Wednesday , November 25 2020
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Rommel Sales (page 2)

Author Archives: Rommel Sales

Feed Subscription

2 tulak sa Vale, huli sa buy bust

DALAWANG tulak ng shabu ang arestado matapos bentahan ng droga ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.   Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na sina Edmundo Acuña, 43 anyos, residente sa 6111 Lower Tibagan, Barangay Gen. T. De Leon, at Glennmore ... Read More »

Fish porter pinagbabaril

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang fish porter matapos harangin at pagbabarilin ng isa sa tatlong suspek habang nagtatapon ng basura sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.   Patuloy na ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang kinilalang si Gerald Enrique, 30 anyos, residente sa 1st Street, Block 28, Lot 7, Barangay Tañong ay isinugod ng kanyang ... Read More »

2 tulak kulong sa P340K shabu

NASAKOTE ang dalawang tulak ng ilegal na droga na nasa watchlist ng pulisya matapos makuhaan ng P340,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.   Kinilala ang naarestong mga suspek na sina Christopher Mendoza, alyas Topeng, 37 anyos, residente sa Barangay 4, Sangandaan; at Percival Dela Cruz, 48 anyos, ng Kawal St., Barangay ... Read More »

3 bebot, arestado sa P.2-M shabu

TATLONG babaeng tulak ng droga ang nasakote, na kinabibilang ng isang fire protection agent matapos makuhaan ng mahigit sa P.2 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang mga naarestong suspek na sina Reya Remodaro, 24 anyos, sales lady; Elizabeth ... Read More »

Regional Kabalikat Award nasungkit ng Navotas  

SA GITNA ng pandemyang CoVid-19 at mga nakapipinsalang epekto nito, ang pamahalaang lungsod ng Navotas ay kinilala sa mahusay na pagsasanay ng technical-vocational (tech-voc) education, at skills training.   Dahil dito, nakatanggap ang Navotas Vocational Training and Assessment (NavotaAs) Institute ng Regional Kabalikat Award mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).   “Kami ay nagpapasalamat sa parangal at ... Read More »

Selosong kelot patay sa saksak  

TODAS ang isang selosong 20-anyos lalaki nang saksakin ng sinakal niyang pinagseselosang katrabaho ng girlfriend sa Valenzuela City.   Dead on arrival sa Valenzuela Medical Center (VMC) ang biktimang si Jerome Vicente, residente sa Sauyo, Quezon City dahil sa dalawang saksak sa katawan.   Agad naaresto ang  suspek na si Joseph Llona, Jr., 18 anyos, residente sa NPC Sukaban, Caloocan ... Read More »

Malakas mumamam tinarakan ng katagay

MALUBHANG nasugatan ang isang helper na sinabing malakas tumagay matapos tarakan ng ice pick sa dibdib at sa likod ng kanyang kainuman sa Malabon City, kahapon ng umaga.   Patuloy na ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang si Ronie Ocampo, 25 anyos, residente sa #143 Blk. 5 Bagong Silang, San Jose, Navotas City sanhi ng mga saksak sa ... Read More »

Traffic Enforcer ng Maynila, 2 pa huli sa P.8-M shabu

ARESTADO ang tatlong hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) employee na nakompiskahan ng mahigit sa P.8 milyong halaga ng ilegal na droga sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.   Ayon kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Ronaldo Ylagan, dakong 3:30 pm nang isagawa ng mga operatiba ng District ... Read More »

Batang paslit ginahasa, pinatay (Sa Caloocan City)

GINAHASA na pinatay pa ang isang 4-anyos batang babae sa Caloocan City, kahapon  ng umaga. Tinabunan ang katawan ng biktima ng mga dahon  sa likod ng bahay nito nang matagpuan ng mga kinauukulan. Suspek sa krimen ang 17-anyos kapitbahay na siya  umanong nakitang huling kasama ng biktima. Ayon sa ina ng biktima, naglalaro lang sa labas ng bahay ang bata ... Read More »

