Saturday , April 27 2024

Vir Gonzales

Sunshine, kitang-kita ang kasiyahan

NANIBAGO kami kay Sunshine Cruz nang makita namin sa isang event. Mukhang masaya ang aktres at halatang naka-move-on na. Sino ba naman ang mag-aakalang sa hiwalayan din hahantong ang pagmamahalan nila noon ni Cesar Montano. Well, talagang makapangyarihan ang pag-ibig. Walang pinipili sino man. SHOWBIG – Vir Gonzales

Read More »

Tsikang pagpapakalbo ni Angel, napaka-cruel

SINO ba naman ang pasimuno sa tsikang nagpakalbo si Angel Locsin? Ano ba ’yan, bakit kumakalat ang tsikang ‘yan na hindi naman totoo. Napaka-cruel ng kung sino ang nagkakalat ng balitang iyon gayung nagpa-igsi lamang pala ng buhok ang aktres. Nakita namin ang maigsing buhok ni Angel at bagay naman sa kanya. Maganda pa rin ang aktres. SHOWBIG – Vir …

Read More »

Alden, dapat maghinay-hinay sa trabaho

MAY nagkomento na mahalaga ang pera, pero dapat huwag namang sagarin ni Alden Richards ang pagtatrabaho. Marami ang nag-aalala sa kalusugan ng actor lalo’t tila wala na raw itong pahinga dahil sa rami ng raket. Sobra na raw ang pagod nito nab aka maospital. SHOWBIG – Vir Gonzales

Read More »

Vin at Sophie, hahatulan sa Moonlight Over Baler

MABUTI na lang at kay Direk Gil Fortes natupad ang pangarap nina Sophie Albert at Vin Abrenica na makaganap bilang lead role sa pelikulang Moonlight Over Baler. Matagal na naman kasi ang ipinaghintay ng dalawa simula noong manalo sa Artista Academy ng TV5. Sa dami ng mga ipinakilalang promising stars sa network unti-unti rin silang nawawala. Ang ilan sa kanila …

Read More »

Relasyong Coco at Julia, lumalamig na

MUKHANG matutuldukan na ang pakulong Julia Montes at Coco Martin matapos mabulgar na type ng actor si Yassi Pressman. Nabuko tuloy na malamig na ang pagtitinginan nina Julia at Coco. Well, sa isang banda, sabi naman ng mga maka-Julia, maganda na hangga’t maaga ay nawala na ang magandang pagtitinginan ng dalawa dahil wala naman iyong pupuntahan. Pinakukulo lang iyong relasyon …

Read More »

Ara, binalewala sa serye ng isang network

MALAPIT nang mapanood ang teleseryeng paulit-ulit na ipinakikita ang trailer sa Kapuso Network. Ito ang umaatikabong laitan at paghahamakan nina Julie Anne San Jose at LJ Reyes. Pero may mga nagtatanong kung bakit wala raw sa billing ang pangalan ni Ara Mina na mas kilala at may pangalan kompara sa dalawa. SHOWBIG – Vir Gonzales

Read More »

Gabby, pinagselosan ni Willie

MINSAN isang hindi mapaniwalaang bagay ang napansin namin sa studio ng Wowowin. Walang babaeng gumagapang sa sahig ng studio. Walang nagloloka-lokahang sinasabunutan ang sarili at pakiwal-kiwal na sumasayaw pagdating ni Willie Revillame. Nanibago kami sa situation na nalaman naming may nakaalam palang darating si Gabby Concepcion. Ayaw nilang magkalaswaan sa pagsalubong sa iniidolong actor. Masaya si Gabby dahil maganda ang …

Read More »

Dominique, may ‘K’ magpa-sexy

WALANG masama kung mag-bold man si Dominique Roque sa dahil may ipakikita naman siya. Ang masama ‘yung magbo-bold ka pero gagamit pa ng lavacara para lang maging attractive sa mga matron at beki. Marami na ang sumikat na mga artista ang nag-bold muna bago sumikat. Maganda kasing stairway to success ang paghuhubad para madaling makilala. SHOWBIG – Vir Gonzales

Read More »

Tetay, wala ng puwang sa malalaking network

PARANG hindi kapani-paniwala na ang dating Social Media Queen na si Kris Aquino ay nagtatag na lang ng sariling Interview Channel sa Facebook. Tila wala na kasing puwang ito sa tatlong giant network. Anyway marami rin daw namang followers noong i-air ni Tetay ang kanyang interview kay Maine Mendoza na kasamahan sa APT. Nakaaaliw naman si Kris sa totoo lang …

Read More »

Tagumpay ng SPG, ‘di lang dahil kay Vice Ganda

MARAMING komento kaming nasasagap buhat sa mga tagahangang nakapanood ng movie nina Vice Ganda at Coco Martin. Parang hindi nila matanggap na nag-iingay sa pasasalamat si Vice dahil sa kinita ng movie nila. Totoong kumita ang movie pero hindi ibig sabihin solo niyang karangalan ang tagumpay. Na kumita ang movie dahil sa pagpapatawa niya no. Hindi po sarili ng komedyante …

Read More »

Relasyong Jessy-Luis, ‘di sana pralala lang

SOBRANG ingay yata ng relasyong Jessy Mendiola at Luis Manzano ngayon.Araw-araw nalang may pralalang matindi ang pagmamahalan ng dalawa. Sana huwag humantong at matulad sa relasyong Luis-Angel Locsin or Luis-Jennylyn Mercado. Kulang na lang sabihin kung saang simbahan ba sila ikakasal. Naku ayaw ng fans ni Luis ng ganyan. SHOWBIG – Vir Gonzales

