Saturday , April 20 2024

Ronnie Carrasco III

Ellen, ‘di sikat para buntutan ng paparazzo

KUNG consistent si Ellen Adarna sa kanyang pagkairita sa mga umano’y nang-i-istalk sa kanila ng nobyong si John Lloyd Cruz, dapat ay hindi niya palampasin kung sinuman ang nag-upload ng kanyang picture na kuha sa Amanpulo. Sa mga larawan, makikita ang malaking umbok ng kanyang tiyan. Tinatayang nasa walo hanggang siyam na buwan na ito. Matatandaang ikinairita ni Ellen ang …

Read More »

Arnel, mas naging karespe-respeto sa bagong imahe

Arnel Ignacio malacanan

‘DI tulad ng dati, mas ramdam namin  ngayon ang pagiging nasa panunungkulan ni OWWA deputy administrator na si Arnel Ignacio. Kilalang supporter ni Digong Duterte noong nangangampanya pa ito sa pagka-Pangulo, unang itinalaga ang TV host-comedian sa isang departamento sa Pagcor na namamahala sa mga serbisyong ipinagkakaloob sa mga komunidad sa bansa. Bagama’t nagampanan naman ni Arnel ang kanyang trabaho, mas napansin ang …

Read More »

Dating komedyana, may sakit na kalimot

blind item woman

HINDI naman mali-mali o ulyanin pero may sakit na kalimot ang dating komedyanang ito na dyowa ng isang direktor na hindi na masyadong gumagawa ng pelikula. Tampulan siya ng mga biruan ng kanyang mga katrabaho sa tuwing magmi-meeting sila. Ito ang kuwento. “Karakter talaga ang lola mo, one time, um-attend ‘yan ng production meeting na magkaiba ang suot-suot na sapatos. …

Read More »

Cesar, dapat pairalin ang delicadeza (2 beses nang nasabit sa alingasngas)

DAHIL sa umano’y alingangas na kinasangkutan ni dating Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo kaugnay ng milyong halagang advertising contract sa PTV 4, agad siyang pinalitan ni Bernadette Romulo-Puyat. Nasa gitna naman ng imbestigasyon sa nasabing kagawaran si Cesar Montano, bagay na hindi na bago sa ating pandinig sa pinamumunuan niyang sangay ng DOT na sa larangan naman ng promosyon nito nalilinya. Matatandaang ilang buwan pang lang …

Read More »

Heart, magandang endorser ng pagpaplano ng pamilya

MAGANDANG gawing tagapagsalita—kundi man endorser—ang nasa kagampan ngayon na si Heart Evangelista tungkol sa kung paanong planuhin ang pagkakaroon ng pamilya. Matatandaan na noong panahon ng nasirang Pa­ngulong Marcos, maging ang temang isinusulong noon sa mga pelikulang kalahok sa taunang Metro Manila Film Festival ay tumatalakay sa family planning at birth control. Ang RH o Reproductive Health bill din ay nag-e-educate sa mga …

Read More »

Beauty queen-turned-actress, muntik magpakamatay

blind item woman

FOR a change, positibo naman ang aming paksa ngayon na nanaig pa rin sa beauty queen-turned-actress ang takot sa Diyos para hindi ituloy ang binalak niyang pagpapatiwakal. Matinding problema sa kanyang karelasyon ang nagtulak sa kanya para magdesisyong wakasan na niya ang kanyang buhay. That time, ang inakala niyang afam (foreigner, mga ineng!) na magiging katuwang na niya habambuhay ay huwad pala. …

Read More »

Mon at Ben, Cain at Abel ng makabagong panahon

NAKALULUNGKOT na ang nag-aaway ngayon ay ang magkapatid at kapwa mamamahayag na sina Mon at Ben Tulfo kaugnay ng P60-M advertising contract ng PTV 4 at ng media company ng huli, ang Bitag, damay ang Department of Tourism. Parang sina Mon at Ben sina Cain at Abel sa makabagong panahon (harinawa’y walang pagdanak ng dugo ang mangyari). Sa pagbibitiw kasi …

Read More »

Kahalagahan ng bonding ng pamilya, ipinakita nina Vilma at Luis

KULANG tatlong minuto ang running time ng ad na natisod namin sa FB ng supermarket na ineendoso ng mag-inang Congresswoman Vilma Santos-Recto at Luis Manzano. Itinaon pa kasing Mother’s Day (bukas, Linggo) ang patalastas na ‘yon. Sa simula ng ad ay lulan ng kotse ang mag-ina, si Luis ang nagmamaneho habang katabi ang inang nakapiring. May sorpresa kasi si Luis kay Ate Vi. ‘Yun pala, ang supermarket …

Read More »

