Sunday , August 9 2020
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Rommel Gonzales (page 2)

Author Archives: Rommel Gonzales

Feed Subscription

Lotlot, nilasing ni Janine

NAPASABAK sa Truth or Drink challenge si Lotlot de Leon sa latest vlog ng anak niyang si Janine Gutierrez.   Sa vlog ng Kapuso star, pinag-usapan nila ang mga karanasan ni Lotlot bilang isang young mom pati na rin ang kanyang komento sa mga naging ex ng kanyang anak.   Pati ang netizens ay maraming natutuhan sa words of wisdom ni Lotlot.   Ayon kay Kariza ... Read More »

Megan at Mikael, ayaw ng joint account

NAKAGUGULAT para sa ilan ang ibinahaging paraan nang pagba-budget ng Kapuso couple na sina Megan Young at Mikael Daez sa latest episode ng kanilang podcast na #BehindRelationshipGoals.  Habang ang ibang married couples ay may individual at joint accounts, pinili nila Mikael at Megan na magkaroon ng magkahiwaly na accounts. Ang kay Mikael ay ginagamit nila para sa lahat ng expenses gaya ng credit card bills, groceries, at ... Read More »

DJ Loonyo, dumepensa nang akusahang pa-victim

NITONG Sabado ay ipinalabas sa Magpakailanman ang life story ni DJ Loonyo.   Pero ilang sandali matapos itong umere ay nag-post sa kanyang Facebook account ang ex-girlfriend ng dancer/choreographer at tinawag ito na “pa-victim.”   Isang open letter para kay DJ Loonyo ang inilabas ng babae na nagdetalye tungkol sa kanilang relasyon, mula sa ligawan hanggang hiwalayan noong siyam na buwang buntis siya, hanggang sa ... Read More »

Jon, Prince, at Anthony, nakipag-online bonding sa fans

NAKIPAG-BONDING online ang mga Kapuso artist na sina Jon Lucas, Prince Clemente, at Anthony Rosaldo kasama ang kanilang  fans sa Kapuso Brigade Fan Meet.   Ang online bonding ay pasasalamat na rin ng tatlo sa patuloy na suportang natatanggap nila mula sa kanilang fans. Kaya naman game na game silang nakipag-kulitan sa kanilang Zoom video conferencing.   Nagbigay ng health and fitness tips ang Descendants of the Sun actors ... Read More »

Ruru Madrid, ka-fashion style ni Taehyung

MARAMING Kpop fans ang nakapansin sa mirror selfie ni Ruru Madrid na tila naging kamukha ng style ng suot ng sikat na BTS member na si Kim Taehyung.   Umani ng higit 58,000 likes mula sa fans ang nasabing photo na nakasuot si Ruru ng all-black na oufit.   Nagpasalamat naman ang aktor sa suporta sa pamamagitan ng isang tweet, “I would like to express my ... Read More »

Baby Skye nina Max at Pancho, iyakin

VERY happy ngayon ang Kapuso couple na sina Max Collins at Pancho Magno dahil kasama na nila ang kanilang baby boy na si Skye Anakin.    Very hands-on sila at maraming nadidiskubreng bago sa kanilang anak. “Iyakin siya and he’s also very interested in lights and sounds,” kuwento ni Max.   Dagdag ng aktres, itutuloy niya ang pagbi-breastfeed kay Baby Skye hanggang sa abot ng kanyang makakaya.   Kuwento ... Read More »

Rhian, nami-miss na ang anak sa Love of my Life

MASUNURIN at matalino kung ilarawan ni Rhian Ramos ang kanyang ‘anak’ na si Gideon na ginagampanan ni Ethan Hariot sa pinagbibidahang GMA series na Love of my Life.    Aniya, “Napakalambing n’ya with his mom. He’s such an intelligent boy and you can tell kasi ang dami niyang tanong.”   Sa kanyang online get-together na #LetsTalkLove kamakailan, ikinuwento ni Rhian ang isa sa mga ame-miss niyang memory kasama si Ethan.   “Naaalala ... Read More »

Rita, may make-up tutorial sa fans

MARAMI ang humanga sa aura ni Rita Daniela. Ang lakas kasi ng dating nito lalo na tuwing humaharap sa camera at kitang-kita rin sa selfies niya na ipino-post online. Kaya naman, hindi maiwasan ng mga fan na magpaturo kung paano mag-ayos ng sarili.   Pinagbigyan naman ito ni Rita via her No Makeup Makeup look tutorial video sa kanyang YouTube channel. Ipinakita niya rito ang ilan ... Read More »