Read More »

Teleseryeng panay ang sigawan at murahan, nakasasawa

MAY nagtatanong kung hindi raw kaya sinasawaan ng kasisigaw at pagmumura ang kontrabidang girl sa teleseryeng Oh My Mama? Araw-araw daw ang pananakit nito sa mga batang lansangan kaya naglilipat channel na lang ang mga nanay na adik sa teleserye tuwinghapon. Nakasasawa rin daw ‘yung palaging nagmumura at nagagalit na napapanood nila. Maging si Cong. Yul Servo ay naasar sa …

Read More »

Ian Veneracion, kay Bea Alonzo naman isasabak

MASUWERTE ang taong 2016 para kay Ian Veneracion. Nabigyang pansin sa ABS-CBN ang  acting ng painter actor. Tapos ng Fine Arts sa UST ang actor at nakapag-photo exhibit na noon sa Makati. Take note, hindi na ordinaryo ang role ni Ian sa bagong gagawing project sa Kapamilya Network. Makakapareha siya ni Bea Alonzo at sa abroad gagawin. Sa totoo lang, …

Read More »

Rocco at Sanya, laging sweet sa isang tabi

TOTOO kayang naghiwalay sina Lovi Poe at Rocco Nacino dahil hindi matanggap ng actor ang pagpapa-sexy ng dalaga? Born Again yata si Rocco at ngayon ay balitang nahuhumaling sa isang beauty queen na taga-Bulacan na nag-aartista rin. Ang tinutukoy namin ay si Sanya Lopez na discovery ni late Kuya Germs. Balitang sweet sina Rocco at Sanya at malimit mahuling magkatabi …

Read More »

James Reid, lumolobo na raw ang ulo

James Reid

SA isang umpukan sa isang showbiz event, pinag-uusapan ang tila paglobo ng ulo ni James Reid. Halatang apektado ng kanyang pagsikat si James na hindi niya binigyan pansin ang mga payo ng kanyang mga tagahanga. Hindi niya kuno kailangan ito. Maliwanag na apektado ng ang actor ng pagkalunod sa isang basong tubig. Well, ganyan naman sa mundo ng pelikula, nagbabago …

Read More »

Mga Batang Lansangan, showing na sa Nov. 26

SA November 26 na ang showing ng pelikulang Mga Batang Lansangan sa SM, Baliuag, 10:00 a.m. tampok sina Snooky Serna, Jeffrey Santos, Buboy Villar, at Miguel Antonio sa direction ni Mike Magat. Ang naturang pagpapalabas ng pelikulang ito ay sa pakikipagtulungan ng grupong Victory ng Baliuag na makatutulong sila sa ticket sellings at ang kikitain ng movie ay ibibigay sa …

Read More »

Pacman, ipinagdasal ni Barang

SUPER dasal pala to the max ang seksing aktres na si Barbara Milano sa fight ni Manny Pacquiao kay Jessie Vargas. Nagkatambal na kasi ang dalawa noon sa pelikulang Basagan ng Mukha at mula noon naging malapit ang loob ni Barang (tawag kay Barbara) kay Manny. Napaka-humble raw kasi ng actor/senador habang nagsu-shooting sila sa Calaca, Batangas. Malimit si Manny …

Read More »

Best Actor trophy ni Paolo, kapalit ng suspensiyon

SA totoo lang, blessings in disguise ang pagkakastigo ng Eat Bulaga kay Paolo Ballesteros na inabot ng anim na buwan. Kung hindi siya nasuspinde, hindi siya makagagawa ng movie na Die Beautiful na nagbigay karangalan sa kanya bilang Best Actor sa Tokyo Film Festial. Maging si Paolo ay hindi makapaniwala. Malaki ang naitulong sa kanya ng pagiging eksperto sa transformation, …

Read More »

Galing nina Dennis at Derrick, naiitsapuwera

PARANG history repeat itself lang kahit sa showbiz. Sino ba ang mag-aakalang kahit panahon ng bagets lumulutang pa rin ang bold para lang panoorin at mapag-usapan ang isang artista. Sa pelikula, sino ba ang makapagsasabi para lang mapag-usapan sina Dennis Trillo at Derrick Monasterio bukol ang topic. Sa halip na galing sa pag-arte, bukol ang pinapansin nila. Maging sina Nadine …

Read More »

Julia, narerendahan kaya umalis na sa Star Magic?

PARANG walang makapipigil sa pag-iibigan nina Coco Martin at Julia Montes. Hindi na maitago ang inililihim na relasyon dahil sumambulat ito noong lumayas ang dalaga sa Star Magic. Napakahirap kasi ng sitwasyon na itago ang pagmamahalan ng dalawa. Binigyan nga ni Coco si Julia ng isang expensive car na malaking pruwebang pagmamahal. Subalit sa pag-iibigan mahahalatang may isang kaluluwang komokontra. …

Read More »

Exposure nina Alden at Maine sa EB, nalilimitahan

MASAYA ang Eat Bulaga dahil nagbalik na sa rami ng crowd ang tumatangkilik sa kanila. Medyo lumamlam kasi ang show noong tanggalin ang KalyeSerye dahil nakasasawa na ang istoryang paulit-ulit na kiligan. Muliong ibinalik ang KalyeSerye para maka-recover muli ng mga manonood. Ang problema lang ay medyo mahaba raw ang panayam nina Jose Manalo at Wally bayola sa mga napipiling …

Read More »