NAGWAGI Si Tristan Jared Cervero sa Group B o kategoryang All Filipino sa 19th Thousand Island Cup Philippine Xiangqi (Chinese Chess) Open tournament sa Eastern Athletic Association, Mezzanine, Cathay Mansions Building, Room M-103, 1407 Mayhaligue Street, Sta. Cruz, Maynila noong Linggo, 10 Agosto 2025. Ang 26-anyos mag-aaral ng Interdisciplinary Studies sa Ateneo de Manila University ay tinapos ang torneo na …
Read More »FM Ivan Travis Cu, nanguna sa Blitz sa 9th Eastern Youth Chess Champs
IPINAMALAS ng sumisikat na Filipino chess star na si FIDE Master (FM) Ivan Travis Cu ang kanyang dominasyon sa internasyonal na entablado, at nagwagi ng ginto sa blitz Under 18 division sa 9th Eastern Asia Youth Chess Championship, na ginanap 20-30 Hulyo sa Zhuhai City, China. Si Cu ay nagpakita ng kahanga-hangang 8.5/9 performance sa blitz event, na nakakuha ng …
Read More »
PH Blu Girls tinambakan SoKor sa China
7-0 sa WBSC Women’s Softball Asia Cup
NAGPAKITA ng mahusay na laro ang Philippine Blu Girls sa WBSC Women’s Softball Asia Cup 2025 at tinambakan ang South Korea, 7-0, sa Xi’an, China, noong Martes. Agad na umatake ang koponan, nakapuntos ng tatlo sa unang “inning” bago sinelyohan ang panalo sa apat na puntos na karagdagan sa ikalima. Ipinakita ng panalo ang determinasyon ng Filipinas na magkaroon ng …
Read More »Bernardino nagkampeon sa Sali Chess Blitz Open
MAKATI CITY — Nagbigay ng draw si National Master Almario Marlon Quiroz Bernardino, Jr., sa kanyang huling laban laban kontra kay Leo Peñaredondo sapat para magkampeon sa katatapos na National Master Zulfikar Sali Blitz Open Round Robin Chess Tournament na ginanap sa New World Hotel sa Makati City nitong Linggo, 8 Hunyo 2025. Si Bernardino, isang beteranong sportswriter at radio …
Read More »Don Bosco Tarlac Chess Team nagningning sa paligsahan ng chess sa Bangkok
NAGKAMIT ng mga individual awards ang Don Bosco Tarlac Chess team sa Red Knights Chess Club KIS International School Chess Championship 2025 na ginanap sa KIS International School Gym Hall sa Bangkok, Thailand noong Linggo, 1 Hunyo 2025. Si James Henry Calacday, isang mag-aaral sa Grade 11, ay nakakuha ng ikalawang puwesto, at ang tanging pagkatalo niya ay kay Thailand …
Read More »WNM Arvie Lozano kampeon sa Laos
WALANG makalalapit kay Woman National Master Arvie Lozano kapag nasa paligsahan na siya. Gaya ng inaasahan, ang Bangkok, Thailand based na si Lozano ay nakakuha ng perpektong 5.0 puntos upang magkampeon sa ika-3 Vientiane Open FIDE Rated Standard Chess Tournament na ginanap noong 31 Mayo hanggang 1 Hunyo 2025 sa National Olympic Committee, Vientiane Capital, Laos. Si WNM Lozano, …
Read More »Muling nagpamalas ng husay si Filipino Louie Salvador sa Thailand Rapid chess
NAKUHA ni Filipino Louie Salvador ang titulo at ang 3,000 Thai Baht na premyo sa Red Knight Chess Club & Cafe FIDE Rated Rapid Tournament kahapon, Linggo, 25 Mayo 2025 sa Red Knight Chess Club & Cafe sa Bangkok, Thailand. Ang 34-anyos na si Salvador, isang guro ng chess sa Big Rook Chess Academy sa Bangkok, Thailand, ay nakipag-draw sa …
Read More »
Sa 2025 Irohazaka Car Meet Drift Series
DANIEL MIRANDA HANDA NA CEBUANA LHUILLIER ARANGKADA SA SUPORTA
HANDA nang simulan ni Daniel Miranda, ang kilalang Filipino motorsport standout, ang kanyang 2025 drift season sa inaabangang Irohazaka Car Meet, na gaganapin sa R33 Drift Track sa Pampanga. Bilang unang international drift event ng taon at ang unang round ng limang bahaging serye, ang meet ay nangangako ng matinding kompetisyon, mga talento sa rehiyon, at isang kapanapanabik na pagsisimula …
Read More »Pacquiao magbabalik sa ibabaw ng ring
