Tuesday , July 27 2021
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Vir Gonzales (page 2)

Author Archives: Vir Gonzales

Feed Subscription

Coco Martin mala-Superman kung makikipagbarilan

NAALIW naman kami sa kuwentuhan ng dalawang tagasubaybay ng action-seryeng, Ang Probinsyano. Mistula raw si Superman noong makipag-away sa kumpol ng mga masasamang tao si Cardo Dalisay. Naipakikita na talaga kung gaano kagaling si Coco Martin sa barilan na parang hindi nauubusan ng bala gayung maraming kalaban. Take note, sa 50 stuntman na kabarilan ni Coco ni wala siyang isa man lang tama. Pinapagpag lang ... Read More »

Ricky Lo, superstar ng mga movie reporter

KUNG si Nora Aunor ang kinikilalang superstar ng mga artista sa sa Pilipinas, ang yumaong si Ricky Lo naman superstar sa kalipunan ng mga movie reporters. Kinikilala rin si Ricky sa style na mga blind item pero mga tatoong balita naman ang tinutukoy niya hindi imbento para akitin lang ang mga mambabasa ng kanilang diario. Likas na mabait si Ricky noon pa mang una ... Read More »

Pauline tameme sa pang-aapi nina Carmina at Liezel

PERPEKTO ang akting nina Carmina Villaroel at Liezel Lopez sa Babawiin Ko Ang Lahat hitsurang mga babaeng may sungay ang pag-uugali ng dalawa. Inaapi-api nila si Pauline Mendoza, anak naman ni John Estrada sa naturang serye. May nagtatanong lang bakit hindi ttumawag at humingi ng tulong sa mga kamag-aral si Pauline para iligtas sa  mag-ina? Mistula kasing si yumaong Loretta Marquez ang acting niya. Para ring naghihintay ng awa galing sa ... Read More »

Bong ‘naunahan’ si Gabby kay Sanya

IBANG klase talaga  si Sen Bong Revilla pagdating sa mga chicks lalo’t kapareha. Limang taon hindi nakagawa ng action  sa television si Bong at ipinakita niya sa Agimat ng Agila kung gaano siya katinik sa chicks. May kissing scene sila ni Sanya Lopez kaya balitang marami ang nainggit sa aktres dahil suwerte raw kapag nakahalikan ang senador. Mangyari pa, kasunod ng tsika na naisahan ni Bong si Gabby Concepcion na ... Read More »

Sunshine mas pinili ang network na walang prangkisa

MAY mga tagahangang nagtataka kung bakit lumipat pa ng network si Sunshine Dizon gayung maganda ang sitwasyon niya sa Kapuso. Ilang taon din siyang inaruga ng GMA kaya bakit biglang lipat-bahay ang actress? May bali-balitang may big project at dagdag talent fee ang naghihintay kaya lumipat. Maraming tanong ang naririnig sa mga follower ni Sunshine. Matatag ang GMA pero bakit sa Kapamilya na nawala ... Read More »

Derek mas focus sa lovelife; work nakakalimutan

HINDI nababanggit ni Derek Ramsay ang seryeng pagsasamahan nila ni Carla Abellana. Abala kasi ito sa pagpo-post ng pictures o pagkukuwento ng tungkol sa kanila ni Ellen Adarna. Naaagaw ng lovelife ni Derek ang kanyang work kaya paano pa kakagatin ng publiko ang pagsasamahan nilang serye ni Carla? Hindi nauubusan ng kuwento si Derek sa kanilang lovelife ni Ellen. Natalbugan pa ang kasalang Luis Manzano ... Read More »

Pista sa bayan nina Empoy at Robi mistulang Biyernes Santo

MARAMING musikero ang nawalan ng trabaho ngayong maraming kapistahan. Sa Barangay Sabang at Baliwag fiesta na lamang na dating dinarayo ng mga turista dahil sa maringal na pistahan dito. Pero ngayon mistulang Biyernes Santo ang magaganap dahil walang prusisyon at pagdiriwang. Maging ang mga artistang sina Empoy at Robi Domingo na taga- Baliuag ay hindi alam kung paanong magiging happening sa kanilang bayan ngayong ... Read More »

Pagbatikos kay Angel tigilan

MARAMI ang nag-react sa akusasyon kay Angel Locsin na sinisisi pa dahil sa ginawang community pantry noong birthday niya. Wow! walang kasalanan si Angel kung dumugin ang ginawa niyang community pantry. Paanong nangyayari at nag-aagawan sa pagkain ang mga taon? Bakit nangyayari ang ganito? Ang dapat sigurong suriian eh ang mga taong nagpapalakad sa ating gobyerno. Hindi mangyayari ang ganito kung mayroong sapat ... Read More »

