Friday , September 18 2020
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Rose Novenario (page 11)

Author Archives: Rose Novenario

Feed Subscription

COVID-19 test kits sagot ng PhilHealth

SAGOT ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang halaga ng paggamit ng coronavirus 2019 (Covid-19) test kits sa mga ospital upang maibsan ang agam-agam ng publiko. Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang COVID 19 tests sa mga ospital ay sasak­lawin ng PhilHealth, bukod pa sa gastusin para sa quarantine at isolation. “Batid ng Pangulo ang pag-aalala ng taong bayan ... Read More »

China’s 3,000 PLA sa ‘immersion mission’ sa PH ipinabeberipika

NAALARMA ang Palasyo sa ulat na may 3,000 miyembro ng People’s Liberation Army (PLA) ng China ang kasalukuyang nasa Filipinas. Isiniwalat kamakalawa ni Sen. Panfilo Lacson na nakatanggap siya ng report na may 2,000 hanggang 3,000 miyembro ng PLA ang nasa bansa at maaaring nasa immersion mission. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nakatitiyak siya na kumikilos ang militar upang ... Read More »

Imbestigasyon sa POGOs iniutos ng Pangulo

WALANG plano si Pangu­long Rodrigo Duterte na magbaba ng suspensiyon sa operasyon ng offshore gaming operations sa kabila ng mga ulat na pagkaka­sangkot sa mga ilegal na aktibidad. “If there is anything wrong with the system on POGO, then we have to review it, evaluate it, and then streamline it, improve it. All agencies involved must do their job so ... Read More »

Espekulasyon sa chopper crash itigil — Palasyo

NANAWAGAN ang Palasyo sa publiko na iwasan gumawa ng mga espekulasyon kaugnay sa pagbagsak ng helicopter na lulan ang matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) kahapon sa San Pedro, Laguna. “We ask the public to refrain from making speculations relative to the circumstances as we wait for the official results of the probe on the incident,” sabi ni ... Read More »

‘Tampo’ sa Iceland tinapos ng Palasyo

TINAPOS ng Palasyo ang ‘pagtatampo’ sa mga bansang lumagda pabor sa resolusyon ng Iceland na humirit na imbestigahan si Pangulong Rodrigo Duterte sa United Human Rights Council dahil sa extrajudicial killings bunsod ng drug war. Sa inilabas na memorandum na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea noong 27 Pebrero 2020, tinanggal na ang suspension order ni Pangulong Duterte at nakahanda ... Read More »

Bagsak-presyong bigas asahan — NEDA

INAASAHANG babagsak ang presyo ng bigas sa P34 hanggang P35 kada kilom sa ikalawang taon na pag-iral ng Rice Tariffication Law. Ito ang inihayag ni National Economic and Development Authority (NEDA) Assistant Secretary Mercy Sombilla sa press briefing sa Palasyo kaha­pon. Ang kasalukuyan ani­yang presyo ng bigas na P36 kada kilo ay mas maba­ba sa target na P37, at pinakamababa ... Read More »

Money laundering laganap… POGO gamit na ‘espiya’ ng China?

NANAWAGAN ang Palasyo kay Sen. Richard Gordon na ibahagi ang mga impormasyon na ginagamit sa pang-eespiya ng China ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at money laundering ng ilang Chinese. Ayon kay Gordon, posibleng nakapasok na sa POGO ang intelligence operatives ng People’s Liberation Army (PLA) ng China nang makita ang PLA identification cards ng dalawang Chinese national na nagbarilan ... Read More »

PH makupad… China’s PLA ‘nagtokhang’ vs POGOs

NAKABABAHALA ang pagpatay sa isang Philippine offshore gaming operators (POGO) ng dalawang hinihinalang kasapi ng People’s Liberation Army (PLA) ng China. “Anything that goes against the interest of the country is a cause of concern by this govern­ment and for that matter any government,” sabi ni Presidential Spokes­person Salvador Panelo kahapon. Iniimbestigahan na aniya ang naturang insi­dente at magpapatupad ang ... Read More »

