Wednesday , November 25 2020
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Ronnie Carrasco III (page 5)

Author Archives: Ronnie Carrasco III

Feed Subscription

Female singer, depende sa alok ang ipiname-meryenda

PAMBIHIRA sa dilang pambihira ang female singer at part-time actress na ito sa tuwing aalukin ng promoter para magtanghal. Gawing-gawi kasi ng hitad na makipag-meeting sa sinumang promoter sa mismong bahay niya. Iwas-traffic na, mas convenient pa para sa kanya than outdoor meet-ups. Siyempre, sagot ng singer ang merienda ng kanyang bisita. Ang siste, kapag charity o benefit show lang ... Read More »

Anak ni aktres, nagbantang magpapakamatay

MINSAN pang nataraugan sa takot ang isang maganda’t kontrobersiyal na aktres matapos magbanta ang kanyang anak na wawakasan nito ang kanyang buhay. Dumating na kasi ang daughter ng aktres sa puntong suko na sa madalas na mainitang pagtatalo ng kanyang mga magulang. Umabot kasi sa puntong napuno na rin ang lalaki na nagbantang hihiwalayan ang kanyang dyowa. Sobrang apektado ang ... Read More »

Alden, pabor sa ArMaine, nakatakas sa bilangguan

SA ayaw at sa gusto ng watak-watak nang AlDub nation, isinilang na nga ang tamba­lang ArMaine which stands for Arjo Atayde and Maine Mendoza. Kung ang ‘di katanggap-tanggap na existence ng ArMaine ay maihahalintulad sa isang trahedyang nangyari sa mga AlDub supporter, parang dumaraan din lang sila sa proseso which in the end will lead to their collective acceptance. Nasa denial stage pa rin sila ngayon, ... Read More »

3 aktres, nagpapatalbugan

TATLO ang bida sa kuwentong ito, isa sa kanila’y kontrobersiyal ngayon. Nagpapatalbugan ang naturingan pa manding mga magkakaibigan. Eto ang takbo ng kanilang edukadang tarayan: Aktres 1: I’m proud I graduated from college with honors! Aktres 2: I’m proud I’m married! Tameme ang Aktres 3, na kung tutuusi’y pinakamaganda sa kanilang tatlo. Bukod kasi sa hindi siya nakatapos ng college ... Read More »

Phillip, laging kabuntot ni Go

WHERE Bong Go goes, Phillip Salvador follows. Saksi ang madlang pipol sa marami nang pagkakataon kung saan namamataang kabuntot ng dating SAP ang action star sa mga aktibidades ng una. Noong idaos ang Gabi ng Parangal ng MMFF last year, na tumayong hurado si Bong, ay sisilip-silip lang sa The Theatre ng Solaire si Kuya Ipe. Sinamahan niya kasi roon si Go (although familiar sight naman ... Read More »

Matteo, bumaklas na sa Star Magic; Derek, naudlot ang proyekto kay Jen

AFTER Xian Lim, si Matteo Guidicelli naman ang sumunod na bumaklas sa Star Magic at ngayo’y nasa pangangalaga ng Viva Artists Agency. Sadya bang nagpa-release si Matteo para sundan ang kanyang rumored girlfriend na si Sarah Geronimo na noong nag-uumpisa’y isa nang Viva talent? With Xian na balitang lilipat sa GMA, maging ganito rin kaya ang career plan ni Matteo? Meanwhile, ang kasado na sanang paglundag ni Derek Ramsay sa GMA is ... Read More »

Pag-flop ng pelikula ni Robin, malaking dagok kay Bato

THE theaters have spoken (hindi lang ang madlang pipol!). Ang tinutukoy namin ay ang maituturing na biggest flop of all time, walang iba kundi ang Robin Padilla starrer na Bato movie na biopic ng dating police general. Sa isang sinehan sa Quezon City, kumalat ang litratong kuha sa mismong loob nito na iilang upuan lang ang okupado. Hiwa-hiwalay pa. Wala ... Read More »

Greta, may bagong pautot laban kay Kris

MAY bago na namang pautot si Gretchen Barretto, this via Instagram na she did a spoof on Kris Aquino’s alleged death threat laban sa rati nitong business partner. Ang eksena, may mala-hino-hostage si Gretchen at sinasakal na babae while delivering the line, “Don’t step into the country, you will be dead. Papatayin ka ng aking pamilya.” Obyus na halaw ‘yon ... Read More »

