Tuesday , April 16 2024

Danny Vibas

Direk Erik Matti, na-trauma sa paggawa ng pelikula sa Negros Occidental

DAHIL napaka-outspoken niya, haharapin kahit sino man at parang walang uurungan, at dahil na rin sa napakama-action at astig ang mga pelikula n’ya, maiisip nating ‘di pwedeng dumanas ng trauma ang batikang direktor na si Erik Matti.    Pero kamakailan ay ipinagtapat n’ya sa media na nagkaroon siya ng posttraumatic stress disorder (PTSD) noong nagsiyuting siya ng dokumentaryong Island of Dreams para sa HBO Asia noong nakaraang taon.   Ang nasabing pelikula ay ang nagpanalo sa kanya ng Best Director for a Scripted TV Program sa 2019 kauna-unahang ContentAsia awards.   Ginunita ni Direk Erik kamakailan kay Marinel Cruz ng Philippine …

Read More »

Liza Soberano, iuurong ang demanda sa empleado ng internet provider kung magpa-public apology

Liza Soberano karaoke 2

HINDI naman pala kumukulo ang dugo ni Liza Soberano kahit na nagsampa na siya ng demanda laban sa isang babae na nag-post sa social media ng “sarap ipa-rape” ang girlfriend ni Enrique Gil.   Nainis lang siya sa babaeng ‘yon pero wala siyang masamang hangarin para sa kanya–na gaya ng mistulang hangarin nito na ma-rape sana ang actress.   Ipinahayag ni Liza sa …

Read More »

Julia Barretto, ‘di puwedeng magdalantao

Kung sakali man na all along ay totoong may relasyong itinatago sina Julian Barretto at Gerald Anderson, siguradong ‘di hahayaan ng aktres na magdalantao siya at madiskaril ang career n’ya sa panahong bata pa siya at kumbaga, ay nasa tugatog ng kanyang kagandahan at alindog.   Pwede namang magkaroon ng relasyon, litaw man o lihim, na ‘di mauuwi sa pagdadalantao sa maling panahon. …

Read More »

Marcus at kapatid ni Janella, okey ang bonding sa London

ANG isa pang natsistsimis na buntis ay si Janella Salvador at ang pinaghihinalaang ama ay ang matagal na n’yang itinatangging boyfriend: si Marcus Patterson. Pareho silang nasa London ngayon, na roon permanenteng naninirahan ang pamilya ni Marcus. Ang bigla nilang inamin ay matagal na talaga silang magkarelasyon mula nang iwan ni Janella si Elmo Magalona. Wala pa namang pagtangging ginawa ang dalawa na buntis …

Read More »

Jay Sonza, balak nang maging showbiz writer?

ABORTED na po. Hindi po. Hindi po ang alleged baby sa sinapupunan ni Julia Barretto ang aborted na, kundi ang binalak naming paghingi ng opinyon kay Atty. Harry Roque, ang presidential spokesman, kung pwedeng idemanda ng libel ang pagbabalita ng isang tsismis na siyang ginawa ng ex-broadcaster na si Jay Sonza. Tsismis lang ang ibinalita n’yang nabuntis ni Gerald Anderson ang matagal nang natsitsismis na girlfriend …

Read More »

Nora, mapapanood muli sa CCP

Binibining Mandirigma. ‘Yan ang titulo ng isang short film na ipinaplano ng Tanghalang Pilipino (TP) na gawin ni Nora Aunor malamang bago matapos ang 2020 o sa unang buwan ng 2021. Ang Binibining Mandirigma ay tungkol kay Henerala Salud, isang dokumentadong beauty queen na naging rebelde. Salud Algabre ang tunay n’yang pangalan. Nakatakdang gawin ni Ate Guy ang short film ayon sa ulat ni Rito P. Asilo sa Daily Inquirer. Nakuha ni …

Read More »

Xian at Ricky, magdidirehe sa CCP

KINUHA ng Cultural Center of the Philippines (CCP) sina Ricky Davao at Xian Lim para magdirehe ng ilang produksiyon para sa mistulang festival na Sining Sigla na proyekto ng mismong CCP president na si Arsenio “Nick” Lizaso. Mula Oktubre hanggang Disyembre itatanghal ang proyekto na hindi lang mga pang-entablado kundi pampelikula rin. Actually, ‘yung ididirehe ni Xian ang kakaiba dahil puppetry films ang mga ‘yon. Ang mga ‘yon ang …

Read More »

