Thursday , October 22 2020
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Danny Vibas

Author Archives: Danny Vibas

Feed Subscription

Piolo at Maja, ‘di exclusive sa Brightlight Productions

‘YUNG mga ibinabalita sa mga website na mga artistang lumipat sa TV5 ay hindi sa TV5 nakakontrata, kundi sa Brightlight Productions.   Nilinaw na rin ni Mr. Albee Benitez, big boss ng Brightlight, noong grand media conference ng blocktime shows ng kompanya sa TV5, na hindi exclusive ang kontrata ng mga artista sa kompanya n’ya para nga malaya silang makatanggap ng trabaho sa alinmang ... Read More »

BTS, binoboykot sa China

MAY ilang kapitalista sa China na binoboykot ang Kpop band na BTS ng South Korea dahil lang sa isang gratitude speech ng leader nitong si RM na may kinalaman sa panggigiyera noon ng North Korea sa South Korea.   Sa nasabing panggigiyera, na binansagang Korean War, sinuportahan ng China ang North Korea at ang Amerika naman ay ang South Korea.   Binigkas ni RM ... Read More »

Liza, hinikayat na idemanda ang “troll” na nagbansag sa kanya ng Komunista

NASA Amerika pa si Liza Soberano, kasama ang boyfriend n’yang si Enrique Gil, habang isinusulat namin ito at mainit siyang pinag-uusapan dito sa Pilipinas.   Nasa Amerika sila para alagaan ang maternal grandmother ni Liza na may sakit.   Matinding pinag-uusapan si Liza rito sa Pilipinas dahil sa bintang sa kanya ng pinaghihinalaang isang troll (taong bayaran para manirang puri sa mga ... Read More »

Pia Wurtzbach, ‘di sumipot sa Queentuhan

Pia Wurtzbach

FOR the first time mula noong naging host siya ng online weekly talk show na Queentuhan, hindi nakasipot si Miss Universe 2015 Pia Wurtz­bach  noong gabi ng Martes, October 13. (Queentuhan na letter “u” ang gamit, hindi “o,” dahil may ibang online show na Queentohan ang titulo at iba rin ang mga host ng show.) Co-hosts ni Pia sa Queentuhan ang kapwa beauty queens n’ya at mga kaibigang sina Bianca ... Read More »

Sarah, may mental issue nga ba? (Panunumbat kay Pia, tuloy pa rin)

MAY pinagdaraanan ang nakababatang kapatid ni Pia Wurtzbach na si Sarah Wurtzbach na nagbunsod para batikusin sa Instagram ang Miss Universe 2015 sa apat o limang sunod-sunod na posts pero biglang nakiusap sa publiko na itigil ang pamba-bash sa kapatid na reaksiyon lang naman nila sa paratang ni Sarah sa ate n’ya at sa ina nilang si Cheryl Alonzo Tyndall. Nasa London si Sarah, pati na ang kanilang ... Read More »

Pia, deadma sa patutsadang ‘ghost’ ni Miss Columbia

ANG bait at ang ganda talaga ng breeding ni Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach.   Hindi n’ya pinatulan ang mga patutsada sa kanya ng tinalo n’yang Miss Columbia 2015 na parang multo (“ghost”) lang daw ang Bb. Pilipinas Universe noong panahon ng pageant sa Las Vegas, USA.   Ganoon ang paglalarawan ni Ariadna Gutierrez kay Pia sa isang interbyu sa kanya kamakailan. At kaya naman n’ya tinawag ... Read More »

Magkapatid na Cathy at AJ, magkakademandahan; Caridad, ‘di totoong may dementia

NAWA’Y sa paglaon ay magkasundo rin ang dalawang anak ng retired actress na si Caridad Sanchez. Nagkakairingan sa ngayon si Cathy Babao, isang grief counselor at Philippine Daily Inquirer columnist, at si Alexander Joseph Babao, bunsong kapatid ni Cathy. Si AJ (palayaw ni Alexander Joseph) ang matagal nang kasama ni Caridad sa bahay ng pamilya. Nagalit si AJ sa ate n’ya dahil ibinalita nito sa PDI na ... Read More »

Docu ng buhay ni Jake Zyrus, nominado sa International Emmy Awards

MAGKAROON kaya ng panibagong sigla ang career ni Charice Pempengco bilang Jake Zyrus kung manalo sa International Emmy Awards sa Nobyembre ng taong ito ang dokumentaryo tungkol sa buhay n’ya na may titulong Jake and Charice?   Nominado ang dokumentaryo sa kategoryang “art programming,” kasama ang tatlo pang iba mula sa iba’t ibang bansa.   Officially ay hindi entry ang Charice and Jake buhat sa Pilipinas kundi buhat sa ... Read More »

