay ng mga tao roon. Sana pag-aralan muna kung kailan ito ipagbabawal para huwag namang mabigla. Hindi naman lihim ang nakaraang kahirapang sinapit ng mga mamamayan na ngayon pa lamang nakatitikim ng biyaya. Bigla …

Read More »

Pagtawag ng starlet kay Jane, tigilan!

MAHIRAP ang buhay ngayon at hindi lihim na included ang mundo ng showbiz. Sa mga nakararanas, utang na loob huwag na po ninyong intrigahin si Jane de Leon na napiling mag-Darna kapalit ni Liza Soberano. May mga side comment pang hindi tatangkilikin ang palabas na ito dahil starlet ang bida at walang dating. Aber nga, sino bang artista ang sumikat na hindi nagdaan sa …

Read More »

Celebrities na unang magpapabakuna, inaabangan

SA isang showbiz event, narinig naming nagtatanungan kung sino kaya among popular government officials ang unang magpapa-Corona Virus vaccine na galing China. Paulit-ulit kasing ibino-broadcast sa radio at television ang nalalapit na pagdating nito sa bansa. Nadinig ding itinanong kung sino among our artista ang magpapabakuna. Wow, exciting na malaman kung sino ba itong matatapang na celebrities  handang sumabak agad …

Read More »

Andrew, Dennis, Jerald, at Janno, ipinalit kay Vice Ganda

HINDI na natuloy si Vice Ganda sa pagsali sa Metro Manila Film Festival, instead ipinalit sina Andrew E, Dennis Padilla, Jerald Napoles, at Janno Gibbs. Well, no big deal naman daw sakaling wala si Vice Ganda dahil marami namang artista puwedeng mapanood. Sa totoo lang, marami rin namang anak ng Diyos na puwedeng bigyan ng chance para mapanood ng  fans. Ang kaso lang hindi pa …

Read More »

Tagum City, may pinakamagandang Christmas Tree

KAHANGA-HANGA ang Christmas Tree na likha sa Tagum City sa Mindanao. Napasama ito sa pinakamagagandang Christmas Tree sa buong mundo. Kabilang dito ang Christmas Tree mula France, Spain, America, Japan, China, America, Japan, China, Australia at iba pa. Imagine,  nasa Tagum City pala ang isa sa napiling makasama sa pinakamagagandang Christmas decor. Natalbugan pa nito ang Christmas Tree sa Manila, Quezon …

Read More »

Whitney, suwerte sa break na ibinigay ni Coco

MASUWERTE ang komedyanteng si Whitney Tyson dahil malaking break ang ibinigay sa kanya ni Coco Martin. Hindi lang ‘yan, hindi basta-basta ang role na ginagampanan niya sa action seryeng FPJ’s Ang Probinsyano. Hindi lang para magpatawa ang role niya kundi may malaking misyon  siya para ipaalam ang mga kawalanghiyaang ginagawa ni Lorna Tolentino. Nakatatawa nga kung minsan dahil tila nang-aagaw siya ng eksena kina LT …

Read More »

Dan Fernandez, abala sa mga binaha sa Laguna

ABALA sa pagbibigay ng tulong si Congressman Dan Fernandez ng Sta. Rosa, Laguna sa mga kababayan niya na hanggang ngayon ay lubog pa rin sa tubig baha ang mga kabahayan dahil galing sa ilog ng Laguna. Agad ngang umaksiyon si Dan para makapagbigay ng tulong sa kanyang mga kababayan. Pagod man, hindi niya iyon pansin dahil ang mahalaga sa kanya ay makatulong. …

Read More »

Dennis at Jen, namahagi ng tulong sa Cagayan

HINDI akalain ni Dennis Trillo na personal na pamamahalaan ni Jennylyn Mercado ang pagre-pack ng mga ipamimigay nilang ayuda sa mga biktima ng bagyo sa Alcala, Cagayan. Napakarami kasi niyon, pero okey lang kay Jen. Sumama sina Jen at Dennis sa pagdadala ng mga pagkain, kumot, mineral water, at cash para sila mismo ang mamigay sa mga biktima ng bagyo. Masaya si Dennis dahil …

Read More »

Rochelle, nakatikim ng malakas na sampal ni Cherie 

NAKATIKIM ng malakas na sampal si Rochelle Pangilinan sa kamay ng galit na galit na si Cherie Gil. Inalipusta kasi siya nito na hindi puwedeng ibigin ng kapatid niyang si Jon Lucas dahil matanda na. Eh bata pa si Jon at pinaibig si Cherie na may-ari ng resort. Masuwerte si Jon akalain bang napapayag ng GMA si Cherie na ipareha sa kanya at gawing lover boy nito. …

Read More »

