Wednesday , December 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Percy Lapid

Author Archives: Percy Lapid

Feed Subscription

Ms. Universe Catriona Gray: Bagong boses ng mahihirap at karaniwang mamamayan

NGAYON lang ako tunay na napahanga sa natamong tagumpay ng mga Filipino na nagdala ng karangalan sa bansa sa iba’t ibang larangan. Talagang saan man sa mundo ay maipag­mamalaki ng mga Pinoy si 2018 Miss Universe Catriona Gray dahil sa kanyang taglay na pan­la­bas at panloob na kagandahan. Malaking inspirasyon na pagtutularan si Ms. Gray upang mamulat ang marami sa katotohanan ... Read More »

Absuwelto si Bong Revilla dahil sa ‘technicality’ lang; Vendetta pinaghahandaan

KOMPIYANSANG-KOM­PIYANSA si dating Sen. Ramon “Bong” Re­vil­la, Jr., na muling ma­nanalo sa susunod na eleksiyon kaya naman nagbantang bubu­wel­tahan ang mga umano’y kalaban sa politika sa sandaling makabalik sa Senado. Sa isang panayam sa kanya, tiniyak ni Bong na gagamitin ang anting-antot, este, anting-anting para paghigantihan ang mga may ginampanang papel sa pagkakasampa ng kasong plunder laban sa kanya kaugnay ng ... Read More »

Pondo ng pamahalaan sinisindikato ni Diokno

NAGAWA pang pagta­wanan ni Department of Budget (DBM) sikwatari, ‘este, Secretray Benja­min Diokno ang ipina­sang resolusyon laban sa kanya ng mga mam­babatas na kaalyado ng administrasyon. Sa ipinasang House Resolution 2365 na suportado ng over­whelming majority sa Kamara, hinihiling ng mga mambabatas na kaalyado ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte ang pagsibak kay Diokno kasunod ng nabulgar na “insertion” o ‘pagsingit’ ... Read More »

Kahit inabsuwelto ay convicted si Bong sa ‘bar of public opinion’

LILINISIN daw ni dating senador Ramon “Bong” Revilla, Jr., ang nayu­rakang dangal ng kani­lang angkan kasunod ng pagkakaabsuwelto sa kanya ng Sandigan­bayan First Division sa kasong plunder. Nananaginip nang gising si Bong kung inaa­kala niya na magagamit niyang deodorizer na pampabango ang pag­pa­pawalang-sala sa kanya ng Sandigan­bayan. Paano papuputiin ni Bong ang mantsado niyang reputasyon kung maliban sa Sandigan­bayan ay walang ... Read More »

Lim tuloy ang laban

PINAGTAWANAN lang ni dating Mayor Alfredo ang balitang siya ay umatras na sa pagtak­bong alkalde ng Maynila. Sa panayam natin sa kanya kahapon, sinabi ni Lim na walang katotohanan ang balita at kathang-isip lang na inimbento ng kanyang mga kalaban para siya siraan. Nang maitanong na­tin ang pakay ng pani­nira laban sa kanya, mahinahong sagot ni Lim: “Wala siguro silang maipakita ... Read More »

True-to-life story: ‘Ang Probinsiyano’ version ng Vietnam

SA bansa na lang natin talaga hindi naipatu­tupad ang kawastohan ng batas laban sa mga ilegal na nagpapa­yaman at kanilang mga protektor. Pero sa Vietnam, da­la­wang dating hene­ral ng pulis ang naha­tulan kamakailan sa pina­igting na kampanya ng kanilang pamahalaan laban sa katiwalian. Siyam hanggang sam­pung taon na pag­ka­bilanggo ang ipinataw na parusa sa pinaka­mataas na opisyal ng pambansang pulisya ng ... Read More »

“Mga Cayetano ‘wag iboto!” — Brillantes (Sobrang garapal)

IKINAMPANYA ni dating Commission on Elections (Comelec) chair Sixto Brillantes na huwag iboto sa susunod na halalan ang “super dynasty” ng pamilya Cayetano sa lungsod ng Taguig. Sa kanyang paha­yag na napalathala sa isang social media blog na may petsang Nov. 27, ang sabi ni Brillantes: “The people of Taguig, in casting their votes on election day, should always bear in ... Read More »

‘Swing’: 29 Volvo trucks naglaho sa Port of Cebu?

