Wednesday , July 17 2019
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Ronnie Carrasco III (page 4)

Author Archives: Ronnie Carrasco III

Feed Subscription

Famale anchor, imbyerna kay male partner

AAKALAIN n‘yo bang may bangayan palang ganap off-air sa magka-tandem na itey sa isang teleradyo? Tsika ng aming source, imbiyerna raw ang female anchor sa male partner niya, ”Naku, sa araw-araw na lang na ginawa ni Lord, eh, walang time na hindi sila nagsisinghalang dalawa.” Kine-claim kasi ng girlash na hindi raw lagi o handa ang kanyang partner bago sila sumalang sa programa, samantalang siya ... Read More »

Regine, ‘di ‘jinky oda’ ng ASAP

Regine Velasquez

INAASAHAN nang sa paglundag ni Regine Velasquez sa ABS-CBN mula sa GMA ay susundan siya ng kanyang mga tagahanga. Expectedly, mahahatak dapat ng Asia’s Songbird ang kanyang mga viewer-fans sa ASAP, ang bale point of entry sa kanyang newfound home. Nakalulungkot isipin na base sa mga survey kamakailan, hindi ito ang kinalabasan. Kinabog ng katapat na show ang bagong-bihis na ASAP. Worse, isinisisi ang lagapak na ratings kay ... Read More »

Dabarkads, ‘di raw puwedeng tumuntong sa Pasig

INCUMBENT o kasalukuyang Konsehal ng Pasig City si Vico Sotto, anak nina Vic Sotto at Coney Reyes. Pero tumatakbong mayor si Vico na walang takot na babanggain ang isa sa mga Eusebio. Ang mga Eusebio ay batikang angkan sa local politics doon. The mere fact na pasalin-salin lang sa mga miyembro nito ang kapangyarihan speaks so much about the residents’ trust and confidence sa kanila. ... Read More »

Kakai, pumalag sa pagtuturo ng Korean language sa kolehiyo

Kakai Bautista

  BILANG isang dating guro, sasang-ayunan namin ang pananaw ni Kakai Bautista na pumalag sa pagtuturo ng Korean language sa kolehiyo pero ikokompromiso naman ng bagong program ng CHED ang pag-alis sa mga asignaturang Filipino at Panitikan (Philippine Literature) bilang core subjects. Ani Kakai, oo nga’t tinatangkilik natin ang mga Korean telenovela, K-pop, Korean food at kung ano-ano pa, pero ibang usapan kung edukasyon ... Read More »

Sharon, pipi sa banat ni Digong kay Kiko

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

MINSAN na naming naisulat na ramdam namin ang hirap ng kalooban ni Sharon Cuneta. Kung matagumpay siya sa kanyang propesyon bilang singer-actress, her indirect political involvement ay nagdudulot naman ng matinding sakit ng ulo sa kanya. Kamakailan ay binanatan na naman ni Pangulong Digong Duterte ang kanyang mister, si Senator Kiko Pangilinan. Tinawag na “pinakabobong abogado” ng Pangulo ang Dilawang ... Read More »

Tetay, galit sa magnanakaw

WAPAKELS as in walang pakialam si Kris Aquino kung maubos man ang kanyang yaman makamit lang niya ang kanyang hinihinging katarungan laban sa taong nanloko sa kanya sa pera. Sa wakas, natukoy na ang pagkakakilanlan ng taong ‘yon bilang si Nicko Falcis, na ipinuwesto ni Kris sa kanyang production company. Kaagad din namang to the rescue ang abogadong kapatid nito para itangging hindi ito sumibat sa bansa para ... Read More »

Mathay, aatras; Willie, tatandem kay Paulate

PINAHIHINTULUTAN ng Comelec ang tinatawag na substitution o pagpalit ng kandidatong nauna nang nag-file ng kanyang certificate of candidacy o COC para bigyang-daan ang pinal na tumatakbo sa anumang puwesto. Itinakda ito hanggang November 29. Dahil anong petsa lang ngayon ay may panahon pa para sa nasabing pagpapalit, at isa nga sa mga inaabangan ay ang balitang pagba-back out ni ... Read More »

3 kandidata ng Miss Earth, pare-pareho ng reklamo

SA umano’y tatlong biktima ng sexual harassment, si Miss Earth Guam lang ang matapang na nagpangalan sa pageant sponsor na umano’y guilty sa nasabing paratang. Ang dalawa pang kandidata sa Miss Earth na nagreklamo ay sina Miss Earth Canada at Miss Earth England. May pagkakapareho sa kanilang complaint. Hiningi ang kanilang room number sa tinutuluyang hotel, at saka tinawagan sa ... Read More »

