Friday , August 23 2019
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Glen Sibonga

Author Archives: Glen Sibonga

Feed Subscription

Kris, ginunita ang death anniversary ni Ninoy

GINUNITA ni Kris Aquino ang death anniversary ng kanyang ama at dating senador na si Benigno “Ninoy” Aquino nitong August 21 sa pamamagitan ng pag-post sa Instagram na kumikilala sa pagiging mabuting ama nito na suportado ang mga pangarap ng kanyang anak. Kasama nito ang picture ni Ninoy hawak ang baby pa noong si Kris. Ayon sa IG post ni Kris, “My dad was killed when ... Read More »

Tetay, may mensahe ng pasasalamat kay Gina Lopez

MENSAHE ng pasasalamat at pagpupugay sa kanyang  Instagram post ang alay ni Kris Aquino sa yumaong ABS-CBN Foundation chairman,  environ­mentalist, at philanthropist na si Gina Lopez. Ayon sa IG post ni Kris, “for the woman who introduced me to essential oils and salt filtration, who encouraged me to use my influence to uplift others, and who strengthened my belief in the TRUTH of ... Read More »

Tetay, nagpasalamat; Gabby tiyak na sa (K)Ampon

NAGPASA­LAMAT si Kris Aquino kay Gabby Con­cepcion at sa manager nitong si Popoy Cari­tativo sa pag­tanggap ng aktor na maging leadingman ni Kris sa Metro Manila Film Festival 2019 movie na (K)Ampon. Hindi na kasi kakayanin ng original leadingman sana ni Kris na si Derek Ramsay na gawin ang pelikula dahil sa schedule. Pero nirerespeto ni Kris ang desisyon ni Derek lalo na may kontrata ito sa GMA Network at kasalukuyang ... Read More »

Pagtanggi ni Herbert sa movie, tanggap ni Kris

Kris Aquino Herbert Bautista

KASAMA rin sa IG post ni Kris ang pag-amin sa pagkakamali niya sa ilang bagay kaugnay ng pag-alok niya kay dating Quezon City Mayor Herbert Bautista ng special role sa (K)Ampon. Naging insensitive rin daw si Kris sa rati niyang nakarelasyon na padalhan ito ng script namay nakalagay na love scene si Kris sa leading man niya. Tinanggihan ito ni Herbert, na ikinagalit ... Read More »

Kris, na-report sa FB dahil akala poser at fake account

SINUBUKAN pala ni Kris Aquino na gumawa ng personal account sa Facebook bukod sa kanyang official Facebook page. Gusto kasi niyang makapag-reply at makapag-interact sa kanyang friends, supporters, at followers sa social media. Pero naloka si Kris dahil may nag-report sa ginawa niyang FB account at na-disable ito. Sumunod ay natawa na lang siya dahil inakala siguro ng nag-report ay poser siya at fake ... Read More »

Tetay, may makahulugang IG post tungkol sa past

MAKAHULUGAN ang naging post sa Instagram ni Kris Aquino patungkol sa past niya. Nag-post kasi siya sa IG ng 7 Rules of Life at unang-una rito ay sinasabing, “Make peace with your past so it does not affect the present.” Sabi ni Kris sa caption ng kanyang IG post, “Sorry po, pumatol kagabi. It’s been rough putting everything into place for MMFF. And what i have ... Read More »

Kris, ‘di Iniwan si Bimby kahit bawal sa sakit niyang autoimmune disease

HINDI umalis si Kris Aquino sa tabi ng may sakit na anak na si Bimby kahit alam niyang madali siyang mahahawa ng lagnat dahil sa kanyang autoimmune disease. Dahil din sa pagkakasakit ni Bimby kaya na-extend ang pagbabakasyon nila sa Japan. Nauna tuloy umuwi sa Pilipinas ang panganay ni Kris na si Josh kasama ang aktres at family friend nilang ... Read More »

Paolo, Christian at Martin, mas naging close at lumalim ang friendship

LUMALIM ang friendship at naging mas close sa isa’t isa sina Paolo Ballesteros, Christian Bables, at Martin del Rosario sa pagsasama nila sa The Panti Sisters na idinirehe ni Jun Robles Lana at ipinrodyus ng The IdeaFirst Company at Black Sheep. Ang pelikulang ito ay kabilang sa official entries ng PPP 2019 organized by the Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pamumuno ni Chairperson Liza Dino Seguerra. Nagkasama sina Paolo at Christian sa Die ... Read More »

‘Wag idamay si Erich — pakiusap ni Kris sa netizen

NAKIUSAP si Kris Aquino na huwag idamay ang isa sa mga anak-anakan niya sa showbiz, si Erich Gonzales sa kontrober­siyang kinasasangkutan nina Julia Barretto, Gerald Anderson, at Bea Alonzo. Usap-usapan ngayon ang break-up nina Gerald at Bea, at ang itinuturong dahilan umano ng hiwalayan ay si Julia. Isang netizen kasi ang nagsabi kay Kris sa social media na hingan ng reaksoyon si Erich tungkol kina Julia, Gerald, ... Read More »

Rhea Tan, malaki ang puso, kapamilya pa ang turing sa mga ambassador

TINATRATONG kapamilya ng BeauteDerm CEO and owner na si Rhea Anicoche-Tan ang lahat ng kanyang ambassadors kaya naman mommy ang turing at tawag ng mga ito sa kanya. Ito ang inilahad ng walong Star Magic artists na sina Carlo Aquino, Ria Atayde, Jane Oineza, Ejay Falcon, Matt Evans, Ryle Santiago, Alex Castro, at Kitkat nang ilunsad sila bilang Beautederm ambassadors ... Read More »

Kris, may promise kay Pangulong Cory — Never maaagrabyado si kuya

BAGO umalis pa-abroad kasama sina Josh at Bimby, ibinahagi ni Kris Aquino sa kanyang Instagram post ang dinanas na life and death situation ng kanyang inang si dating Pangulong Cory Aquino noong ipanganak siya nito. Isang pagbibigay-pugay ito ni Kris kay Cory dahil nalalapit na rin ang death anniversary nito sa August 1. Ayon sa IG post ni Kris, “More ... Read More »

Rhea Tan, bumilib sa galing maglako ng paninda ni Sylvia

HUMANGA ang BeauteDerm CEO and owner na si Rhea Anicoche- Tan sa galing maglako at magbenta ng kanilang paninda ang Face of BeauteDerm na si Sylvia Sanchez. Sumabak kasi sa pagtitinda ng  mga produkto si Sylvia kasama ang iba pang ambassadors na sina Carlo Aquino, Sherilyn Reyes-Tan, at ang bagong endorser na ring anak ni Sylvia na si Ria Atayde sa grand opening ng Show Me The Beauty by BeauteDerm sa ... Read More »

Sylvia, thankful sa nominasyon sa Edukcircle

NAGPAPASALAMAT naman si Sylvia Sanchez sa nominasyong nakuha niya sa 9th EdukCircle Awards sa kategoryang Best Actress in a Single Drama Performance para sa kanyang mahusay na pagganap sa Red Lipstick episode ng Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN. Post ni Sylvia sa FB, ”Maraming, maraming salamat po @edukcircle awards sa nominasyon, sa tiwalang binigay nyo sa kakayahan ko bilang artista  Much appreciated!!!” Nominated din ang anak ni Sylvia na si Arjo Atayde sa dalawang ... Read More »

Josh at Bimby, pinagbigyan ang good skin obsession ni Kris

MAHAL na mahal talaga nina Josh at Bimby si Kris Aquino kaya kahit ang good skin obsession ng kanilang Mama ay pinagbigyan nila. Marami ang pumupuri sa magandang kutis at balat ni Kris, at siyempre gusto rin niyang pati ang mga anak ay magkaroon ng good skin kaya tinuturuan niya ang mga ito ng pangangalaga rito. Inihayag nga ni Kris ... Read More »

Ron Antonio, proud mapabilang sa Team Philippines ng WCOPA

LABAN Pilipinas! Ito ang ipinost sa Facebook ng recording artist at tinaguriang Zumba King of the Philippines na si Ron Antonio kaugnay ng paglahok at paglaban niya bilang bahagi ng Team Philippines sa World Championships of Performing Arts (WCOPA) na gaganapin sa July 12 to 21, 2019 sa Hollywood, Los Angeles, California, USA. Proud nga si Ron na mapabilang sa Team ... Read More »

Kris, inatake ng matinding Migraine

SINUMPONG ng matinding migraine si Kris Aquino kamakailan. Matinding sakit at pain ang dulot nito sa kanya pero hindi naman siya makapag-take ng gamot na pain relievers dahil allergic siya rito. Humingi pa nga siya ng suggestions at tulong sa kanyang Instagram followers kung ano ang pwede niyang gawin kapag may migraine attack at paano niya mape-prevent ito. Post nga ... Read More »

FDCP Chair, nakiusap —‘wag nang maulit ang nangyaring leakage

“SANA hindi na maulit!” Ito ang pahayag at pakiusap ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño–Seguerra kaugnay ng nangyaring leakage sa natitirang official entries na pasok sa 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino bago pa man ang official announcement at grand launch. “Kasi pare-pareho naman naming inirerespeto ‘yung gusto naming gawin for PPP na sabay-sabay kami talagang ... Read More »

Kris, ine-enjoy ang bonding time kina Josh & Bimby; Na-proud sa solo HK trip ng anak

INE-ENJOY ni Kris Aquino ang mas maraming bonding time kasama ang dalawang anak na sina Josh at Bimby habang nagpapagaling siya at nagbawas din ng workload para pagtuunan ang kanyang wellness journey. Last weekend, nagsama-sama silang mag-dinner ng paborito nilang Japanese food, pagkatapos nilang sandaling maghiwalay sa magkaibigang activities. Si Bimb kasi ay nanood ng movie kasama ang pinsang si ... Read More »

Christian, nakamukha ni Coco sa The Panti Sisters poster

MARAMING netizens ang nagkomento sa social media na nakakamukha ni Christian Bables si Coco Martin. Ito ay sa inilabas na official movie poster ng The Panti Sisters na nakamukha ng una si Coco bilang Paloma sa FPJ’s Ang Probinsyano. Maaalalang kinatuwaan din ng mga manonood si Coco nang magdamit babae siya sa katauhan ni Paloma para tugisin ang mga masasamang ... Read More »

Michael V., thankful sa mga papuri ng co-actors

NAKATANGGAP ng mga papuri ang Kapuso Comedy Genius na si Michael V. sa kanyang co-actors sa pelikulang Family History produced by GMA Pictures at Mic Test Entertainment, ang production company nila ng asawa niyang si Carol Bunagan. Pinuri nila hindi lang ang pagiging lead actor ni Bitoy (palayaw ni Michael V.) kundi pati na rin ang pagiging writer, producer, at director ng pelikula, na napagtagumpayan gawing lahat ni ... Read More »

John, happy na makatambal muli si Osang, may bonus pang Carmi

HAPPY ang award-winning actor na si John Arcilla na muli niyang makakatambal ang dati niyang leading lady na si Rosanna Roces, sa The Panti Sisters. Katambal din niya ang aniya’y favorite comedienne niya na si Carmi Martin. Kaya lalong na-happy si John dahil reunited na sila ni Osang, may bonus pang Carmi. Naging leadingman ni Rosanna si John sa pelikulang ... Read More »

Kris, may sagot sa nag-usisang netizen ukol sa ineendosong sabon

Kris Aquino

NA-CURIOUS ang fans at Instagram followers ni Kris Aquino nang lumabas ang bagong TV commercial ng Ariel na tampok si Lea Salonga. Kaya naman isang netizen ang nagtanong at nag-usisa kay Kris ukol sa naturang endorse­ment, na for the longest time ay inendoso ng Queen of All Media. Ayon sa netizen sa IG comments ng isang post ni Kris, ”@krisaquino binitiwan na po ba kayo ng ... Read More »

Kris, nakare-relate sa pinanonood na K drama

Kris Aquino

AMINADO si Kris Aquino na bukod sa pagka-hook at pagka-adik sa pinanonood niyang Korean drama series katulad ng Descendant of the Sun ay nakare-relate rin siya sa nararamdaman at karanasan ng mga character dito. Sabi nga ni Kris sa kanyang Instagram post, ”you know you’re a fan when… super naka identify ka and you WISH ikaw yung character. 1st hugot- how come nung na diagnose ako & ... Read More »

Kris, nahikayat ang IG followers sa mga bagong librong binabasa

NAHIKAYAT at naging interesado ang maraming Instagram followers ni Kris Aquino sa mga bagong librong binabasa niya na kanyang ipinost sa IG nang muli siyang maging aktibo sa social media. Ayon kay Kris, “i read several books on IKIGAI (google na lang please or else sobrang haba nito, but it reenforces my affinity for (Japan) and my quest for peace ... Read More »

Paolo, Christian, at Martin, kinarir ang role sa The Panti Sisters

KINAKARIR nina Paolo Ballesteros, Christian Bables, at Martin del Rosario ang kanilang role sa pinagbibidahan nilang pelikulang The Panti Sisters na idinirehe ni Jun Robles Lana at ipinrodyus ng The IdeaFirst Company, Black Sheep, at ALV Films. Ang pelikulang ito ay official entry sa 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino na inorganisa ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa ... Read More »

Scroll To Top