Friday , April 26 2024

Rose Novenario

Mass arrest sa tambay bubusisiin ng Kongreso

dead prison

PAIIIMBESTIGAHAN ng Bayan Muna party-list ang malawakang pagda­kip ng pulisya sa mga ‘tambay’ maging ang pagkamatay ng isang inaresto sa kustodiya ng Novaliches Police Station 4. Kinondena nina Ba­yan Muna Rep. Carlos Zarate at Party chairman Neri Colmenares ang pagkamatay ni Genesis Argoncillo alyas Tisoy, na dinakip ng mga pulis-Quezon City noong Biyer­nes ngunit makalipas ang apat na araw ay idine­klarang dead …

Read More »

Mental Health Act nilagdaan ni Duterte

NILAGDAAN ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11036 o Mental Health Act kahapon. Ang batas ay may layuning isulong ang proteksiyon sa karapa­tan ng mga taong may kapansanan sa pag-iisip sa pamamagitan nang paglalaan ng pondo para sa integra­ted men­tal health services. Base sa batas, titi­yakin ng estado ang maagap, abot-kaya, de-kalidad at “culturally-appropriate” na mental health care …

Read More »

GMRC kargo ng magulang — Palasyo

MINALIIT ng Palasyo ang pahayag ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na malaking hamon sa kanila ang magturo ng “good manners and right conduct” sa mga mag-aaral dahil napapanood si Pangulong Rodrigo Duterte na gumagamit ng masasa­mang salita sa kanyang mga talum­pati. Para kay Presidential Spokesperson Harry Roque, trabaho ng mga magulang ang magturo ng kagandahang asal sa kanilang mga …

Read More »

Pag-uwi ni Joma kanselado

READ: Peace talks ikinansela: Duterte patalsikin — Joma Sison READ: Joma hindi ‘mata-tarmac’ sa airport (Sigurado si Duterte) READ: Babala ni Digong: Peace talks ‘pag bigo ulit Joma papatayin READ: Umuwi ka na sagot kita (Hikayat ni Digong kay Joma) READ: Digong kay Joma: 5 NPA kapalit ng sundalong papaslangin ng komunista READ: Joma ‘nabansot’ sa FQS (Sana’y may sapat …

Read More »

Trade sec ipakain sa gutom na sikmura

DAPAT ipakain sa mga gutom na Filipino si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez. Ito ang buwelta ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philip­pines (ALU-TUCP) sa pahayag ni Lopez sa Palasyo kahapon na hindi dapat bigyan ng umento sa sahod ang mga manggagawa sa kabila nang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Sinabi ni Allan …

Read More »

Digong nagnilay saltik sa pari itinigil

“FOR whom the bell tolls, it tolls for thee…” Bahagi ito ng sinabi kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte nang sa gitna ng kanyang pagba­tikos sa mga pari ng Simbahang Katolika sa kanyang talumpati sa Iloilo City, tumunog ang kampana bilang hudyat ng Angelus. Bago tumunog ang kampana, mistulang binibigyan katuwiran ni Duterte ang pagpatay sa isang pari kamakailan na umano’y …

Read More »

Tanong ng Palace reporters ‘ibinasura’ ng PIA Region XII

MEDIA censorship. Ito ang puna ng ilang mamamahayag na nakatalaga sa Palasyo matapos balewalain ni Danilo E. Doguiles, PIA Region XII officer-in-charge, ang ilang ipina­dalang tanong ng Palace reporters sa press briefing ni Presidential Spokes­man Harry Roque sa Cotabato City. Si Doguiles ang tuma­yong moderator sa natu­rang press briefing. Matapos basahin ni Roque ang kanyang ope-n­ing statement ay inatasan niya …

Read More »

Media Safety chief isusunod ng Palasyo — Harry Roque

NAKAHANDA ang Palasyo na paimbestigahan ang isyu nang pagkakasangkot ni Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) chief Joel Egco sa iringan ng dala­wang media organizations na nag-ugat sa P100 milyong federalism campaign fund. Sa press briefing sa Cotabato kahapon, sinabi ni Presidential Spokes­man Harry Roque na makatutulong sa pagsi­sisyasat kung may mag­hahain ng pormal na reklamo laban kay Egco. “Well, …

Read More »

