Friday , September 18 2020
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Rose Novenario (page 12)

Author Archives: Rose Novenario

Feed Subscription

OFWs mula HK, Macau maaari nang bumiyahe

PUWEDE nang bumi­yahe papunta at pabalik ng Hong Kong at Macau ang overseas Filipino workers (OFWs). Ito ay dahil partially lifted na ang travel ban na ipinatupad noon ng Filipinas sa Hong Kong at Macau dahil sa coronavirus disease o COVID-19.Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kina­kailangang lumagda ng deklarasyon ang mga OFW na nagsasaad na batid nila ang panganib sa ... Read More »

Palasyo tahimik sa ‘shopping spree’ ni Dennis Uy

TIKOM ang bibig ng Pala­syo sa ulat na humihingi ng state guarantee ang negosyanteng kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang bilyon-bilyong pisong uutangin sa mga banko para higit na palawakin ang mga negosyo. “Hindi ko yata… ngayon ko lang narinig iyan… I don’t know about that. Kausap ko lang siya the other night. At sabi ko sa kanya, ... Read More »

Gag order hirit sa SC ni Calida

TILA napapaso ang Palasyo sa kaliwa’t kanang pagbatikos laban sa pagsikil ng administrasyong Duterte sa press freedom. Ito ay matapos paboran ng Palasyo ang hirit na gag order ni Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema kaugnay sa quo warranto petition na inihain laban sa prankisa ng ABS-CBN. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, nagiging emo­syonal na kasi ang isyu ... Read More »

‘Pastillas’ sa Immigration ipinabubusisi ng Pangulo

IPINASISIYASAT ni Pangu­long Rodrigo Duterte sa National Bureau of Investigation (NBI) ang nabulgar na ‘pastillas’ sa Bureau of Immigration (BI). Sa panayam kagabi kay Sen. Christopher “Bing” Go, sinabi niya na ipakakain ni Pangulong Duterte sa Immigration personnel o opisyal ang perang nakaba­lot sa pastillas wrapper kapag napatunayang sangkot sa katiwalian at nagpapapasok ng mga illegal Philippine offshore gaming operator ... Read More »

70k no read, no write sa Bicol pinalagan ni EdSec. Briones

UMALMA si Education Secretary Leonor Briones sa ulat na 70,000 batang estu­dyante sa Bicol region ang hindi maru­nong magbasa ng English at Filipino. Sa press briefing sa Palasyo, tinawag ni Briones na eksaherado ang nasabing ulat at hindi tama na sabihing ‘no read, no write’ ang mga estudyante sa elementarya sa Bicol. Pinaghalo kasi aniya ang bilang ng mga estu­dyante ... Read More »

Dahil sa pagbasura sa VFA… Kudeta vs Duterte niluluto — Joma

MAY nilulutong coup d’ etat laban kay Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang opisyal ng militar na nadesmaya sa pagbasura niya sa Visiting Forces Agreement (VFA). Ito ang inihayag ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) chief political consultant Jose Ma. Sison. “Just by giving the US a notice of terminating ... Read More »

Anak ni Kabayan itinalagang GM sa PTV4 — Andanar

ITINALAGA ni Pangu­long Rodrigo Duterte si Katherine Chloe de Castro bilang bagong general manager ng People’s Television Network Inc. Kinompirma ni Communications Secretary Martin Anda­nar na si De Castro ang pumalit kay Juliet Claveria Lacza bilang general manager ng PTNI. Naging president at CEO ng Intercontinental Broadcasting Corp., mas kilala bilang IBC Channel 13 at naging assistant secretary sa Department ... Read More »

Trump ‘deadma’ sa winakasang VFA ni Duterte

DUDA ang Palasyo sa pahayag ni US President Donald Trump  na bale­wala sa kanya ang pag­basura ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Visiting Forces Agreement ( VFA) at makatitipid pa ang Amerika sa nangyari. “Let’s see how his words will match the actions of the US government,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo. Ang pahayag ni Trump ay taliwas sa sinabi ni ... Read More »

Palace reporters, Defense, FOCAP kontra paninikil sa press freedom

UMALMA ang Mala­cañang Press Corps sa anomang uri ng paraan na sisikil sa kalayaan sa pamahahayag. Ang pahayag ay ginawa ng MPC kasunod ng paghahain ng quo warranto petition ni Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema laban sa ABS-CBN. “In light of the recent developments, par­ticularly to ABS-CBN’s franchise issue, the MPC deplores any attempt to curtail these freedoms, ... Read More »

Travel ban vs Taiwan iginiit ng Malacañang

IPINAGTANGGOL ng Palasyo ang pasya na isama ang Taiwan sa mga bansang ipinatutupad ang temporary travel ban. “The temporary travel ban to and from Taiwan and the Philippines was the decision of the majority members of the Task Force. The health of the Filipino people is our outmost concern,” ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea. Nais aniya ng pama­halaan na ... Read More »

VFA tinapos ni Duterte (PH susuyuin ng Kano — Palasyo)

TINULDUKAN na ng administrasyong Duterte ang Visiting Forces Agree­ment (VFA) nang ipadala sa US government ang notice of termination kahapon. Inianunsiyo ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa press briefing sa Palasyo kaha­pon. Magiging epektibo aniya ang pagpapa­walang bisa sa VFA matapos ang 180 araw. Matatandaan, iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbasura sa VFA matapos kanselahin ng US ang ... Read More »

Utos ni Digong kay Panelo dada lang, ‘di dokumentado

DOKUMENTO at hindi dada ang puwedeng maging basehan sa pagbasura sa Visiting Forces Agreement (VFA). Ito ang inamin ng Palasyo kasunod nang pag-alma nina Executive Secretary Salvador Medialdea at Defense Secretary Delfin Lorenzana sa pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na inutusan ni Pangulong Duterte si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na simulan ang pagpoproseso sa pagbasura ng VFA. Sinabi ... Read More »

Duterte nababahala sa ekonomiya dahil sa nCoV

NABABAHALA si Pangu­long Rodrigo Duter­te sa epekto sa ekonomiya ng bansa dahil sa 2019 novel coronavirus outbreak. Ayon kay Pre­siden­tial Spokesman Salvador Panelo, ginaga­wan na ng paraan ng adminis­trasyon para matugunan ang naturang problema. Nauna nang iniha­yag ni Socio Economic Planning Secretary Ernes­to Pernia na aabot sa P133 bilyon ang mawa­wala sa ekonomiya kung tatagal ang krisis sa nCov hanggang Disyembre. Ayon ... Read More »

PH handa sa community transmission ng nCoV — DOH

NAKAHANDA ang Department of Health sakaling magkaroon ng community transmission ng 2019 novel coronavirus sa bansa, ayon sa Pala­syo. Tiniyak ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na may sagot na ang pamahalaan sakaling magkaroon ng kaso ng community transmission. Sa pinakahuling tala­an ng DOH, umabot na sa 267 katao ang imino-monitor ng kanilang hanay na posibleng tina­maan ng coronavirus. Ayon kay ... Read More »

Pinoys sa quarantine ipagdasal — Palasyo

NANAWAGAN ang Palasyo sa publiko na ipagdasal na makauwi nang walang aberya sa kani-kanilang pamilya ang 30 Pinoy mula sa China at ang repatriation ream matapos ang 14-day quarantine period. “Let us pray for our fellow countrymen, as well as of the members of the repatriation team for their well being and that they do not show any symptom of ... Read More »

Digong sasalubong sa 42 Pinoys mula China

NAIS ni Pangulong Rodrigo Duterte na personal na salubungin ang mga Pinoy na ililikas mula China bago dalhin sa quarantine site sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija sa Sabado. Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, umuusad ang talakayan sa Presidential Manage­ment Staff (PMS) at Presidential Security Group (PSG) kung papayagan ang Pangulo na makahalubilo ang mga Pinoy mula sa lugar na ... Read More »

Dahil sa travel ban… 300 aliens stranded sa PH airports

MAY 300 Chinese at iba pang foreign nationals ang stranded sa Ninoy Aquino international Airport (NAIA) at iba pang airport sa bansa. Sa Laging Handa press briefing sa Palasyo kahapon, sinabi ni Bureau of Immigration spokes­man Dana Sandoval,  galing sa China ang foreign nationals na hindi na pinapasok sa bansa dahil sa travel ban na ipinatupad ng pamaha­laan bunsod ng 2019 ... Read More »