Kuya Boy, kinatatakutan sa mga beau-con; Juliana Segovia, nagtaas na ng TF

AWARE kaya ang Asia’s King of Talk na si Boy Abunda na may mga “beau-conera” (mga sumasali sa gay beauty pageant) na kinakabahan kung sakaling siya ang maatasang host o isa sa mga hurado? Tsika ito ni Jorgel, isang beking kapitbahay na tubong-Oriental Mindoro. For several months now ay roon muna sa Calapan City (kabisera ng naturang lalawigan) siya tumitigil dahil ipinapaayos ang ... Read More »

Pagka-maldita ng 2 aktres, nag-mellow na

NAOOEYAN ang madlang pipol sa drama ng dalawang sikat na aktresang itey na super close kuno ngayon, pero saan ka, may panahon noon na kinabubuwisitan nila ang isa’t isa. Sey ng isang taga-showbiz: “Naku, magtigil nga sila sa kae-emote sa social media na kunwari, eh, concerned sila sa isa’t isa, ‘no! Ang sabihin mo, pareho lang silang emotera!” Tandang-tanda pa ... Read More »

Vice Ganda, luka-luka sa pag-ibig, pero ‘di syonga

Vice Ganda Calvin Abueva

IN many ways, maraming mga beki ang nakare-relate sa kilig-kiligan ni Vice Ganda na ngayo’y iniuugnay sa kanyang kumpare at PBA player na si Calvin Abueva. Tulad ng alam ng lahat, may asawa’t anak ang basketbolista. Inaanak ni Vice Ganda sa binyag ang supling ni Calvin. All-praises ang TV host-comedian kay Calvin. Ito kasi ang tipo ng straight guy na “care bears” sa ... Read More »

Maine, kakaiba ngayon ang aura

ArDub Maine Mendoza Arjo Atayde

UNFAIR para kay Arjo Atayde na paratangang manloloko at manggagamit ng ilang netizens just because malapit sila ngayon ni Maine Mendoza. Just we thought na nai-spare si Arjo from the social media bashings kompara kay Maine ay nasa receiving end din pala ang aktor. Ilang beses na kasing sighted sina Arjo at Maine sa mga bar, bagay na puwedeng pag-isipan that there’s more ... Read More »

Kuh, ‘di kayang talunin ng mga batang singer

Kuh Ledesma

NAKAHUHUGOT-TILI at palakpakan naman pala ang manood ng concert nina Kuh Ledesma at Christian Bautista. After all, baka hindi naman kayang awitin ngayon ng mga batang singer ang mga kanta nina Barbra Streisand, Josh Groban, at mga komposisyon ni Michel Legrand. Kuh & Christian Sing Streisand, Groban, and Legrand ang titulo ng concert na idinaos sa The Tent at Solaire. Iba ‘yon sa The Theater at Solaire. Bagong ... Read More »

Miss Puerto Rico, tila long lost sister ni Liza

Liza Soberano Dayanara Martinez Miss World Puerto Rico

MATAGAL nang inaawitan ng mga pageant organizer si Liza Soberano para lumahok sa mga timpalak. May halong Filipino at dugong banyaga, tiyak na may tulog ang ilang kandidatang makakalaban ni Liza if ever. Bukod pa rito ang husay ng aktres sa communication skills. As of now, tila wala sa list of her immediate priorities ang pagsali sa mga beauty contest. ... Read More »

Arjo, ‘di masyadong na-bash ng AlDub

Arjo Atayde Maine Mendoza Alden Richards

KOMPARA kina Sef Cadayona, Jake Ejercito, at Juancho Trevino (in this particular order), kung tutuusi’y “malagihay” lang ang inaabot na pamba-bash ng latest na nali-link kay Maine Mendoza, si Arjo Atayde. As reported, makadalawang beses nang sighted sina Arjo at Maine sa magkahiwalay na bar. Ipinapalagay nga ng marami na may “something” sa kanila. Isa si Ria Atayde, kapatid ni Arjo, sa mga nagbahagi ng ... Read More »

Robin, anti-dynasty pero suportado ang pagtakbo ng magkakapatid na Duterte

robin padilla

IBANG social media ang ginamit ni Robin Padilla, dahilan para umani siya ng pamba-bash lately. Matatandaang tinanggal ng Facebook ang kanyang account bunga ng kanyang mga post. Ito’y sa kasagsagan ng kanyang pagbatikos sa noo’y aarestuhing si Senator Antonio Trillanes IV na pansaman­talang sumilong sa Senado. Bagama’t wala na siyang FB account ay sa ibang paraan naman inihayag ng action star ang kanyang opinyon hinggil sa ... Read More »

Batang aktres, inihalintulad sa matigas na kahoy ang noches na kapatid ni matandang aktres

MAGKASAMA ngayon sa isang bagong teleserye ang dalawang aktres na ito. Bagama’t medyo malaki ang agwat ng kanilang ‘di na kabataang edad ay pretty pa rin sila. Pero hindi ito ang punchline sa kuwentong ito. Ang mas bata kasing aktres ay aminadong nagtrabaho noon bilang GRO bago pumasok sa showbiz. Isa sa kanyang mga parokyano noon ay kapatid ng mas matandang aktres. Tandang-tanda pa ng aming ... Read More »