70 kongresista, sinisi sa pagliit ng kita ng MTRCB

Apatnapung porsiyento ang ini-expect ng Movie abd Television Review and Classification Board (MTRCB) na mababawas sa kita nila ngayong 2020 dahil sa pagkawala ng broadcast franchise ng ABS-CBN na napakalaki pala ng ibinabayad na review fees taon-taon sa nasabing ahensiya ng gobyerno. Gayunman, isang dahilan din ang pagsasara ng mga sinehan dahil sa Covid-19 kaya lumiit ang kita ng MTRCB.   Mismong ang MTRCB ... Read More »

Direk Erik Matti, na-trauma sa paggawa ng pelikula sa Negros Occidental

DAHIL napaka-outspoken niya, haharapin kahit sino man at parang walang uurungan, at dahil na rin sa napakama-action at astig ang mga pelikula n’ya, maiisip nating ‘di pwedeng dumanas ng trauma ang batikang direktor na si Erik Matti.    Pero kamakailan ay ipinagtapat n’ya sa media na nagkaroon siya ng posttraumatic stress disorder (PTSD) noong nagsiyuting siya ng dokumentaryong Island of Dreams para sa HBO Asia noong nakaraang taon.   Ang nasabing pelikula ay ang nagpanalo sa kanya ng Best Director for a Scripted TV Program sa 2019 kauna-unahang ContentAsia awards.   Ginunita ni Direk Erik kamakailan kay Marinel Cruz ng Philippine ... Read More »

Liza Soberano, iuurong ang demanda sa empleado ng internet provider kung magpa-public apology

HINDI naman pala kumukulo ang dugo ni Liza Soberano kahit na nagsampa na siya ng demanda laban sa isang babae na nag-post sa social media ng “sarap ipa-rape” ang girlfriend ni Enrique Gil.   Nainis lang siya sa babaeng ‘yon pero wala siyang masamang hangarin para sa kanya–na gaya ng mistulang hangarin nito na ma-rape sana ang actress.   Ipinahayag ni Liza sa ... Read More »

Julia Barretto, ‘di puwedeng magdalantao

Kung sakali man na all along ay totoong may relasyong itinatago sina Julian Barretto at Gerald Anderson, siguradong ‘di hahayaan ng aktres na magdalantao siya at madiskaril ang career n’ya sa panahong bata pa siya at kumbaga, ay nasa tugatog ng kanyang kagandahan at alindog.   Pwede namang magkaroon ng relasyon, litaw man o lihim, na ‘di mauuwi sa pagdadalantao sa maling panahon. ... Read More »

Marcus at kapatid ni Janella, okey ang bonding sa London

ANG isa pang natsistsimis na buntis ay si Janella Salvador at ang pinaghihinalaang ama ay ang matagal na n’yang itinatangging boyfriend: si Marcus Patterson. Pareho silang nasa London ngayon, na roon permanenteng naninirahan ang pamilya ni Marcus. Ang bigla nilang inamin ay matagal na talaga silang magkarelasyon mula nang iwan ni Janella si Elmo Magalona. Wala pa namang pagtangging ginawa ang dalawa na buntis ... Read More »

Jay Sonza, balak nang maging showbiz writer?

ABORTED na po. Hindi po. Hindi po ang alleged baby sa sinapupunan ni Julia Barretto ang aborted na, kundi ang binalak naming paghingi ng opinyon kay Atty. Harry Roque, ang presidential spokesman, kung pwedeng idemanda ng libel ang pagbabalita ng isang tsismis na siyang ginawa ng ex-broadcaster na si Jay Sonza. Tsismis lang ang ibinalita n’yang nabuntis ni Gerald Anderson ang matagal nang natsitsismis na girlfriend ... Read More »

Nora, mapapanood muli sa CCP

Binibining Mandirigma. ‘Yan ang titulo ng isang short film na ipinaplano ng Tanghalang Pilipino (TP) na gawin ni Nora Aunor malamang bago matapos ang 2020 o sa unang buwan ng 2021. Ang Binibining Mandirigma ay tungkol kay Henerala Salud, isang dokumentadong beauty queen na naging rebelde. Salud Algabre ang tunay n’yang pangalan. Nakatakdang gawin ni Ate Guy ang short film ayon sa ulat ni Rito P. Asilo sa Daily Inquirer. Nakuha ni ... Read More »

Xian at Ricky, magdidirehe sa CCP

KINUHA ng Cultural Center of the Philippines (CCP) sina Ricky Davao at Xian Lim para magdirehe ng ilang produksiyon para sa mistulang festival na Sining Sigla na proyekto ng mismong CCP president na si Arsenio “Nick” Lizaso. Mula Oktubre hanggang Disyembre itatanghal ang proyekto na hindi lang mga pang-entablado kundi pampelikula rin. Actually, ‘yung ididirehe ni Xian ang kakaiba dahil puppetry films ang mga ‘yon. Ang mga ‘yon ang ... Read More »

