Saturday , December 5 2020
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Rommel Gonzales (page 3)

Author Archives: Rommel Gonzales

Feed Subscription

Matt Lozano, ipina-disinfect ang buong bahay

NGAYONG naka-recover na mula sa Covid-19 ang Kapuso singer na si Matt Lozano, priority naman niya ang pag-sanitize ng kanilang bahay.   Sa latest YouTube vlog ni Matt, ipinasilip niya ang pag-disinfect ng isang team sa kanilang bahay, pati na rin sa kanyang online food business na Lozano’s Kitchen.   Ayon kay Matt, siniguro nilang maayos na madi-disinfect ang kanilang tahanan. Ito rin ay upang masimulan ... Read More »

Jennylyn at Direk Dom, tinanggap ang award ng DOTS Ph

MATAPOS tanggapin ni Dingdong Dantes ang Asian Star Prize mula sa 15th Seoul International Drama Awards, sina Jennylyn Mercado at Direk Dominic Zapata naman ang tumanggap ng award ng  Descendants of the Sun bilang Most Popular Foreign Drama of the Year.   Sa pre-recorded speech nila, nagpahayag ang dalawa ng pasasalamat sa Seoul International Drama Awards committee.   Ayon kay Jennylyn na gumaganap bilang si Dra. Maxine, “I would like to thank Seoul International ... Read More »

Barbie, pinaiyak ni Rovilson Fernandez

SA recent episode ng Home Work, nagpa-sample si Barbie Forteza ng mga natutuhan niya mula sa online acting masterclass ng seasoned actress na si Cherie Gil. Ilang segundo lang ay nagawa nang umiyak ni Barbie, kaya napahanga niya ang host ng programa na si Rovilson Fernandez.   Kuwento ni Barbie, sumali siya sa acting class para maiwasan ang boredom habang naka-quarantine at para mas mahasa ... Read More »

Carla, takang-taka sa dahilan ng pagkakasakit

BAGO ang pandemic, sa presscon ng Love Of My Life early this year ay pinagkuwento namin si Carla Abellana tungkol sa pagkakasakit niya taong 2019.   “I did po, opo, mga mid to late 2019 po medyo nagkaroon po ako ng mga health scares, health issues, katulad ng asthma and then ‘yung Tachycardia ko po. Tachycardia is irregular heart beating po, mabilis po…rapid po ... Read More »

Dingdong Dantes, wagi ng Asian Star Prize sa Seoul International Drama Awards

ISANG panibagong parangal ang nakuha ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes matapos magwagi ng Asian Star Prize sa 15th Seoul International Drama Awards. Ang recognition na ito ay para sa kanyang mahusay at natatanging pagganap bilang Captain Lucas Manalo a.k.a. Big Boss sa local adaptation ng Korean drama series na Descendants of the Sun ng Kapuso Network. Sa kanyang acceptance speech, inialay ni Dingdong ang parangal sa lahat ng frontliners ... Read More »

Winwyn Marquez, ‘di alam ang ikikilos ngayong back to work na  

NAGSIMULA na ang taping ng cast ng upcoming GMA program na I Can See You. Kabilang sa bigating Kapuso stars na parte ng bagong handog ng GMA-7 ay sina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, Paolo Contis, Yasmien Kurdi, Andrea Torres, Benjamin Alves, at Winwyn Marquez. Excited itong nai-share ni Winwyn sa kanyang fans sa nakaraang Kapuso Brigade ZOOMustahan. Naikuwento rin niya na may takot pa rin siyang nararamdaman sa nakakapanibagong work ... Read More »

Paolo, makikipag-kumustahan kay Jose Mari Chan

CHRISTMAS vibes na agad ang hatid ng newest episode ng GMA Artist Center online show na Just In dahil makakakuwentuhan ni Paolo Contis ang tinaguriang Father of Philippine Christmas Music na si Jose Mari Chan ngayong Miyerkoles, (September 16). Masayang episode ito dahil pag-uusapan nila ang music career at trending Christmas memes ni Chan. ‘Wag itong palampasin sa Just In ngayong Miyerkoles, 8:00 p.m., sa GMA Artist Center YouTube channel at GMA ... Read More »

Cassy, ‘nanganay’ sa pagbuo ng sariling YT

SA isang video ng Legaspi family sa YouTube channel ni Carmina Villarroel, inanunsiyo ni Cassy Legaspi na malapit na siyang mapanood sa kanyang sariling YouTube channel. Kuwento ni Cassy, “I’m just settling things. Pero most likely, I would say second or third week of September.” Ipinaliwanag naman ni Carmina kung bakit nahihirapan ang kanyang anak sa pag-asikaso ng kanyang channel. “Medyo busy din siya because aside from taping ‘Sarap, ‘Di Ba? ... Read More »

