Saturday , April 20 2024

Reggee Bonoan

Sharon nag-US para magpa-Covid vaccine

MAGPAPA-COVID-19 vaccine ba si Sharon Cuneta-Pangilinan sa Amerika kaya siya umalis noong nakaraang gabi? Marami kasi ang nagulat sa biglaang pag-alis ni Sharon patungong Amerika na inakalang may pinagdaraanan na naman sa pamilya niya. Oo nga nakagugulat dahil ang saya-saya naman nila ng asawang si Senator Kiko Pangilinan kasama ang mga anak during their 25th wedding anniversary. Naging emosyonal lang noong nakausap ng Megastar …

Read More »

Meteor Garden muling napapanood sa iWantTFC

NAPABALIK-TANAW ang Pinoy fans sa ika-18 taon ng unang pag-ere sa Pilipinas ng kinabaliwang Asianovela na Meteor Garden nang dagsain nila ng comments ang social media post ng iWantTFC na ipinagdiwang ang anibersaryo ng show. Kasalukuyang napapanood ng libre sa Pilipinas ang Tagalized version ng orihinal na Mateor Garden sa iWantTFC pati na rin ang bagong Asianovela ni Jerry Yan na Count Your Lucky Stars. Pahayag ni Carolyn Castiotos, ”I …

Read More »

Madir ni Bea naloka, may inaming nakalambutchingang actor sa kotse

ANG tanong ng marami, sino kayang aktor ang kalambuchingan ni Bea Alonzo sa Never Have I Ever episode na inamin niya na ikinagulat ng nanay niyang si Ginang Mary Anne Ranollo na in-upload sa YouTube channel ng aktres nitong Mother’s Day. Puring-puri nina Ogie Diaz at Mama Loi sa kanilang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update ang mag-inang Bea at Mary Anne na laging nagba-bonding sa channel ng aktres. Tulad nitong Mother’s day, …

Read More »

Pinoy movies at digital concert tampok sa iWantTFC 

KAABANG-ABANG ang mga palabas ngayong Mayo at Hunyo sa iWantTFC dahil mapapanood ng mga Pinoy kahit saang bahagi ng mundo ang pinakahinihintay na digital concerts at bagong Pinoy movies. Sayawan at kantahan ang hatid ni Darren Espanto sa digital concert niyang Home Run sa Mayo 30, 8:00 p.m. at Mayo 31, 10:00 a.m. (Manila time). Pwede nang bumili ng tickets, P699 para sa subscribers na nasa …

Read More »

Willie lugi ng P140-M, show iiwan na

Willie Revillame

KAHAPON, Mayo 10 ang ika-anim na anibersaryo ng Wowowin sa GMA 7 ni Willie Revillame. “Nagsimula po kami 5-10-2015, o May pala ngayon.  Anong date ngayon, May 7 (Biyernes). Mag-aanibersaryo na pala tayo, six years na po kami! Kaya pala bigla akong (naging sentimental),” say ni Willie sa episode ng Wowowin noong Biyernes. Nami-miss na ng TV host ang live audience niya at dito niya binalikan …

Read More »

Kris sobrang natuwa sa sorpresa nina Joshua at Bimby

NAKATUTUWA ang panganay ni Kris Aquino na si Joshua Aquino dahil hindi niya nalimutang puntahan para batiin ng personal ang mama niya nitong Sabado ng gabi. Ipinost ni Kris ang larawang kasama sina Josh at Bimby na may hawak siyang bouquet of pink roses at napuno naman ng pink and gold heart balloons na may kasama pang blue ang dingding ng bahay niya na naging background …

Read More »

Jolens, Melai, at Karla maghahasik ng katatawanan 

LIMANG taon mula nang maghasik ng kasiyahan, katatawanan, at inspirasyon tuwing umaga sa Magandang Buhay sina Jolina Magdangal-Escueta, Melai Cantiveros, at Karla Estrada. At ngayon ay sa pelikula naman sila magsasama at ano nga bang mangyayari kung sila ay magkapalit-palit ng pagkatao? Sa pelikulang Momshies! Ang Soul Mo’y Akin! iikot ang kuwento sa tatlong momshies na sina Jolene (Jolina), Mylene (Melai), at Karlene (Karla) na mababago …

Read More »

Bernadette napraning nang magka-Covid

HINDI itinanggi ni TV Patrol anchor Bernadette Sembrano-Aguinaldo na sobra siyang napraning noong nagpositibo siya sa Covid-19 kahit na wala siyang nararamdaman kaya hindi niya matanggap sa sarili kung paano siya nagkaroon gayung napakaingat niya sa lahat ng bagay. “Actually, it’s more like the only place I take off my mask publicly is at work. Kaya ‘yan ang hinala ko. Lessons learned even …

Read More »

Zaijian pasok sa American crime drama series

PASOK na rin si Zaijian Jaranilla sa American crime drama series na Almost Paradise at mapapanood siya ngayong Linggo, Mayo 9, 8:45 p.m. sa Kapamilya Channel at A2Z at may streaming sa iWantTFC at Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube para sa mga nasa Pilipinas. Sa inilabas na teaser sa social media, makikita ang young star kasama ang beteranong aktor na si Art Acuña, na gumaganap bilang Detective Ernesto Alamares sa programang handog ng Electric Entertainment at ABS-CBN. Sa …

Read More »

Willie tutulungan ang mga pamilya nina Le Chazz at Kim

Willie Revillame

LALONG nabe-bless si Wowowin host Willie Revillame dahil nadagdagan na naman ang mabibigyan niya ng tulong. Inanunsiyo ng TV host nitong Lunes ng gabi na hinding-hindi niya malilimutan ang dalawang stand-up comedian na naging parte ng programa niya, sina Le Chazz na sumakabilang buhay na kamakailan at si Kim Idol naman noong nakaraang taon. “Alam ko naman na napangiti at napasaya kayo ng mga taong ito. Nakalulungkot, eh. …

Read More »

Candy Pangilinan pinagbintangang baliw ng dating asawa

HINDI lingid sa publiko ang naging buhay ng komedyanang si Candy Pangilinan na iniwan siya ng asawa bago pa niya ipanganak si Quentin na na-diagnose ng Autism na 18 years old na ngayon. Napapanood namin ang YouTube channel ng mag-ina at nakita namin kung gaano kakulit si Quentin na kailangan ng special attention sa lahat ng kasama nila sa bahay. Sa panayam ni Candy kay Toni …

Read More »

Zsa Zsa ‘di totoong may Covid; Nag-US para magpa-MRI

KASALUKUYANG nagpapagamot sa Amerika si Zsa Zsa Padilla dahil nakaramdam siya ng pananakit ng binti at likod sa loob ng limang araw at hindi totoong may COVID-19 siya. Base sa post ng Divine Diva sa kanyag IG account, nasa California siya ngayon para magpa-MRI (Magnetic Resonance Imaging) scan na hindi magawa sa nga hospital dito sa Pilipinas dahil puno lahat ng COVID-19 patients. Kuwento …

Read More »

Belle Douleur wagi sa Houston Int’l Filmfest

HINDI lang si Kit Thompson ang nanalo sa ginanap na Houston International Film Festival sa kategoryang Best Actor para sa pelikulang Belle Douleur, nanalo rin ng Special Jury Prize for Best Feature in Foreign Film ang first full length movie ni Atty. Joji V. Alonso bilang direktor produced ng Quantum Films, iWant, Cinemalaya at iba pa. Pina­salamatan ni Atty. Joji ang lahat ng bumubuo ng Houston International Film Festival para sa …

Read More »

Rabiya Mateo kahati si Miss Singapore sa boto ng mga Pinoy

MUKHANG hindi makukuha ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo ang solid na boto ng kababayan niyang Pinoy sa Singapore dahil malapit sa Filipino community si Miss Universe Singapore Bernadette Belle Ong. Suportado kasi ng Filipino community sa Singapore si Bernadette dahil nalamang ipinanganak siya sa Pilipinas at tumira ng 10 years kaya matatas siyang magsalita ng Tagalog.  Bukod dito ay inamin din ng dalaga …

Read More »

Donny at Belle bibida sa He’s Into Her 

MISTULANG aso’t pusang maghaharap ngunit mauuwi sa pag-iibigan sina Belle Mariano at Donny Pangilinan sa pinakahihintay na serye ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, at Star Cinema na He’s Into Her, na magsisimula sa Mayo 30 sa A2Z at Kapamilya Channel. Hango sa kilalang Precious Pages-LIB na nobela na isinulat ng sikat na Pinoy author na si Maxinejiji, ipinakikita ng He’s Into Her series kung paano ipaglaban ng buong tapang ang pamilya, kaibigan, at pag-ibig. Ito ang …

Read More »

Hollywood produ todo puri sa mga Pinoy actor 

TODO ang puri ng Hollywood producer na si Dean Devlin at ang Amerikanong aktor na si Christian Kane sa kanilang mga nakatrabahong Filipino sa Almost Paradise, ang international crime drama series na umeere tuwing Linggo sa Kapamilya Channel at A2Z. Sa panayam sa TV Patrol noong Martes (Abril 27), sinabi ng producer ng mga sikat na pelikulang Independence Day at Godzilla na hangarin nila sa Almost Paradise na maipakita ang husay at kakayahan …

Read More »

Sharon sa 25 taon nila ni Kiko — Thank you for standing by me and being my rock

MADAMDAMIN ang mensahe ni Sharon Cuneta sa 25th wedding anniversary nila ng asawang si Senator Kiko Pangilinan nitong Abril 28. Caption ng Megastar sa ipinost niyang wedding picture nilang mag-asawa, “Twenty-five years ago today, these two knuckleheads got married. The boy, now a Senator of the Republic, and the girl, a singer actress-TV show host who has always had a hatred for politics, managed to stay …

Read More »

Romnick for life na si Barbra — wouldn’t ever want to be without you my love

KAARAWAN ni Romnick Sarmenta kahapon (Abril 28) at dahil hindi naman siya mahilig mag-post sa social media account, walang masyadong nakaaalam maliban sa mga taong nakakikilala sa kanya. Kung hindi pa niya ipinost ang birthday cake na bigay sa kanya ng partner niyang si Barbra Ruaro na may nakalagay na, ‘happy 49th My Nicko’ sa kanyang IG account nitong hatinggabi ng Miyerkoles, walang makaaalam. Ang caption ng aktor …

Read More »

Kristine bumigay sa bagong challenge: Oyo pinuri

BUMIGAY na rin si Kristine Hermosa sa  #IDontSayThisEverydayBut challenge kung saan nag-post siya ng larawan ng mga anak nila ni Oyo Boy Sotto sa Instagram account nito lang. Paglalarawan ni Kristine sa mag-aama niya. “#IDontSayThisEverydayBut I want to appreciate each one of you who makes my life amazingly exciting and always so full of surprises; “To my husband @osotto, who always choose to be hands on in …

Read More »

Andi ipinagmalaki ang pagtugtog ni Ellie ng piano

BUONG pagmamalaking ipinost ni Andi Eigenmann sa kanyang Instagram account ang video na tumutugtog ang panganay niyang si Ellie ng piano ng awiting Somewhere in Time. Ang caption ni Andi, ”It makes me proud as a parent, when I see my kids falling in love with various activities I introduce them to. But more so when I see them discover new things and fall in love with them, …

Read More »

Giselle ikinuwento ang sobrang higpit ni Coco sa taping ng Probinsyano 

NAKA-BREAKTIME sa aksiyon seryeng FPJ’s Ang Probinsyano si Giselle Sanchez kaya siya nakapag-host sa virtual mediacon ng launching movie ni Sunshine Guimary na Kaka na handog ng Vivamax nitong Linggo at dahil kasama ang komedyana sa serye ni Coco Martin ay itinuwid niya ang balitang magtatapos na ang programa ngayong Abril. Hmm, hindi rin kami naniniwala dahil base rin sa tumatakbong kuwento ng Ang Probinsyano, mukhang matatagalan pa dahil sa kasalukuyan ay bihag …

Read More »

Lovi Poe bibida nga ba sa Doctor Foster? 

Lovi Poe

TRULILI kaya ang narinig naming ‘done deal’ na ang paglipat ni Lovi Poe sa  Kapamilya Network? Tapos na ang kontrata ng aktres sa GMA 7 at hindi na siya nag-renew pa. Pero ang kuwento naman sa kampo ng Kapuso Network ay plano siyang i-renew lalo’t umeere ang seryeng Owe My Love na kasisimula lang noong Pebrero at magtatapos ng Hulyo dahil aabutin ito ng 42 episodes. Hindi lang …

Read More »

Heart muling iginiit — I have never done anything to my face

Heart Evangelista

MARIING itinanggi ni Heart Evangelista na nagpa-nose job siya dahil hindi ito totoo at inaalam niya kung sino ang doktor na nagsabing siya ang nagparetoke sa ilong na Kapuso actress. May netizen na nag-post sa social media na ang doktor umano na magre-retoke sa kanya (rhinoplasty) at gumawa sa ilong ni Heart. “The doctor who did Heart Evangelista’s nose is going to …

Read More »

Jennica sa may marital problem: wag magmakaawa kung ginawa na ang lahat

MULING nag-post si Jennica Garcia-Uytingco ng sulat para naman sa mga magulang na may pinagdaraanan sa panahon ng pandemya at tungkol din sa paghihiwalay. Naunang nag-post ang wifey ni Alwyn Uytingco para sa kanilang dalawang anak na babae na ang katwiran niya ay isinulat niya ito para paglaki nila at nasa hustong gulang ay maiintindihan na nila kung para saan at bakit niya isinulat …

Read More »

Braless Goddess bagong magpapainit sa pelikula ng Viva

SA panahon ng pandemya ang Viva Films lang yata ang hindi tumitigil sa paggawa ng pelikula at TV programs na napapanood sa TV5 dahil halos every two weeks ay may pa-virtual mediacon sila para sa bago nilang project. Habang isinusulat namin ang balitang ito ay on-going na ang virtual mediacon ng pelikulang Kaka na mapapanood sa Mayo 28, 2021 sa Vivamax mula sa direksiyon ni GB Sampedro na pinangungunahan …

Read More »