Saturday , April 20 2024

Rommel Sales

Most wanted person sa Malabon timbog

Arrest Posas Handcuff

SWAK na sa kulungan ang isang lalaki na kabilang sa mga most wanted person (mwp) matapos matimbog ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Malabon City, kamakalawa ng hapon. Ayon kay Malabon City police chief P/Col. Jay Baybayan, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Major Jo-Ivan Balberona hinggil sa …

Read More »

Most wanted person ng Vale huli sa Kankaloo

Arrest Caloocan

NAARESTO ng mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Valenzuela police ang isang most wanted persons sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni Valenzuela City police chief P/Col. Salvador Destura Jr. kay Northern Police District (NPD), nakatanggap ng impormasyon ang SIS na naispatan sa Camarin, Caloocan City ang presensya ng akusadong si alyas …

Read More »

Buy-bust sa Kankaloo
P68-K SHABU HULI SA TULAK

shabu drug arrest

BAGSAK sa selda ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga nang mabuking ang P68,000 halaga ng shabu nang masakote sa isinagawang buybust operation ng pulisya sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Caloocan City police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek na si alyas Ronel, 27 anyos, residente sa Brgy. 49 ng nasabing lungsod. Sa ulat …

Read More »

29 pinaglalaruan  
HELPER KALABOSO SA BALISONG, ILLEGAL NA DROGA

arrest prison

KULONG ang isang helper matapos makuhaan ng shabu nang sitahin ng mga pulis habang nilalaro-laro ang hawak na patalim sa Valenzuela City, kahapon ng umaga. Kinilala ni Valenzuela Police Sub-Station 6 commander P/Cpt. Manuel Cristobal ang naarestong suspek na si Edwin Alindogan, Jr., 26 anyos, residente sa Urrutia St., Brgy. Malanday. Sa kanyang report kay Valenzuela City police chief P/Col. …

Read More »

MWP bagsak sa parak

arrest prison

SWAK sa kulungan ang isang lalaki na wanted sa kasong murder matapos maaresto ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Valenzuela City, kamalawa ng gabi. Kinilala ni Valenzuela City police chief P/Col. Salvador Destura, Jr., ang naarestong akusado na si alyas Ronnie, 36 anyos, residente sa Brgy. 164, Talipapa, Quezon City. Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director …

Read More »

Mayor Tiangco sa barangay executives  
EXCEED EXPECTATIONS

John Rey Tiangco SMART BNEO Navotas

  HINAMON ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang mga barangay executives na laging hangarin ang kahusayan sa kanilang paglilingkod sa kanilang mga nasasakupan.   Sa ginanap na Sustainable Management and Administration of Local Government through Reengineering and Use of Technology for Barangay Newly Elected Officials (SMART BNEO) Program 2023, hinamon ni Tiangco ang mga pinuno ng barangay na …

Read More »

3 menor-de-edad arestado sa shabu

shabu drug arrest

TATLONG kabataang lalaki ang nadakip nang makuhaan ng ilegal na droga sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Sa ulat, habang gumaganap ng kanilang tungkulin ang mga tanod ng Brgy. 120 nang makatanggap sila ng tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen at inireport sa kanila ang hinggil sa tatlong kabataan na mayroon umanong ilegal na droga sa 3rd …

Read More »

Vale-LGU nagbigay ng bagong dump truck sa WMD

Valenzuela Dump Truck WMD

PINANGUNAHAN ni Mayor Wes Gatchalian ang turnover ceremony at pagbabasbas ng bagong 38 dump trucks at tatlong sasakyang pang-heavy equipment sa Waste Management Division (WMD) at Public Order Safety Office (POSO) na magagamit sa pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan sa Valenzuela City. Ang bawat unit ng dump truck ay nagkakahalaga ng P 1,973,684.21, habang ang excavator ay nagkakahalaga ng P8,888,888, …

Read More »