Maine, nakabibilib ang kadisentehan sa pagsagot sa mga paratang ng AlDub fans

NAPAKAWASTO siguro ng pagpapalaki kay Maine Mendoza at ang isang ebidensiya niyon ay ang pagsagot n’ya sa mga bumabatkos sa kanya hanggang ngayon na mga miyembro ng AlDub Nation, ang fans club ng screen loveteam nila ni Alden Richards. Kahit nakaiinsulto at nanghuhusga na ang ilang miyembro ng AlDub, hindi sila pinagsasalitaan ng masama ni Maine. Kamakailan kasi ay may mga AlDub die-hards na …

Read More »

Korina’s new normal: sexy and open minded

BAHAGI na kaya ng new normal ni Korina Sanchez ang sumagot ng mga tanong tungkol sa sex life nila ng mister n’yang dating senador na si Mar Roxas? O magaling lang talagang mag-interbyu si Vice Ganda kaya naengganyong sumagot ang pamosong broadcaster-news magazine host na sagutin ang mga tanong ni Vice kahit tungkol sa sex life niya? Nag-guest si Korina kamakailan sa online talk show …

Read More »

Jose Mari Chan, ayaw mabansagang, Mr. Christmas

SEPTEMBER 1 pa lang ay nagsimula nang patugtugin sa radyo ang  Christmas in Our Hearts ni Jose Mari Chan at ‘yon ay hudyat para sa mga Pinoy na malapit na ang Pasko. Ilang taon na rin ngayon na ganoon ang nangyayari sa Pilipinas pagpasok ng Setyembre. Pero kahit pala parang magiging tradisyon na sa Pilipinas ang pagpapatugtog ng Christmas in Our Hearts tuwing September 1, ayaw …

Read More »

Janice at Ruffa, ayaw ng magka-BF; Sunshine, natawa sa tanong kung kailan magpapakasal

HIWALAY man sa mga naging mister nila ang mga establisado nang aktres na sina Janice de Belen, Ruffa Gutierrez, at Sunshine Cruz, na pawang malalaki na rin ang mga anak, nakatutuwang hanggang ngayon ay tinatanong pa rin sila kung interesadong makapag-asawa muli, lalo na’t pare-pareho naman silang annulled na ang mga kasal. Umamin sina Janice at Ruffa sa magkahiwalay na interbyu na …

Read More »

Vivian Velez, hinarang, retirement pay ni Leo Martinez

MATUTUWA ba o mangangamba ang mga executive at empleado ng Film Academy of the Philippines (FAP) sa napapabalitang pagtanggi ni Vivian Velez na i-release ang pangalawang tseke ni Leo Martinez na P500, 000.00 bahagi ng retirement pay ng aktor bilang FAP director general? Pwedeng natutuwa sila dahil pinangangalagaan ni Vivian bilang bagong FAP director general ang pondo ng organisasyon na bahagi ng Office of the President …

Read More »

BB Gandanghari, may kuwento sa nakarelasyong actor noong siya’y si Rustom Padilla pa

KAHIT nasa America, handa na kayang maidemanda si BB Gandanghari (ang dating Rustom Padilla) ng kampo ni Piolo Pascual dahil sa pagkukuwento nito ng umano’y naging relasyon nila ng actor sa San Francisco, California noong 2001. Sa San Francisco ang setting ng umano’y relasyon na ‘yon dahil nagkasama sila sa passion play na itinanghal doon ng isang grupo ng mga artistang Pinoy na galing sa …

Read More »

Jennylyn ‘di pinalampas, netizen na nambastos sa mga single mom

TALAGA palang aktibo na ngayon si Jennylyn Mercado sa pagpapahayag ng paninindigan n’ya sa mga isyu at sa kung ano pa man. Kamakailan, ay may sinagot siyang tweet ng kung-sino na parang nambabastos ng mga single mom na gaya n’ya. May anak sila ng di n’ya nakatuluyang boyfriend na si Patrick Garcia. Twelve years old na ngayon ang anak nilang lalaki si Alex Jazz. …

Read More »

BTS, PINAKASIKAT NA SA BUONG MUNDO (Kahit ayaw isali sa major categories ng Music Video Awards)

MATAAS na rin ang bilang ng Covid-19 cases sa South Korea at may lockdown na rin sa bansa, lalo na sa capital city ng Seoul, pero ang mga ito ay ‘di nagiging hadlang para tanghaling pinakasikat na sa buong mundo ang grupong BTS mula sa naturang bansa. Sa halos katatapos lang na 2020 Video Music Awards (VMA), nagwagi sila sa apat na kategorya, kabilang …

Read More »

Andi Eigenmann, buntis na naman  

PARA kay Andi Eigenmann, sapat na ang isa o dalawang taon na pagitan sa pangalawa at pangatlo n’yang anak. Ibinalita ng aktres-surfer na nagdadalantao siya sa ikalawang anak nila ng mister n’yang sikat na surfer na si Philmar Alipayo. Pero pangatlong anak na nga ni Andie ang nasa sinapupunan n’ya dahil ang panganay n’ya ay ang anak n’ya sa aktor na si Jake …

