Wednesday , May 22 2019
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Rose Novenario (page 10)

Author Archives: Rose Novenario

Feed Subscription

5-anyos leukemia patient birthday boy sa Palasyo

NATUPAD ang birthday wish ng 5-anyos batang lalaki na may leuke­mia na makasama si Pangulong Rodrigo Du­ter­te sa kanyang kaara­wan kamakalawa. Nagdiwang ng kan­yang kaarawan kamaka­lawa si John Paul kaya nag­laan ng oras ang Pa­ngulo kahit nasa kasag­sagan ng cabinet meeting, para harapin ang bata na matapang na sinasagupa ang karamdaman na leukemia. Sinabi ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” ... Read More »

Pamumuno sa oposisyon ni VP Leni inaasahan

READ: Palasyo ‘di ipamamana ni Duterte kay Robredo INAASAHAN ng Pala­syo ang pahayag ni Vice President Leni Robredo na pangungunahan ang opo­sisyon laban sa adminis­trasyong Duterte. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi na nakagugulat na si Robredo ang mamuno sa oposisyon dahil siya ang pinakamataas na elected member sa kanilang hanay. “Vice President Leni Robredo’s decision to lead the ... Read More »

Palasyo ‘di ipamamana ni Duterte kay Robredo

READ: Pamumuno sa oposisyon ni VP Leni inaasahan TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya ipamamana ang Palasyo kay Vice President Leni Robredo dahil kapos sa kakayahan ang bise presidente para pamunuan ang bansa. Sa media interview sa Pampanga kagabi, sinabi ng Pangulo na hindi siya magbibitiw sa puwesto para ipalit sa kanya si Robredo bagkus ang hirit niya ... Read More »

Termino tatapusin ni Duterte sa 2019

READ: Draft Federal Constitution isinumite kay Duterte BABABA na sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte kapag naapro­bahan ang Federal Con­stitution sa 2019 dahil pagod na siya at ayaw nang magsilbing tran­sition leader. Ayon kay Presi­dential Spokesman Har­ry Roque, ikinabigla ng mga miyembro ng gabi­nete ang anunsiyo ng Pangulo na maaaring hanggang 2019 na lang sila sa puwesto. Sinabi ni Roque, ... Read More »

Draft Federal Constitution isinumite kay Duterte

READ: Gabinete shock: Termino tatapusin ni Duterte sa 2019 SA kaniyang pahayag sa ginanap na hand over ceremony sa Palasyo ka­ha­pon, sinabi ni ConCom chairman at dating Chief Justice Reynato Puno na ipinagbabawal sa draft constitution ang political dynasties na sa matagal na panahon ay nagmo­nopolyo sa eleksiyon. Bawal na rin sa ilalim ng draft constitution  ang mga political butterfly o mga ... Read More »

3 araw na ayuno at panalangin hirit ng CBCP

READ: Dapat ipaalala kay Duterte: PH katolikong bansa READ: Aprub sa CBCP at kay Digong: Tigil-putakan ISANG oras bago naga­nap ang pulong nina Valles at Duterte ay nanawagan ang CBCP ng 3-day of prayer and fasting sa darating na 17-19 Hulyo. Inihayag ito ng CBCP sa press conference ng CBCP kasabay nang pagsasapubliko ng Pastoral Exhortation na may titulong “Rejoice and ... Read More »

Tigil-putakan

READ: 3 araw na ayuno at panalangin hirit ng CBCP READ: Dapat ipaalala kay Duterte: PH katolikong bansa ITO ang napagkasunduan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City Archbishop at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) president Romulo Valles sa kanilang one-on-one meeting sa Palasyo kahapon. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, 30 minutong nag-usap sina Duterte at Valles na ... Read More »

Kopya ng Fed Con ibibigay kay Duterte ng ConCom

TATANGGAPIN ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ngayon sa Palasyo ang panukalang Federal Constitution na bina­langkas ng Consultative Committee na inatasang magrepaso sa 1987 Constitution. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang naturang okasyon ay isang mahalagang hak­bang tungo sa pagtupad ng pangako ni Pangulong Duterte na gawing federal ang uri ng gobyerno mula sa unitary. Umaasa aniya ang Palasyo na tututukan ... Read More »

