Sunday , January 19 2020
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Nonie Nicasio (page 30)

Author Archives: Nonie Nicasio

Feed Subscription

Vampariah ni Direk Matthew, Best Picture at Best Producer sa 2017 International Film Festival-Hong Kong

ITINANGHAL na Best Picture at Best Producer ang pelikulang Vampariah ni Direk Matthew Abaya sa nagdaang 2017 International Film Festival-Hong Kong. Ang Vampariah ay isang horror movie na first full length movie ni Direk Matthew. Sina Abe Pagtama at Direk Matthew ay kabilang sa producers ng pelikulang ito. Ang naturang director na naka-base sa Amerika ay isang Fil-Am na horror ... Read More »

Ana Capri, thankful sa award sa Asean Int’l Filmfest para sa pelikulang Laut

“I’m so happy at feeling blessed. I have been waiting for another opportunity of winning an award, tapos International pa. Answered prayers ito, I have been lucky to be working with Laut family and be directed by Louie Ignacio. “I’m thankful that I was able to represent our country as a nominee for Best Supporting Actress for the movie Laut ... Read More »

Gerald Anderson, masaya sa role sa seryeng Ikaw Lang Ang Iibigin

HAPPY si Gerald Anderson sa TV series nilang Ikaw Lang Ang Iibigin ng ABS CBN. Bukod sa hudyat ito ng pagbabalik-tambalan nina Gerald at Kim Chiu, swak sa tunay na pagkatao ni Gerald ang karakter niya rito bilang isang tri-athlete. Dito’y gumaganap si Gerald bilang si Gabriel na isang triathlon athlete. Ano ang pagkakahawig nila ng character niya rito bilang ... Read More »

Coco Martin at Vice Ganda, magsasalpukan sa darating na MMFF!

KINOMPIRMA ni Vice Ganda na may gagawin siyag pelikula kasama sina Daniel Padilla at ang dating Miss Universe na si Pia Wurtzbach. “Ipapasok yata nila sa MMFF,” saad ni Vice ukol sa planong movie with Daniel at Pia. Ibig sabihin ay maghihiwalay na sila ni Coco Martin ng movie sa MMFF? Esplika ng komedyante, “Oo, may movie siya, e. Actually, ... Read More »

Angellie Nicholle Sanoy, happy na nakatrabaho si Allen Dizon sa Bomba

KAKAIBANG pelikula ang Bomba (The Bomb) para sa dating child actress na si Angellie Nicholle Sanoy. Bukod sa first mature role niya ito, may pagka-daring din ang gagampanan niya rito. “Eto po ang first mature role ko and dito sa film, kakaiba yung role ko. Medyo pang matured na talaga yung role ko. So, ready naman po ako sa kahit ... Read More »

Aiko Melendez, patuloy na dinadagsa ng blessings!

TULOY-TULOY ang pagdating ng blessings kay Aiko Melendez. Nagbibida na siya ulit ngayon sa pelikula at hindi nababakante sa TV project. Kabilang sa pinagkaka-abalahan niya ang dalawang bagong pelikula na kanyang pinagbibidahan ang-Balatkayo ng BG Productions International at New Generation Heroes mula naman sa Golden Tiger Films, sa pamamahala ni Direk Anthony Hernandez. Sa TV naman, humahataw ang kanyang karakter ... Read More »

Mojack at White Lies, may shows sa May 2 at 3 sa Pampanga

MAGKAKAROON ng back to back shows ang versatile na singer/comedian na si Mojack Perez at ang bandang White Lies sa Guagua, Pampanga. Sa May 2 ay nasa Sto Cristo sila at sa May 3 naman ay sa Magsaysay. Ang White Lies ang nagpasikat ng mga awiting Alaala Mo at First Love Never Dies. Ayon kay Mojack, masaya siya sa forthcoming ... Read More »

Lotlot, 1st Sem at Area, wagi sa 50th Houston International Filmfest

NANALO ang pelikulang 1st Sem at Area sa 50th Houston International Film Festival na ginanap sa Marriot Hotel sa Houston, Texas. Nanalo rin ditong Best Supporting Actress si Lotlot de Leon para sa 1st Sem. Ayon sa direktor nitong si Dexter Paglinawan Hemedez, “Masayang-masaya po kami sa pagkapanalo. Nagpapasalamat po kami sa lahat ng mga nakasama namin sa pagbuo ng ... Read More »

Jana Agoncillo, humahataw sa Goin’ Bulilit at Team Yey

ENJOY na enjoy ang child star na si Jana Agoncillo sa pagiging bahagi niya ng mga TV show na Goin Bulilit at Team Yey. Ang una ay napapanood sa ABS CBN tuwing Linggo at ang sumu-nod naman ay sa ABS-CBN TVplus araw-araw, 8:30 am and 2:30 pm. Ayon sa kanyang Mommy Peachy, parang laro lang daw sa kanyang anak ang ... Read More »

Grae Fernandez, muling aarangkada ang showbiz career

BALIK-teleserye si Grae Fernandez via Ikaw Lang Ang Iibigin na tinatampukan nina Kim Chiu, Gerald Anderson, Coleen Garcia, Jake Cuenca, at iba pa. Mapapanood ito bago ang It’s Showtimesimula sa Lunes, May 1. Kinumusta namin si Grae noong isang araw at inusisa kung ano ang papel sa seryeng ito ng ABS CBN. “Okay naman po ako, ang bago ko pong ... Read More »

Sharlene San Pedro, recording artist na rin

ISA ang young actress na si Sharlene San Pedro sa mga Kapamilya talents na habang tumatagal ay lalong nagniningning ang bituin. Kumbaga, right timing at right project na lang ang hinihintay niya at susunod na siya sa yapak ng ilan sa mga sikat na young stars ng bansa. Mula sa pagiging aktres ay sasabak na rin si Sharlene sa pagiging ... Read More »

Ang iba’t ibang mukha ni Mon Confiado, bilang versatile na aktor!

BINIRO namin sa isang panayam ang versatile na actor na si Mon Confiado na kung si Rosanna Roces dati ay tinawag na Curacha, Ang Babaeng Walang Pahinga base sa pelikula ng aktres, siya naman ang male version nito dahil kaliwa’t kanan ang ginagawa niyang pelikula ngayon. Ang sagot sa amin ni Mon, “Medyo luma na ang term na lalaking walang ... Read More »

Debut ni Kisses Delavin, pinaghahandaan nang todo!

ISANG Francis Libiran gown ang isusuot ni Kisses Delavin sa kanyang 18th birthday na magaganap sa May 1. Big fan daw ng kanilang pamilya ang kilalang fashion designer. “Parang sobrang bongga siya for me kasi he’s one of the best in the Philippines. Talagang he’s a genius in his work. My parents, parang they really want to make it a ... Read More »

Kathryn Bernardo at Julia Montes, special ang friendship!

ESPESYAL ang friendship nina Kathryn Bernardo at Julia Montes. Nagsimula raw ito nang gawin nila ang seryeng Mara Clara sa ABS CBN na na-ging simula na rin nang paghataw ng kanilang respective showbiz career. Guest last week ang dalawa sa Magandang Buhay nina Jolina Magdangal, Karla Estrada at Melai Cantiveros at dito’y naikuwento nila ang simula ng kanilang closeness. “Hindi ... Read More »

Raffy Reyes, nagpamalas ng husay sa pelikulang Bubog

KAHIT baguhan pa lang si Raffy Reyes, nagpakita siya ng mahusay na performance sa debut film na Bubog ni Direk Arlyn Dela Cruz. Ang pelikula ay sumasalamin sa nangyayaring giyera ngayon ng pamahalaan kontra sa droga. Inusisa namin ang role niya sa pelikula. “Ang aking role sa pelikula ay ang nangangarap na “fresh grad” na si Armand Sanchez. Pangarap niyang ... Read More »

Sylvia Sanchez, habang buhay na ipagmamalaki ang seryeng The Greatest Love

NGAYON ang huling araw na mapapanood ang teleseryeng The Greatest Love na nagmarka sa kamalayan ng maraming viewers, lalo na sa mga ina. Tinutukan ng marami ang seryeng pinagbidahan ni Ms. Sylvia Sanchez mula simula hanggang sa pagtatapos nito. Bilang si Mama Gloria, nagkaka-isa ang maraming suking manonood ng naturang Kapamilya TV series sa mahusay at makatotohanang pagganap ni Ms. ... Read More »

Paul Sy, masaya para kay Direk Perry Escaño

MASAYA ang komedyanteng si Paul Sy para sa kaibigang si Direk Perry Escaño. Unti-unti na kasing natutupad ang pangarap nito bilang direktor. Tinatapos na ngayon ni Direk Perry ang Cinemalaya movie niyang Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa na pinagbibidahan ni Rep. Alfred Vargas. “Haping-happy ako sa nangyayari ngayon sa career ni Direk Perry, una na itong movie na Ang ... Read More »

Benj Manalo, patuloy sa pagganda ang showbiz career

LALONG humahataw ang showbiz career ngayon ni Benj Manalo. After panandaliang mamahinga sa FPJ’s Ang Probinsyano, mas naging maganda ngayon ang character niya sa seryeng pinagbibidahan ni Coco Martin. Bukod pa sa TV, kasali rin si Benj sa sofdrink commercial ni Daniel Padilla at may dalawa pa siyang online shows. Nabanggit ni Benj na masaya siya sa takbo ngayon ng ... Read More »

Tonz Are, humahataw sa indie films

MULA sa pagiging theater actor, humahataw sa indie films ang newcomer na si Tonz Are. Si Tonz ay 25 year old at tubong Koronadal City. Kabilang sa mga indie films na kasali siya ang Night shift, Notbuk, Silangan, Nanay Krisanta, Sitio Dolorosa, Panaginip, Play Ground, Makata, Mangkukulob, Udyok, Lamat, at iba pa. Ayon kay Tonz, bata pa lang ay hilig ... Read More »

Nikko Natividad, happy sa movie na Bes, Ang Galing Mo! (Uwian Na, May Nanalo Na!)

GUMAGANAP na anak ni Ms. Ai Ai delas Alas ang Hashtag member na si Nikko Natividad sa pelikulang Bes, Ang Galing Mo! (Uwian Na, May Nanalo Na!). Ayon kay Nikko, sobra siyang nagpapasalamat kina Ai Ai at sa direktor nitong si Joel Lamangan dahil sa pag-alalay sa kanya sa shooting ng pelikula. “Okay po ang first shooting day namin, maayos ... Read More »

Sharon-Gabby movie, naudlot na naman

MATAPOS tila mag-urong-sulong at ang sala-salabat na balita ukol sa gagawing movie nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, finally ay official nang hindi na ito matutuloy muna para sa taong 2017. Bago ito, nagkaroon din ng alingasngas nang lumutang na ang hinihinging TF o talent fee ni Gabby para sa pelikula nila ni Sharon ay 10 million pesos. Tapos ay ... Read More »

Lance Raymundo, ibang fulfillment ang nakukuha sa pagganap bilang Kristo

MULING tatampukan ni Lance Raymundo ang play na Martir sa Golgota mula sa pamamahala ni Direk Lou Veloso. Second time na itong ginagampanan ni Lance bilang si Kristo. Last Friday, naging matagumpay opening night nito sa Greenfield Garden District. Nagbigay si Lance nang kaunting patikim sa kanilang naturang play. “Ang Martir sa Golgota ay isang play ng Tanghalang Sta. Ana ... Read More »

Andrea Cuya, ipinagmamalaki ang pelikulang Bubog

KAPUPULUTAN ng aral at napapanahon, iyan ang pahayag ni Andrea Cuya ukol sa pelikula nilang Bubog (Crystals) ni Direk Arlyn dela Cruz. Si Ms. Andrea ang isa sa producer ng pelikula na ukol sa nangyayaring giyera ngayon sa ating bansa kontra sa droga. “May-aral po itong movie, kaya dapat po talaga itong panoorin. Very timely siya talaga sa nangyayari ngayon. ... Read More »

Daiana Menezes, Happy sa kanyang 10th year sa showbiz!

SA darating na October ay ika-sampung taon na ni Daiana Menezes sa showbiz. Ayon sa Brazilian model/actress/TV host, happy siya sa takbo ng kanyang career at hardwork daw ang numerong unong rason kaya siya tumagal ng ganito. “Nag-e-enjoy naman po ako sa aking showbiz career, in one word I’d say: hardwork. I think career is passion, if you’re still passionate ... Read More »

Jemina Sy, dream come true ang maging aktres sa pelikulang Bubog

MATAGAL nang pangarap ng newbie actress na si Jemina Sy na makalabas sa pelikula. Finally ay nagkaroon ito ng katuparan via Direk Arlyn dela Cruz’ Bubog (Crystals). Dito’y gumaganap bilang isang high class na drug pusher at police asset si Jemina. Bagay naman sa kanya ang natokang role, dahil kahit first movie niya ito ay pasado naman siya para sa ... Read More »

Scroll To Top