Tuesday , December 1 2020
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Rommel Sales (page 20)

Author Archives: Rommel Sales

Feed Subscription

Paslit patay sa umatras na jeepney

PATAY ang isang batang lalaki nang maatrasan ng pampasaherong jeep habang naglalaro sa kalsada sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.  Hindi na umabot nang buhay sa Valenzuela General Hospital sanhi ng pinsala sa ulo ang biktimang si Joshua Lungakit Corpuz, 4-anyos, residente sa NPC Road, Brgy. 16, Kaybiga ng nasabing lungsod. Nakapiit na sa detention cell ng Caloocan City Police ... Read More »

Driver mechanic kinatay ng 3 kapitbahay (‘Di namigay ng balato)

PATAY ang isang driver mechanic makaraan saksakin ng tatlong kapitbahay sa loob ng kanyang bahay nang hindi magbigay ng balato at hindi sila tinuruan sa paggawa ng electric generator sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot nang buhay sa Dr. Rodriguez Memorial Hospital ang biktimang si Frederick Yap, 50, ng Phase 8-B, Brgy. 176, Bagong Silang ng nasabing ... Read More »

Mangingisda kalaboso sa tangkang rape

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang 49-anyos  mangingisda makaraan ireklamo ng tangkang panggagahasa sa isang 20-anyos babae sa Navotas City kamakalawa ng gabi. Kinilala  ang naarestong suspek na si Edmar Negrillo, ng Block 49, Lot 19, North Bay Boulevard South ng nasabing lungsod. Personal na nagtungo sa himpilan ng pulisya ang biktimang si Susie, ng San Marcos St., Navotas ... Read More »

3 sugatan sa saksak ng amok

MALUBHANG nasugatan ang company nurse, auditor at kitchen crew makaraan pagsasaksakin ng isang houseboy habang ang mga biktima ay naghihintay ng sasakyan sa Malabon City kahapon ng umaga. Ginagamot sa Valenzuela Medical Center si Mercelie Malig-On, 29, company nurse, residente ng 59 Banana Road; Ronge Lyka Mariano, 19, auditor, habang inoobserbahan sa Manila Center University (MCU) Hospital si Rodel Haveria, ... Read More »

2 bangkay nahukay sa bahay ng tulak

DALAWANG bangkay ng lalaki na napaulat na nawawala noong nakaraang buwan, ang nahukay sa ground floor ng isang bahay na pag-aari ng isang sinasabing sangkot sa ilegal na droga sa Caloocan City kahapon ng umaga. Halos naaagnas na ang katawan ng mga biktimang sina Reynaldo Velasco, 62, ng Blk. 10, Lot 7, Section 8, Phase 1, Muzon, Pabahay 2000, San ... Read More »

Seksing bebot binoga sa ulo

TUMIMBUWANG na walang buhay ang isang seksing babae makaraang barilin sa ulo ng hindi nakilalang lalaki sa Malabon City kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang biktimang si Bianca Watson, tinatayang 18 hanggang 22-anyos ang edad. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng suspek na mabilis na tumakas makaraan ang pamamaril. Base sa imbestigasyon ... Read More »

Inaway ni misis mister nagbigti

NAGBIGTI ang isang 35-anyos lalaki makaraang makipag-away sa kanyang misis kamakalawa ng gabi sa Malabon City. Natagpuang nakabigti dakong 6:30 p.m. sa loob ng kanilang palikuran ang biktimang kinilalang si Ronaldo Lingat, residente ng Block 2, Lot 13, Bantay Bayan, Dulong Bautista, Brgy. Panghulo ng nasabing lungsod. Ayon sa ulat ng pulisya, gagamit sana ng palikuran ang stepson ng biktima ... Read More »

17-anyos binatilyo kritikal sa boga

KRITIKAL ang kalagayan ng isang 17-anyos binatilyo makaraang pagbabarilin ng hindi nakikilalang suspek na sakay ng motorsiklo habang ang biktima ay nakikipagkuwentohan sa mga kaibigan sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Ginagamot sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital ang biktimang si Ezekiel Lusania ng 1370 Reserve Area, Barracks II, Brgy. 186, Tala ng nasabing lungsod. Patuloy ang imbestigasyon ng mga ... Read More »