PINAYOHAN ni Sen. Richard “Dick” Gordon si bagong Bureau of Customs (BoC) Com­missioner Rey Leonardo Guerrero sa ginanap na pagdinig ng Senado sa naglahong P11-B shabu shipment na pina­nini­walaang nakasilid sa apat na magnetic lifters na natunton ng Philippine Drug Enforcement A­gen­cy (PDEA) sa GMA, Cavite. Binalaan ng mambabatas si Guerrero nitong November 22 na mag-ingat at hindi dapat basta magtiwala ... Read More »

Kaso vs Mangaoang: “defense mechanism”

MALAKING katatawanan ang napabalitang paghahain ni dating commissioner at ngayo’y Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) director general Isidro Lapeña ng mga kasong slander at libel sa Taguig City Prosecutor’s Office laban kay dating Bureau of Customs (BoC) X-ray chief Ma. Lourdes Mangaong nitong nakaraang linggo. Ayon kay Lapeña, sinira raw ni Mangaoang ang kanyang reputasyon sa multi-bilyones na halaga ng ... Read More »

Mga kilabot na konsehal tig-P30 milyon ang hirit kapalit ng train project

IBUBULGAR daw ng isang alkalde sa Metro Manila ang mga konsehal na nangingikil para maa­probahan ang malaking proyekto sa kanilang lungsod. Ito ay kapag ipinag­patuloy ang hirit na tig-P30 milyones ng mga damuhong konsuhol, ‘este, konsehal kapalit ng kanilang boto para mailarga ang makabagong mass transport project sa pinamumunuang lungsod ng alkalde. Umuusok umano ang ilong ng alkalde matapos makarating sa ... Read More »

“Ang Probinsiyano” pinasisikat ng PNP

HABANG pinagtutulungan ay tiyak na darami pa ang magkakainteres na panoorin at tangkilikin ang teleseryeng “Ang Probinyano” na pinag­bibidahan ng aktor na si Coco Martin sa isang network. ‘Yan ang posibleng epekto sa eksahe­ra­dong kalupitan na ipina­mamalas ng Philippine National Police (PNP) at mga kilalang perso­nalities sa ilang tanggapan ng gobyerno na nakikisawsaw laban sa kathang-isip na teleserye. Maliban kung tuluyan ... Read More »

Bakit pinaslang ng SC ang wikang Filipino?

KUNG sa kasalukuyang panahon pala nabuhay ang pambansang baya­ni na si Gat Jose Rizal ay siguradong sa karsel pa rin siya pupulutin. Malamang na mapa­ratangan pang suber­sibo si Rizal at lapas­ta­ngan sa batas kung nga­yon niya sasabihin na, “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa malan­sang isda.” Ang pagkakaiba lang ay hindi mga dayu­hang mananakop ang ... Read More »

Kasong graft vs. Lapeña; Guerrero bukol sa ‘tara’?

KINASUHAN ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Lunes si dating com­missioner at ngayo’y Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) chief Isidro Lapeña sa misteryosong pagka­wala nang mahigit 105 container vans sa baku­ran ng Bureau of Cus­toms (BoC). Ibang-iba ang resul­ta sa isinagawang imbestigasyon at isinampang kaso ng NBI kompara sa kuwentong-kutsero ni Lapeña na noo’y hepe ng Customs sa ... Read More »

Sa hatol kay Imelda, si Digong ang target ng Sandiganbayan?

HINATULANG guilty ng Sandiganbayan fifth division sa seven counts ng kasong graft si dating First Lady Imelda R. Marcos nitong Biyernes. Mula anim na taon at isang buwan hanggang 11-taon ang ipinataw na parusang kulong ng Sandiganbayan kay Gng. Marcos sa bawa’t kaso. Kung kukuwentahin, higit pa sa tatlong ha­bam­buhay na hatol ang katumbas na parusang kulong, ang bubunuin ni Gng. ... Read More »

‘Tatlong Itlog’ na ‘collect-tong’ ng ‘tara’ sa Bureau of Customs: “Abu,” “Santi,” at “Loy Dy Kiko”

NAPAKAGANDA ng mensahe ni dating AFP chief-of-staff at bagong Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero na kanyang binigkas sa flag raising ceremony ng mga kawani ng Bureau of Customs nitong Lunes. Nagbabala si Guer­rero na hindi niya papa­yagan na sirain ninoman ang pangalan at mabuting reputasyon na kanyang inalagaan sa loob ng 30 taon na bukod-tanging maipamamana niya sa kanyang mga anak. ... Read More »

Bagong branch of service ba ng AFP ang Customs?

PUWEDE o hindi? ‘Yan ang tanong, alinsunod sa direktiba ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte na italaga ang mga kawal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Bureau of Customs (BoC) kasunod ng malaking eskandalo na kinasangkutan ni Commissioner Isidro Lapeña at kanyang mga tauhan sa nakalusot na P11-B shipment ng shabu. Hindi natin minamasama ang pagtatalaga ng mga sundalo sa ... Read More »

Maligayang kaarawan Ka Eduardo V. Manalo!