Auto-electrician todas sa patalim ng matansero

PATAY ang isang 58-anyos auto-electrician makaraang pagtutusukin ng patalim ng isang matansero sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.   Dead on arrival sa Ospital ng Malabon (OsMa) ang biktimang kinilalang si Wilfredo Lasin, residente sa Javier ll, Barangay Baritan sanhi ng maraming tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.   Agad naaresto ang suspek sa bahay nito habang ... Read More »

CoVid-19 sa Navotas halos napapatag na

IDINEKLARANG pababa na ang mga kaso ng coronavirus disease 2019 (CoVid-19) sa Navotas City,  idineklara ni Mayor Toby Tiangco sa isang post sa Facebook.   “Bumababa na po ang bilang ng mga nagpositibo sa ating lungsod. Sa ngayon, 14 ang bagong kompirmadong kaso at 50 ang gumaling,” paliwanag ni Tiangco sa kanyang paskil sa Facebook.   “Gayonman, hindi tayo dapat ... Read More »

Tala Elementary School, bagong quarantine facility (Sa Caloocan City)

ININSPEKSIYON ni Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan ang Tala Elementary School Quarantine Facility.   Inilaan ng lokal na pamahalaan ng Caloocan ang dalawang gusali ng Tala Elementary School (ES) upang magsilbing quarantine facility para sa mga mamamayan ng lungsod na positibo sa CoVid-19 at mga residente na may sintomas at naghihintay sa resulta ng kanilang swab test.   Ani ... Read More »

Snatcher, todas (Baril ng pulis tinangkang agawin, pumutok)

ISANG hinihinalang snatcher ang tinamaan ng bala nang pumutok ang baril ng pulis na kanyang tinangkang agawin sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Ayon kay Malabon police chief, Col. Jessie Tamayao, hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Malabon sanhi ng tama ng bala sa katawan ang suspek na si John Paul Sanchez, 20 anyos, residente sa Kaingin St., ... Read More »

Dapat may simpatya hindi basta tsismosa (Contact tracers sa Valenzuela)

ITO ang inihayag ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian na kailangan ng emosyon at napakahalaga ng simpatya bilang CoVid-19 contact tracer at sa proseso ay pinatunayang hindi basta ‘tsismosa’ ay puwede na. Sinabi ng alkalde ang nasabing pahayag sa pakikipagpulong sa mga bagong contact tracers at encoders na sumailalim sa contact tracing and surveillance training. “Itong trabaho na ‘to kailangan ... Read More »

2 labandera timbog sa P3.4-M shabu (Sumasadlayn bilang tulak )

MAHIGIT sa P3 milyon halaga ng shabu ang nakuha sa dalawang labanderang sumasadlayn bilang tulak at kapwa big time sa ilegal na droga makaraang maaresto sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Ronaldo Ylagan ang naarestong mga suspek na sina Mary Jane Malabanan, 49 ... Read More »

6,136 lockdown violators, naaresto sa Navotas

UMABOT sa 6,136 indibidwal ang nahuli ng mga awtoridad na lumabag sa ordinansa at health protocols sa ipinatupad na 14-day lockdown na nagtapos nitong Miyerkoles ng gabi dahil sa COVID-19 sa Navotas City.   Ayon sa ulat ni Navotas Police chief, Col. Rolando Balasabas kay Mayor Toby Tiangco, 5,805 ang mga nahuling nasa hustong gulang habang 331 ang mga menor ... Read More »

16-anyos timbog sa shabu (Nasita sa paglabag sa curfew)

ARESTADO ang isang 16-anyos binatilyo na sinabing sangkot sa ilegal na droga matapos makuhaan ng shabu nang sitahin dahil sa paglabag sa curfew hour sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.   Ayon kay Caloocan police chief, Col. Dario Menor, dakong 3:40 am, nakatanggap ng tawag ang Caloocan Police Sub-Station 5 mula sa concerned citizen hinggil sa nagaganap na illegal ... Read More »

