Friday , September 18 2020
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Rose Novenario (page 8)

Author Archives: Rose Novenario

Feed Subscription

Balik Probinsiya implementer pinaalalahanan (Sa 2 beneficiaries na positibo sa COVID-19)

GAMPANAN nang wasto ang responsibilidad sa Balik Probinsya, Balik Pag-asa Program (BP2) upang maibsan ang kalbaryo ng mga mamamayan sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic. Panawagan ito nina Executive Secretary Salvador Medialdea at Sen. Christopher “Bong” Go  kasunod ng ulat na dalawang umuwi sa Leyte mula sa Metro Manila sa pamamagitan ng BP2 ay nagpositibo sa COVID-19 matapos sumailalim sa swabbing ... Read More »

Contact tracing libre sa PNP tech (Para sa target na COVID-free PH)

WALANG gastos ang gobyerno sa contact tracing o paghahanap ng mga taong nakasalamuha ng mga nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) kung gagamitin ang teknolohiya mula sa Philippine National Police (PNP) gaya ng ginawa ng Baguio City, para sa layuning maabot ang COVID-free Philippines. “Wala po, libre po ito,” sabi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, isang retiradong police general, sa ... Read More »

Palace official bakasyon grande sa Luzon-wide ECQ (Tuloy ang sahod at benepisyo)

BAKASYON grande ang isang opisyal ng Malacañang mula nang isailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang buong Luzon bunsod ng pandemyang coronavirus disease (COVID-19). Ilang mamamahayag na nakatalaga sa Palasyo ang umalma sa paggamit ng Palace official sa ECQ bilang oportunidad para magbakasyon grande at hindi tuparin ang kanyang tungkulin na bigyan ng update ang media sa iskedyul ng aktibidad ... Read More »

Palasyo naglinaw: No face-to-face classroom setting habang walang bakuna

INILINAW ng Malacañang na face-to-face classroom setting ang tinutulan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa itinakdang pagsisimula ng school year 2020-2021 sa 24 Agosto 2020.   “Ano ba hong ibig sabihin ng Presidente noong sinabi niyang ‘wala munang pasok habang walang bakuna.’ Iyon po ang sinabi ng Presidente, ibig sabihin po niyan habang wala pang bakuna at habang wala pa tayo ... Read More »

‘Somebody’ sa likod ng ‘couple’ kargo ng NBI (Sa overpriced COVID-19 testing machine)

NAIS ni Pangulong Rodrigo Duterte na palutangin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tinukoy na ‘somebody’ ni Health Secretary Farncisco Duque III na nasa likod ng mag-asawang inakusahang nag-overprice sa medical equipment.   Isinalang ni Pangulong Duterte sa “public interrogation” sa national television si Duque kamakalawa ng gabi at tinanong kung totoong overpriced ang ipinataw ng mag-asawang Van William ... Read More »

Nat’l gov’t agencies, LGUs, kinalampag sa balik-probinsiya ng stranded sa ECQ

KINALAMPAG ni Sen. Christopher “Bong” Go ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na ipatupad ang kanilang mga programa para maihatid sa mga lalawigan ang mga stranded na estudyante, manggagawa, at overseas Filipino workers (OFWs) nang ipatupad sa Metro Manila ang enhanced community quarantine (ECQ).   “Umaapela po ako sa mga ahensiya ng gobyerno na ipaliwanag ang iba’t ibang programa ng ... Read More »

Roque nagklaro: OFWs dapat covid-free pagbalik sa probinsiya

SINABI ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang mga magbabalik sa mga probinsiya na overseas Filipino workers (OFWs) ay may health certificate na magpapatunay na sila’y COVID-free. “Lahat po ng pinauwi na OFWs have health certificates since they have been subjected to PCR tests,” ani Roque. Nauna rito, nagbigay ng direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte na pauwiin sa kani-kanilang lalawigan ... Read More »

Goma umalma vs balik-probinsya (Protocols binalewala sa COVID-19)

PINALAGAN ni Ormoc City Mayor Richard “Goma” Gomez sa aniya’y ‘pambubulag’ sa mga alkalde at kawalan ng koordinasyon sa kanila ng mga ahensiya ng pamahalaan na bahagi ng programang Balik-Probinsiya. Ayon kay Goma, nabulaga siya sa isang text message sa kanya ng regional officer ng Department of Interior and Local Government (DILG) kahapon ng umaga na nagsabing tanggapin nila ang ... Read More »

SAP ng ECQ mabagal, maaberya 4.2-M Pinoys ‘nagutom’ (Kahit maraming nakatanggap)