TAOS-PUSO tayong bumabati kay Ka Eduar­do V. Manalo, ang taga­pamahalang pangka­lahatan ng Iglesia Ni Cristo (INC), sa kanyang ika-63 kaarawan. Kasabay nito ang ating pagbati kay Ka Eduardo sa kanyang mata­gumpay na pangu­nguna sa INC sa naka­lipas na siyam na taon. Ang mabilis at hindi mapigilang paglago ng mga kaanib sa INC sa buong mundo ay patunay na si Ka Eduardo ... Read More »

‘Batang’ ulyanin si Isko Moreno?

SUMASAKIT na raw ang tainga ng mga bo­tante tuwing maririnig ang tahol na ‘Asenso Manileño,’ alam nilang nalalapit na ang eleksi­yon at kakandidato na naman si Francisco Domagoso (aka) Isko Moreno. Gasgas na kasi ang Asenso Manileño na laging gamit ng pangkat ni Mang Isko sa kam­panya at pinagsawaan na ng mga botante. Dahil durog na ang kredibilidad ni Mang Isko ... Read More »

Cover-up sa P6.8-B shabu: Lapeña dapat mag-resign!

SUKOL na si Bureau of Customs (BoC) Commissioner Isidro Lapeña kaya’t kung sino-sino na ang kanyang idinadawit sa P6.8-B shabu shipment na ayon sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay ipinalaman sa ilang magnetic lifters na natunton sa Cavite. Sa kanyang pahayag kamakailan, sabi ni Lapeña: “Perhaps director general Aaron Aquino should not pin down and blame entirely this ... Read More »

“Bureau of Customs and Shabu”

NANININDIGAN umano si Commissioner Isidro Lapeña na walang shabu na nakapalaman sa mga magnetic lifters na natagpuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Cavite na nailusot sa Bureau of Customs (BoC). Ang magnetic lifters na nasabat sa Cavite ay pinaniniwalaang naglalaman nang mahigit isang tonelada ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 bilyon, ayon sa PDEA. Pinaniniwalaan din na ang mga ... Read More »

Ibalik si Lim sa Maynila, ang magiting na alkalde

NGAYONG umaga magtutungo si dating Manila Mayor Alfredo S. Lim para maghain ng kanyang certificate of candidacy (CoC) sa muling pagtakbong alkalde ng Maynila. Si Lim na nabansagang ‘Dirty Harry’ ay napabantog dahil sa kanyang no non-sense na kampanya laban sa krimen bilang noo’y magiting na hepe ng Manila Police District at Northern Police District Command; director ng National Bureau ... Read More »

Labanang dugo sa dugo: JV vs Jinggoy sa Senado

POLITIKA ang dahilan sa umiigting na hidwaan ng dalawang anak ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada na sina Sen. JV Ejercito at Jinggoy Estrada na parehong tatakbo sa Senado sa nalalapit na 2019 midterm elections. Kumalas na raw si JV sa Pwersa ng Masamang, este… Masang  Pilipino pala, ang partido ng kanilang pamilya na pinamumunuan ng amang si ... Read More »

Mga ‘bata’ ni Lapeña ipinasisibak ni Gordon sa Bureau of Customs

PINAYOHAN ni Senate Blue Ribbon Committee chair Sen. Richard “Dick” Gordon si Commissioner Isidro Lapeña na tang­galin ang mga dati ni­yang tauhan sa Philip­pine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nakapasok sa Bureau of Customs (BOC). Tinawag na in­com-petent ni Gordon ang mga katiwaldas, este, pinagkakatiwalaan ni Lapeña sa PDEA noon na naipuwesto sa Customs. Sa ikatlong pagdinig ng Senado sa pagkawala ng P6.8-B ... Read More »

‘Ex-future’ senators sina Roque at Uson

MATATAGALAN bago makabangon sina outgoing presidential spokesman Harry Roque at dating Presidential Communications Operations Office (PCOO) assistant secretary Margaux “Mocha” Uson sa magkahalong kahihiyan at kapaitan na sinapit. Hindi siguro makapaniwala sina Roque at Uson na mismong si Pang. Rodrigo “Digong” Duterte rin ang babasag sa kanilang “power tripping” na talaga namang sukdulan kaya marapat lang na tuldokan. Nakatunog marahil si ... Read More »

Sen. ‘Koko’ Pimentel: “Lim tayo sa Maynila!”

OPISYAL nang idineklara — si dating Mayor Alfredo S. Lim ang pambatong kandidato ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Maynila. Ang pagkakadeklara kay Lim ay pinangunahan ni Senator Aquilino ‘Koko’ Pimentel III, PDP-Laban national president, sa idinaos na panunumpa ng 7,000 miyembro at lider ng Kapayapaan, Katarungan at Kaunlaran (KKK), kamakailan. Sa nasabing okasyon na ginanap sa Open Air ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved