Sunday , July 21 2019
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Reggee Bonoan (page 5)

Author Archives: Reggee Bonoan

Feed Subscription

Zsa Zsa, ‘di tinanggal sa ‘ASAP Natin ‘To; Toni & Alex sa PBB (Otso)  muna

MAY dahilan pala kung bakit ASAP Natin ‘To ang titulo ng nag-reformat na programa ng ABS-CBNna napapanood tuwing Linggo. Ang kasama namin sa bahay ang nagsabing, ”kaya siguro ‘ASAP Natin ‘To’ ay dahil para lahat ng tao, makare-relate sa show.” Binanggit namin ito sa taga-ASAP Natin ‘To at ang sagot sa amin, ”Yes, we’re sharing ‘ASAP’ stage to all our Kapamilyas. Kaya ‘ASAP Natin ‘To’ ... Read More »

Zanjoe, naetsapuwera sa CarGel; Pagsabit ni Kisses sa dyip, bentang-benta

Angelica Panganiban Zanjoe Marudo Carlo Aquino PlayhouseAngelica Panganiban Zanjoe Marudo Carlo Aquino Playhouse

BENTANG-BENTA sa supporters ni Kisses Delavin ang pagsabit niya sa jeep sa episode ng PlayHouse kahapon, Huwebes dahil gusto niyang iwasan si Donny Pangilinan na nabuking na crush niya. Nadulas kasi si Kisses as Shiela kay Zeke (Donny) sa sinabi niyang, ‘hindi kita crush’ base sa sinabi ng binata na, ‘alam na niya’ pero iba palang kuwento ang alam niya. Inakala kasi ng dalaga na iyon na, kaya sa hiya ... Read More »

Kris, nagpaliwanag sa financial issues na kinakaharap (na hindi lang ukol sa credit card)

FRESH looking ang mag-iinang Kris, Joshua, at Bimby Aquino kahapon pagkagising nila base na rin sa litratong ipinost ng una sa kanyang IG. Mukhang okay na ang pakiramdam ng Queen of Social media at handa na siya muling magtrabaho. Ang caption ni Kris, “#aboutlastnight. The 2 knew I was physically unwell since Sunday and that today I need to fulfill ... Read More »

Sylvia sa relasyong Arjo at Maine — Mas nauuna ‘yung social media sa akin

Sylvia Sanchez Arjo Atayde Maine Mendoza ArDub

NAGULAT si Sylvia Sanchez nang tanungin siya ni Melai Cantiveros tungkol kina Arjo Atayde at Maine Mendoza nang mag-guest siya sa Magandang Buhay na umere nitong Lunes, Nobyembre 19. Hindi kasi inaasahan ng ina ng aktor na ito kaagad ang tatanungin sa kanya kaya tila napamura siya pero nakatawa naman. Ang sagot ng aktres, “Nakikita ko siyempre ‘yung mga litrato. ... Read More »

Joshua & Bimby, dahilan ng pagiging better person ni Kris

‘GIVE love on Christmas Day.’ Ito ang tinutugtog ni Joshua Aquino sa piano nitong Lunes nang gabi habang nagpapahinga ang mama Kris Aquino niya dahil muling bumagsak ang blood pressure nito. Nag-post si Kris ng video habang tumutugtog ng piano ang panganay niya at may nakalagay na ‘You Make Me Happy’ at ‘Thank you for making me a better person.’ ... Read More »

Gina, tiwala kay Coco na makakayanan ang kinakaharap na isyu ng Ang Probinsyano

MAINIT na pinag-uusapan ang aksiyong-seryeng FPJ’s Ang Probinsyano dahil hindi nagustuhan ng Philippine National Police Director General Oscar Albayalde ang umereng kuwento na masama ang mga miyembro ng pulis. Bagama’t may disclaimer naman na kathang isip lang at hindi ipinakikita ang mga totoong tao sa organisasyon ay tila hindi pa rin sapat ito dahil may plano ang DILG na magpapataw ... Read More »