Noynoy, ‘di dumedepensa sa laban ni Kris

KAUNA-UNAWA kung nagkakampihan man ang magkakapatid na Falcis. May “unholy alliance” nga kina, Nicko, elder brother nitong abogado at ang kapatid nitong babae laban kay Kris Aquino. Oo nga naman, when any member of the family is in trouble ay asahan nang magkakaroon ng kampi-kampihan. Totoo ngang mas malapot ang dugo kaysa tubig. Nagtataka lang kami sa kakatwang pananahimik sa ... Read More »

Audio recording nina Kris at Nicko, malayo ang lalakbaying debate

HANGGA’T maaari’y nais naming manatili sa neutral ground kaugnay ng tumitinding palitan ng mga salita ni Kris Aquino at ng kanyang dating business manager na si Nicko Falcis. Ang latest nga ay ‘yung kumalat nang audio clip ng kanilang phone convo sometime in August or September last year, na nagbanta umano si Kris na ipapapatay si Nicko who at that time was out ... Read More »

Tisay na aktres, napagkamalang beki

NAULINIGAN lang namin ang kuwentong ito mula sa umpukan ng mga walwalero, isa kasi sa kanila’y nagtatrabaho sa isang high-end shop. Tungkol ‘yon sa sisteret ng isang aktres-politiko na nasa showbiz din. “May binibili siyang gamit sa store namin. Nagkataong ‘di niya bet kunin ‘yung naka-display. Ang gusto niya, bagong stock kaso naubusan na kami. Ang halaga ng binibili niya, ... Read More »

Babaeng personalidad, kinakangkong ang Pamaskong datung sa mga kaibigan sa showbiz

NOT once, not twice pero ilang beses na raw kinakatkungan ng isang babaeng personalidad na ito ang pabertdey o pamaskong datung ng isang beteranang aktres sa isang kaibigan sa showbiz. Ayon mismo sa tsika ng huli, kung magregalo raw sa kanya ang aktres ng pera ay hindi ‘yun bababa sa P10,000. “Imperness ke Tita (neymsung ng galanteng aktres), hindi siya nakalilimot ... Read More »

Maayos na lovelife, sagot sa mga sakit ni Kris

MATAGAL nang espekulasyon kung ano nga ba talaga ang iniindang karamdaman (that is, kung mayroon nga) ni Pangulong Rodrigo Duterte. Pilit siyang pinaaamin kung ano ang misteryosong sakit na ‘yon dahil nakasaad umano sa batas na responsibilidad ng Pangulo na ilantad sa taumbayan ang kanyang health condition. Sa panahon ng kampanya’y maaari pang hindi obligahin ang mga kumakandidato to make any ... Read More »

Kapatid ni aktres, problemado sa pagtakbo next year

PROBLEMADO raw ang kapatid ng isang aktres na tatakbo sa elections next year. Kakapusan o kawalan umano ng campaign funds ang dahilan. “Pakitulungan n’yo na lang siya,” ang pakiusap ng running mate nito nang i-treat sa dinner at a five-star hotel ang dating kaeskuwela ng actress’ brother. Ayon sa ka-tandem, bagama’t may pledge o pangako ang tatlong major financier ng ... Read More »

Actor-politiko, grabe mag-bribe

MISMONG ang isang barangay chairman na ang nagsiwalat kung gaano pala kagrabe mag-bribe ang isang aktor-politiko sa isang lalawigang nasasakupan niya. “Lokal na lider pa namin noon ang actor-turned-politician na ito,” simulang kuwento ng aming source. Kapag natunugan kasi ng aktor na ito na hindi siya suportado ng mga kapitan ng barangay ay ipinatatawag niya ang mga ito para personal ... Read More »

Xian, lulundag na sa Kapuso

TRUE nga bang gugulatin na lang tayo ni Xian Lim sa kanyang paglundag sa GMA anytime now? Ang alam naming dahilan ng paglipat ng sinumang artista mula sa kanyang tahanan en route to another network ay kawalan ng projects o kawalan ng balita kaugnay ng renewal ng kanyang kontrata. Kung matatandaan, sa nakaraang ball ng Star Magic ay hindi imbitado si Xian kahit alam ng lahat ... Read More »

BiGuel, pantapat ng GMA sa KathNiel, LizQuen, at JaDine

KAHIT idinaan noon sa blind item ay bukelya naman na ang young loveteam na nagkakaproblema sa kanilang real-life na relasyon ay sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix. Itinuturong third party sa kanilang rumored split-up si Kyline Alcantara noong kasagsagan ng kanilang teleseryeng Kambal Karibal. Pero reunited sina Miguel at Bianca sa aabangang soap sa GMA, ang Sahaya. Si Sahaya, na ... Read More »

