Wednesday , November 25 2020
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Rommel Sales (page 21)

Author Archives: Rommel Sales

Feed Subscription

Bugaw na bebot niratrat sa hagdan ng Int’l Cabaret

PATAY ang isang bugaw ng mga babaeng nagbebenta ng aliw makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang lalaki habang pababa ng hagdan kahapon ng umaga sa Caloocan City. Binawian ng buhay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si alyas Ledy, nasa 25-30-anyos, patuloy pang inaalam kung ano ang tunay na pangalan at kung tagasaan, tinamaan ng bala ng hindi nabatid na kalibre ... Read More »

Anak na babae at lalaki tinurbo ni daddy (Misis OFW)

SWAK sa kulungan ang isang ama makaraang ireklamo ng panghahalay sa menor de edad niyang anak na babae at lalaki sa Caloocan City. Kinilala ang suspek na si Adrian Campos, 29, walang trabaho at walang permanenteng tirahan. Salaysay ni Brgy. 59 Kagawad Salvador Balatbat, inaresto nila ang suspek makaraang humingi ng tulong ang biyenan ni Campos na si Rosalinda Casabar, ... Read More »

Helper tinusok ng sinaway na senglot (Naingayan sa kantahan)

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 42-anyos helper makaraan pagsasaksakin ng isa sa mga nag-iinoman nang kanyang sayawin dahil sa maingay na pagkakantahan sa tapat ng kanyang bahay kahapon ng madaling araw sa Malabon City. Ginagamot sa Valenzuela Medical Center (VMC) ang biktimang si Diolito Acaso, residente ng Mabolo St., Brgy. Santulan ng nasabing lungsod. Habang masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ... Read More »

Negosyante itinumba sa Navotas

PATAY ang isang 39-anyos negosyante makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek habang patungo sa eskuwelahan ng kanyang anak sa Navotas City  upang sunduin kamakalawa ng hapon. Agad binawian ng buhay ang biktimang kinilalang si Melvin Cruz, residente ng Pat De Asis St., Brgy. San Roque ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril ... Read More »

2 dalagita sex slave ng ama

MAHIGIT tatlong taon itinago ng isang 18-anyos dalagita ang pagiging sex slave sa kanyang sariling ama ngunit hindi na kinaya nang mabatid na maging ang kanyang 12-anyos kapatid na babae ay pinagsasamantalahan din ng suspek sa kanilang bahay sa Malabon City. Arestado ang suspek na si Bernal Mendoza, 45-anyos, vendor ng 103 Atis Road, Brgy. Potrero ng nasabing lungsod, nahaharap sa kasong ... Read More »

Driver hinoldap ng 2 pasahero, taxi tinangay

“PASALAMAT na lamang ako, hindi ako binaril ng mga walanghiya.” Ito ang nanginginig na pahayag  ng isang driver makaraan holdapin at tangayin ang minamanehong taxi ng dalawang pasaherong holdaper kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City. Kinilala ang biktimang si Renato Torion, 39, residente ng 258 Dulong Hernandez St., Brgy. Catmon  Malabon City, driver ng EMP taxi (UVD-578). Batay sa ulat ... Read More »

87-anyos lola dedbol sa bundol

  PATAY ang  isang 87-anyos lola makaraang mabundol ng umaatras na sports utility vehicle  (SUV) habang naglalakad  papunta sa isang tindahan sa Caloocan City kahapon. Hindi na nailigtas ng mga doktor ng Quezon City District Hospital ang biktimang si Emperatriz Grajo Rabenitas, senior citizen, residente sa Block 15, Lot 14, Sunrise Village, Brgy. 167 Llano ng nasabing lungsod, sanhi ng ... Read More »

Bungangerang buntis utas sa ex-pulis

PATAY ang isang 27-anyos buntis makaraan barilin ng kinakasamang retiradong pulis nang mapikon sa pagiging bungangera ng biktima kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Catherine Agudo, 27, residente ng Block 1A, Lot 30, Phase 3, E-1, Brgy. 14, Kaunlaran Village ng nasabing lungsod, dahil sa dalawang tama ng bala sa kaliwang dibdib. Nagsasagawa ... Read More »