Hintayan ng Langit, binili ng Globe Studios

Hintayan ng Langit Eddie Garcia Juan Miguel Severo Gina Pareno Dan Villegas.jpg

Isa kami sa natuwa nang bilhin ng Globe Studios ang pelikulang Hintayan ng Langit na mapapanood na sa Miyerkoles, Nobyembre 21 mula sa direksiyon ni Dan Villegas na isa rin sa producer para sa movie production na Project 8 Corner San Joaquin Projects katuwang ang kasintahang si direk Antoinette Jadaone. Ang Hintayan ng Langit ang isa sa ipinalabas sa nakaraang ... Read More »

Kris to Nicko Falcis: Kaya kitang patawarin, pero magpakita ka sa akin

PERSONAL na nagtungo si Kris Aquino kahapon ng hapon sa Mandaluyong City Prosecutor’s Office para sa reaffirmation ng kanyang reklamong Qualified Theft laban kay Nicko Falcis. Pero bago ito, nagkaroon muna ng press conference si Atty. Jesus Nicardo Falcis III para igiit na inosento ang kapatid niyang si Nicko laban sa reklamong qualified theft ni Aquino. Ani Aquino, naayos sana ang usaping ito kung nakipagkita at ... Read More »

Kris, napuno na, business partner, itutuluyan na! (5 beses pinagbigyan, amicable at fair settlement)

ILANG linggo na ang nakalipas mula nang pormal na sampahan ng kaso ni Kris Aquino sa pitong munisipyo sa Metro Manila ang taong nanloko sa kanya at lumustay ng malaking halaga sa KCAPcompany ay ni minsan hindi niya binanggit ang pangalan at hindi rin siya nagdetalye pa ng mga pinag-uusapan nila sa meeting ng pamilya at abogado ng taong ito. Pero kahapon ay ... Read More »

Sex, kaswal lang pag-usapan nina JM at Rhian

JM de Guzman Rhian Ramos

ALIW at shock kami sa mga linya nina JM De Guzman at Rhian Ramos sa pelikulang Kung Paano Siya Nawala handog ng TBA Studios. Dahil napaka-kaswal nina JM at Rhian na pinag-uusapan ang sex at kung ano-anong bagay tungkol sa dalawang taong magkarelasyon na relatable naman sa panahon ngayon. Hindi namin nilalahat pero karamihan kasi sa millennials ngayon kapag attracted ... Read More »

Coco, 3 beses nang tinapatan (pero ‘di matalo-talo) ni Dingdong

Coco Martin Dingdong Dantes

SA showbiz events na dinaluhan namin nitong nakaraang araw ay pinag-uusapan ng mga katoto ang pagtatapos ng Victor Magtanggol at ang ipapalit na Cain at Abel dahil pang 16th show na ito ng GMA 7 na itatapat nila kay Cardo Dalisay ng FPJ’s Ang Probinsyano. In fairness, pinupuri naman ng mga taga-GMA ang programa ni Coco Martin, ‘yun nga lang halos ... Read More »

Angel, takot mapanood ang ginawang digital movie

Tony Labrusca Angel Aquino Glorious

AS of this writing ay nasa 15-M na ang views ng digital film na Glorious and still counting kaya overwhelmed ang dalawang bidang sina Tony Labrusca at Angel Aquino isama pa ang mga taong nasa likod nito, ang Dreamscape Digital sa pangunguna ng head nilang si Deo Endrinal. Kuwento rin ni Direk Concepcion ‘Connie’ Macatuno, nagugulat siya sa rami ng shares, hindi niya inasahang lalaki ng ganito kaya masaya siya ... Read More »

Diego Loyzaga, nakalabas na ng ospital, inilipat ng rehab center

NAKALABAS na ng St. Lukes Hospital si Diego Loyzaga nitong Huwebes ng gabi at itinuloy sa isang rehabilitation center base sa kuwento ng aming source. Matatandaang itinakbo ang aktor sa nasabing hospital nitong Martes ng gabi matapos saktan ang sarili sa pamamagitan ng paglaslas sa kanyang leeg at pulso gamit ang swiss knife. Duda ng lahat, dumaranas ang aktor ng depresyon ... Read More »