Calvin, ‘di ‘salot’ sa career ni Vice Ganda

NAKAISANG linggong mahigit na ng pagpapalabas ng Metro Manila Film Festival entries. At tulad ng karera ng kabayo, ang entry ng binansagang “horse beauty” na si Vice Ganda ang umaarangkada. Surprising? Hindi. Sa katunayan, ilang taon na namang sumisipa (kabayo pa rin ang peg!) ang mga MMFF entries ng gay TV host-comedian. At sumahin natin hanggang sa kahuli-hulihang araw ng ... Read More »

Catriona, in sa mga buntis

HINDI man kami maituturing na panatiko (read: adik) sa mga beauty pageant, napansin namin ang “numerical pattern” ng mga taon kung kailan naiuwi ng ating mga kinatawan ang korona sa Miss Universe. Taong 1969 nang iputong ang crown kay Gloria Diaz sa MU na ginanap sa Amerika. Four years later, 1973, nang manalo si Margie Moran sa Athens, Greece. Sa ... Read More »

Kuya Ipe, na-hit ang jackpot na P1-M sa casino

OVER the holidays ay samo’tsari ang mga tsismis sa showbiz na nakalap namin. Isa na rito ang umano’y suwerte na namang lumanding sa palad ni Phillip Salvador nang makipagsapalaran sa isang sikat na casino sa Pasay City na paborito niyang puntahan. Gaano katotoo na less than a month ago ay nasungkit daw ni Kuya Ipe (for sure, sa slot machine) ... Read More »

Lotlot, tunay na mabait na anak

  HIGIT naming napagtanto ang likas na kabaitan ni Lotlot de Leon. Mas na-reinforce pa kasi ang aming impression na ito of her pagkatapos ng kanyang kasal (last December 17 sa isang resort sa Batangas) sa kanyang Lebanese fiancé na si Fadi El Soury. Tulad ng alam ng lahat, no-show doon ang kanyang inang si Nora Aunor. Ang naghatid kay ... Read More »

Imee, pumalya sa tanong ng DZMM anchor

Imee Marcos

  KASIMPLE-SIMPLE lang ng ibinato kay Imee Marcos ng anchor ng DZMM patungkol sa pagiging alumna niya ng Princeton, pero idinaan ng gobernadora ng Ilocos Norte ang sagot sa paligoy-ligoy na paraan. Hindi kaya hindi lang naintindihan ni Imee ang tanong, o sinadya niyang ilihis ang kanyang sagot? Kontrobersiyal kasi sa social media ang pagmamalaki ni Imee na nagtapos siya ... Read More »

Aktor at beauty queen, sa ibang bansa nagkikita

PARA-PARAAN lang ang anumang bagay na gusto mong gawing disimulado, pero bigo ang isang aktor na hindi ipahalata sa mga reporter ang kanyang itinatagong lihim sa kanyang pribadong buhay. Sariwa pa sa alaala ng mga reporter na ikinagulat ang presensiya ng actor sa departure area ng NAIA. Patungong Bangkok, Thailand ang grupo ng press samantalang sa Hongkong naman ang destinasyon ng ating ... Read More »

Sa mga kapwa ko gay: lumugar tayo sa dapat natin kalagyan

BIGO mang mapabilang sa Top 20 ang kinatawan ng Spain sa nakaraang Miss Universe, ipinagbunyi naman ng buong LGBTQ community ang makasaysayang pagkakasali ni Angela Ponce sa kabila ng kanyang pagiging isang transgender. Kung si Angela ang tatanungin, sapat na ang kanyang journey para magkaroon ng kabuluhan ang kanyang pagsali. Pero kung ang mga dati nating Miss Universe winners ang tatanungin, hati ang opinyon nina Gloria ... Read More »

Gray, tiyak na dadagsain ng TV at film offers

DAHIL sa pagkapanalo ni Catriona Gray sa Miss Universe, tiyak na lalo pang tataas ang expectations ng sambayanang Filipino sa Binibining Pilipinas Charities, Inc. sa pagpi-field nito ng kakatawan sa bansa sa susunod na taon. For sure, mas mabusisi pa ang screening process sa mga aplikante. Bale pang-apat nang Miss Universe si Catriona mula sa ating bansa. Nauna sina Gloria Diaz, Margarita Moran, at Pia Alonzo Wurtzbach. Even the ... Read More »

Scroll To Top