Jak, na-challenge sa new normal taping

KUMUSTA ang buhay-quarantine ni Jak Roberto?   “Ayun Zoom meeting-zoom meeting. Karamihan like AOS, ‘All-Out Sundays,’ nagla-live kami via Zoom lang din, eh. ‘Yung mga meeting namin before mag-live, rito lang din sa Zoom. Sa mga guesting naman like sa ‘MARS,’ kami na ‘yung kumukuha niyong mga shot ng pagkain, halimbawa nagpe-prepare kami, tapos ‘yung mga interview, meeting lang ulit sa ... Read More »

Online acting class ni Gladys, tagumpay

SA bahay muna ang birthday celebration ng unica hija ni Gladys Reyes na si Aquisha.   Sa kanyang Instagram account ay ipinost ng aktres ang naging celebration at handa nila para sa 12th birthday ni Aquisha. Ilan sa mga pinagsaluhan nila ay cake, fruit smoothies, baked sushi at iba pa. Kaya naman hindi nakalimot ang aktres na pasalamatan ang lahat ng bumati sa anak at nagluto ... Read More »

Aicelle, ginambala ng mga gamo-gamo

TULAD ng mga naka-work-from-home ngayong Covid-19 pandemic, nakaranas din ang Kapuso singer na si Aicelle Santos ng challenges sa kanyang set-up sa pagtatrabaho.   Sa kanyang Instagram video ay ipinakita ni Aicelle ang mga pangyayari habang siya ay kumakanta sa kanilang bahay para sa All-Out Sundays. Sa gitna kasi ng kanyang shoot ay nilalapitan siya ng mga gamo-gamo kaya naman kinailangan siyang tulungan ng kanyang asawang si Mark ... Read More »

Collab nina Julie Anne at Gloc-9, nangunguna sa music charts

TRENDING ngayon sa music charts ng iba’t ibang streaming platforms ang latest single ng Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose na  Bahaghari tampok ang award-winning rapper na si Gloc-9. Nabuo ang makahulugang collaboration na ito nina Julie Anne at Gloc-9 sa pamamagitan ng palitan ng e-mails.   Pinusuan ng netizens ang kantang ito na naghahatid ng inspirasyon at pag-asa sa gitna ... Read More »

Mga pelikula ni Paolo, nasa Netflix na

SIGURADONG maaaliw na naman ang netizens sa latest vlog ni Paolo Contis sa kanyang YouTube channel na ipinakita niya ang isang karaniwang araw sa buhay nila ni LJ Reyes at ng kanilang pamilya. Siyempre, may kakaibang twist na naman ang vlog dahil gusto ni LJ na magpalit sila ng mga gawaing bahay.   Bukod dito, inanunsiyo rin ng aktor sa kanyang Instagram account na available na sa video ... Read More »

Zia, marunong nang maghugas ng kubyertos

KAY sarap panoorin ng latest video ni Marian Rivera na makikitang isa siyang proud mom sa masipag niyang panganay na si Ate Zia. Sa IG story ng aktres, ipinakita niyang naghuhugas ng kubyertos ang anak habang suot ang cute na pink apron. Marami ang humanga kay Marian sa paggamit ng panahon na ito para turuan ang mga anak ng mga gawaing bahay. Naikuwento ni Marian ... Read More »

Camille at Iya, may bagong handog sa Mars Pa More!

TIYAK na matutuwa ang mommies sa magandang balitang hatid ng Mars Pa More! hosts na sina Camille Prats at Iya Villania sa kanilang avid viewers.   Sa July 27 ay may fresh at special episodes ang morning talk show para sa pagdiriwang ng kanilang 1st anniversary.   Sa Instagram story ni Iya ay ipinasilip niya ang kanyang work from home set-up na makikita ang cute na anak niyang si Leon na naglalaro ... Read More »

Mommy Elsie, napaiyak sa frank ng apong si Andre

NAGMANA si Andre Yllana sa kahusayan bilang actor sa inang multi-awarded actress at Prima Donnas star, Aiko Melendez.   Nasaksihan ito ng maraming nanood sa Youtube channel ni Aiko na isang prank ang ginawa ng akres at anak kay Mommy Elsie Castaneda.   Ang prank ay ang pagpapaalam ni Andre na lilipat na tirahan para makapamuhay ng solo.   “Aalis na ako,” umpisang sabi ni Andre habang kumakain silang ... Read More »