Christian, nainggit kay Tony; wish maka-threesome ang actor at si Angel 

Christian Bables Tony Labrusca Angel Aquino

“SANAY na akong natatawag kasi noong bata akong Pinocchio, Ilong Ranger, Neozep. Nakukuha ko na ‘yan simula prep kaya sanay na ako. Siguro kasi hindi sanay ang mga Pinoy (sa sobrang tangos ng ilong),” ito ang nangingiting sabi ni Christian Bables nang tanungin tungkol sa ilong niyang sobrang laki at matangos. May mga nagsabing nagparetoke ang aktor pero makailang beses naman na niya ... Read More »

Diego Loyzaga, itinakbo sa ospital, pinagtangkaan daw ang buhay

Diego Loyzaga

NABAHALA kami nang mabasa ang isang blind item ni TV5 reporter, Laila Chikadora sa kanyangFacebook page bandang 9:30 p.m. noong Miyerkoles ukol sa umano’y young actor na nag-suicide. Ayon sa post ni Laila, ”Young actor of showbiz blood commits suicide. Slashes neck and wrists with a swiss knife. He is in a hospital somewhere in QC now; conscious. Please don’t let your inner demons win. I ... Read More »

Lianne Valentin, nahirapan nang pasuin ang boobs

Lianne Valentin

NAPAPANOOD na ang ML (Martial Law) na nagbigay ng Best Actor award kay Mr. Eddie Garcia nitong 2018 Cinemalaya Film Festival at Best Editing. Ikalawa rin sa top-grosser ang nasabing pelikula na pinagbibidahan nina Tony Labrusca, Lianne Valentin, Heinz Villaraiz, Jojit Lorenzo, Chanel Latorre, at Rafa Siguion Reyna na idinirehe ni Benedict Mique distributed ng Solar Films. Sobrang nagpapasalamat ang lahat ng personalidad na kasama sa pelikula dahil finally mapapanood na ito nationwide ... Read More »

Kris Aquino, may offer muli sa Hollywood

Kris Aquino

NANG i-post ni Kris Aquino kahapon ng umaga na may bagong project na offer sa kanya sa Hollywood ay hindi na kami nagtaka pa dahil kasalukuyang ipinalalabas palang ang Crazy Rich Asians (CRA) sa Pilipinas at mainit na pinag-uusapan ang karakter niyang Princess Intan ay nasambit namin ito sa isang editor na, “baka naman after CRA, may kasunod uling movie si Madam (Kris), hindi ... Read More »

CarGel, nagbibigay-‘kulay’ sa isa’t isa

Cargel Carlo Aquino Angelica Panganiban

“SWEET company” ang caption ni Jose Li­wa­nag o mas kilala bilang si Carlo Aquino sa litrato nila ni Angelica Panganiban na naka-costume sila ng kulay pula habang nasa MRT sa Tokyo, Japan na naroon sila simula pa nitong Undas. Kaarawan ni Angelica nitong Nobyemre 4, Linggo at bukod sa mga kaibigan ng aktres ay kasama rin niya ang kanyang Exes Baggage leading man. May video post ang aktor ... Read More »

Relasyong Arjo at Maine, totoo at ‘di promo ng MMFF movie

ArDub Maine Mendoza Arjo Atayde

HINDI pa rin bumabalik sa bansa sina Arjo Atayde at Maine Mendoza simula noong umalis sila nitong Nobyembre 3 patungong Bali, Indonesia. Base sa panayam namin sa nanay ng aktor na si Sylvia Sanchez na nakabalik na ng Pilipinas mula sa isang linggong bakasyon naman sa Bangkok, Thailand kasama ang asawa’t bunsong anak ay wala siyang alam kung anong plano ... Read More »