Pag-boykot kay Vice Ganda at sa It’s Showtime, ipinanawagan

Aga Muhlach Trillanes GGV Vice Ganda Bea Alonzo

BOYCOTT Vice Ganda. Boycott It’s Showtime. Boycott Gandang Gabi Vice. Ito ang panawagan ng isang FB user (na kasagutan namin based on our common political color) sa gay TV host-comedian. Bunsod ito ng recent interview ni VG sa mga pangunahing bida ng latest Star Cinema offering na sina Aga Muhlach at Bea Alonzo. Personally, hindi man namin napanood mismo ang nasabing episode ay nakatisod kami sa FB ng post mula ... Read More »

Kuya Boy, sobra-sobra ang na-achieve

Boy Abunda

KARANIWAN sa mga kababaihan ang ‘di pag-amin ng kanilang edad. Unethical pa nga if one asks about a woman’s age. For some strange reason, ganito rin ang King of Talk na si Boy Abunda. Sa isang babasahin many years ago, opposite ng datos tungkol sa kanyang edad ay “classified info” ang nakalagay. Kay Kuya Boy na rin namin minsang narinig ang ... Read More »

Tanyag na lalaking pigura, gigil na gigil sa dating kaalyado

PIGIL na pigil lang marahil ang kanyang emosyon, pero tiyak na gigil na gigil ang isang tanyag na lalaking pigura na ito dahil sa dinami-rami ng babangga sa kanya’y kaalyado pa niya noon. At kung paniniwalaan ang tsismis, hindi lang sila basta political allies o sanggang-dikit, at ano pa? Tsika ng aming dalahirang source, “May tsismax kasi noon na ‘yung ... Read More »

Imee, ayaw pang tantanan sa kanilang kasalanan sa Martial Law

Imee Marcos

HANGGANG sa makapag-file ng kanyang COC sa Comelec on the second to the last day ay hindi pa rin tinantanan ang tatakbong Senador na si Imee Marcos kaugnay ng mga kasalanan ng pamilya Marcos sa taumbayan noong Martial Law. Sa mga hindi nakaaalam, si Imee ang kauna-unahang nagpatawag ng malakihang presscon para ianunsiyo ang kanyang pagtakbo sa Senado. Entertain­ment media ... Read More »

Victor Magtanggol ni Alden, sisibakin na; ‘Di pa rin makaalagwa sa AP

Coco Martin Alden Richards

HABANG isinusulat namin ito’y in-exhaust namin ang dalawang paraan para kontakin ang GMA CorpCom kaugnay ng balitang sisibakin na sa ere ang Victor Magtanggol sa November. Hindi kaila na ginastusan at walang dudang pinagbubutihan ng bida roon na si Alden Richards ang panggabing programa’y sisinghap-singhap pa rin ito pagdating sa ratings. It’s a reality sa daigdig ng telebisyon. Kahit gaano pa kasi kaganda o kaibig-ibig ang ... Read More »

Beteranong actor, sa anak na actor na walang trabaho humihingi ng luho

MABUTI na lang at magiging aktibong muli ang beteranong aktor na ito, at bakit naman aber? Inirereklamo kasi siya ng kanyang pamilya lalong-lalo na ng kanyang dyunakis na aktor din dahil, “Sukat ba namang gusto pa niyang (veteran actor) bilhan daw siya ng shares sa isang country club para sa kanyang pastime sport!” Okey lang naman daw sa pamilya ng ... Read More »

Twin victory sa 2 prestihiyosong international beauty pageant, posible

Catriona Gray Katarina Rodriguez

MAY hatid kayang suwerte ang Year of the Dog (present year) sa mga “pusa”? Tunog-meow kasi ang mga palayaw ng mga kandidata ng ating bansa sa Miss Universe at Miss World. Ito’y sina Catriona Gray at Katarina Rodriguez, respectively. Lalahok si Cat sa nasabing pageant this December na gaganapin sa Bangkok, Thailand; samantalang ang kinoronahang Miss World Philippines last October 7 ay sa China naman lalaban. Minsan na ... Read More »

Bernard Cloma, may impostor?

Bernard Cloma

KAMAKAILAN ay ibinalandra ng aming kaibigan sa FB ang mga litratong kuha sa isang birthday celebration na idinaraos sa isang marangyang hotel sa Metro Manila. Kung hindi kami nagkakamali, ang may-edad nang lady celebrator ay kamag-anak ng Hashtag member na si Ronnie Alonte. Nasa pictures sina Vice Ganda, Billy Crawford, Jed Madela, at Alden Richards. Tipong pansamantalang “nag-unite” ang mga celebrity attendees nito mula sa magkalabang TV ... Read More »

Scroll To Top