Saturday , April 20 2024

Nonie Nicasio

Pelikulang Marineros tribute sa seafarers, showing na ngayon

LABIS ang kagalakan ni Direk Anthony Hernandez sa tagumpay ng red carpet premiere ng pelikula nilang Marineros, Men In The Middle of the Sea last Sunday. Hindi lang kasi isa, kundi sa tatlong sinehan sa SM Manila ito ginanap at punong-puno ang bawat sinehan nito. Bukod sa nagandahan ang moviegoers sa istorya ng pelikula, marami ang pumuri sa husay ng mga nagsipagganap …

Read More »

Alma Concepcion, inspirasyon at idol sa negosyo ang BeauteDerm lady boss na si Rhea Tan

LABIS ang pasasalamat ni Alma Concepcion sa lahat ng sumuporta sa matagumpay na pagbubukas ng kanyang sariling Beautederm store last week na tinawag niyang Queen Alma by Beautederm. Ito’y matatagpuan sa G/F unit 2 Colonial residences 59 Xavierville Ave., Loyola Heights, Quezon City. Saad niya patungkol sa Beautederm CEO at owner na si Ms. Rhea Tan, “Hindi ko alam kung …

Read More »

Paul Hernandez, masaya sa matagumpay na premiere night ng Marineros

MASAYA ang newbie actor na si Paul Hernandez sa magandang pagtanggap ng moviegoers sa premiere night ng advocacy film ni Direk Anthony Hernandez na Marineros (Men In The Middle of the Sea). Punong-puno ng movigoers ang ginanap na red carpet screening nito sa tatlong sinehan sa SM Manila last Sunday. “Sobrang saya ko sa pagtanggap ng movie­goers sa Ma­ri­neros. So­brang happy ako, …

Read More »

Kira Balinger, bilib sa husay ni Sylvia Sanchez

BIGGEST break ng young actress na si Kira Balinger ang pagiging bahagi niya ng seryeng Pamilya Ko na tinatampukan nina Sylvia Sanchez at JM de Guzman. Mataas ang ratings nito at madalas mag-trending dahil marahil sa plot nitong pampamilya at sa husay ng mga nagsisipagganap dito. Kaya naman very vocal ang mga nakapanonood nito na talagang bumabaha ang luha nila sa serye. Kung …

Read More »

Ara Altamira, happy sa career bilang aktres/model

Patuloy ang magandang takbo ng showbiz career ni Ara Altamira. Mula sa kanyang pag­titiyaga at pagsusumikap para sa kanyang mga pangarap sa buhay, unti-unting itong natutupad na ngayon. Mula nang nagbalik siya sa showbiz after ng almost one year stint sa Indonesia bilang model/aktres, kabilang sa mga nagawa niyang projects sa ABS CBN ay Pusong Ligaw, Blood Sisters, MMK, Araw Gabi, Kadenang Ginto, Ipaglaban Mo, Nang …

Read More »

Sue Ramirez, eksperto sa sex sa Cuddle Weather

ISANG mahusay na pokpok ang mapapanood kay Sue Ramirez sa pelikulang Cuddle Weather. Bida rin dito si RK Bagatsing, na siyang partner in crime ni Sue. Kakaiba at napaka–daring ng role rito ng Kapamilya aktres sa pelikulang handog ng Regal Entertainment Inc., and Project 8 Cor. San Joaquin. Dito’y gumaganap sina Sue at RK bilang pokpok o sex workers na pinagtagpo ng tadhana. …

Read More »

Beautederm, patuloy ang paglago sa pangunguna ni Ms. Rhea Tan

MARAMING kaganapan ngayong September sa BeauteDerm at ito’y sa pangunguna ng lady boss nitong si Ms. Rhea Tan na malapit na malapit na sa kanilang goal na Road to 100 stores sa bansa bago matapos ang taong 2019. Napaka-agresibo ng approach ni Ms. Rhea sa pagpapalago ng business niyang ito, mula sa pagdami ng BeauteDerm stores at branches, hanggang sa …

Read More »