Ina nakatulog baby nahulog sa creek

LUMUTANG na walang buhay ang 6-buwan gulang na sanggol makaraan mahulog sa creek sa ilalim ng kanilang bahay nang makatulog ang ina habang nagpapadede sa Malabon City kahapon ng madaling-araw. Lumobo at nangingitim na ang katawan ng biktimang si Janica Maceda nang maiahon ng kanyang inang si Josielyn, nasa hustong gulang, residente ng 47 E. Jacinto St., Brgy. Concepcion ng ... Read More »

Libanan natigok sa selda

PATAY na nang matagpuan ang isang presong nahaharap sa patong-patong na kaso, sa loob ng selda kahapon ng umaga sa Malabon City. Kinilala ang biktimang si Melvin Libanan, alyas Bornok, 30, ng Phase 1B, Pabahay, Muzon, San Jose Del Monte, Bulacan, nahaharap sa mga kasong tresspass to dwelling, malicious mischief at attempted homicide. Kasalukuyang sumasailalim sa awtopsiya sa Philippine National ... Read More »

13-anyos totoy utas sa kidlat (1 pa malubha)

PATAY ang isang 13-anyos na binatilyo habang malubha ang kalagayan sa pagamutan ang 9-anyos niyang kalaro makaraang tamaan ng kidlat habang naglalaro sa labas ng kanilang bahay sa Valenzuela City dakong 3 p.m. kamakalawa. Agad binawian ng buhay si Jews Dagdang habang ginagamot sa Valenzuela Medical Center si Miguel Viray, kapwa residente  ng Brgy. Isla ng nasabing lungsod, sanhi ng ... Read More »

Gun for hire group leader utas sa shootout (Parak sugatan)

PATAY ang sinasabing lider ng gun for hire group habang nasugatan ang isang pulis nang magsagawa ng operasyon ang mga awtoridad laban sa nasabing grupo sa Malabon  City  kahapon  ng tanghali. Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nakukuha ang pagkakakilanlan ng suspek na namatay makaraan makipagbarilan sa mga pulis. Habang ginagamot sa Chinese General Hospital si PO1 Nixon Ponchinian, miyembro ... Read More »

Dalagita 2 taon sex slave ng ama

NATULDUKAN ang pagdurusa ng isang dalagitang halos dalawang taon ginawang sex slave ng ama at kinalbo pa upang hindi makalabas ng bahay, makaraan maaresto ang suspek sa Navotas City, iniulat ng pulisya kahapon. Nakapiit na sa detention cell ng Navotas City Police habang nahaharap sa kasong multiple rape in relation to R.A. 7610 (Anti-Child Abuse law) ang suspek na si ... Read More »

Kagawad itinumba ng vigilante (Nag-sideline sa pagtutulak ng shabu)

PATAY ang isang barangay kagawad na sinasabing sideline ang pagtutulak ng droga, makaraan pagbabarilin ng dalawang miyembro ng vigilante group sa harap ng kapilya na lamayan ng patay sa Malabon City kahapon ng madaling araw. Hindi na umabot nang buhay sa Valenzuela Medical Center ang biktimang kinilalang si Fernando “Boy” Vergara, 58, kagawad ng Brgy. Panghulo at residente sa Tahimik ... Read More »

Naliligong ginang kinuhaan ng video bosero kalaboso

NAGHIHIMAS ng rehas na bakal ang isang 21-anyos lalaki makaraan mahuli sa akto habang kinukuhaan ng video ang magandang ginang na hubo’t hubad na naliligo sa Navotas City kamakalawa ng hapon. Kinilala ang suspek na si Ramir Andres, ng 417 Road 10, Brgy. North Bay Boulevard North ng lungsod, nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9995 o Anti-Voyeurism Act. Batay ... Read More »

Bosero bugbog sarado (Huli sa akto ng promo girl)

BUKOL at pasa ang inabot ng isang manyakis na lalaki makaraan pagtulungan gulpihin ng mga tambay nang mahuli sa aktong namboboso gamit ang cellphone sa promo girl na kanyang kapitbahay habang naliligo ang biktima sa Caloocan City kamakalawa ng umaga. Bagsak sa kulungan ang suspek na Mark Louie Manuel, 20, residente ng P. Galauran St., 7th Avenue Grace Park ng ... Read More »

Obrero kritikal, 1 pa sugatan sa saksak ni lolo (Nagkasagutan sa inoman)