ni Marlon Bernardino MULING sasabak sa ibabaw ng ring si Manny Pacquiao matapos ang apat na taon niyang pagreretiro. Kinompirma ni Pacquiao kahapon, Miyerkoles, 21 Mayo, na hahamunin niya ang kampeon ng World Boxing Council welterweight na si Mario Barrios ng Mexico sa 19 Hulyo sa MGM Grand sa Las Vegas, Estados Unidos. “I’m back,” sulat ni Pacquiao sa …
Read More »PH chess wizard Marc Kevin Labog naghari sa Bangkok chess tilt
NAGHARI si PH chess wizard Marc Kevin Labog sa katatapos na JCA Blitz May 2025 chess tournament na ginanap sa Paradise Park Mall, Bangkok, Thailand nitong Sabado, 17 Mayo 2025. Si Labog, Sr Billing Analyst sa Datamatics Philippines ay nakaipon ng 8 puntos sa siyam na laro mula sa pitong panalo at dalawang tabla para maiuwi ang titulo. Kabilang sa …
Read More »Toledo-Xignex Trojans bida sa PCAP
SA WAKAS, nagwagi ang Toledo-Xignex Trojans sa online team chess tournament ng Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) sa pamamagitan ng Chess.com Platform kahapon Miyerkoles, 14 Mayo 2025. Suportado nina Atty. Jeah Gacang, Sir John Signe, at NM Rafael “Jojo” Legaspi dinaog ng Toledo ang Pasig City King Pirates, 13-8 at 14-7. Dinomina ni Woman FIDE Master Cherry Ann …
Read More »Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships
HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino Inumerable sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships na ginanap noong 25-27 Abril 2025 sa Holiday Inn Chicago North Shore sa Evanston, Illinois, USA. Natapos ng taga-Balayan, Batangas na si Inumerable ang limang-round Swiss system competition na may 4.0 puntos mula sa tatlong panalo at …
Read More »Dableo, pangalawa sa Sydney standard tournament
NAGTAPOS bilang ikalawa si International Master Ronald Dableo ng Filipinas sa Sydney International Open 2025 Standard chess tournament na ginanap noong 23-27 Abril 2025 sa Novotel West HQ, Conference Room sa Sydney, Australia. Mas pinahusay ni Dableo, tubong Sampaloc, Maynila, ang kanyang performance matapos siyang mag-third place sa blitz chess tournament kamakailan. Ang head coach ng multi-titled University of Santo …
Read More »
Sa WTA Miami Open
19-ANYOS PINAY WILD CARD GINAPI WORLD NO. 2, 5 GRAND SLAM CHAMP
ni MARLON BERNARDINO NAGBUNYI ang Filipino sports enthutiasts nang pumasok sa semi finals round ng Miami Open ang Philippine teen tennis ace na si Alexandra “Alex” Maniego Eala nang gapiin ang kanyang idolong five-time grand slam champion at World No. 2 na si Iga Swiatek ng Poland, 6-2 , 7-5, Huwebes ng madaling araw (Manila Time) sa Hard Rock Stadium …
Read More »IM Garma, patuloy sa paglaban, nanatiling umaasa
Porto Santo Island, Portugal — Si Pinoy International Master (IM) Chito Danilo Garma ay nakapagtala ng mahahalagang panalo upang makabalik sa kontensiyon matapos ang ikasiyam na round ng 32nd FIDE World Senior Chess Championship noong Martes, 26 Nobyembre 2024, sa Hotel Baleira, Porto Santo Island, Portugal. Natalo ni Garma si FIDE Master Richard Vedder ng Netherlands sa loob ng 40 …
Read More »Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23
QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23 sa Victoria Sports (VS) Tower 2, 799 EDSA South Triangle, Quezon City malapit sa MRT GMA–Kamuning station. Ang magkakampeon ay kikita ng P10,000 plus trophy, accommodation sa VS hotel at one month premiere membership. Ang second placer ay makakakuha …
Read More »4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre
SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average rating) sa 17 Nobyembre 2024, 11:00 am sa Robinsons Galleria, Ortigas Avenue sa Quezon City. Makakamit ng champion team ang P15,000 plus trophy, medals, tatlong mobile phones na nagkakahalaga ng P48,000 at P15,000 gems mula sa Kalaro Esports. Ang second placer ay makakukuha ng P20,000 …
Read More »
P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV
Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa kanyang malalim na kaalaman sa endgame sa Armageddon tie-break laban kay top seed at Super Grandmaster Timur Gareyev ng Uzbekistan upang pangunahan ang katatapos na 3rd Governor Henry S. Oaminal Open Chess Festival sa Asenso Misamis Occidental Sports and Cultural Center (AMOSACC), Capitol Complex sa …
Read More »
Road to Pakil
8th SIKAT IIEE-Bayanihan Chess pangungunahan nina Mapa, Quizon at Bernardino
NAKATAKDA ang 8th Speed-Chess IIEE-Bayanihan Knockout Armageddon Tournament (SIKAT) sa Pakil, Laguna sa 9 Nobyembre 2024. Ang kaganapang ito ay ginawang posible ng 2020 IIEE National President Rod Pecolera, na nag-ugat sa kanyang pamilya mula sa nasabing bayan, at nilalayon niyang ibahagi ang kanyang kadalubhasaan at mga serbisyo sa engineering. “Playing chess is the right one direction for all the …
Read More »Filipino NM Robert Arellano kampeon sa Solas Charity Rapid Tournament Open chess tilt sa Ireland
NAGKAMPEON ang batikang woodpusher at National Master (NM) Robert Arellano sa Solas Charity Rapid Chess Tournament Open noong Linggo, 13 Oktubre 2024 sa Solas Garden Center Portarlington, Laois, Ireland. Ibinulsa ni NM Arellano, na naglalaro para sa IIEE-PSME-Quezon City Simba’s Tribe sa Professional Chess Association of the Philippines (PCAP), ang tropeo ng kampeonato para sa paghahari sa torneo na nagtala …
Read More »GM Torre mangunguna sa pagbubukas ng 4th Cong. Alan R. Dujali Nat’l Chess Open
Panabo City, Davao del Norte — Ang unang Grandmaster ng Asia na si Eugene Torre, ang magiging panauhing pandangal sa pagbubukas ng 4th Cong. Alan R. Dujali Nat’l Chess Open Rapid Chess Tournament sa Payag Grill & Folk House, Ma. Claria Resorts compound, Panabo City ngayong Sabado, 28 Setyembre 2024. Ang dalawang-araw na event (Sabado at Linggo) na nag-aalok ng …
Read More »
Filipino & US Chess Master
Bernardino nagkamit ng Ginto sa 3rd Laos International Chess Open Championship 2024
Vientiane, Laos — Muling nagwagi ang 47-anyos na si Filipino at United States Chess Master Almario Marlon Quiroz Bernardino, Jr., isang beteranong sportswriter at radio commentator, sa pamamagitan ng pag-angkin ng unang pwesto sa katatapos na 3rd Laos International Chess Open 2024, ginanap sa 2nd floor ng Parkson, Naga Mall sa Vientiane, Laos nitong nagdaang 1-6 Setyembre. Sa ilalim ng …
Read More »Quizon pumuwesto sa ika-6 sa Abu Dhabi, nakakuha ng GM norms
PINABAGSAK ni Filipino International Master Daniel Maravilla Quizon (2457) si Indian Grandmaster Narayanan, SL ( 2649) upang umiskor ng 7 punto sa 9 rounds at makisalo sa unahang puwesto sa katatapos na 30th Abu Dhabi International Chess Festival – Masters na ginanap sa St. Regis Abu Dhabi Corniche Hotel sa United Arab Emirates noong Sabado, 24 Agosto 2024. Napunta siya …
Read More »Nauna si Jericho Banares, 2nd si Rodrigo Geronimo sa pro billiard draft
QUEZON CITY—Si Jericho Banares, gaya ng inaasahan, ay unang na-draft sa inaugural Sharks Billiard Association (SBA) Player’s Draft sa Quantum Skyview ng Gateway Mall 2, Araneta City sa Cubao Quezon City noong 18 Agosto 2024. Unang napili si Banares ng Quezon City Dragons. “I felt very honoured to be included in the team,” ani Banares, tumapos ng silver finish sa …
Read More »
Desisyon ng mga hurado hindi tinanggap
JAPANESE PUG IDINEKLARANG WAGI TUMANGGI, SORRY HININGING NANIKLUHOD SA PINOY BOXER
ni MARLON BERNARDINO TUMANGGI si Japanese fighter Keita Kurihara na tanggapin ang desisyon ng mga hurado na nagdedeklarang panalo siya laban kay Filipino boxer Renan Portes sa kanilang bantamweight non-title bout noong Lunes, 22 Hulyo, sa Korakuen Hall sa Japan. Sa laban ng dalawang bihasang sluggers nanalo ang 31-anyos Japanese boxer sa pamamagitan ng split decision. Ibinigay ni Judge Toshio …
Read More »