Lalaking sinaksak sa kamay, patay (Dugo naubos)

PATAY ang isang lalaki nang maubusan ng dugo matapos saksakin sa kanang kamay ng katagay, sa Malabon City kamakalawa ng hapon. Ang biktima na hindi na umabot nang buhay sa Pagamutang Bayan ng Malabon (PBM) sanhi ng pagkaubos ng dugo ay kinilalang si Rogelio de Luna, 34-anyos, construction worker at residente sa Dagat-dagatan, Navotas City. Nagsasagawa na ng manhunt operation ... Read More »

Drug pusher itinumba sa computer shop

PATAY ang isang hinihinalaang drug pusher makaraang pagbabarilin ng hindi nakikilalang suspek na sinasabing miyembro ng drug syndicate, habang ang biktima ay abala sa paglalaro sa loob ng computer shop sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Ang biktimang agad binawian ng buhay sanhi ng tama ng bala sa ulo at katawan ay kinilalang si Raymund Mina, 26, ng 41 Genesis Alley, ... Read More »

1 patay, 1 sugatgan sa birthday party

NAGING madugo ang pagdiriwang ng kaarawan ng isang lalaki makaraang pagbabarilin ng isa sa mga bisita ang dalawa niyang kaanak sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Kinilala ang namatay na si John Michael Soleta, 39, negosyante at residente ng Phase 10A, Package 3, Block 67, Lot 13, Bagong Silang ng nasabing lungsod. Habang ginagamot sa Far Eastern University (FEU) Hospital ... Read More »

7 adik tiklo sa drug den

PITO katao ang naaresto ng mga awtoridad, kabilang ang dalawang babae, makaraang mahuli sa aktong gumagamit ng ipinagbabawal na droga sa isang drug den sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga suspek na sina Marvin Rivamonte, 30; Julius Dizon, 25; Reccar Braga, 20; Edmar Bayanay, 32; Paul Vincent Funa, 23; Joan Saligan, 32, at Rhoda Garcia, 43-anyos. Ayon ... Read More »

Itinurong killer ng parak, arestado

NAGWAKAS na ang pagtatago sa batas ng isang lalaking most wanted person na suspek sa pagpatay sa isang pulis, makaraang masakote ng mga awtoridad nang muling bumalik sa kanilang tirahan sa Caloocan City kahapon ng umaga. Kinilala ni Caloocan City Police chief, Sr. Supt. Bartolome Bustamante ang suspek na si Danilo Natividad, alyas Ting-ting, 40-anyos, ng Luke St., Brgy. 177, ... Read More »

May sakit sa pag-iisip na-hit and run ng van

PATAY ang isang hindi nakilalang lalaki na sinasabing maysakit sa pag-iisip makaraang mabiktima ng hit and run ng isang puting sasakyan kahapon ng umaga sa Malabon City. Ang biktimang tinatayang 43-anyos ay dinala na sa Eusebio Funeral Homes upang isailalim sa awtopsiya. Kaugnay nito, nanawagan ang mga awtoridad kung sino man ang nakakita sa insidente at nakuha ang plate number ng ... Read More »

Lolong barker patay sa atake sa puso

PATAY na nang matagpuan ng kanyang kaanak ang isang 60-anyos barker na hinihinalang inatake sa puso sa Malabon City kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktimang si Bernardo Bionas, residente ng 386 Custodio St., Brgy. Santulan ng nasabing lungsod. Batay sa ulat ni SPO3 Benedicto Zafra, dakong 3 p.m. nang matagpuan ang wala nang buhay na biktima ng kanyang  tiyuhin na si ... Read More »

Taho vendor tiklo sa rape

ARESTADO ang isang magtataho makaraang gahasain ang anak na batang babae ng kanyang kinakasama sa loob ng bahay ng kanilang bahay sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Kinilala ang suspek na si Jan Loel Aranita, 30, ng 5982 Quisumbing Street, Area D, Camarin, Brgy. 178 ng lungsod, nahaharap sa kasong rape in relation to R.A. 7610 (Child Abuse). Sa ipinadalang ... Read More »

Jail officer todas sa tandem (Lolo sugatan)