Alessandra, na-hurt na naging taga-abot lang ng kape kay Piolo

Since I Found You Alessandra de Rossi Piolo Pascual Arci Munoz Empoy Marquez

SA pelikula muna magko-concentrate si Alessandra de Rossi dahil pahinga muna siya sa teleserye pagkatapos ng Since I Found You kasama sina Arci Munoz, Empoy Marquez, at Piolo Pascual na idinirehe nina Antoinette Jadaone at Andoy Ranay mula sa Dreamscape Entertainment. Nabanggit ng aktres na noong i-offer sa kanya ang serye ay nakalagay na siya ang leading lady, pero hindi nangyari dahil naging taga-abot siya ng kape ni Piolo bilang si Nathan. ... Read More »

Paolo, iba ang humor — Alessandra

Alessandra de Rossi Paolo ContisAlessandra de Rossi Paolo Contis

Samantala, istorya ni Alex ang Through Night & Day pero dahil busy siya sa taping ng Since I Found You ay hindi niya nagawang tapusin kaya pinatapos niya ito sa kaibigan niyang si Noreen Capili na isa sa scriptwriter ng mga programa ng ABS-CBN at may-akda ng mga librong The Goodbye Girl at Parang Kayo Pero Hindi na nilimbag naman ng Anvil Publishing, Inc.. Noong nabuo na ni Alex ang kuwento ng pelikula ... Read More »

Romnick, may idine-date na Tisay; Harlene, may kasamang lalaking medyo Bumbayin

Romnick Sarmenta Harlene Bautista Tisay

ANG bilis ng mga pangyayari, kamakailan lang inaanunsiyo sa pamamagitang ng official statement na hiwalay na ang mag-asawang Harlene Bautista at Romnick Sarmenta ay heto at pareho na silang nakikitang may kasamang iba? Sa panayam kay Harlene ng ilang katoto kamakailan ay ipinagdiinan nitong walang third party sa paghihiwalay nila ni Romnick, pero nagbiro siya ng, ‘baka 4th party, ha, ha, ha.’ About three ... Read More »

[EXCLUSIVE] Maine at Arjo, mag-on na! (Sinorpresa ang aktor sa Bali)

Maine Mendoza Arjo Atayde

HABANG nagtitipa kami kahapon ay pinadalhan kami ng link ng fans ni Maine Mendoza kung saan makikita ang mga litrato nila sa IG stories kasama sina Sheena Halili at fiancé at si Arjo Atayde na kasalukuyang nasa Bali, Indonesia ngayon. May kuhang litrato si Arjo sakay ng eroplano na may caption na, “END GAME.. HAHAHA. MAINE AND ARJO IN BALI, INDONESIA. B-day Salubong ni Atayde. Very Inlove n ... Read More »

Aktor, tumatanggi sa milyong kita

TAWANG-TAWA kami sa kuwento ng manager ng kilalang aktor na mahilig tumanggi sa mga out of town at mall shows. “Nakakainis kasi ang laki-laki ng bayad sa kanya (aktor) tapos tatanggi lang?  Siyempre aaminin ko, nanghihinayang ako sa komisyon ko. “Imagine in one day, kayang kumita ng P3-M?  Sa bawat sampa niya ng stage para lang mag-show sa mga kandidato at hindi naman ... Read More »

Marco Gumabao, ipinalit ni Janella kay Elmo?

Elmo Magalona Janella Salvador Marco Gumabao

BUWAG na ba talaga ang ElNella?  Bukod kasi sa nagsalita na si Janella Salvador na magpo-focus na siya sa sarili niya pagkalipas ng dalawang taon nila ni Elmo Magalona ay may sitsit sa amin na hindi na ang aktor ang makakasama ng aktres sa bago nitong movie project under Regal Entertainment. Si Marco Gumabao ba ang kapalit ni Elmo sa puso ni Janella? Namataan daw kasi sina Marco ... Read More »

Scroll To Top