3 showbiz writers ginagamit ang radio show para makatulong

MUKHANG may magandang misyon ang tatlong magkakasamang showbiz  writer na sina Gory Rula, Morly Alino, at Shalala Reyes sa kanilang programa sa DZRH. Tuwing 8:00 p.m. nagtutulong silang mamigay ng biyaya sa mga mahihirap nakomunidad. Ang ginagamit na pamamaraan ng tatlo ay ang kuwento ng masarap at kakaiba ang feling kapag nakatutulong sa kapwa. Sa paraan nilang ito, marami ang tumutugon ilan na riyan ... Read More »

Coco papasukin ang politika

MUKHANG totoo ang hula hindi pa matutuldukan ang Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin. Kung totoo ang balitang tatakbo sa politika si Coco na balita namin ay sa Senado ang puntirya, huwag muna. Hindi biro ang maging isang senador. Hindi puwedeng takbo ka lang ng takbo para harapin ang mga kalaban sa politika. Nakamaskara ang mga taong gumagala-gala sa politika. Lahat ... Read More »

Kontrabida ni Nora mabilis natapos

HINDI akalain ni Nora Aunor na ang ginagawa niyang pelikulang Kontrabida ay matatapos lang sa loob ng pitong araw. Naalala tuloy namin si Mother Lily Monteverde ng Regal na nagpauso ng seven days shooting. Akalain bang darating ang panahon na mangyayari uli ito? Dapat magtulungan mga taga-showbiz wala ng lamangan. SHOWBIG ni Vir Gonzales Read More »

Sunshine at Lovi ‘wag magpadalos-dalos

MARAMI ang nagtataka at nagtatanong kung bakit ganoon ang style nina Sunshine Dizon at Lovi Poe sa kanilang career? Bakit sila lumipat gayung bongga naman ang kalagayan nila sa GMA? Totoo kayang dahil may mga pangakong magagandang project silang gagawin sa Kapamilya? Pero may balik tanong ang isang observer, maganda nga ang role ninyong gagawin sa lilipatan pero hindi naman kayo mapapanood ng mga tagahanga ... Read More »

Lovi inisnab ni Benjamin

MUKHANG maiisahan pa ni Rocco Nacino si Benjamin Alves na kapareha ni Lovi Poe sa Owe my Love. Bagong pasok lang ang karakter ni Rocco pero nasasapawan palagi si Benjamin sa panunuyo kay Lovi. Imagine, magde-date sana sina Lovi at Benjamin pero hindi sumipot ang actor. Buti na lang naroon si Rocco sa resto bar, ang meeting place ng dalawa. Imagine naka-six times magpalit ng gown ... Read More »

Ai Ai delas alas kinokompetensiya si Manay Celia

MARAMI ang humahanga kay Ai Ai delas Alas. Mukha raw ginagastusan talaga  ang mga colorful outfit na isinusuot sa mga TV show niya. Kasali si Ai Ai sa mga respetadong aktres tulad ni Ms. Celia Rodriguez kung umasta at magbihis. Kung artista ka, saan ka man pumunta o may dadaluhang okasyon kailangan lagi kang pustura. Nalaman naming idol pala ni Ai Ai si Manay Celia ... Read More »

Netizens turn off ‘pag pinasok ni Willie ang politika

MARAMI ang na-turn-off sa nababalitang tatakbo sa susunod na halalan si Willie Revillame. Ayaw ng fans na tumakbo si Willie dahil wala na silang mahihingan ng tulong at colorful jacket. Ayon sa ilang netizens, kapag pinasok ni Willie ang politika, tiyak magbabago ang ugali nito tulad ng ibang artistang politico na ngayon. Ilan kasi sa mga may katungkulang artista o nahalal ... Read More »

Paglipad ni Bong malapit na

FINALLY nalalapit na ang paglipad ng agila ni Sen Bong Revilla ngayong Mayo, ang Agimat ng Agila. Ang action seryeng ito ang magsisilbing panimula uli ni Bong sa pagbabalik-telebisyon. Matagal ng nauuhaw sa maaksiyong istorya ang televiewers. Sawa na sila sa paulit-ulit na kuwento ng mga serye. Bukod kay Bong, tampok din sa Agimat ng Agila  sina Roi Vinzon, Benjie Paras, Beth Oropesa, at ang lucky girl Sanya Lopez. Well, ... Read More »

Amanda nabitin ang bakasyon sa Guam

HINDI gaanong na-enjoy ni Amanda Amores ang bakasyon nila sa Guam. Nagtungo ito roon para ihatid ang kanyang ina. Naabutan naman sila ng lockdown noong magpunta ng Pilipinas. Kuwento ni Amanda, paano siyang mag-e-enjoy sa bakasyon gayung sa Pagpunta pa lang ng Guam, kailangan na ng 13 days quarantine at pag-uwi naman ay ganoon din. Nakakaloka na ang sitwasyon lalo’t masayahin si ... Read More »