Kapalit ng VFA… ‘Inilulutong’ military pact walang basbas ni Duterte

WALANG basbas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nilulutong military pact sa pagitan ng estados Unidos at Filipinas kapalit ng Visiting Forces Agree­ment (VFA). Sinabi ni Presidential Spokesman, ayaw ni Pangulong Duterte na mag­karoon ng bagong alyan­sang militar ang Filipinas sa Amerika. Tugon ito ng Palasyo sa ulat na inihayag ni Philippine Ambassador to the Philippines Jose Manuel Romualdez na may ... Read More »

NUJP nangamba sa seguridad… Red-tagging sa media kinompirma ni Panelo

IDINEPENSA ng Palasyo ang militar sa pagdawit sa ilang kagawad ng media na kritikal sa administrasyong Duterte sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front of the Philippines (CPP-NPA-NDF) o red-tagging sa mga mamamahayag.   Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, maaaring may nakitang sapat na basehan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa red-tagging sa hanay ... Read More »

Walang ‘late’ sa ‘State of Calamity’ — Palasyo

IDINEPENSA ng Palasyo ang pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng state of calamity sa Region 4-A dahil sa pagsabog ng bulkang Taal. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi puwedeng sabihing huli na ang deklarasyon dahil matagal ang epekto ng mga kalamidad. “They can never be too late in a declaration with respect to calamities. May calamities, siyempre ang tagal ... Read More »

Sa ‘pastillas’ scheme… ‘Sibakan’ sa BI pagkatapos na ng imbestigasyon

HIHINTAYIN ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang resulta ng imbestigasyon ng Kongreso sa mga anomal­ya sa Bureau of Im­mi­gration (BI) bago siya magpasya sa magiging kapalaran ni Commis­sioner Jaime Morente. “I think there is going to be an investigation by congress. I defer to congress first before I make a decision. Para walang masabi kung… nandiyan siya. He tells the story ... Read More »

Paumanhin tinanggap… Duterte ‘di sigurado kung lalagda sa ABS-CBN franchise

TINANGGAP man ni Pangulong Rodrigo Duterte ang apology ng ABS-CBN, aminado siya na hindi pa niya kayang pirmahan ang panu­kalang batas para sa renewal ng prankisa ng Kapamilya network. Sa ambush interview sa Palasyo kagabi, sinabi ng Pangulo na tinatang­gap na niya ang paghingi ng paumanhin ng ABS-CBN kung nasaktan ang kanyang damdamin sa inilabas nilang kritikal na political advertisement laban ... Read More »

Sa ika-34 anibersaryo ng EDSA 1… ‘Petty’ political differences iwaksi — Digong

NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Duterte sa sambayanang Filipino na magkaisa at iwaksi ang maliliit na hindi pagkakaunawaan sa politika upang mapa­ngalagaan ang diwa ng EDSA People Power Revolution. “Inspired by the freedoms that we secured in February 1986, let us all rise above our petty political differences so that we may, together, ensure that the legacy of EDSA will remain ... Read More »

Presencia militar iniutos ni Duterte

MAGIGING pang-araw-araw na kaganapan sa bansa ang military at police silent drill. Ito’y bunsod ng direk­tiba kahapon ni Pangu­long Rodrigo Duterte sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na maglunsad ng silent drill araw-araw gaya ng ginagawa ng People’s Liberation Army ng China. Ayon sa Pangulo, layunin niyang maram­daman ng mga mama­mayan na ligtas sila ... Read More »

Durante bagong PSG commander

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Col. Jesus Durante III bilang bagong commander ng Presidential Security Group( PSG). Pinalitan ni Durante si B/Gen.Jose Eriel Niembra. Si Durante ay mula sa Philippine Military Academy (PMA) Class ‘92 at kasalu­kuyang commanding officer ng presidential escorts ni Pangulong Duterte. Pangungunahan ng Pangulo ang change of command ceremony nga­yong hapon sa grandstand ng PSG Headquarters. Si ... Read More »

Ayuda ng Palasyo sa Honda workers hindi kailangan

HINDI kailangan ayu­dahan ng gobyerno ang mga manggagawa na mawawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng planta ng Honda sa Filipinas. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, may build build build program naman ang pamahalaan at maaaring doon mag­hanap ng tra­baho ang mga mangga­gawa ng Honda. “Alam mo ‘yung sinasabi mong assistance, pag merong mga… they can just apply. We don’t ... Read More »

Kasong homicide vs ex-health chief may ‘probable cause’

