Friday , April 26 2019
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Roldan Castro (page 30)

Author Archives: Roldan Castro

Feed Subscription

Padilla brothers, ‘di nagbi-brief; Daniel, tuturuan na rin ng tradisyong ito

CLOSE talaga ang magtiyuhing Robin at Daniel Padilla. Magbarkada ang turingan nila. Aminado si DJ (tawag kay Daniel) na malakas si Robin sa kanya kaya ‘pag iniimbita ni Mariel Rodriguez ang Teen King, dumarating talaga ito. Sey din ni Robin na kunsintidor siya kay DJ .Nang tanungin naman  sa Gandang Gabi Vice si Daniel kung saan siya kinukunsinti ni Binoe, ... Read More »

Vic at Pauleen, 2 raw ang magiging anak

NATAWA kami sa Juan for All, All for Juan ng Eat Bulaga dahil hinulaan ng isang babaeng sinugod ang bahay na magkakaroon pa ng dalawang anak si Vic Sotto. “Pauleen, alam mo na?,” napapangiting reaksiyon ni Vic. Hinulaan din si Maine Mendoza na apat ang magiging anak nila ni Alden Richards. “Hindi, tatlo lang,” bulalas ni Maine. Talbog! TALBOG – ... Read More »

25 sa 34 awards, nakuha ng ABS-CBN sa USTv Awards

WALA pa ring tatalo sa ABS-CBN sa larangan ng pagprodyus ng mga programa sa telebisyon na angkop para sa pamilya at nagpapalaganap ng family values. Ang nangungunang media and entertainment na kompanya sa bansa ang hinirang na Student Leaders’ Choice of TV Network for Promoting Family-Oriented Values sa ika-12 na USTv Awards, na idinaos noong huling linggo sa loob ng ... Read More »

Sunshine at Cesar, nagkakainitan na naman

BUMUBULA na naman ang bibig ni Sunshine Cruz sa dating asawa na si Cesar Montano. Nagkakainitan na naman sila. Mukhang si Cesar ang tinutukoy ni Shine sa kanyang post sa Facebook  na, “Pampa-good vibes sa mga panahong may nagpapa- bibo.” May pinasalamatan kasi si Shine na isang movie writer na naka-attach ang artikulo tungkol sa sagot niya sa bagong panayam ... Read More »

Melai at Pokwang, posibleng magkasira

SINO kaya ang sinasabi ni Melai Cantiveros na magkakabalikan sa We Will Survive? Buong ningning niyang sinasabi sa Facebook Live habang nag-aayos ng mukha para sa taping ng afternoon series na We Will Survive. Tuluyan kasing  makatatakas si Maricel (Melai) mula sa pagpapahirap ng kanyang mapang-abusong employer at nalalapit nang makita ang anak niyang naiwan sa Pilipinas. Matapos mapagtagumpayan ang ... Read More »

Goin’ Bulilit, nasa HongKong Disneyland

ASTIG ang Goin’ Bulilit ngayong Linggo dahil sa HongKong Disneyland kinunan ang kanilang episode. Hanep ang musical ng all star cast dahil kasama sina Mickey at Donald. Nandiyan din ang mga segment na Disneyland gags, sketch—Pinoy ang turista sa Disneyland kung… , Hindi mahilo skit, Moosegear Intrusion, Ngiti sketch, Visual running gag—Darth Vader, at  Mapa Skit. TALBOG – Roldan Castro Read More »

Alden, inire-request na ipalit kay Maine sa sugod bahay

INIYAKAN  ni Maine Mendoza ang panghihipo at pangungurot  sa kanya sa sugod bahay ng All For Juan, Juan For All ng Eat Bulaga. Ang ganitong pangyayari ay hindi talaga maiiwasan  at nai-experience ng mga artista mapababae o lalaki  lalo na ‘pag sobrang dami ng tao at hindi na nakakayanan ng security. At least, mas dapat tutok ang security ngayon kay ... Read More »

Gerald, nawiwirduhan daw kay Bea

AMINADONG nailang at weird ang pakiramdam ni Gerald Anderson na maging leading lady si Bea Alonzo. Si Direk Dan Villegas ang director nila sa nasabing pelikula na wala pang titulo. Natural lang naman daw ang ganoong pakiramdan lalo na kapag bago ang makakasama. Pero kahit na-link sila rati ay ready siya sa ganitong pagkakataon na magkakasama sila sa isang project. ... Read More »