Andrew Gan, patuloy sa paghataw ang career

PATULOY ang pagdating ng magagandang projects kay Andrew Gan. After mag-guest sa Wish Ko Lang, Dear Uge at MMK,  naging bahagi si Andrew ng Mga Batang Poz, isang digital series ukol sa Filipino teen­agers with human immunodeficiency virus (HIV). Ang ibig sabihin ng term na poz ay taong HIV positive. Ang six-part series ay pina­ngungunahan nina Awra Briguela, Mark Neuman, Fino Herrera, at Paolo Gumabao. Si Andrew ay …

Read More »

McCoy de Leon, nag-init kay Roxanne Barcelo

HINDI itinanggi ni McCoy de Leon na mismong si Roxanne Barcelo ang inisip niya sa kanilang love scene sa pelikulang G! na tinatampukan din nina Mark Oblea, Paulo Angeles, at Jameson Blake. Esplika ni McCoy, “Siya talaga ang inisip ko, kasi wala akong maisip, kasi parang hindi mo na kailangan mag-isip. Kasi, usually, hindi ba mga artista naman talaga ang i-imagine-in mo? Kasi …

Read More »

FDCP pangungunahan ang Sine Sandaan… Pagdiriwang sa 100 taon ng pelikulang Filipino

NAGKAISA ang mga ahensiya, institusyon, at stakeholders para suportahan ang pagdiriwang ng Isang Daang Taon ng Pelikulang Pilipino. Gaganapin ang commemoration ng centennial sa 12 Setyembre 2019 at mamarkahan ng FDCP ang napakahalagang okasyong ito sa Sine Sandaan: Celebrating the Luminaries of Philippine Cinema sa New Frontier Theater sa Quezon City. Para bigyang-karangalan ang glory days ng Pelikulang Pilipino, ang …

Read More »

Sylvia Sanchez, nagpakita ng kakaibang husay sa seryeng Pamilya Ko

SOBRANG thankful ang premyadong aktres at Face of Beautederm na si Sylvia Sanchez sa tagumpay ng celebrity screening ng ABS-CBN primetime teleseryeng Pamilya Ko sa Trinoma Cinema 7, last September 4. Matapos ipalabas dito ang unang linggong episodes ng bagong TV series ni Ms. Sylvia, inulan ng papuri ang award-winning Kapamilya actress dahil sa sobrang husay na ipinamalas niya rito. …

Read More »

Ahron Villena, saludo sa sakripisyo ng mga marinero

IPINAHAYAG ni Ahron Villena ang pagkabilib sa mga marinero ng bansa. Isa siya sa tampok sa advocacy film na Marineros na hatid ng Golden Tiger Films at Premier-Dreams Production Incorporated. Ang pelikula ay inspiring at kapupuluan ng aral, ito ay showing na sa September 20, nationwide. Mula sa pamamahala ni direk Anthony Hernandez, tampok dito ang veteran actor na si Michael de Mesa, with Valerie Concepcion, …

Read More »

Marc Cody Senior, magla-launch ng cook book at Youtube channel

NAGBABALIK ang international model, singer, producer ng mga show, businessman, actor, at pilantropong si Marc Cody Senior. Year 2003-2008 siya naging aktibong model sa Europe. Ngayon ay may nilulutong kaabang-abang na projects si Marc, kabilang dito ang kanyang magazine type cook book at ang YouTube channel niya na so far ay 25 percent na ang natatapos na videos. Panimulang kuwento niya sa amin, …

Read More »

Aiko Melendez, pinaalalahanan si Rep. Alfred Vargas sa No Homework bill

PINAALALAHANAN ni Aiko Melendez si Rep. Alfred Vargas ukol sa panukala niyang No Homework bill. Layon nitong huwag bigyan ng homeworks ang mga estudyante sa elementary at high school upang magkaroon ng sapat na panahon na makasama ang kanilang pamilya. Inamin ni Rep. Alfred na nagkamali sila sa inilabas na panukalang pagmumultahin ang teacher ng P50,000 o kaya’y patawan ng dalawang taong …