BILYON-BILYONG pondo man ang pinakawalan ng administrasyong Duterte, naging malala pa rin ang naranasang ‘involuntary hunger’ ng mga mamamayan sa halos tatlong buwang pag-iral ng Luzon-wide enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa mabagal at maaberyang implementasyon ng Social Amelioration Program (SAP) na nagresulta sa kulelat at banderang kapos na ayuda ng pamahalaan. Inihayag ito ni dating Kabataan party-list representative at ... Read More »

Palasyo pumalag sa 2nd wave ni Duque (Sa panahon ng pandemyang COVID-19)

SINANSALA ng Palasyo ang pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III na nasa second wave na ang pandemyang coronavirus ( COVID-19) sa Filipinas. Inilinaw ni Presidential Spokesman Harry Roque na nasa first wave ng pandemyang COVID-19 ang bansa at hindi pa ‘napapantay ang kurba’ taliwas sa pahayag ni Duque. “Tama ang ating Presidente dapat gumawa tayo ng mga hakbang para ... Read More »

‘Iregularidad’ sa rapid test kits, ‘sumingaw’ na rin sa PNP (Hindi lang sa DOH)

LIBRE ang rapid test kits na gagamitin sa mga pulis upang malaman kung sila’y positibo sa coronavirus disease (COVID-19) ngayong panahon ng pandemya. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, binayaran na ng gobyerno ang rapid test kits para sa mga pulis. “Ang pulis po ay libre, binayaran na po ang rapid test kits ng gobyerno,” pagtitiyak ni Roque sa virtual ... Read More »

IATF ‘Kagulo’ sa Covid -19 second wave ni Duque  

NAGULAT at kinontra ng dalawang mataas na opisyal ng pamahalaan na pinakamalapit kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pahayag ni Inter-Agency Task Force ( IATF) on the Management of Emerging Infectious Disease  chairman at Health Secretary Francisco Duque na nasa second wave na ang pandemyang coronavirus ( COVID-19) sa bansa.   Kapwa itinanggi nina Executive Secretary Salvador Medialdea at Sen. Christopher ... Read More »

Padrino ni Sinas lumutang (Bata ko ‘yan — Duterte)

TINAPOS ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakalawa ng gabi ang dalawang linggong palaisipan sa publiko kung bakit hindi nasibak si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Maj. General Debold Sinas na nagdaos ng Voltes V-themed birthday party kamakailan. Inamin ni Pangulong Duterte na siya ang padrino ni Sinas at nagpasya na hindi sibakin ang heneral kahit may paglabag sa quarantine ... Read More »

160 PSG personnel positive sa COVID-19 rapid test — Durante

ISANDAAN at animnapung kagawad ng Presidential Security Group (PSG) ang nagpositibo sa COVID-19 matapos sumalang sa rapid test pero isa lamang sa kanila ang nagpositibo sa polymerase chain reaction o PCR test.   Sinabi ni PSG commander Col. Jesus Durante, matagal nang nakarekober sa COVID-19 ang nagpositibo sa polymerase chain reaction o PCR test.   Hindi aniya detailed bilang close-in ... Read More »

Sagot ng Meralco sa ERC hintayin — Palasyo (Sa patong-patong na singil sa consumers)

DAGDAG na pasensiya ang hiningi ng Malacañang sa publiko para hintayin ang resulta ng aksiyon ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa dagsang reklamo ng mga konsumer sa patong-patong at napakataas na singil ng Manila Electric Company (Meralco) sa konsumo sa koryente habang umiiral ang Luzon-wide enhanced community quarantine (ECQ).   Ginawa ni Presidential Spokesman Harry Roque nag panawagan ng paghihintay ... Read More »

Disimpormasyon ng estado garapal — Ex-solon (Sa mass testing)

GARAPAL na disimpormasyon ang inihayag kahapon ng Palasyo na walang bansa sa buong mundo na nakapagsagawa ng mass testing. “It is shameless state disinformation to state that no mass testing was ever conducted around the world,” ayon kay dating Kabataan party-list representative at Infrawatch convenor Terry Ridon kasunod  ng pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque kahapon na walang bansa ang ... Read More »

Covid-19 mass testing tablado sa Palasyo (‘Bayanihan’ naging ‘bahala kayo d’yan’)