Maika Rivera ibinala ni LT laban kay Ara

MUKHANG susuwertihin ang tennis player from Angeles City na si Maika Rivera na binigyan ng break sa action-seryeng Ang Probinsyano ni Coco Martin. Isa rin siyang model at perfect figure. No wonder inuumang ni Lorna Tolentino kay Rowell Santiago para pagselosin si Ara Mina. Kinuha ni Lorna si Maika na makatulong sa opisina ni Rowell na iniilusyon niyang mahal na mahal siya. Ang problema, dumating si Ara sa palasyo. Kaya ... Read More »

Rhian may pagnanasa kay Jen

MULA pa high school, crush na pala ni Rhian  Ramos si Jennylyn Mercado kung kaya’t hindi nakapagpigil na halikan ni Jen. Napasigaw si Jen sa pagkabigla at hindi akalaing may kahalo palang admiration. Pero teka don’t jump into conclusion agad na isang lesbiyana si Rhian. Sa mga ipinakikitang pagganap lang nila ito sa bagong seryeng Truly. Madly. Deadly. tampok ang kapareha ni Dennis Trillo. Nakaka-turn-off ... Read More »

Maxine pinupuri ang pagiging kontrabida

NAKAAALIW naman ang teleseryeng First Yaya tampok sina Gabby Concepcion, Pilar Pilapil, at Sanya Lopez. Magbabalik-tanaw tiyak at makakapanood tayo ng tila mala-Von Trapp family story starring Julie Andrews. Noong araw humakot ng katakot-takot na pera sa takilya ang pelikulang ito. Magandang break kay Sanya ang serye bilang isang newcomer na pinagkatiwalaan ng lead role tampok din ang beauty queen Maxine Medina na pinupuri sa pagiging kontrabida star. SHOWBIG ni ... Read More »

Rowell sunod-sunuran kay Ara

MISTULANG dictated ni Ara Mina si Rowell Santiago na gumaganap bilang pangulo sa Ang Probinsyano. Si Ara ang bagong chicks na kinahuhumalingan ni Rowell kaya sunod- sunuran sa iniuutos nito. Sobrang insecure naman si Lorna Tolentino dahil napapansing matabang na ang pagtingin ni Rowell sa kanya. Naguguluhan ang mga tagasubaybay ng Ang Probinsyano bakit daw si  Coco Martin naman pinaghahanap ng grupo gayung alam naman nila kung nasaan ito. Well, hindi ... Read More »

Lotlot namana ang galing ni Nora sa pag-arte

MARAMI ang humanga sa ipinakitang acting ni Lotlot de Leon sa dramang isinadula ukol sa isang kawawang OFW na pinarusahan ng mag-asawang Jordanian. Sobrang kawawa ang hitsura ni Lotlot at tila dinibdib ang pag-arte. Maihahalintulad siya sa kanyang inang si Nora Aunor sa pag-arte. Kaya nga nasabi ng iba na namana ni Lotlot ang galing ni Nora sa pag-arte. Nailarawang mabuti ni Lotlot ang ... Read More »

Paulo ‘di nailang at natakot kay Rita

KAHANGA-HANGA ang baguhang actor na si Paulo Angeles. Wala man lang takot na nararamdaman habang umaarte at kaeksena si Rita Avila sa  Maalaala  Mo Kaya. Sixteen years ang agwat ng edad nila ni Rita at prangkahang sinabing mahal niya ang aktres. Wala siyang pakialam kung magkalayo man ang edad nila basta umiibig siya. Walang kuwen­tang lalaki ang unang napa­ngasawa ni Rita, si William ... Read More »

Action movies ni Bong pantanggal inip

MALAKING tulong para panlaban sa inip ang makapanood sa telebisyon ng mga lumang pelikula. Palabas ngayon ang mga pelikula ni Sen. Bong Revilla na nakababawas ng sawa sa kasalukuyang uri ng mga palabas ngayon na puro laitan, awayan, sabunutan, agawan sa lalaki, at patayan. Imagine nga naman sa takbo ng buhay ngayon na may pandemya, nakababawas iyong mga pelikulang bakbakan. Mas nakaka-excite ... Read More »

Pangakong kasal ni Luis tinupad

SIMPLENG KASALAN lang ang nangyari kina Jessy Mendiola at Luis Manzano. Hindi kasi puedeng  magpabongga ng wedding ngayon dahil baka magkahawahan ng Covid. Sa kasal, masaya si Cong. Vilma Santos. Aniya, hindi siya binigo ni Lord sa kanyang panalanging makaisip nang lumagay sa tahimik ang anak. Tama rin si Luis sa sinabi niya noon na magpapakasal sila ni Jessy sa tamang panahon. SHOWBIG ni ... Read More »

Scroll To Top