4 Chinese fishermen, arestado sa Navotas

NASAKOTE ng Maritime Group ng Phillipine National Police (PNP) ang apat na mangingisdang Chinese nang mamataan silang bumababa sa isang sasakyang pandagat sa Navotas Fish Port Complex.   Kinilala ni Col. Ricardo Villanueva, hepe ng Regional Maritime Unit-National CapitalRegion Office (RMU-NCR) ang apat na naaresto na sina Huang Yongjie, 42 anyos; DaiShiwen, 56 anyos; Yafeng Zhou, 47[ at Tan Riyang, ... Read More »

2 tulak timbog sa P.3-M shabu

DALAWANG hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang arestado matapos makompiskahan ng mahigit sa P300,000 halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operations ng mga awtoridad sa mga lungsod ng Caloocan at Navotas.   Ayon kay Caloocan police chief, Col. Dario Menor,  dakong 12:50 am nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni ... Read More »

Mas estriktong mass testing ipatutupad sa Malabon City

NAPAGKASUNDUAN ng Malabon City Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (MCTF-MEID) na maaaring hulihin at kasuhan ang mga taong ayaw magpa-test, lalo ang mga nakasama sa contact tracing at natukoy ng Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs).   Ayon kay City Administrator at MCTF-MEID Member Atty. Voltaire dela Cruz, dalawang batas ang gagamitin upang estriktong ipatupad ang ... Read More »

P.5-M multa ng Vale LGU vs bus company (Sa paglabag sa physical distancing)

PINAGMULTA ng halos P.5M ang Metrolink Bus Corp., ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela nang makarating kay Mayor Rex Gatchalian ang mga retratong lumabag sa social/physical distancing habang bumibiyahe sa nasabing lungsod.   Gayonman, sa pakikipagpulong ni Gatchalian binigyan ng isa pang pagkakataon ang nasabing bus company para ayusin ang kanilang biyahe matapos umayon na parusahan ang mga lumalabag na driver ... Read More »

Walang face mask sinita… Kelot nakuhaan ng P346K shabu

ARESTADO ang isang lalaki matapos makuhaan ng mahigit sa P.3 milyon halaga ng shabu makaraang masita ng mga pulis dahil sa hindi pagsusuot ng face mask sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni Caloocan police chief Col. Dario Menor ang naarestong suspek na si Roger Werble, 45 anyos, driver at residente sa Block 34 Lot 1 Barracks St., ... Read More »

1 patay, 9 arestado sa search warrant

TODAS ang isang hinihinalang drug suspect matapos makipagbarilan sa mga pulis na nagsilbi ng search warrant sa kanyang bahay habang arestado ang live-in partner nito at walong iba pa kabilang ang isang menor-de edad sa Valenzuela city, kahapon ng madaling araw. Patay na nang idating sa Valenzuela City Emergency Hospital (VCEH) ang biktimang kinilalalang si Michael Franco, 48 anyos, residente ... Read More »

Kelot, kulong (Tumira ng bisikleta)

SA KULUNGAN bumagsak ng isang lalaki matapos magnakaw ng bisikleta sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ang naarestong suspek na si Timothy Dangan, 24 anyos, tambay, residente sa Fortune St., Barangay Palasan, ng nasabing lungsod na nahaharap sa kasong robbery. Batay sa ulat ng pulisya, dakong 3:30 am, nang maganap ang pagnanakaw ng bisikleta sa harap ng bahay ... Read More »

Mag-ama niratrat (Pinasok sa bahay)

PATAY ang mag-ama matapos pasukin sa loob ng kanilang bahay at pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang suspek na hinahanap ang manugang ng matandang biktima sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.   Dakong 11:00 pm, natutulog ang biktimang si Juanito Labarigo, 65 anyos, at ang 26-anyos anak na si Jericho sa loob ng kanilang bahay sa Jasmin St., Bicol Area Libis, ... Read More »

Scroll To Top