Read More »

Arnold, deadma sa hamon ni Sarah Balabagan

PARANG nanadya pa si Arnold Clavio na kung ano-ano lang na walang kapararakan ang ipino-post n’ya sa Instagram pagkatapos maglabasan sa social media at mass media ang pagtatapat ni Sarah Balabagan at sumamong pakitunguhan ang anak nilang babae na 21 years old na ngayon. Hindi sagot ang mga ‘yon sa naging napakasikat na OFW na si Sarah noong kalagitnaan ng Dekada 90 dahil nailigtas siya …

Read More »

Nikko Natividad, naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala

“Ang Lalaking Walang Pahinga!” ‘Yan siguro ang bagay na bansag ngayon sa actor-dancer na si Nikko Natividad, batay sa parang galit na pagtatapat n’ya kamakailan sa Twitter n’ya kung paano siya nakaipon ng P4-M sa limang taon n’yang pagtatrabaho sa showbiz. Pwede na ring paniwalaang kikita siya ng ganoong kalaki dahil sa limang taon n’ya sa showbiz ay never naman siya hayagang napabalitang …

Read More »

Frankie Pangilinan, tamang ‘di mag-react sa ipinagtapat ni Sarah Balabagan

TAMA naman si Frankie Pangilinan na ‘di siya nagri-react hanggang ngayon tungkol sa sa pagtatapat ng dating  overseas Filipino worker (OFW) na si Sarah Balabagan na ang GMA 7 broadcaster na si Arnold Clavio ang  ama ng isinilang n’yang sanggol na babae noong 1998. May ilang netizens ang nagtanong sa pamamagitan ng social media kung bakit walang kibo si Frankie tungkol sa pagtatapat ni Sarah. May mga pumuna …

Read More »

Gary V., may payo: Isali natin ang Diyos sa ating buhay

“STUDENT, professionals, young and old alike, are going through the same crisis together. And my strongest advice would be to change your lenses and to add God into your way of thinking, your way of living, your way of speaking, your way of believing,” pahayag ng walang-kupas na singer na si Gary Valenciano kamakailan Inihayag n’ya ito kaugnay ng dinaranas na pandemya ng …

Read More »

JM Guzman, ‘di makahinga at namamanhid ang ulo ‘pag may panic attack

KAPURI-PURI ang lakas ng loob ni JM Guzman na ipakita sa madla sa pamamagitan ng video post kamakailan sa  Instagram kung ano ang ginagawa n’ya tuwing nagpa-panic attack. Actually, parang ngayon lang n’ya inamin na may panic attack siya. ‘Di pa namin nari-research kung pareho ang panic attack at “anxiety attack.” Pero naaalala namin na one or two years ago, ipinagtapat ni Claudine Barretto na mayroon …

Read More »

Boy Abunda at Sharon Cuneta, nag-solo; Nag-prodyus ng sariling online show

NAINIP na kaya si Boy Abunda sa paghihintay na kunin siya ng GMA 7 o ng TV5 bilang talk show host kaya nagpasya na siyang magprodus na lang ng sariling talk show sa You Tube na pinamagatang Talk About Talk na inilunsad na n’ya kamakailan? Sapantaha lang naman namin na naghintay ang bantog na talk show host ng alok mula noong tuluyan nang nawalan ng prangkisa ang network na pag-aari …

Read More »

Chito, inaming si Neri na ang bumubuhay sa kanila

CUTE ang mag-asawang Neri Naig at Chito Miranda. Nagsasagutan sila sa Instagram pero sa positibong paraan. Isang araw, ini-announce ng dating Kapamilya talent na mag-aaral siya sa online business school ng  Harvard University sa  Amerika. The next day, nag-announce naman siya sa Instagram pa rin n’ya, at  ibinando naman n’yang hindi siya humihingi ng pera sa mister n’ya para ipamuhunan sa kahit alinman sa mga negosyong sinimulan …

Read More »

Winner ng Pop Stage, nangopya nga ba sa Ang Huling El Bimbo musical?

BIGLANG naging napaka-kontrobersiyal ang dati ay  halos ‘di-kilalang singer na si CJ Villavicencio (lalaki) dahil sa pagwawagi n’ya bilang grand champion sa online singing contest na Pop Stage na ang host ay si Matteo Guidicelli na isa rin sa naging judge ng grand finals. Biglang kontrobersiyal na kontrobersiyal si CJ dahil pinagbibintangan siya na malaking bahagi umano ng medley na kinanta n’ya noong grand finals na …

Read More »