Benjamin Alves, walang planong maging copy cat ni Piolo

IMPORTANTE ba kay Benjamin Alves ang acting award? Nasa bucket list ba niya ang magkaroon ng acting award?   “Hindi naman. Ang hirap po kasing sabihin na hindi siya importante. Parang magsisinungaling po tayo ‘pag sinabi nating hindi importante, parang ano po ‘yan eh, parang sa trabaho, kahit anong trabaho parang naghahanap ka ng kahit…’yung recognition na nagagawa mo ng maayos at ... Read More »

Andrea Torres, bumilib kay Lauren Young

NAGING eye-opening at malaman ang discussion sa latest episode ng  How Do You Feel: Usapang Artista tampok ang mga aktres na sina Janine Gutierrez, Andrea Torres, Mikee Quintos, Thia Thomalla, Athena Madrid, Lauren Young, at Cai Cortez.    Pinag-usapan nila ang ukol sa womanhood at kung paano nila ito ginagampanan sa kani-kanilang roles.   Kuwento ni Andrea, humanga siya sa mga sinabi ni Lauren ... Read More »

Ken Chan, may new normal message

Ken Chan

UMAASA si Ken Chan na makapaghahatid ng magandang mensahe ang kaniyang ‘new normal’ video na ibinahagi niya sa social media.   Tampok dito ang kanyang day-to-day activities na nais niyang ugaliin din ng publiko para manatiling ligtas mula sa pandemic.   Sa caption, mayroon ding touching message si Ken para sa mga minamahal na kababayan na sa ngayon ay higit na apektado ... Read More »

Janine at Rayver, sumabak sa Can’t Say No challenge

HINDI inurungan ni Rayver Cruz ang inihandang challenge para sa kanya ni Janine Gutierrez.   Sa latest vlog ng aktres, ginawa nila ang Rayver Can’t Say No Challenge.   Game na game si Rayver sa mga ipinagawa ni Janine katulad ng paliguan ang kanyang pet dog, ipagluto siya ng dumplings, ipagbukas siya ng butong pakwan at iba pa.   May isa nga lang challenge na ... Read More »

Rita, muntik nang iwan ang showbiz

NAKATAKDA na sanang mag-migrate sa ibang bansa si Rita Daniela at iwanan ang showbiz career bago dumating ang naging big break niya sa GMA Afternoon Prime drama series na My Special Tatay.   Sa exclusive interview ng GMA Network, ibinahagi ng aktres na hindi niya inaasahang mamahalin ng mga manonood ang mga karakter sa nasabing serye.   “Bago ko po nakuha ‘yung role na Aubrey, akala ko ... Read More »

Sheena, sobra ang sungit habang naglilihi

PROUD si Sheena Halili sa supportive husband niyang si Atty. Jeron Manzanero.   Sa pamamagitan ng Instagram post, nagpasalamat si Sheena sa pagmamahal ng kanyang asawa.   Aniya, “Sa aking napakabait at supportive na asawa. Throwback photos naten oh. Mula nu’ng nag-date pa lang tayo at lahat ‘yan first. First out of the country trip [Singapore], first road trip, first time mo akong isama sa work, ... Read More »

Derrick Monasterio, may bagong ‘baby girl’

TOTOO nga ang balitang may bagong “baby girl” si Derrick Monasterio. Ito ay walang iba kundi ang four-month-old niyang pet na isang Labrador. Dahil tuloy ang fitness routine ni Derrick kahit pa naka-quarantine, kasa-kasama ng aktor ang alaga sa kanyang pag-eehersisyo. “She’s a four-month old Labrador. Malaki na siya noong na-meet ko so ‘di niya ‘ko kilala noong una. Tumatakbo rin siya, ... Read More »

Kris Bernal, may pa-shout out sa maliliit na business owners

NAPAKA-GOOD samaritan ni Kris Bernal sa mga kapwa niyang nagma-manage ng mga negosyo na humaharap sa krisis ngayong may Covid-19 pandemic. Sa isang Instagram post, ikinuwento niya na naglalaan siya ng panahon para tulungan ang mga lumalapit sa kanya na small business owners, ”I’ve been taking on some free small business shout outs to help out anyone whose business has been struggling during these times. ... Read More »

Maine Mendoza, nagkapasa nang mahulog sa railing

NAG-TRENDING ang “Hala, nahulog!” video ni Maine Mendoza dahil aksidente siyang nahulog nang subukang mag-slide sa railing habang nagho-host ng Bawal Judgmental sa set ng Eat Bulaga noong June 27. Gulat na gulat ang ibang dabarkads at staff ng programa nang magdire-diretso si Maine pababa na naging sanhi ng kanyang malaking pasa sa bandang tuhod.   Kahit pa man nasaktan, ginawa na lang din ni Maine na katawa-tawa ... Read More »

Scroll To Top