2 tulak timbog sa P68-K shabu

shabu drug arrest

SWAK sa rehas na bakal ang dalawang hinihinalang drug personalities matapos kumagat sa ikinasang buybust operation ng pulisya sa Caloocan City. Kinilala ni Caloocan City police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang mga suspek na sina alyas Ert, 53 anyos, at alyas Mekini, 20 anyos, kapwa residente sa Brgy. 19. Batay sa ulat ni Col. Lacuesta kay Northern Police District (NPD) …

Read More »

Nambulabog sa community, arestado

arrest prison

BINITBIT sa selda, ng mga awtoridad, ang dalawang tambay na nambulabog sa mga natutulog pang residente, nang dakmain kaagad ng mga barangay tanod, kahapon ng madaling araw sa Malabon City. Sa ulat na tinanggap ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, itinawag ng isang residente sa barangay ang ginagawang pambubulabog ng mga suspek na sina alyas Ruel, 23 anyos, ng …

Read More »

Hawak na droga pinaghambing
2 ADIK SA MARYJANE HULI

BAGSAK sa kulungan ang dalawang lalaki nang maaktohan ng mga pulis na pinaghahambing ang hawak nilang ilegal na droga sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na sina alyas Arturo, 49 anyos, construction worker, at alyas Kevin, 19 anyos, JNT Express sorter, kapwa residente sa Lot 4, 4th St., …

Read More »

Hospital Star Award nasungkit ng NCH

Navotas City Hospital NCH

MULING kinilala ng Department of Health (DOH), sa pamamagitan ng Health Facilities and Services Regulatory Bureau, ang Navotas City Hospital (NCH) bilang isa sa Top 15 Level 1 na ospital sa bansa. Ang pagkilala ay ibinigay sa NCH para sa pagtataguyod ng de-kalidad na pangangalagang pangkalusugan habang patuloy na naghahanap ng pagbabago sa paghahatid ng pangangalaga sa pasyente. Si Dr. …

Read More »

Utas sa saksak
Binatilyo buwis buhay sa birthday party

Stab saksak dead

PATAY ang isang binatilyo nang makipagsaksakan sa 21-anyos binata sa isang birthday party sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Dead on arrival sa Navotas City Hospital (NCH) ang biktimang menor de edad sanhi ng mga tama ng saksak sa katawan habang nadakip ng mga tauhan ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang suspek na isang alyas Jerome, residente sa …

Read More »

P.1-M shabu huli sa 2 tulak ng bato

shabu drug arrest

ARESTADO ang dalawang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang high value individual (HVI) matapos makuhaan ng mahigit P.1 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buybust operation ng pulisya sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Caloocan City police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas Kalbo, 41 anyos, isang HVI, residente sa Brgy. …

Read More »

Mag-dyowang wanted sa estafa huli sa Navotas

lovers syota posas arrest

SHOOT sa kulungan ang mag-dyowang meat vendor na parehong wanted sa batas sa  isinagawang manhunt operation sa Navotas City. Sa ulat ni Navotas City police chief P/Col. Mario Cortes kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, dakong 6:00 pm nang maaresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa ikinasang manhunt operation sa pangunguna ni P/SMSgt. …

Read More »

Most wanted ng NPD huli sa loob ng city jail

arrest prison

INARESTO ng pulisya sa loob ng kulungan ang isang lalaki na wanted at Top 1 Most Wanted Person (MWP) ng Northern Police District (NPD) sa kaso ng pagpatay sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Caloocan police chiief P/Col. Ruben Lacuesta ang suspek sa alyas Boyd, 41 anyos, residente ng Brgy. 176 ng lungsod at nakatala bilang No. 1 …

Read More »

Binata, pinagsasaksak ng kalugar

knife saksak

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang binata makaraang pagsasaksakin ng kanyang kabarangay sa gitna ng mainitang pagtatalo sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Patuloy na ginagamot sa Valenzuela Medical Center (VMC) ang biktimang kinilalang si John Jerwin Cicat, 21 anyos,  residente sa Arasity St., Brgy. Tinajeros sanhi ng mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan. Isang follow-up operation …

Read More »

Nagwala, nagbanta sa mga pulis  
PASAWAY NA CALL CENTER AGENT HULI

Arrest Posas Handcuff

“‘WAG kayong lalapit, mamalasin kayo!” habang iwinawasiwas ang hawak na patalim. Ito umano ang pagbabanta ng isang lasing na call center agent matapos pagbantaan ang mga pulis na nagresponde sa ginagawa niyang pagwawala at paghahamon ng away habang armado ng patalim sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Sa kulungan na nahimasmasan ang suspek na kinilalang si Davidson Joseph Demdam, 32 …

Read More »

Bilyonarnio nangholdap ng Lalamove rider

Lalamove

NASAKOTE ang isang notoryus na holdaper na nambiktima sa isang lalamove rider matapos maaresto ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong suspek na si Kyan Bilyonarnio, nahaharap sa kasong robbery (hold-up). Batay sa pinagsamang ulat nina P/SSgt. Ernie Baroy at P/SSgt. Bengie Nalogoc, dakong 3:00 am nang maganap …

Read More »

Lola, hinoldap ng 4 bagets

arrest, posas, fingerprints

ARESTADO ang apat na kabataang lalaki matapos palibutan at holdapin ang isang babaeng senior citizen na sakay ng kanyang e-bike sa Navotas City, kahapon ng madaling araw. Sa ulat ni P/SSgt. Edison Mata kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, naganap ang insidente sa Pama-SawataB, Brgy. NBBS Dagat-dagatan, dakong 2:30 am. Lumabas sa inisyal na imbestigasyon, sakay ng kanyang E-bike …

Read More »

Kelot sinaksak ng kainuman

knife saksak

SUGATAN ang isang kelot matapos tarakan ng kainuman makaraan ang mainitang pagtatalo sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang kinilalang si John Patrick Tuburan alyas JP, residente ng Dulong Herrera,Brgy. Ibaba, ng nasabing siyudad sanhi ng tinamong saksak sa kanang hita. Patuloy namang hinahanting ng pulisya ang suspek na si Matthew Villaflor …

Read More »

Greenzone Park phase 3 sa Navotas pinasinayaan

Greenzone Park phase 3 Navotas

MAS marami na ngayong bukas na espasyo ang magagamit na pasyalan at libangan ng mga pamilyang Navoteño kasunod ng inagurasyon ng Navotas Greenzone Park Phase 3 na isa sa mga Adopt-a-Park projects ng Metro Manila Development Authority (MMDA). Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco, kasama si Atty. Romando Artes, acting MMDA chairperson ang inagurasyon at pagbabasbas …

Read More »

May bagong ‘sinosyota’
LOLONG CHICK BOY BUKING SA SOCIAL MEDIA ACCOUNT, LOLANG NAKABISTO BINUGBOG  

Lolo Social Media

KULONG ang isang 61-anyos lolo dahil sa pambubugbog sa live-in partner na 65-anyos lola matapos komprontahin ng biktima nang mabuking na may panibagong chicka babes ang suspek sa Malabon City, kamakalawa ng hapon. Galit na inireklamo ni Lola Sylvia, 65 anyos, sa opisyal ng barangay sa kanilang lugar sa Brgy. Tonsuya ang live-in partner na si Lolo David, 61 anyos, …

Read More »

Wanted sa Rape
Laborer himas-rehas sa Navotas

prison rape

REHAS ang hinihimas ngayon ngisangconstruction worker na wanted sa kaso ng panggagahas matapos maaresto ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Navotas City, kahapon ng umaga. Kinilala ni District Special Operation Unit (DSOU) chief P/Lt. Col. Robert Sales ang naarestong akusado, isang alyas JP, 33 anyos at residente sa Rizal. Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. …

Read More »