Sunday , April 21 2019
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Micka Bautista

Author Archives: Micka Bautista

Feed Subscription

Lalaking ‘exhibitionist’ sa loob ng jeepney tukoy na ng pulisya (Sa Bulacan)

PINAGHAHANAP na ng pulisya ang isang lalaki sa nag-viral na video sa Facebook na nilalaro ang ari habang nasa loob ng pamapasaherong jeepney sa Bulacan. Kuha ang video noong 20 Marso na isang lalaki ang nilalaro ang kaniyang ari kaharap ang isang babaeng pasahero sa loob ng jeepney. Ayon sa biktima, naka­sakay niya ang lalaki sa jeep na biyaheng Pulilan ... Read More »

2 tulak patay sa enkuwentro

NAPATAY ang dalawang tulak matapos manlaban sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa City of San Jose del Monte (CSJDM), Bulacan. Sa ulat mula kay Lt. Colonel Orlando Castil, hepe ng CSJDM police, kinilala ang isa sa mga suspek na si Johnrick Amoncio habang ang isa pa ay kasalukuyang inaalam ang pagkakakilanlan. Dahil nasa drug watch list, nagsagawa ng ... Read More »

Tatlong lalaki tiklo sa pekeng yosi

INARESTO ng pulisya ang tatlong lalaki na naaktohang nagbebenta ng mga pekeng sigarilyo sa Bocaue, Bulacan. Kinilala ang mga suspek na sina Carlo Lopez, 22-anyos; Antho­ny Lopez, 19-anyos; at Mark Anthony Dimara­nan, 25-anyos. Isinagawa ang operasyon laban sa tatlong suspek ng mga kagawad ng Bocaue police at Bulacan Pro­vincial Special Operation Group (PSOG). Nabatid na inaresto ang tatlo matapos maka­kuha ... Read More »

Dalawang tulak bumulagta sa buy-bust

PATAY ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa buy-bust operation na ikinasa ng pulisya sa San Jose del Monte City, Bulacan. Kinilala ni Supt. Orlando Castil, hepe ng San Jose del Monte City police ang mga napatay na sina James Taruc at isang alyas Inad samantala nakatakas ang isa nilang kasama na si Jason Panti alyas Goryo. Nabatid ... Read More »

4-anyos nene warat sa 22-anyos kapitbahay

MAAGANG napariwara ang buhay ng isang batang ba­bae na sa musmos na gu­lang ay walang awang gina­hasa ng hayok na kapit­bahay sa Pandi, Bulacan kahapon. Kinilala ni Chief Insp. Avelino Protacio, hepe ng Pandi police, ang suspek na si Mark Jason Monilla, 22-anyos at residente sa Brgy. Cacarong, sa naturang bayan. Nabatid sa ulat, ang biktima, isang 4-anyos nene, residente ... Read More »

2 lalaking nanalo sa sabong patay sa ambush

TODAS ang dalawang lalaki na kagagaling sa sabungan matapos silang tambangan at pagbabarilin ng mga nakamotorsiklong suspek sa Meycauayan City, Bulacan. Batay sa ulat, sakay ng isang kotse sina Andres Limcuando at katiwalang si Rodelio Ampunin nang tambangan sila ng dalawang suspek sa McArthur Highway pasado 2:00 ng madaling araw kamakalawa. Ayon kay Chief Insp. Alexander Dioso, officer-in-charge ng Meycauayan ... Read More »

Pusakal na snatcher sa Bulacan timbog

NAGWAKAS ang malili­gayang araw ng isang pusakal na snatcher nang matiklo ng mga awtori­dad matapos biktimahin ang isang babae sa Sapang Palay, San Jose del Monte City, Bulacan. Sa ulat mula kay S/Supt. Chito Bersaluna, Bulacan Police Director, ang suspek ay kinilalang si Carlo Bautista, 20-anyos, residente sa Brgy. San Pedro. Huling naging bikti­ma ng suspek bago natiklo ay si ... Read More »

77-anyos stroke-patient na lola ginahasa ng hayok na kapitbahay

KATARUNGAN ang hinihingi ng pamilya ng isang matandang babae matapos gahasain ng kapitbahay sa Brgy. Pritil, Guiguinto, Bulacan. Batay sa ulat ng Guiguinto police, ang sus­pek na kanilang inaresto ay kinilalang si Roque Maxie dela Cruz alyas Ogie, 44-anyos, na inire­klamo ng pangga­gahasa sa isang 77-anyos na lola. Ayon sa pahayag ng biktima, naalimpungatan siya sa pagtulog nang maramdamang umangat ... Read More »

Killer ng mag-lola sa Plaridel timbog

MAKARAAN ang ilang oras matapos maganap ang krimen ay naaresto ng pulisya ang lalaki na pumatay sa isang lola at apo sa Plaridel, Bulacan. Kinilala ni Bulacan PNP provincial director S/Supt. Chito Bersaluna ang suspek na si Jhay Vincent Roco Marmeto na itinuturong pumatay sa mag-lolang sina Sylvia Castillo, 64, at Cyrene San Pedro, 14, at ikina­sugat ni James Cyrus ... Read More »

Kilabot na tulak, nanlaban, patay sa enkuwentro

Bangkay na itinanghal ang isang kilabot na tulak ng ilegal na droga matapos manlaban at maki­pagbarilan sa pulisya sa isang buy-bust operation sa Sta. Maria, Bulacan. Sa ulat mula kay Supt. Carl Omar Fiel, hepe ng Sta. Maria police, ang napatay na suspek ay kinilalang si Jona­than Genio alias Atan, 30-anyos, residente sa NDR, Brgy. Ca­machile, Balin­tawak, Quezon City. Batay ... Read More »

Baril itinutok basagulero arestado

INARESTO ng pulisya ang isang siga at basagulerong lalaki matapos maghamon ng away at tutukan ng baril ang kapitbahay sa Marilao, Bulacan. Sa ulat mula sa Marilao police, kinilala ang naarestong suspek na si Ryan Palasigue, 20-anyos, samantala ang biktima ay si  Roger Palmiano, kapwa residente sa Prenza 1, sa naturang bayan. Nabatid sa ulat na dakong 10:30 ng gabi ... Read More »

16-anyos estudyante patay sa Meningo (Sa Bulacan)

CITY OF SAN JOSE DEL MONTE, Bulacan – Ipina-cremate na noong Sabado, 8 Disyembre, ang labi ng isang teenager na namatay sa hinihi­nalang sakit na meningo­coccemia disease ma­karaan bawian ng buhay noong Huwe­bes, 6 Disyembre. Ang nasabing sakit ay ikinokonsiderang medical emergency. Sa ulat ni Betzaida Banaag, city health of­ficer, kinompirmang may namatay sa meningococ­cemia sa lungsod na isang 16-anyos ... Read More »

Ginang tigbak sa saksak (‘Di nagpautang ng alak)

PATAY ang isang ginang makaraan pagsa­sak­sakin ng isang lasing na lalaki na hindi niya pinautang ng alak sa Meycauayan, Bulacan, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang bik­timang si Gina Peru, 47, residente sa Brgy. Perez sa nabanggit na bayan. Agad nadakip ng mga awtoridad ang suspek na si Julius Victorino, 28, residente  rin sa nasabing lugar. Ayon kay Supt. Santos Mera, ... Read More »

18-anyos dalagita dinonselya ng kapitbahay (Naghanap ng signal)

HINDI inakala ng isang 18-anyos dalaga na ang hangarin niyang maka­sagap ng signal para sa kanyang cellphone ang magiging dahilan ng pagkalugso ng kanyang puri sa Sto. Cristo, Angat, Bulacan, kamakalawa ng gabi. Ayon sa ulat kay S/Supt. Chito Bersaluna, provincial director ng Bulacan PPO, nangyari ang insidente nang lumabas ng bahay ang 18-anyos biktima dakong 10:00 pm para magpunta ... Read More »

COP sa Bulacan tiklo sa kotong

INIHAHANDA ng mga awtoridad ang isasam­pang kaso laban sa isang hepe ng pulisya sa Bulacan na inaresto dahil sa pangongotong sa arestadong drug suspect. Ang opisyal ay kinilalang si Supt. Jowen dela Cruz, hepe ng Bocaue Police Station, inaresto sa mismong kaniyang tanggapan sa inilunsad na joint operation ng PNP Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF), PNP Highway Patrol Group (PNP-HPG) at ... Read More »

Palparan guilty sa ‘dinukot’ na 2 UP students

HINATULAN ng Malolos Regional Trial Court (RTC) nitong Lunes si dating Major General Jovito Palparan na guilty sa mga kasong kidnapping at illegal detention kaugnay sa pagkawala noong 2006 ng dalawang estudyante ng University of the Philippines. Bukod kay Palparan, hinatulan din ng Malolos RTC Branch 15 bilang guilty sa mga parehong kaso sina Lt. Col. Felipe Anotado Jr., at ... Read More »

8 rice warehouses sa Bulacan ininspeksiyon

Manny Piñol Jason Aquino NFA rice

SORPRESANG ininspe­ksiyon nina Agriculture Secretary Emmanuel Piñol at National Food Authority Administrator Jason Aquino ang walong NFA licensed grain warehouse sa Marilao, Bulacan. Ayon kay NFA-Bula­can Provincial Mana­ger Elvira Obana, kabil­ang sa mga ininspeksiyon ang Faerdig General Mercha­nd­ise, Lom Marketing, Paracao General Merc­handise, at Marilao Gene­ral Merchandise. Napag-alaman na pawang naglalaman ang mga bodega ng mga below normal rice stocks ... Read More »

Kaanak ng plane crash victims naghain ng kaso

SINAMPAHAN ng kaso ng kaanak ng mga namatay na biktima sa plane crash sa Plaridel, Bulacan, ang may-ari ng eroplano. Sinabi ni Fe Pagaduan, ina ng pasahero ng eroplano na si Vera Pagaduan, mula noong Sabado ay hindi na nagpakita sa kanila ang may-ari ng eroplano. Ikinuwento niya ang huling mensahe ng anak at sinabing tila may ipinahihiwatig. Tiniyak ng ... Read More »

Pamilyang nabagsakan ng eroplano nakaburol na

Church Plaridel Bulacan

NAKABUROL na ang limang miyembro ng pamilyang namatay makaraan mabagsakan ng eroplano ang kanilang bahay sa Plaridel, Bulacan, nitong Sabado ng hapon. Dinala ang mga labi ng pamilya Dela Rosa sa Santa Cruz Chapel sa Brgy. Lumang Bayan, sa naturang bayan, kahapon ng madaling-araw. Namatay sina Louisa Santos (lola), Rissa Dela Rosa (ina), Trisha dela Rosa, John John Dela Rosa, ... Read More »

Bilyones na pekeng yosi, tax stamps nasabat sa Bulacan

BILYONG pisong halaga ng mga pekeng sigarilyo at tax stamps ang nasabat ng mga tauhan ng CIDG Region 3 at Philippine Drug Enforcement Agency sa isang warehouse sa Bulacan, kamakalawa. Bitbit ang search warrant, pinasok ng mga awtoridad ang warehouse sa RIS Complex sa Guiguinto, sa naturang lalawigan. Dito tumambad ang pagawaan ng sigarilyo na kompleto sa makina, daan-daang kahon ... Read More »

Bebot may sakit sa puso ginahasa, waiter arestado

ARESTADO ang isang waiter makaraan gahasain ang isang 19-anyos babaeng may sakit sa puso sa silid ng biktima sa Sta. Maria, Bulacan, kamakalawa. Batay sa reklamo ng biktima, natutulog siya nang pasukin sa kanyang silid ng suspek na si Winifredo Napal, 20-anyos. Ayon sa imbestigasyon ng Sta. Maria police, sinasabing kukunin ng suspek ang cellphone na hiniram ng biktima ngunit ... Read More »

4 bagets tiklo sa CCTV (Sa nakawan ng motorsiklo)

ARESTADO ang apat menor de-edad na itinuturong sangkot sa pagnanakaw ng mga motorsiklo sa Pandi, Bulacan, kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni Chief Inspector Manuel de Vera, hepe ng Pandi Police, inaresto ang 15-anyos binatilyo, sinasabing pasimuno sa pagnanakaw ng mga motorsiklo sa naturang bayan. Sa ulat, sinabing namukhaan ng isang concerned citizen sa CCTV footage ang pagtangay ng mga ... Read More »

Water tank explosion victims umapela ng ayuda

UMAPELA ng tulong mula sa local water district ang mga residente ng San Jose del Monte sa Bulacan, na apektado ng sumabog na water tank sa lugar. Ilang residente ang nagpahayag na wala pa silang natatanggap na kahit na anong tulong mula sa mga opisyal ng San Jose del Monte Water Distrcit makaraan ang pagsabog ng water tank sa Brgy. ... Read More »

Water tank sumabog 2 sanggol, 2 pa patay (Sa San Jose del Monte, Bulacan)

A post shared by HATAW! – Diyaryo ng Bayan (@hatawtabloid) on Oct 7, 2017 at 1:45am PDT APAT ang patay kabilang ang dalawang sanggol, 44 ang sugatan nang sumabog ang isang 2,000-cubic meter water tank sa Brgy. Muzon, San Jose Del Monte City, Bulacan, kahapon ng madaling-araw. Ayon kay San Jose Del Monte Police chief, Supt. Fitz Macariola, nawasak ang ... Read More »

Dalagita tinangkang gahasain sa Kadamay

BUGBOG-SARADO ng mga kapitbahay ang isang lalaki makaraan pagtangkaang halayin ang isang dalagita sa opisina ng grupong Ka-damay sa inookupahan nilang pabahay sa Pandi, Bulacan, nitong Miyerkoles. Sa ulat mula sa Pandi police, kinilala ang suspek na si Albert Barcenas, kapitbahay ng 16-anyos biktima. Ayon sa ulat, nalasing ang dalagita makaraan makipag-inoman sa mga kaibigan sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan. ... Read More »

Scroll To Top