Gov. Daniel, puring-puri ni Amanda Amores 

AKALA ni Amanda Amores, hindi na siya kilala ni Bulacan Governor Daniel Fernando. Bigla kasi silang nagkita sa isang restoran nang magkita sila ng actor. Tuwang-tuwa si Amanda sa pagbati sa kanya ni Daniel dahil naka-facemask siya noon pero lumapit pa rin ang gobernador para batiin silang mag-asawa, si Konsehal Richard Yu at ang anak niyang si Kapitan Michelle Yu ng Brgy. Sto. Domingo, Quezon City. Mahirap …

Read More »

Yassi Pressman, inilalaglag sa Ang Probinsyano

NAKATATAWA ang mga kuro-kuro ng mga tagasubaybay ng FPJ’s Ang Probinsyano. Nariyang may nagsasabing inilalaglag si Yassi Pressman para maipasok si Julia Montes. Sa action serye kasi’y nagkabalikan kuno sina Yassi at ex boyfriend niyang milyonaryo na si Richard Gutierrez na karibal ni Coco Martin. Ang tanong, tanggapin naman kaya ng fans si Julia bilang bagong pag- ibig ni Coco gayung ilang taon nang kapareha ng actor …

Read More »

Relasyong Derek at Andrea, pinanghihinayangan

MARAMI ang nanghihinayang sa instant break-up nina nina Derek Ramsay at Andrea Torres. Bakit ba hindi pa hinintay man lang makatapos ang Pasko tutal ilang araw na lang naman. May mga nagtatanong kung ano pa ba ang kulang na katangian ni Andrea para kay Derek? Maganda, sariwa, sikat, at magaling artista. Perfect naman ang body at tipong pang Miss Philippines. Ano nga kaya ang dahilan …

Read More »

Imelda, muntik magka-insomnia sa sunod-sunod na puyatan

MAGANDA ang naisipang idea ni Camarines Sur Vice Governor Imelda Papin sa style ng pagbibigay ng ayuda sa mga kababayang sinalanta ng bagyong Ulysses, Iba’t ibang kulay ng plastik ang nilagyan nila ng mga pagkaing tulong at mga gamot na ipinamimigay sa tao. Kung pare-pareho nga naman kulay ng lalagyan baka magkadoble ng bigay at ‘yung iba ay hindi makatanggap. Muntik daw …

Read More »

Mga reporter ng DZRH, mga unang sumugod sa Catanduanes at Cagayan

DAPAT papurihan ang DZRH Lugao, si Mae Binauhan, kilalang broadcaster ng estasyon dahil sa walang kapaguran siyang sumugod sa Virac, Catanduanes noong kasagsagan ng bagyong Ulysses kasama si Sherwin Bata Alfaro. Nagbigay sila ng tulong sa mga naging biktima roon. Anila, sa airport ng Catanduanes sila tumigil dahil nagliliparan ang mga yero at bubungan ng mga bahay sa lakas ng hangin. Nagpunta naman si Mae …

Read More »

Coco, ‘di nararamdaman ngayong sunod-sunod ang sakuna

NASAAN ba si Coco Martin? Bakit tila hindi natin siya nararamdaman kahit may mga matitinding nangyayari tulad ng bagyo sa ating bansa ngayon. Hindi siya nasisilayang dumaramay katulad ng ibang kapwa artista. Hindi ba siya ang ikinokonsiderang richest Kapamilya stars ? Bakit wala yatang ayudang naririnig na bigay galing sa bida ng Ang Probinsyano? SHOWBIG ni Vir Gonzales

Read More »

Vice Gov. Mel, ‘di ininda ang pagod matulungan lang ang mga biktima ng bagyo 

Imelda Papin

WALANG tulog si Camarines Sur Vice Governor Imelda Papin hanggang ngayong dahil marami pa silang mga biktima ng kalamidad sa Bicol na tinutulungan. Nakadudurog ng puso na makitang ang mga kababayan mo’y biktima ng malupit na bagyo. Awang-awa si Imelda lalo na sa mga sanggol na inabutan ng perhuwisyong problema. Matatag si Vice Mel at hindi siya sumusuko sa matinding …

Read More »

Diwa ng Pasko ni Jojo, 7M na ang views

Seven million na pala ang views ng awiting  Diwa ng Pasko ni Jojo Mendrez, theme song ng show sa DZRH nina Morly Alino, Gorgy Rula, at Shalala. Feel na feel na kasi ang pagdating ng Kapaskfuhan sa awitin ni Jojo kahit kinokontra ng pandemic. Sa awitin ni Jojo, hindi nawawalan ng pag-asa na may pandemic man, tuloy ang Pasko. Walang puwedeng makapigil kahit sino o ano! SHOWBIG ni Vir …

Read More »