IMBES Bayanihan, naging ‘bahala kayo d’yan’ ang naging aktitud ng Palasyo nang ipasa ang responsibilidad sa pribadong sektor para sa pagsasagawa ng mass testing bilang bahagi ng pagkontrol o paglaban sa pandemyang coronavirus disease (COVID-19). Matapos puwersahang ikulong sa kanilang mga tahanan ang mga mamamayan, isara ang mga kompanya’t pabrika, at eskuwela sa loob ng mahigit dalawang buwan para mapigilan ... Read More »

COVID-19 ‘wag gamiting ‘alibi’ sa jeepney phase-out (Manggagawa ‘wag pahirapan)

NAGBABALA ang militanteng grupong Kilusang Mayo Uno laban sa paggamit sa community quarantines dulot ng coronavirus disease (COVID-19) bilang ‘alibi’ para ituloy ang plano ng gobyernong jeepney phase-out.   Sinabi sa kalatas ng KMU na dapat ay bigyan ng ayudang pinansyal ang mga manggagawa sa transportasyon na mahigit dalawang buwang walang kinita dahil sa ipinatupad na ECQ.   Anang KMU, ... Read More »

Sa maagap na pagkilos kaysa Palasyo… Guimaras, Dinagat Is., Ormoc City Covid-19 free (Doktor, HR lawyer, at aktor pinuri sa pag-aaral)

HINDI umubra ang bagsik ng coronavirus disease (COVID-19) sa mga lugar na pinamumunuan ng doktor, human rights lawyer, at isang aktor kahit walang ayuda ang Malacañang. Tinukoy ni Raymund de Silva, isang Mindanao-based political activist, ang katang-tanging mga lokal na opisyal na sina Guimaras Governor Samuel Gumarin, isang doktor; Dinagat Governor Arlene Bag-ao, isang human rights lawyer, at Ormoc City ... Read More »

OFWs isosoga sa COVID-19 global pandemic (Kahit daan-daang libo hindi matulungan)

KAYSA mamatay nang gutom sa Filipinas, mas nanaisin ng overseas Filipino na sumabak sa panganib ng coronavirus disease (COVID-19) sa ibang bansa para itaguyod ang kanilang pamilyang nagdarahop dahil sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ).   Inianunsiyo ng Palasyo kahapon na inaprobahan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF- MEID ) ang Resolution ... Read More »

Payo ng Palasyo sa GCQ: Kung walang company ‘shuttle’ ‘wag magbukas ng negosyo

HUWAG magbukas kung walang ilalaan na transportasyon para sa kanilang mga empleyado. Payo ito ng Palasyo sa mga kompanya sa mga lugar na isasailalim sa modified enhanced community quarantine simula bukas (MECQ). “We do not want to be like other countries that reopened their economies and then experienced a second wave. If the company cannot provide a shuttle or if ... Read More »

Criminal, admin charges vs Sinas & his Voltes gang — Malacañang

SASAMPAHAN ngayon ng kasong kriminal ng Philippine National Police (PNP) si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, P/Mgen. Debold Sinas, at ang senior officials na dumalo sa kanyang Votes V-themed birthday party habang umiiral ang Luzon-wide enhanced community quarantine ECQ dulot ng pandemyang coronavirus (COVID-19). “Per my latest conversation with Philippine National Police chief PGen. Archie Gamboa, a criminal ... Read More »

HR violators na pulis pananagutin — PNP chief (Sa pagpapatupad ng ECQ)

PARURUSAHAN ang mga pulis na sangkot sa paglabag sa karapatang pantao habang ipinatutupad ang  enhanced community quarantine (ECQ ) laban sa pandemyang coronavirus (COVID-19).   Tiniyak ito ng Palasyo, kasunod ng ulat ng United Nations Council for Human Rights, na ikaapat ang Filipinas sa mga bansa sa buong mundo na may pinakamataas na kaso ng COVID-19-related human rights violations kasunod ... Read More »

P13-B ex-deal hirit ni Lorenzana sa Filipino insurgents (Kapalit ng armed struggle)

NAG-ALOK ng exchange deal si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Filipino insurgents na binabatikos ang planong pagbili ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ng attack helicopters.   Sinabi ni Lorenzana, payag siya sa suhestiyon ng mga makakaliwang grupo na ibigay na lang sa tao ang P13 bilyones pondo ng AFP para ipambili ng attack helicopters kung ititigil ng New ... Read More »

Ikulong si Sinas — Gabriela (Sa Voltes V birthday mañanita)

KUNG “shoot them dead” ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga ‘pasaway’ sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ), nais naman paimbestigahan muna nina Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año at Philippine National Police (PNP) Gen. Archie Gamboa ang kontrobersiyal na mga retrato ng papiging ni    National Capital Region Police Office (NCRPO) Director ... Read More »

Scroll To Top