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang obrero habang sugatan ang isa pa makaraan saksakin ng isang 60-anyos lolo na kainoman ng mga biktima kamakalawa ng gabi sa Navotas City. Nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center ang biktimang si Armel Laquindanum, 28, ng 129 Mapalad St., sanhi ng isang tama ng saksak sa dibdib. Pinauwi na makaraan gamutin ang sugat ... Read More »

10 kabataan pumuga sa CSWD holding center, 1 sugatan

SAMPUNG kabataan na tinaguriang ‘Children In-Conflict with the Law’ (CICL) ang napaulat na pumuga mula sa detention cell ng Caloocan City Social Welfare and Development (CSWD) sa pamamagitan ng paglagari sa bakal na bintana habang isa ang nasugatan dahil sa pagtalon mula sa ikatlong palapag. Base sa nakalap na impormasyon sa Police Community Precinct (PCP) 2 ng Caloocan City Police, ... Read More »

Janitress uminom ng asido, naglaslas ng pulso (Amang may tumor nasa ospital, tinanggal sa trabaho at idedemolis ang bahay)

HINDI na kinaya ng isang 38-anyos janitress ang patong-patong na mga problema kaya winakasan ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pag-inom ng muriatic acid at paglaslas ng pulso kamakalawa ng umaga sa Valenzuela City. Kinilala ang biktimang si Jennifer Bagaporo, ng 74-C. Ubas St., San Miguel Heights, Brgy. Marulas ng nasabing lungsod, natagpuang wala nang buhay sa loob ng kanilang ... Read More »

Caretaker, 45 utas sa atake sa nasunog na textile warehouse

PATAY ang isang 45-anyos caretaker makaraan atakehin sa puso nang masunog ang binabantayang bodega ng tela kahapon ng umaga sa Valenzuela City. Hindi na umabot nang buhay sa Valenzuela Emergency Hospital ang biktimang si Nicanor Crisostomo. Batay sa impormasyon mula kay FO2 Noralyn Agudo ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Valenzuela City, dakong 11:37 a.m. nang simulang lamunin ng ... Read More »

22-anyos tinurbo ng doktor

KULONG ang isang doktor makaraan ireklamo ng panggagahasa sa isang  22-anyos estudyanteng lalaki at pana-nakot na ilalabas ang nauna nilang sex video, ayon sa ulat ng Caloocan City Police kahapon. Kinilala ang suspek na si Jose Norilito  Fruto, 50, isang doktor, residente sa Maya St., Am-paro Road, Novaville Deparo ng nasabing lungsod, nakapiit sa detention cell ng Caloocan City Police. Salaysay ... Read More »

Driver/bodyguard ng konsehal sugatan sa service firearm

SUGATAN ang isang driver/bodyguard ng konsehal nang aksidenteng pumutok ang kanyang service firearm habang tinatanggalan niya ng magazine kamakalawa ng gabi sa Malabon City. Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala  ng kalibre .40 sa kanang tuhod ang biktimang si Chris John Joaquin, 33, driver/bodyguard  ni Malabon City Councilor Japs Garcia, at residente ng 11 ... Read More »

Motorcycle rider utas 2 malubha sa banggaan

PATAY ang isang 34-anyos lalaki habang dalawa ang malubhang nasugatan sa banggaan ng dalawang motorsiklo kahapon ng umaga sa Caloocan City. Hindi na umabot nang buhay sa Bernardino General Hospital ang biktimang si Ramel Regala, ng 22 Pajo, Meycauyan, Bulacan, sanhi ng pinsala sa ulo at katawan. Habang kapwa nilalapatan ng lunas sa nasabing pagamutan ang nakabanggaan niyang si Mark ... Read More »

10-anyos bata inanod sa ilog

PATULOY na pinaghahanap ang isang 10-anyos batang lalaki makaraan tangayin nang malakas na agos ng tubig habang naglalaro sa gilid ng ilog sa kasagsagan nang malakas na buhos ng ulan kamakalawa ng umaga sa Caloocan City. Kinilala ang batang nawawala na si Gerald Borla, ng Anonas St., Brgy. 178, Camarin ng nasabing lungsod. Batay sa ulat ng pulisya, dakong 11 ... Read More »

Scroll To Top