Pamilya Quizon ang pumili kay Vice Ganda

DEADMA as in no reaction ang narinig mula kay Vic Sotto sa ‘di niya pagkakapili bilang recipient ng Dolphy Lifetime Achievement Award sa FAMAS. Si Vice Ganda kasi ang pinagkalooban ng nasabing parangal, bagay na kinuwestiyon ng isang kasamahan sa panulat. Pero nagsalita na ang FAMAS, ang naiwang pamilya ng nasirang King of Comedy ang siyang pumili ng recipient. Hindi ‘yon kasalanan ni Vice Ganda dahil …

Read More »

Mala-tigreng personality ni babaeng personalidad, ‘di umubra sa misis ng katrabaho

HINDI umubra ang katarayan ng isang babaeng personalidad na ito sa misis ng kanyang katrabaho sa isang TV program. Ang kuwento, namalditahan ang misis sa ating bida kung kaya’t umabot sa pisikal na engkuwentro ang pangyayaring nasaksihan mismo ng madlang pipol sa bakuran ng TV network. “Naku, palaban din pala ang misis, anong sinasabi mong tigresa ‘yung female personality, ha? Panis siya, ‘no!”sey ng …

Read More »

Karakter ni JLC sa HSH, tsugi na

HUMINTO na ang orasan para sa karakter ni John Lloyd Cruz bilang Romeo sa sitcom ng ABS-CBN na Home Sweetie Home. Time’s up, ‘ika nga. Sa pinakahuli kasing palabas ay nagko-contemplate na ang karakter ni Julie (ginagampanan ni Toni Gonzaga) na makipaghiwalay na kay Romeo na pinalabas sa kuwento na nagtatrabaho bilang OFW. Minsan nang kinlaro ng produksiyon ng HSH …

Read More »

Korina, ginaya ang estilo ni Jessica

WHERE credibility ang sinasabing puhunan, hangga’t maaari ay hindi puwedeng mag-cross over o tumawid ang isang mamamahayag sa mundo ng entertainment. Maliban kung sadyang hinihingi ng pagkakataon, ang mga respetadong pangalan sa larangan ng pagbabalita ay dapat manatili lang sa kanilang teritoryo. Ito ay upang hindi mabahiran ng “showbiz” ang kanilang imahe. Wari’y isang unspoken o unwritten rule ito sa …

Read More »

Pangangaliwa ni Aktor, muntik mahuli ni misis

SA sobrang tinik ng radar ng isang aktres ay natunton niya ang kinaroroonan ng kanyang dyowang aktor na may kasamang ibang aktres na natsitsismis na karelasyon niya. Nasundan lang naman ng esmi ang kanyang palikerong dyowa sa isang hotel sa Tagaytay City ayon na rin sa tip sa kanya ng isang nagmamalasakit na kaibigan. Kaso, nang humahangos na dumating daw …

Read More »

Kris, nag-iisa lang talaga

ITANGGI man ni Kris Aquino o hindi ay may halong panunumbat ang ginawa niyang pagsuporta noon sa presidential bid ni dating DILG Secretary Mar Roxas bilang reaksiyon sa feature story ng maybahay nitong si Korina Sanchez. Featured recently sa Rated K ni Korina si James Yap, dating asawa ni Kris, at ng pamilya nito. Minasama ‘yon ni Kris, at ang napagdiskitahan niya ay mismong si Korina who she addressed …

Read More »

Stalker, no match kay Kris

BAKIT kaya pagdating kay Kris Aquino, ultimo ang isang dapat nang kinalimutang nakaraan ay pinipilit pa ring buhayin gayong ina-assert lang naman niya ang kanyang sarili? Like a ghost of the past, minumulto ngayon si Kris ng kanyang pag-amin noon sa national TV na nahawahan siya ng STD ng dating karelasyong si Joey Marquez. Dahil sa panonopla niya sa isang …

Read More »

Ai Ai, nagtatanim ba ng sama ng loob?

GUSTO naming isipin na sa kabila ng kanyang katanyagan at katayuan sa buhay, isang pangkaraniwang tao pa rin si Ai Ai de las Alas. Ayaw naming mabuo sa aming isipin that also, just because isa siyang Papal awardee (last year) ay “saintly” na kung gaano niya patakbuhin ang kanyang pang-araw-araw na buhay. Amidst all these trappings, tulad ng bawat isa …

Read More »

Pag-alis ng mga co-host ni Willie (ng sabay-sabay), nakapagtataka

MINSAN na naming tinalakay dito ang nakapagtatakang exodus o pag-alis nang halos sabay-sabay ng mga co-host ni Willie Revillame sa Wowowin. Nauunawaan namin noong una ang kaso ni Super Tekla who was the first to go. Balita kasing lagi itong late kung mag-report sa studio. Knowing Willie, kahit valid pa ang rason ng pagiging huli ng kanyang mga katrabaho, kawalan pa rin ‘yon ng …