Pag-atake ni Duterte sa Simbahan todo pa rin

WALANG makikitang sinseridad kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pakiki­pag-dialogo sa Simbahang Katolika dahil bukambibig pa rin niya ang todong pagbatikos sa mga pari at maging sa institusyon. Sa kanyang talumpati sa anibersaryo ng Depart­ment of Environment and Natural Resources (DENR) kahapon, tinawag niyang ipokrito, gago at puro daldal lang ang mga taong Simbahan. Katuwiran ng Pangulo, isa sa mga ipinagsintir ... Read More »

Bata-bata system ni Andanar ‘patay-gutom’ — Davao journalist

Martin Andanar PCOO

NANINIWALA ang isang veteran Davao-based journalist na batid ni Communications Se­cretary Martin Andanar ang nagaganap na korup­siyon sa kanyang tang­gapan at pinababayaan lamang dahil ipinaiiral ang “bata-bata system.” “Your finance people drink all they can – hahaha ‘morning the night’ with unlimited budget meals ang resibo!” ayon sa open letter ni veteran Davao-based journalist na si Edith Caduaya kay Andanar ... Read More »

Pagpaslang kay Halili kinondena ng Palasyo

KINONDENA ng Pala­syo ang pagpatay kay Tanauan City Mayor Antonio Halili habang dumadalo sa flag raising ceremony sa city hall kahapon. “Kinokondena po natin itong pagpatay kay Mayor Halili. [jc] Sa pamilya, at sa mga constituent ni Mayor Halili, bibigyan natin sila ng katarungan. Iimbes­tigahan, lilitisin ang mga tao na nasa likod ng pagpatay kay Mayor,” ayon kay Presidential Spokesman ... Read More »

Misencounter sa Samar inako ni Digong

ANG pag-ako ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa naganap na mis­encounter ng militar at pulis sa Samar ay upang matuldukan sisihan sa nakalulungkot na insi­dente. Sa kalatas kahapon, si­na­bi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang ginawang pagsalo ng Pangulo sa respon­sibi­lidad sa pangyayari ay tatak ng isang tunay na pinuno. “It’s to end the blame game. Spoken like a true leader, ... Read More »

Duterte ‘di kapit-tuko sa Palasyo

WALANG ambisyon si Pangulong Rodrigo Du­terte na mangunyapit sa Palasyo at kumpasan ang kanyang mga al­yado sa Kongreso na magsulong ng batas para mapalawig ang kanyang termino. Ito ang inihayag kahapon ni Special As­sistant to the President SAP Christopher ¨Bong¨ Go sa paggunita sa ika­lawang anibersaryo ng administrasyong Du­terte. ¨We don’t have ambitions of clinging to power, neither will we ... Read More »

Tulong ni Evasco ikinasa sa dialogo sa simbahan

READ: Nota Bene: Mura, away sa pari bawal: Duterte may ‘gag order’ sa speech READ: Pray over ‘di tatalab kay Digong — Solon READ: Oath of office nilapastangan ng pangulo ITINALAGA ni Pangu­long Duterte ang isa sa pinagkakatiwalaan niyang kaibigan, ang dating rebel priest na si Cabinet Secretary Leoncio “Jun” Evasco bilang ikaa­pat na miyembro ng komite na makikipag-dialogo sa ... Read More »

Duterte may ‘gag order’ sa speech

READ: Tulong ni Evasco ikinasa sa dialogo sa simbahan READ: Pray over ‘di tatalab kay Digong — Solon READ: Oath of office nilapastangan ng pangulo MANANAHIMIK muna si Pangu­long Rodrigo Duterte sa pagbatikos sa mga pari at Simbahang Katolika. Ito ang ‘gag order’ na tila inamin ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Panglao, Bohol sa 25th National Convention ng Vice Mayors ... Read More »

‘Yawyaw’ ni Digong vs Bible deadmahin — Inday Sara

NANAWAGAN si Davao City Mayor at presidential daughter Inday Sara Duterte sa publiko na balewalain ang pinagsasabi ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa Biblia dahil hindi siya awtoridad sa isyu. Sa kalatas na inilabas sa media kahapon, nakiusap si Inday Sara sa taong bayan na huwag pakinggan ang interpretasyon ng Pangulo sa Biblia o Quoran dahil hindi ... Read More »