Hazard pay para sa health workers welcome sa RITM

MALUWAG na tatang­gapin ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sakaling may magsusulong na dagdagan ang hazard pay ng health workers na direktang nagkaroon ng kontak sa mga nagpo­sitibong pasyente ng novel coronavirus at iba pang uri ng mapanganib na sakit. Ayon kay Celia Carlos, director ng RITM, malugod na tatanggapin ng kanilang hanay kung may dagdag na hazard pay. ... Read More »

3 lider sabit sa human smuggling… Simbahan ni Quiboloy sa Amerika ni-raid ng FBI

DUMISTANSYA ang Palasyo sa bestfriend forever (BFF) o matalik na kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy. Sinalakay kamaka­lawa ng mga ahente ng Federal Bureau of Investigation ( FBI) ang simbahan ng Kingdom of Jesus Christ sa Los Angeles, California dahil sa kasong human trafficking at inaresto ang tatlong lider nito. Ayon ... Read More »

Sa kamatayan ni Kobe Bryant… Palasyo nalumbay, nakiramay para kay Black Mamba

NAKIIISA ang Palasyo sa pagdadalamhati ng buong mundo sa pag­panaw kahapon ni basketball legend Kobe Bryant sa isang chopper crash sa California kahapon. Sa isang kalatas, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na si Bryant, 41 anyos, dating Los Angeles Lakers star, ay mahal na mahal ng kanyang Pinoy fans. “The Office of the President is saddened after learning about ... Read More »

Mahirap na Filipino, mas marami… SWS survey deadma sa Palasyo

DEADMA ang Palasyo sa pinakabagong resulta ng survey ng Social Weather Station (SWS) na tumaas ang bilang ng mga Pinoy na ikinokon­sidera ang kanilang sarili bilang mahirap. Base sa survey ng SWS sa ikaapat na quarter ng 2019, tumaas sa 54 percent ang bilang ng mga Filipino na nagsabing mahirap sila kompara sa 42 percent na naitala noong Setyem­bre 2019. ... Read More »

Pinoys sa Wuhan stay put pero mag-ingat sa Coronavirus

WALA pang plano ang administrasyong Duterte na pauwiin sa bansa ang mga Filipino na nasa Wuhan City sa China kahit laganap na siyudad ang coronavirus. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, pinapayohan ng Malacañang ang mga Pinoy sa Wuhan City na mag-ingat at maglatag ng precautionary measures. Hindi kasi aniya maa­aring agad na paalisin ang mga Filipino sa Wuhan City dahil naroon ... Read More »

Maraming lindol indikasyon ng malakas na pagsabog

MATINDING banta ng pagsabog ang indikasyon ng maraming paglindol na ibig sabihin ay uma­angat ang magma sa bunganga ng bulkang Taal. Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) director Renato Solidum, sakaling suma­bog ang bulkan, magla­labas ito ng ring of clouds na mapanganib sa tao. Ito aniya ang dahilan kaya hindi pa ibinababa ng Phivolvs ang alert level 4 ... Read More »

P50-M hatag ni Digong sa biktima ng Taal eruption

BINIGYAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ng P50 milyon ang mga lokal na pamahalaan ng Batangas na naapektohan ng pag­sabog ng bulkang Taal. Nagtungo kahapon ang Pangulo sa PUP Gymnasium para pangu­nahan ang pamamahagi ng food packs sa mga bakwit. Sinabi ni Sen. Christopher “Bong” Go, binigyan ni Pangulong Duterte ng tig-limang milyong piso ang Lipa City, Agoncillo, Tanauan, Mabini, Batangas ... Read More »

Kontratang UP-Zobel de Ayala binubusisi na ng Palasyo

BINUBUSISI na rin ngayon ng Palasyo ang isa pang kontrata na pinasok ng negosyanteng si Fernando Zobel de Ayala sa pamahalaan. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, iimbestigahan na ang kontrata ng mga Ayala sa University of the Philippines Ayala Land Technohub sa Quezon City. Ayon kay Panelo, napag-alaman niya na umuupa lamang si Ayala ng P20 kada square meter ... Read More »

Scroll To Top