Mark, nagrebelde, mas priority na si Pastillas Girl

TOTOO bang nagrerebelde na si Mark Neumann at gustong umalis sa bahay ng manager dahil kay Pastillas Girl (Angelica Jane Yap)? Iisa lang ang manager ng dalawa at balitang nagkagustuhan daw ang dalawa. Nasasakal na nga ba talaga si Mark sa pamamalakad ni Gio Medina? Instead na career ang priority ni Mark ay mas focus daw ngayon kay Pastillas Girl. ... Read More »

Meg, minaldita ng isang starlet

MAGANDA ang aura ni Meg Imperial na napapanood sa TV5 Primetime soap na Bakit Manipis ang Ulap at sa Sunday variety/ game show na Hapi Truck Happinas. Ayaw niyang mag-entertain ng mga negang isyu lalo na sa isang starlet na minamaldita siya. Wala naman sa tipo ni Meg ang makipag-away at mam-bully ng kapwa niya artista. ”Love…love..love” na lang ang ... Read More »

Jeric, super iwas pag-usapan ang video scandal

UMIWAS ang Kapuso hunk na si Jeric Gonzales sa presscon ng  serye nito dahil  ayaw maurirat sa kanyang video scandal. Nakarating na rin sa kanyang leading lady na si Thea Tolentino pero hindi raw nila pinag-uusapan. Ramdam daw ni Thea na iwas si Jeric na pag-usapan ‘yun. Hindi rin daw siya nagtankang panoorin ito. Hindi raw niya kayang panoorin ang ... Read More »

Joshua, madalas mapagkamalang si Alden

“MASAYA na rin ako kasi si Alden (Richards) na ‘yan, eh,” reaction ng Kapamilya bagets actor na si Joshua Garcia. “Okey lang sa akin kung ‘yun ang nakikita nila,” sey pa niya nang makatsikahan namin sa contract signing niya bilang bagong endorser ngBNY. Marami kasi ang nagsasabi na kamukha niya si Alden Richards. Pero ayon sa owner ng BNY hindi ... Read More »

Shaina, 3rd party sa hiwalayang Derek at Joanne?

BALITANG split na si Derek Ramsay sa kanyang model girlfriend na si Joanne Villablanca. How true na nasasakal na si Derek sa GF dahil lagi raw itong nakabuntot? Lagi raw guwardiyado si Derek. Totoo rin bang si Shaina Magdayao ang isa sa dahilan ng hiwalayan dahil nagselos si Joanne? Magka-partner kasi sina Derek at Shaina sa pelikulang My Candidate na ... Read More »

Daniel, gusto na raw magka-anak

“GODBLESS.” Ito ang reaksiyon ng rumored girlfriend ni Daniel Padilla na si Kathryn Bernardo sa biro ng Teen King na, “Ngayong 21 na ‘ko puwede na akong mag-anak.” Bagamat na-shock ang audience sa deklara ni DJ sa Himig Handog, hindi maitatatwa na ganap na siyang binata sa kanyang edad at puwede na rin siyang magka-baby kung gugustuhin  niya. Malaki na ang ... Read More »

Sino kaya ang mananaig sa tapatang Jen-Lloydie at JaDine?

MARAMI ang nalungkot na magtatapat ang pelikula nina John Lloyd Cruz-Jennylyn Mercado (Just The 3 Of Us) at ang kina James Reid at Nadine Lustre(This Time). Tiyak na may masasaktan sa salpukan na ito. May maurong kaya at magbibigayan sa playdate na ito? May napatunayan na sa takilya ang JaDine samantalang susubukan pa lang ang unang tambalan nina JLC at Jen. Although, parehong kumikita ang romcom ... Read More »

Derm clinic na nagbabalandra ng billboard ni Arci, idedemanda

PIKON na pikon na pala si Arci Munoz  sa isang derma clinic dahil wala umanong permiso na gamitin sa billboard ang larawan niya at doon sa caption na  ipinaayos ang isang part ng katawan pero hindi naman niya ipinagawa. Nakiusap daw siya na tanggalin ‘yun dahil mga kaibigan naman niya ang mga tao roon pero hanggang ngayon ay nakakabit pa ... Read More »

That’s My Bae, kaya raw talunin ng Bae Alert

MAY karibal na ang That’s My Bae ng Eat Bulaga dahil may isa pang grupo na binuo at tinawag na Bae Alert.  Sila ay mga semi-finalist din ng That’s My Bae na pinagsama-sama composed by Jay L Dizon, Daniel Aquino, Sky Cornejo, JV Suzara, Ray Cataluna, at Josh Ward. Bagamat tinitilian sila ‘pag nakikita sa mga show at may kakaibang ... Read More »