WALANG halong polit­ika ang pagsasampa ng kaso laban kay dating Health secretary ngayong congresswoman Janette Garin kaugnay ng dengvaxia vaccine. Ito ang tiniyak ng Palasyo matapos maki­taan ng probabale cause ng Department of Justice (DOJ) para idiin si Garin at siyam na iba pa sa kasong reckless imprudence resulting in homicide dahil sa pag­kamatay ng mga batang naturukan ng Dengvaxia ... Read More »

Digong ‘di interesado sa ‘franchise hearing’ Sa Senado

WALANG interes si Pangulong Rodrigo Duterte na panoorin at subaybayan ang gaga­wing pagdinig ng Senado ngayon kaugnay sa prankisa ng ABS-CBN. Sinabi ni Presidential Spokesman Rodrigo Panelo na abala si Pangulong Duterte sa tambak na trabaho kaya walang oras na manood ng telebisyon. Hindi aniya pinaki­kialaman ng Pangulo ang pagganap sa kanyang tungkulin ng solicitor general. Naghain ng quo warranto si ... Read More »

Malacañang nakiramay kay VP Leni Robredo

NAGPAABOT ng pakikiramay ang Palasyo sa pamilya ni Vice President Leni Robredo sa pagpanaw ng kanyang inang si Salvacion Gerona. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi matatawaran ang dedikasyon ni Ginang Gerona dahil sa pagiging guro at paghubog sa kaalaman ng ilang henerasyon ng mga kabataan. Ipinapanalangin aniya ng Palasyo ang kaluluwa ni Ginang Gerona. Hindi alam ni Panelo ... Read More »

BI sa NAIA winalis ni Digong

SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng kagawad ng Bureau of Immigration (BI) na nakatalaga sa NAIA dahil sa pagkakasangkot sa nabulgar na ‘pastillas’ scheme. Sa kanyang talumpati kahapon sa graduation ceremony ng Public Safety Officers Course, iginiit ng Pangulo ang paniniwala na walang kinalaman si Immigration chief Jaime Morente sa ‘pastillas’ scheme. “Kahapon I ter­minated all kay [Bureau ... Read More »

Espenido kabadong itutumba ng gov’t forces

MAAARING may mga sariling dahilan si P/Lt. Col. Jovie Espenido sa kanyang pangambang baka itumba siya ng gobyerno o ng mga pulis. Ito ang tugon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa sinabi ni Espenido na walang ibang magpapapatay sa kanya kundi ang gobyerno o mga pulis. “There will be no other entity that would kill me. It would be the ... Read More »

Politika ni Trillanes dapat iwasan — Duterte

HINIMOK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na iwasan si dating Sen. Antonio Trillanes IV at huwag paniwalaan ang mga sinasabi. Ayon sa Pangulo, puro daldal si Trillanes, nagpa­pasiklab kahit hindi naman n­apasabak sa giyera noong sundalo pa. “Pati si Trillanes sige daldal hanggang ngayon. Alam mo, you are… kayo ang nasa, mga politiko, mga politiko basta politika lang, so ... Read More »

Panelo desentonado sa pahayag ng Pangulo

HINDI kostumbre ni Pangulong Rodrigo Duterte na himukin ang Kongreso na madaliin ang proseso ng renewal o pagbasura sa prankisa ng ABS-CBN. Reaksiyon ito ng Palasyo sa hamon kay Pangulong Duterte na sertipikahan bilang urgent bill ang renewal ng prankisa ng ABS-CBN kung talagang hindi siya kontra rito. “Bakit naman kaila­ngan magbigay ng urgency ng pag-ano, e ‘di ibig sabihin nagdi-dis­criminate ... Read More »

Ambush sa BuCor legal chief walang epekto sa GCTA — Sec. Panelo

KOMPIYANSA ang Palasyo na walang magi­ging epekto sa imbesti­gasyon sa iregular na pagpapatupad ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) ang pananam­bang kahapon sa isang opisyal ng  Bureau of Corrections (Bucor). Si BuCor chief lawyer Frederick Santos ay tinambangan malapit sa opisina ng  BuCor sa Muntinlupa City habang patungo sa paaralan upang sunduin ang kanyang anak. Duda ni Panelo, personal ang motibo ng ambush ... Read More »

Scroll To Top