Read More »

Jillian Ward, happy sa tiwala ng GMA-7 sa Prima Donnas

ISA si Jillian Ward sa bida sa TV series na Prima Donnas na tinatampukan din nina Aiko Melendez, Wendell Ramos, Katrina Halili, Chan­da Romero, Benjie Paras, Sofia Pablo, Jillian Ward, Althea Ablan, at iba pa. Mula sa pamamahala ni Direk Gina Alajar, mapapanood ito Mondays-Fridays, 3:25 pm sa GMA-7. Kasama sa tatlong prima Donnas sina Althea bilang Donna Marie, Sofia bilang Donna Lyn, at si Jillian bilang Donna Belle. Nagpatikim nang …

Read More »

Jef Gaitan, nakare-relate sa Marineros sa buhay ng seafarers

KABILANG si Jef Gaitan sa mapapanood sa pelikulang Marineros ni Direk Anthony Hernandez. Mula sa Golden Tiger Films at Premier-Dreams Production Inc., pinagbibidahan ito ng veteran actor na si Michael de Mesa, with Ahron Villena, Claire Ruiz, Valerie Concepcion, Jon Lucas, Paul Hernandez, at iba pa. Nabanggit niya ang role sa pelikula. ”Ako po si Maya sa movie, isa ako sa regular na kliyente ng …

Read More »

Aiko Melendez, makikipagtarayan kay Katrina Halili?

FAMILY at work oriented talaga ang mahusay na aktres na si Aiko Melendez. Kahit busy sa work, talagang naglalaan siya ng oras sa mga anak na sina Andre at Marthena, kaya every Sunday ay family day talaga kay Ms. Aiko at hindi siya tuma­tanggap ng work sa araw na ito. Nakatutuwang basahin ang FB post niya kahapon (Tuesday), dito’y nabanggit …

Read More »

Maria Laroco, nag-launch ng international album

MADALING matandaan ang singer na si Maria Laroco dahil umabot siya sa Top 6 ng The X-Factor UK 2018 at naging mentor niya rito si Simon Cowell. Malaking achievement ito para sa newbie recording artist na nag-release ng debut album titled Just Maria. With ten original songs, ito’y under ng Odic Record na isang international recording label. Aminadong ‘di malilimutan ni Maria …

Read More »

Ms. Rei Tan, kapamilya ang turing sa Beautederm ambassadors

SOBRA ang pasasalamat ng lahat ng Beaute­derm ambassadors/endorsers sa lady boss nitong si Ms. Rei Tan. Kapamilya kasi ang turing niya sa kanila at hindi lang endorsers, kaya binibigyan din sila ng opportunity ni Ms. Rei para maging negosyante, store owner, at pagkakitaan ang ini-endorse na Beautederm products. Sa panig ni Ms Rei, sinabi niya ang tunay na nararamdaman sa kanyang …

Read More »

Ced Torrecarion, aminadong adik sa spa

THANKFUL si Ced Torrecarion sa magan­dang takbo ng Dolce Far Niente Wellness Spa business nila ng GF niyang si Lee Ann. Sa loob ng four months ay dalawa agad ang naging branch nila, ang una ay sa Makati (located sa 8900 Samviet Place P. Victor Street, Barangay Guadalupe Nuevo, Makati City) at sumunod ay matatagpuan sa 53-A Road 3, Project 6, Quezon City. …

Read More »

Sheree, hahataw sa tatlong shows sa Amerika!

MAGPAPATIKIM ng kanyang talento si Sheree sa tatlong shows sa Amerika ngayong September. First ay sa Una Mas Bamboo na tampok si Bamboo na gaganapin sa September 6, 9PM sa Rio Cantina Club, Sterling Virginia, USA. Bukod kay Sheree, kabilang sa guests ni Bamboo sa show ang Friction Live, Artificial Cliche, Bridal Tragedy, Cimmonti, Beyond Oceans, Jay, Malen, Maggie, Raquel Arellano at Francois. Para …

Read More »