Sister Fox mananatili sa bansa

Sister Patricia Fox

IGINAGALANG ng Palasyo ang resolusyon ng Department of Justice (DOJ) na kumatig sa petisyon ni Sister Pa­tricia Fox na manatili sa bansa. “We respect the resolution by the DOJ secretary,” pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque. Sa resolusyon na nilagdaan ni Justice Secretary Menardo Gue­varra, binaliktad niya ang naunang kautusan ng Bureau of Immigration na i-downgrade ang mis­sionary visa ni …

Read More »

Duterte, Simbahan nag-usap na

TINAWAGAN ni Pangulong Rodrigo Duter­te si Bishop Sofronio Bancud noong 14 Hunyo upang makiramay at tiyakin na mabibigyan ng hustisya ang pagpatay kay Fr. Richmond Nilo. “Tinawagan namin si Bishop Sofronio Bancud at personal silang nagkausap ng Pangulo. Ipinarating ng Pangulo ang pakikiramay sa yumaong pari at ini-assure na mabibigyan ng hustisya,” sabi ni Special Assistant to the President Christopher …

Read More »

Tambay puwedeng Rumesbak sa parak

PINAYOHAN ng Palasyo ang mga “tambay” na buweltahan ang mga pulis kung nilabag ang kanilang ka­ra­patan nang arestohin sila. “Well, kasi po meron tayong established na mga mekanismo para pro­tektahan ang kara­patan ng kalayaan. U­nang-una po, e kapag kayo ay… kapag ang ma­mamayan ay naaresto at hindi naman kinasuhan, pupuwedeng makasuhan ng kriminal for illegal detention iyong ating (ka)pulis(an),” ani Roque …

Read More »

Tanim-bala probe result in 24-hrs, utos ni Duterte

INAASAHAN ng Palasyo na maisusumite ngayon ng mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan ang imbestigasyon sa napaulat na insidente ng tanim bala noong Biyernes sa NAIA Terminal 3. Tiniyak ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, agad iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Transportation (DOTr), Manila International Airport Authority (MIAA), at Office for Transportation Security (OTS) ang pagsisiyasat …

Read More »

Trillanes may tagong yaman abroad — Bong Go

ITINAGO sa ibang bansa ni Sen. Antonio Trillanes IV ang ninakaw niyang pera ng bayan, ayon kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go. Ang pahayag ni Go ay tugon sa pagkuwestiyon ni Trillanes sa taguri sa kan­yang “bilyonaryo” ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte. Giit ni Go, ang ibig sabihin ng Pangulon ay bilyonaryo siya kapag ipinagbili ng kanyang pamilya …

Read More »

GRP-NDFP peace talks kinansela ni Duterte

MAILAP pa rin ang minimithing kapayapaan sa bansa matapos iutos ni Pangulong Rodrigo Du­terte na kanselahin muli ang nakatakdang peace talks sa kilusang komu­nista sa 28 Hunyo sa Oslo, Norway. Ang pasya ay ginawa ni Duterte matapos ang joint AFP-PNP command conference sa Palasyo kamakalawa ng gabi. Sa biglaang press conference kahapon sa Palasyo, sinabi ni Pre­sidential Adviser on the …

Read More »

Duterte patalsikin — Joma Sison

NANAWAGAN si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison sa lahat ng mga rebolusyonaryo, mga puwersang anti-Duterte at publiko na patatagin at palawakin ang hanay upang mapatalsik si Pangulong Rodrigo Duterte. Ang pahayag ni Sison ay bilang tugon sa pagkansela ni Duterte sa nakatakdang peace talks sa 28 Hunyo na aniya’y lantarang indikasyon na hindi interesado …

Read More »

Barangay execs aarmasan ni Digong

duterte gun

IKINOKONSIDERA  ni Pangulong Rodrigo Dute­rte  na armasan na rin ang mga kapitan ng barangay sa buong bansa. Sinabi ito ng Pangu­lo sa harap ng mahigit 2,800 bagong halal na chairman ng barangay sa Region  3 na nanumpa sa kanya kahapon sa Clarkfield, Pampanga. Ang plano ng Pangu­lo ay base sa gitna ng du­maraming bilang ng mga opisyal ng barangay na namamatay  sa pagtu­pad ng tungkulin kaug­nay ng kampanya kon­tra ilegal na droga. Ayon sa Pangulo, …