Read More »

Aktor, talamak pa rin sa pagtsotsongki

blind mystery man

WALANG lugar na hindi sinusumpong ang aktor na ito ng kanyang bisyong minsan nang nagpahamak sa kanya. Ayon sa tsika ng aming source, minsan daw ay napadpad ito sa isang lalawigang pasyalan ng mga local tourist. Dinarayo kasi roon ang malawak na dagat. “Huling-huli ko talaga ‘yung aktor na ‘yon na idol ko pa mandin, may baon siyang sandamkmak na …

Read More »

Paglaladlad ni Paolo, hinihintay sa personal blog ni Maine

Maine Mendoza Yaya Dub Paolo Ballesteros Humans of Barangay

MULA SA isang librong pinagkunan niya ng inspirasyon ay inilunsad ni Maine Mendoza ang kanyang personal blog na pinamagatan niyang Humans of Barangay. Hindi ang Dubsmash Queen ang bida roon kundi mga tao na nakakasalamuha niya sa mga barangay na dinarayo ng outdoor segment ng Eat Bulaga araw-araw (napansin lang namin ang ilang grammatical lapses niya bilang “foreword” nito). Buena mano si Paolo Ballesteros, ang kasama …

Read More »

Mga kasamahan ni Male TV Personality, sabay-sabay nagbitiw

DUDA ang maraming manonood kung bakit sabay-sabay na nagbitiw ang mga kasamahan sa show ng isang sikat na male TV personality na ito. Nauna nang sinibak ang isa nitong kasama, pero katanggap-tanggap naman ang dahilan. Ang pagiging unprofessional daw nito ang ikinatsugi niya sa show. Pero hirit ng isang viewer, ”Eh, ano naman ang dahilan kung bakit after masibak ang taong ‘yon, eh, sabay-sabay …

Read More »

Komedyana, napikon sa isang faney

blind item woman

HUWAG na huwag kang magkakamaling ikompara ang sikat na komedyanang ito sa mga kapwa niya babaeng payaso, or else ay paghandaan mo na ang pag-ismid niya sa iyo. Ito ang napagtanto ng isang faney na minsang nagkaroon ng tsansang makalapit sa komedyana sa premiere night ng isa niyang pelikulang kung tutuusi’y flopey naman. Sey daw ng fan nang makaharap niya ang hitad, ”Uy, …

Read More »

Seksing aktres, ginawang sugar mommy ni aktor

SA kasagdagan ng pakikipagrelasyon ng isang seksing aktres, isang araw ay nagising na lang daw siyang hindi niya pinangarap maging isang sugar mommy. Isang kabanata ito sa buhay ng bida sa kuwentong ito na hangga’t maaari ay ayaw na umano niyang balik-balikan sa kanyang alaala, at bakit ‘ika n’yo? “Eh, ‘di ba, ang madalas ma-link sa lola mo, eh, mga madadatung …

Read More »

Butch, walang regular na trabaho pero nakabili ng condo

butch Francisco

NAKAIINGGIT ang (dating) TV host na si Butch Francisco. Wala mang regular job (bagama’t pinasok na rin niya ang pag-arte sa TV), sa halip na makita niyang unti-unting nababawasan ang kanyang naipon ay nakuha pa niyang bumili ng isang condo unit kamakailan. Dinispatsa na kasi ni Butch ang kanyang unit sa uppermost floor sa condo building sa Greenhills, habang malapit na ring matapos ang …

Read More »

Baron, wala ng pag-asang magbago

SA halip na umani ng pagmamalasakit at pag-alala si Baron Geisler mula sa mga netizen ay pagkasuklam ang inabot niya. Ito’y makaraang maaresto ang aktor kamakailan ng mga operatiba ng Angeles City Police dahil sa umano’y pagwawala niya sa bahay ng kanyang kapatid at bayaw, kaya naman binugbog siya ng huli. Sa paunang ulat, kung hindi mo pa nalalaman ang …

Read More »

Tambalang Miguel at Bianca, tinalo ang isang sikat na loveteam

Bianca Umali Miguel Tanfelix

TOTOONG walang malaki ang nakapupuwing, parang David and Goliath lang ang peg. Ang OA naman din kasi ng pralala ng ABS-CBN tungkol sa ratings ng nagtapos nang La Luna Sangre na consistent na tinalo ang katapat nitong Kambal Karibal mula sa simula. May mga weeknight pala kasing nauungusan ng teleserye nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix ang kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Bagama’t mabibilang lang sa daliri ang mga gabing ‘yon, the mere …

Read More »