Melai, ‘di totoong siya ang bumubuhay sa kanila ni Jason

NAKARE-RELATE si Melai Cantiveros sa friendship nila ni Pokwang sa We Will Survive. Sa totoong buhay kasi ay natagpuan din niya ang totoong friendship kina Angelica Panganiban, Alex Gonzaga, Maja Salvador , Jolina Magdangal, Nyoy Volante, Edgar Allan Guzman, Maxene Magalona, Kim Chiu, Cacai Bautista,at Jay-R. Hindi na raw niya mabanggit lahat pero hindi rin niya akalain na magiging komportable ... Read More »

Kasal ni Solenn sa foreign BF nabuko dahil sa wedding banns

NAILANTAD na ang nakatakdang Church wedding ng actress-model na si Solenn Heussaff sa kanyang fiancé na si Nicolas Alejandro Bozico dahil sa wedding banns. Ito ay nakalagay sa bulletin board ng Sanctuario De San Antonio Parish Church sa Forbes Park, Makati City. Ang wedding banns ay ‘yung obligadong ipaskil ang iskedyul ng kasal ng magnobyo sa kanya-kanyang parokya. Ito ay ... Read More »

Teleserye nina Maine at Alden, ‘di na tuloy

HINDI naman talaga bubuwagin ang AlDub kahit hindi sila magkasama sa teleseryeng My Love From The Stars. Nariyan pa naman ang kalyeserye nila saEat Bulaga at may announcement na rin sila na gagawa ng sariling pelikula. Balitang dumadaan ang AlDub sa workshop bago nila simulan ito. Inire-revise rin daw ang script ng kanilang movie. Nag-celebrate na ang AlDub ng kanilang ... Read More »

Angel at Jen, pinag-aaway dahil sa Darna

NAKAKALORKY ‘yang Darna na ‘yan dahil habang may tsismis na si Bela Padilla na umano ang napipisil na gaganap, nag-aaway din ang fans nina Angel Locsin at Jennylyn Mercado. May nag-suggest kasi at request nila kay Direk Erik Matti na si Jen na lang ang gawing Darna dahil super sexy at mas bata kay Angel. Hindi tanggap ‘yun ng fans. ... Read More »

Lloydie, unang nakatikim sa labi ni Jen

SI John Lloyd Cruz ang  nakabinyag sa labi ni Jennylyn Mercado sa screen. Hindi na iyo. matandaan ni Lloydie at nagulat pa siya  sa rebelasyon ni Jen sa press visit ng pelikula nilang Just The 3 Of Us na nagkasama na sila noong extra pa siya at hindi pa sumali sa Starstruck. Nakaeksena niya si JLC sa seryeng Kay Tagal ... Read More »

Rey, sinuportahan ng mga kaibigan

DUMATING ang mga supporter at mga kaibigan ni Rey Langit sa A Heavenly Night Of Music With Rey and Friends na ginanap sa Believue Hotel, Alabang. Dumalo at kumanta sina Carmen Soriano, Victor Wood, Champ Lui Pio, Bigg X (Beatbox), Shipwreck Band atbp.. Marami ang nagbigay ng suporta kay Rey sa muling pagtakbo niya sa Senado. ‘Pag naluklok siya ay ... Read More »

Kathryn, Asia’s Emerging Movie Queen na ang bagong titulo

NOONG March 26 pa ang kaarawan ng Teen Queen na si Kathryn Bernardopero tuloy-tuloy pa rin ang selebrasyon dahil sa rami ng mga nagmamahal sa kanya. Isang post birthday party-presscon ang inihanda ng KB Buddies (solid fans club niya) sa pangunguna ng founder na si Ate Long Gumatay sa La Reeve Events Place sa Sgt. Esguerra. Ang dami talagang nag-effort ... Read More »

Antoinette, masaya sa ‘cut off time’ na ipinatutupad ng Dos

MASAYA at nagpapasalamat si Antoinette Taus sa pagbabagong naganap sa TV production ng ABS-CBN 2. ‘Yung dating two days na taping ng MMK ay nagiging tatlong araw na para mapangalagaan ang kalusugan ng mga artista at staff ng production ng Kapamilya Network. Kahit magkagastos ang netwok sa dagdag na araw ay hindi na nila alintana para mawala ang tinatawag na ... Read More »

Scroll To Top