Sundalo absuwelto kay Duterte

ISASAMA ni Pangulong Ro­drigo Duterte ang mga sundalong sangkot sa mis­encounter kama­kalawa, sa burol ng  napatay na mga pulis sa Sta. Rita, Samar. Sa kanyang talumpati kaha­pon sa Zamboanga, inihayag ng Pangulo na hindi sinasadya ang insidente at walang may kagustuhan na mangyari. “Kita mo ‘yung kahapon, ‘yung misencounter, nobody wants it. Actually what happens there is the Murphy’s Law, ... Read More »

Dialogue sa simbahan kinasahan ni Digong

NAGBUO ng komite si Pangulong Rodrigo Duterte upang makipag-dialogo sa Simbahang Katolika at iba pang religious groups na may layuning plantsahin ang ano mang hindi pagkakaunawaan ng Palasyo at ng Simbahan. Sa press briefing kahapon sa Davao City, inianunsiyo ni Pre­si­den­tial Spokesman Harry Roque na nagpasya ka­ma­kalawa ng gabi si Pangulong Duterte na magbuo ng komite na bubuuin niya (Roque), Foreign ... Read More »

Digong minolestiya ng pari

BINIGYAN katuwiran ng Palasyo ang pang-aalispusta at pagmumura ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pari at sa Simbahang Katolika dahil bunga raw ito ng naranasang trauma ng Punong Ehekutibo. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, kaya galit si Pangulong Duterte sa Simbahang Katolika ay bunsod nang naranasang pangmo­mo­les­tiya ng pari noong siya’y estudyante pa. “Now lang siguro pupuwede po nating ... Read More »

STL kontrolado ng Jueteng lords

WALANG plano si Pa­ngulong Rodrigo Duter­te na tuldukan ang kontrol ng jueteng lords sa small town lottery (STL) ng Philippine Charity Sweep­stakes Office (PCSO). Sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Davao City kamakalawa, hinahayaan lang niya na sakyan ng jueteng lords, maging ang lotto, dahil ito na ang sistemang kanyang dinatnan. “If I cannot replace it — itong, with ... Read More »

Mass arrest sa tambay bubusisiin ng Kongreso

PAIIIMBESTIGAHAN ng Bayan Muna party-list ang malawakang pagda­kip ng pulisya sa mga ‘tambay’ maging ang pagkamatay ng isang inaresto sa kustodiya ng Novaliches Police Station 4. Kinondena nina Ba­yan Muna Rep. Carlos Zarate at Party chairman Neri Colmenares ang pagkamatay ni Genesis Argoncillo alyas Tisoy, na dinakip ng mga pulis-Quezon City noong Biyer­nes ngunit makalipas ang apat na araw ay idine­klarang dead ... Read More »

Mental Health Act nilagdaan ni Duterte

NILAGDAAN ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11036 o Mental Health Act kahapon. Ang batas ay may layuning isulong ang proteksiyon sa karapa­tan ng mga taong may kapansanan sa pag-iisip sa pamamagitan nang paglalaan ng pondo para sa integra­ted men­tal health services. Base sa batas, titi­yakin ng estado ang maagap, abot-kaya, de-kalidad at “culturally-appropriate” na mental health care ... Read More »

GMRC kargo ng magulang — Palasyo

MINALIIT ng Palasyo ang pahayag ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na malaking hamon sa kanila ang magturo ng “good manners and right conduct” sa mga mag-aaral dahil napapanood si Pangulong Rodrigo Duterte na gumagamit ng masasa­mang salita sa kanyang mga talum­pati. Para kay Presidential Spokesperson Harry Roque, trabaho ng mga magulang ang magturo ng kagandahang asal sa kanilang mga ... Read More »

Pag-uwi ni Joma kanselado

READ: Peace talks ikinansela: Duterte patalsikin — Joma Sison READ: Joma hindi ‘mata-tarmac’ sa airport (Sigurado si Duterte) READ: Babala ni Digong: Peace talks ‘pag bigo ulit Joma papatayin READ: Umuwi ka na sagot kita (Hikayat ni Digong kay Joma) READ: Digong kay Joma: 5 NPA kapalit ng sundalong papaslangin ng komunista READ: Joma ‘nabansot’ sa FQS (Sana’y may sapat ... Read More »

Trade sec ipakain sa gutom na sikmura

DAPAT ipakain sa mga gutom na Filipino si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez. Ito ang buwelta ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philip­pines (ALU-TUCP) sa pahayag ni Lopez sa Palasyo kahapon na hindi dapat bigyan ng umento sa sahod ang mga manggagawa sa kabila nang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Sinabi ni Allan ... Read More »

Scroll To Top