Read More »

Duterte binulaga ng lightning rally sa Cavite

HINDI natinag si Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa lightning rally na isi­nagawa ng may sampung aktibista sa harap niya bago magtalumpati sa 120th Independence Day sa Kawit, Cavite kahapon ng umaga. “Hayaan mo lang. It’s a freedom of speech. You can have it. Okay lang. I will understand,” ani Duterte habang hinihila palayo ng mga pulis at mga kagawad ng Presi­dential …

Read More »

No drug test, no driving policy

KAILANGAN sumailalim sa drug test ang mga tsuper ng bus bago sumabak sa long trip o mahahabang biyahe. Ito ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Du­ter­te bunsod ng naita­lang mga trahedya sa kalsada kamakailan. Ani Duterte, lumang tugtugin na ang alibi na nawalan ng preno kaya’t nakaaksidente ang isang bus driver kaya ang kai­langan ipatupad ang “no drug test, no driving policy” …

Read More »

Barangay execs sisibakin — Duterte

NAGBABALA si Pangu­long Rodrigo Duter­te na sususpendehin o tatang­galin sa puwesto ang barangay officials na may mataas na drug-related crimes sa kanilang komu­nidad. Sinabi ng Pangulo, kailangan magpaliwanag ang barangay chairman kay Department of In­terior and Local Govern­ment (DILG) officer-in-charge Eduardo Año kapag nanatiling talamak pa rin ang illegal drugs at krimen sa kanilang pamayanan. “If there are many drug …

Read More »

Pari itinumba sa simbahan

READ: 72-anyos pari itinumba sa Nueva Ecija READ: PNP nagbuo ng special team (Para sa pinaslang na pari) READ: Pari itinumba sa harap ng altar (Pagkatapos magmisa) READ: Palasyo ‘tahimik’ (Sa pagpatay sa isang pari matapos siyang magmisa) PINAGBABARIL ang isang pari sa Nue­va Ecija sa loob mismo ng sim­bahan matapos siyang magmisa ka­gabi. Batay sa inisya na ulat, pumasok …

Read More »

Duterte inatake ng migraine

TINIYAK ng Palasyo na maayos ang kalagayan ng kalusugan ni Pangu­long Rodrigo Duterte. Pahayag ito ng Malacañang matapos ibunyag ng Pangulo na nagsusuka siya sa erop­lano bunsod ng migraine habang nasa biyahe mula sa tatlong araw na official visit sa South Korea pabalik ng Filipi­nas noong Martes ng gabi. Ayon kay Presiden­tial Spokesman Harry Roque, walang dapat na ipag-alala ang …

Read More »

‘Pag pumalag vs China, kudeta vs Duterte

NANINIWALA si Pangulong Rodrigo Duterte na patatalsikin siya ng pulisya’t militar kapag isinabak niya ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa digmaan kontra China sa agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea (WPS). Sa press conference sa NAIA Terminal 2 sa kanyang pagdating mula sa 3-day official visit sa South Korea, inihayag ng Pangulo, …

Read More »

Mocha dapat mag-sorry (Kay Kris Aquino)

INUTUSAN ni Pangulong Rodrigo Duterte si Communications Assistant Secretary Mocha Uson upang humingi ng apology kay Kris Aquino kaugnay sa social media post niya na ikinasama ng loob ng dating presidential daughter. Sa press conference kahapon sa Presidential Guest House, sinabi ni Special Assistant to the President Christopher ‘Bong ‘ Go, pumayag si Mocha na mag-sorry kay Kris. Aminado si …

Read More »

US$1-B utang ng PH sa SoKor iingatan vs korupsiyon (Para sa Build, Build, Build projects)

SEOUL – TINIYAK ng administrasyong Duterte sa gobyernong South Korea, hindi mapupunta sa korup­siyon ang inilaan nitong US$1-B Official Develop­ment Assistance para ipantustos sa Build, Build, Build projects. Sa press briefing sa Imperial Palace Hotel kahapon, sinabi ni Finance Secretary Carlos Domi­nguez, hindi maaaksaya sa korupsiyon ang pera ng mga mamamayan ng South Korea. Tungkulin aniya ng pamahalaang Duterte na …

Read More »