PATAY ang isang miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) makaraang pagbabarilin ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo habang sugatan ang isang lolo nang tamaan ng ligaw na bala sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Agad binawian ng buhay ang biktimang si JO1 Marwan Christopher Arafat, 27, nakatalaga sa Caloocan City Jail, at residente ng Talimusak St., kanto ng ... Read More »

Tisoy patay sa dyowang private tutor

PATAY ang isang lalaking mestiso makaraang pagsasaksakin ng kinakasamang private tutor makaraang magtalo kamakalawa ng hapon sa Caloocan City. Hindi na umabot nang buhay sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital ang biktimang kinilalang si Alejandro Calza Jr., 25, ng Phase 9, Package 6, Block 68, Lot 37, Brgy. 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod. Habang tinutugis ng mga awtoridad ... Read More »

Kelot utas sa illegal connection

PATAY ang isang lalaki makaraang barilin ng dalawang lalaking sinasabing karibal ng biktima sa pagkakabit ng illegal connection sa koryente kamakalawa ng hapon sa Malabon City. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Danilo Zinampan, 41, residente ng Phase 3, Flovi Homes, Paradise Village, Brgy. Tonsuya ng nasabing lungsod. Habang masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy ang ... Read More »

4 paslit todas sa sunog

ILOILO CITY – Patay ang apat na bata nang makulong sa nasunog na bahay kamakalawa sa lungsod na ito. Nangyari ang insidente sa Poblacion, Nueva Valencia, Guimaras. Ayon kay PO2 Elmar Tolledo, natutulog ang mga biktimang magpipinsan na kinabibilangan ng dalawang 4-anyos, isang 5-anyos, at isang 10-anyos, nang maganap ang insidente. Nagkataon na wala ang kanilang mga magulang sa bahay ... Read More »

2 miyembro ng robbery gang itinumba ng lider

  PATAY ang dalawang miyembro ng notoryus na grupo ng mga magnanakaw makaraang pagbabarilin ng kanilang lider at iba pang mga tauhan sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw. Agad binawian ng buhay si Buenaventura Velasquez, alyas Jong-Jong, 26, ng 69 Doña Aurora St., Area D, Brgy.177, Camarin, habang hindi na umabot nang buhay sa Tala Hospital si Rolando Querol, alyas ... Read More »

3 bagets sugatan sa ratrat ni lolo

SUGATAN ang isang dalagita at dalawang binatilyo makaraang pagbabarilin nang nagwalang lolo na napraning sa ingay ng mga biktima habang nagpapahinga sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Pawang ginagamot sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital ang mga biktimang sina Angelica Espiritu, 15; Mark Rey Canoy, 13; at John Wilfredo Cado, 13, mga residente ng King Solomon St., Brgy. 174, ... Read More »

Dibdib ng bebot minasa ng panadero

SWAK sa kulungan ang isang panadero makaraang lamutakin at lamasin ang dibdib ng isang 26-anyos babaeng may kapansanan sa pag-iisip sa Caloocan City   kamakalawa ng hapon.  Kasong acts of lasciviousness ang kinakaharap ng suspek na si Ariel Calaparo, 35, ng 149 Milagrosa St., Bagong Barrio ng nasabing lungsod. Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente sa loob ng bahay ng ... Read More »

Motorcycle rider dedbol sa bundol

PATAY ang isang 47-anyos motorcycle rider makaraang sumalpok ang minamaneho niyang motorsiklo sa isang pampasaherong jeep sa kasagsagan ng bagyong Lando kamakalawa ng gabi sa Malabon City. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Resty Cruz Jr., residente ng 196 Gen. Luna St., Brgy. Ibaba ng nasabing lungsod. Habang agad naaresto ang suspek si Rustan Ganao, 30, residente ng 238 Hernandez St., Brgy. ... Read More »

Obero todas sa saksak

PATAY ang isang magpapatis makaraang makursunadahan at pagsasaksakin ng hindi nakilalang suspek kahapon ng madaling araw sa Navotas City. Hindi na umabot nang buhay sa Navotas City Hospital ang biktimang kinilalang si Bonifacio Manuel, 52, trabahador ng Quality Patis, at residente ng Bacog St., Brgy. Daanghari ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng ... Read More »

Scroll To Top