Maine, nakabibilib ang kadisentehan sa pagsagot sa mga paratang ng AlDub fans

NAPAKAWASTO siguro ng pagpapalaki kay Maine Mendoza at ang isang ebidensiya niyon ay ang pagsagot n’ya sa mga bumabatkos sa kanya hanggang ngayon na mga miyembro ng AlDub Nation, ang fans club ng screen loveteam nila ni Alden Richards. Kahit nakaiinsulto at nanghuhusga na ang ilang miyembro ng AlDub, hindi sila pinagsasalitaan ng masama ni Maine. Kamakailan kasi ay may mga AlDub die-hards na ... Read More »

Korina’s new normal: sexy and open minded

BAHAGI na kaya ng new normal ni Korina Sanchez ang sumagot ng mga tanong tungkol sa sex life nila ng mister n’yang dating senador na si Mar Roxas? O magaling lang talagang mag-interbyu si Vice Ganda kaya naengganyong sumagot ang pamosong broadcaster-news magazine host na sagutin ang mga tanong ni Vice kahit tungkol sa sex life niya? Nag-guest si Korina kamakailan sa online talk show ... Read More »

Jose Mari Chan, ayaw mabansagang, Mr. Christmas

SEPTEMBER 1 pa lang ay nagsimula nang patugtugin sa radyo ang  Christmas in Our Hearts ni Jose Mari Chan at ‘yon ay hudyat para sa mga Pinoy na malapit na ang Pasko. Ilang taon na rin ngayon na ganoon ang nangyayari sa Pilipinas pagpasok ng Setyembre. Pero kahit pala parang magiging tradisyon na sa Pilipinas ang pagpapatugtog ng Christmas in Our Hearts tuwing September 1, ayaw ... Read More »

Janice at Ruffa, ayaw ng magka-BF; Sunshine, natawa sa tanong kung kailan magpapakasal

HIWALAY man sa mga naging mister nila ang mga establisado nang aktres na sina Janice de Belen, Ruffa Gutierrez, at Sunshine Cruz, na pawang malalaki na rin ang mga anak, nakatutuwang hanggang ngayon ay tinatanong pa rin sila kung interesadong makapag-asawa muli, lalo na’t pare-pareho naman silang annulled na ang mga kasal. Umamin sina Janice at Ruffa sa magkahiwalay na interbyu na ... Read More »

Vivian Velez, hinarang, retirement pay ni Leo Martinez

MATUTUWA ba o mangangamba ang mga executive at empleado ng Film Academy of the Philippines (FAP) sa napapabalitang pagtanggi ni Vivian Velez na i-release ang pangalawang tseke ni Leo Martinez na P500, 000.00 bahagi ng retirement pay ng aktor bilang FAP director general? Pwedeng natutuwa sila dahil pinangangalagaan ni Vivian bilang bagong FAP director general ang pondo ng organisasyon na bahagi ng Office of the President ... Read More »

BB Gandanghari, may kuwento sa nakarelasyong actor noong siya’y si Rustom Padilla pa

KAHIT nasa America, handa na kayang maidemanda si BB Gandanghari (ang dating Rustom Padilla) ng kampo ni Piolo Pascual dahil sa pagkukuwento nito ng umano’y naging relasyon nila ng actor sa San Francisco, California noong 2001. Sa San Francisco ang setting ng umano’y relasyon na ‘yon dahil nagkasama sila sa passion play na itinanghal doon ng isang grupo ng mga artistang Pinoy na galing sa ... Read More »

Jennylyn ‘di pinalampas, netizen na nambastos sa mga single mom

TALAGA palang aktibo na ngayon si Jennylyn Mercado sa pagpapahayag ng paninindigan n’ya sa mga isyu at sa kung ano pa man. Kamakailan, ay may sinagot siyang tweet ng kung-sino na parang nambabastos ng mga single mom na gaya n’ya. May anak sila ng di n’ya nakatuluyang boyfriend na si Patrick Garcia. Twelve years old na ngayon ang anak nilang lalaki si Alex Jazz. ... Read More »

BTS, PINAKASIKAT NA SA BUONG MUNDO (Kahit ayaw isali sa major categories ng Music Video Awards)

MATAAS na rin ang bilang ng Covid-19 cases sa South Korea at may lockdown na rin sa bansa, lalo na sa capital city ng Seoul, pero ang mga ito ay ‘di nagiging hadlang para tanghaling pinakasikat na sa buong mundo ang grupong BTS mula sa naturang bansa. Sa halos katatapos lang na 2020 Video Music Awards (VMA), nagwagi sila sa apat na kategorya, kabilang ... Read More »

Andi Eigenmann, buntis na naman  

PARA kay Andi Eigenmann, sapat na ang isa o dalawang taon na pagitan sa pangalawa at pangatlo n’yang anak. Ibinalita ng aktres-surfer na nagdadalantao siya sa ikalawang anak nila ng mister n’yang sikat na surfer na si Philmar Alipayo. Pero pangatlong anak na nga ni Andie ang nasa sinapupunan n’ya dahil ang panganay n’ya ay ang anak n’ya sa aktor na si Jake ... Read More »

Scroll To Top