Marian, awang-awa sa bunsong anak na si Ziggy

DAHIL anim na buwan na ang quarantine bunga ng Covid-19 pandemic, tinanong namin si Marian Rivera (via our latest Zoom interview with GMA’s Primetime Queen) kung kumusta sila ng mister niyang si Dingdong Dantes na lagi silang magkasama sa bahay. “Okay kaming dalawa, never kaming nag-away, lambingan nga kami araw-araw.   “Pero, may space pa rin siya at may space rin ako. Ito ang ... Read More »

Yasmien, excited makauwi after ng lock-in taping

MASAYA at proud na ipinasilip ni Yasmien Kurdi ang ilang behind-the-scene photos mula sa kanilang lock-in taping para sa bagong program ng Kapuso Network na I Can See You: The Promise. Sa kanyang Instagram post, makikitang may suot siyang face shield, nagpasalamat si Yasmien sa maingat na pagtatapos ng kanilang lock-in taping. “Done. THANK YOU, LORD! ayyiiieee uwian na, natapos din namin! pagkatapos ng ilang araw na ... Read More »

Anthony Rosaldo, may patikim sa YouTube 

KATULAD ng maraming celebrities, may bagong natutuhang skill ang Kapuso performer na si Anthony Rosaldo ngayong quarantine. Ipinakita niya ito sa fans sa YouTube channel niya na E-Sing Lutuin. Kuwento ni Anthony, “Sa mga nagdaang months ngayong quarantine, isa sa unlocked skills ko ang pagluluto na natutuhan ko sa kakapanood ng cooking videos online. Kaya naman na-inspire akong i-share sa inyo ang skill na ito.” Unang pinag-eksperimentuhan ... Read More »

Manilyn at Arthur, balik-taping na sa Pepito Manaloto

MAS sasaya ang inyong “ber” months dahil balik-taping na ang cast ng award-winning comedy sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento para sa kanilang fresh episodes. Sa kanyang Instagram ay ipinasilip ni Manilyn Reynes (Elsa Manaloto) ang behind-the-scene photo nila ng co-star na si Arthur Solinap (Robert). Mapapansin na habang hindi pa nakasalang sa camera ay maingat ang dalawa na nakasuot ng face mask at sinusunod ang ... Read More »

Kyline Alcantara, nasorpresa sa kanyang debut

NAGDIWANG noong September 3, ng ika-18 kaarawan si Kyline Alcantara. Bagama’t hindi natuloy ang sana’y engrandeng selebrasyon ng debut niya, hindi ito naging hadlang para sa mga taong malapit kay Kyline na sorpresahin ang dalaga sa kanyang special day. Nagkaroon ng surprise “quarantined party” ang aktres na inorganisa ng mga kaibigan at pamilya niya sa industriya. Buong akala ni Kyline ay may ... Read More »

Sleepless nina Glaiza at Dominic, nasa Netflix na

ISA na namang hit local film ang napapanood ngayon sa video streaming platform na Netflix, ang Sleepless na pinagbidahan ng Kapuso stars na sina Glaiza de Castro at Dominic Roco. Directed by Prime Cruz, isinasalamin ng pelikula ang buhay ng isang call center agent. “I’m very excited about ‘Sleepless’ premiering on Netflix because it’s finally going to have a chance to be seen by more people. That’s every director’s dream, I think–to ... Read More »

Jasmine, lalong na-inspire dahil sa Seoul International Drama Awards

TINIYAK ng Descendants of the Sun actress na si Jasmine Curtis-Smith na nakahanda siyang mabuti sa muling pagsabak sa taping para sa primetime series ng GMA.   Ayon sa aktres, pinalakas niya ang kanyang resistensiya sa pamamagitan ng pagkain ng wasto at regular na pag-e-exercise.   Aniya, “If you take care of your health, you take your vitamins, you exercise regularly, you really are present sa ... Read More »

Coney Reyes, ipinasilip ang quarantine make-up look

HAPPY at proud na ibinahagi ng seasoned actress na si Coney Reyes ang kanyang quarantine make-up look simula nang ipatupad ang lockdown noong Marso.   Ayon sa Love of my Life actress, ito ang unang beses na nakapaglagay siya ng make-up matapos ang ilang buwang pananatili sa bahay.   Sa kanyang Instagram post noong Linggo, ipinasilip ni Coney ang kanyang naging look. Aniya, “First time in what – ... Read More »

Eugene, ‘di umatras sa hamon nina Sanya at Gardo

IPINASILIP ni Eugene Domingo ang kanilang naging taping sa ilalim ng new normal para sa panibagong fresh episode ng Dear Uge Presents. Sa ipinost na Instagram video ng aktres, mapapansin na nakasuot ng face masks at maingat na sinusunod ng production crew ang social distancing. Aniya, “Working on fresh episodes for Dear Uge Presents, this time with our cupcake @gardo_versoza and the lovely @sanyalopez.”  Sa fresh ... Read More »

Glydel, Rochelle, Arra, Thea, at Jean Garcia, ‘di patatalo sa kahit anong laban

TULOY-TULOY ang programa ni Vicky Morales na Wish Ko Lang! sa pagpapalabas ng mga bagong episode tuwing Sabado. Ngayong buwan, Winner September ang tema ng Kapuso public affairs show na tampok ang apat na kuwento ng mga kababaihang hindi patatalo sa kahit anong laban.   Winner din ang mga artistang bibida sa bawat episode tulad nina Glydel Mercado, Rochelle Pangilinan, Arra San Agustin, Thea Tolentino, at Jean Garcia.   Maganda ... Read More »

Mukha ng Lockdown: Food Diaries, inaabangan

MARAMI ang naku-curious kung sino ang magiging mukha ng  Lockdown: Food Diaries na mapapanood sa GMA-7 soon. Sa mga promo ay puro silhouette pa lang ng host ang makikita.   Tampok sa Lockdown: Food Diaries ang mga kuwentong napapanahon at busog sa impormasyon. Siyempre, related pa rin sa current events ang  palabas. Ang tanong nga sa mga inilabas na teaser, “paano nga ba binago ... Read More »

Rayver at Janine, nagtitiyaga sa zoom at facetime

MARAMING couples ngayon ang napilitang mag-long distance relationship bilang pag-iingat na rin sa Covid-19 at isa na rito sina Rayver Cruz at Janine Gutierrez.  Ibinahagi ni Rayver kung paano nila pinananatiling matatag ang kanilang relasyon kahit malayo sa isa’t isa. Aniya, “Mas sa Zoom kami ngayon at sa Facetime. Kailangan kasi safe pa rin ang lahat. Noong nag-GCQ mas nakabibisita na ako and ‘pag ... Read More »

Jak, namamangha sa malalakaing eroplano; Barbie, gustong maging crime scene analyst

SPECIAL guest muli sa latest YouTube vlog ni Jak Roberto ang girlfriend niyang si Barbie Forteza. Habang nagluluto, nagkaroon ng mini Q&A ang dalawa at natanong ni Barbie kung ano ang pangarap na trabaho ni Jak kung hindi siya artista. Sagot ng aktor, “Noong bata ako gusto ko maging pilot, kasi naa-amaze ako sa malalaking eroplano. Noong natuto naman ako magluto, kasi tinuturuan ako ng mommy ... Read More »

Alden at Janine, nominado sa 43rd Gawad Urian

NOMINADO sina Alden Richards at Janine Gutierrez bilang Best Actor at Best Actress sa ika-43 Gawad Urian na gaganapin sa Oktubre. Nominado si Alden bilang Best Actor para sa pelikulang Hello, Love, Goodbye, habang nominado naman bilang Best Actress si Janine para sa  Babae at Baril. Highest grossing Filipino film ang Hello, Love, Goodbye na isa sa mga bida si Alden. Samantala, kabilang naman sa 2019 QCinema International Film Festival ang Babae at Baril na napalanunan ni Janine ang kanyang ... Read More »

Julie Anne San Jose, may patikim para sa bagong single

MUKHANG very inspired ngayon si Julie Anne San Jose sa kanyang music career dahil may isa na naman siyang upcoming single na pinamagatang Try Love Again. May patikim ang multi-awarded singer at songwriter sa kanyang Instagram post tungkol dito na “new track,” kasama ang litrato ng magiging single cover. Dahil dito, na-excite muli ang fans ni Julie na laging nakaabang sa mga ganap niya at miss ... Read More »

Rita Daniela, nagbigay-pugay sa kanyang ina

ISANG touching birthday message ang ibinigay ng All-Out Sundays mainstay na si Rita Daniela para sa kanyang ina na si Rosanna Iringan. Matatandaang ibinahagi ni Rita ang pinagdaraanang pagsubok ng ina na kasalukuyang nagpapagaling sa sakit na breast cancer. Ipinost ni Rita ang kanyang mensahe sa ina sa kanyang Instagram na sinamahan ng mga litrato nilang dalawa. Aniya, “di man tayo kumpleto sa kaarawan mo pero alam kong ... Read More »

My Love From Another star, malapit nang mag-landing sa GMA

EXCITED na ang fans ni Nadech Kugimiya sa bagong show na hatid ng GMA The Heart of Asia, ang My Love From Another Star. Base sa comment sections ng Facebook at Twitter accounts ng Heart of Asia, marami ang nagsabing matagal na nilang wish na mapanood ang Thai drama. Looking forward na rin silang muling mapanood si Nadech sa isang rom-com series. Malapit na malapit na iyan sa GMA ... Read More »

Scroll To Top