Thursday , February 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Maricris Valdez Nicasio (page 7)

Author Archives: Maricris Valdez Nicasio

Feed Subscription

Stardom na inaasam ni Amir Reyes, malapit na

PRODUKTO ng iba’t ibang male pageant si Amir Reyes, ang tinaguriang Race Car Driver ng Laguna at nagwagi noong Martes sa daily competition na MACHO MEN ng Eat Bulaga. Naging part time theater actor si Amir at nasubukang lumabas sa mga teleserye bilang talent. Isa rin siyang ramp model sa taas na 5’10″ at 3rd year Marketing student sa San Pedro College of Business Administrations. Ang pagsali ... Read More »

Javi, pinuri si Sue: Gem siya ng industriya

NAGPASALAMAT si Javi Benitez sa kanyang leading lady sa Kid Alpha One sa pamamagitan ng Instagram. Kasabay ng pagpa­pasalamat ng action star ang pagpuri sa magandang work ethics ng dalaga gayundin ang pagiging magaling nitong aktres. Ani Javi, “Through­out this project, I’ve gotten to know a determined, funny, smart and talented person. “Walang arte sa set, napakahusay sa mga drama ... Read More »

Award winning hollywood film, Pinoy ang producer

SAAN man mapunta ang Pinoy, tiyak na umaangat. Tulad nitong negosyante at nagtayo ng Wealth Financial Life Insurance Services (WFL) na si Arsy Grindulo Jr., na baguhan sa pagpo-produce ng Hollywood movie, pero agad nakakuha ng mga papuri. Si Arsy ay isang self-made Fil-Am high profile business­man mula California na mula sa kanyang matagumpay na insurance ay naitayo naman ang ... Read More »

Ama nina Greta, Marjorie, at Claudine, pumanaw na

KINOMPIRMA ni Claudine Barretto sa pamamagitan ng kanyang Instagram story ang pagpanaw ng kanilang amang si Miguel Alvir Barretto. Matatandaang humingi ng dasal si Marjorie para sa kanilang 82 taong ama na nagdiwang ng kaarawan kamakailan. Sa post nito a week ago, sinabi ng aktres na, “Exactly one week ago today, we were celebrating my Dad’s 82nd birthday over lunch ... Read More »

Jessy, ramdam si Anne; Pangungulit sa kasal, nakape-pressure

RAMDAM din ni Jessy Mendiola ang pressure na nararamdaman ni Anne Curtis sa tuwing kinukulit ito ukol sa kung kailan mabubuntis o magkakaanak. Tulad ni Anne, madalas ding kinukulit si Jessy ukol naman sa kung kailan sila ikakasal ng kanyang boyfriend na si Luis Manzano. Sa presscon kahapon ng bagong endorsement ng aktres, ang SkinCell aesthetic clinic, na may biggest ... Read More »

Aga at 50 — I’m at my happiest, comfortable and so much fun in my life

HINDI man sabihin, kitang-kita na kay Aga Muhlach na maligaya siya sa buhay niya ngayon. Kumbaga, wala na siyang hahanapin pa at masaya na siya sa kung anong mayroon siya ngayon. Aniya sa presscon ng pelikula nila ni Alice Dixson na Nuuk mula sa Viva Films na mapapanood na sa Nobyembre 6, “I’m at my happiest, I am at my ... Read More »

Gabby, marami pa ring natatanggap na paramdam; Kaguwapuhan at freshness, napanatili

HINDI nahirapan si Rhea Anicoche-Tan, presidente at CEO ng Beautederm Corp., na kunin si Gabby Concepcion para maging dagdag sa dumaraming ambassador niya ng kanyang lumalaki ring kompanya. Ani Rhea, “Mabilis lang po ang naging transaksiyon at napakabait kausap ni sir Gabby.” Masayang-masaya nga si Gabby sa pagkasama sa kanya sa bonggang bonggang roster of amazing brand ambassadors ng Beautéderm ... Read More »

Japanese beauty queen, nasarapan sa halik ni JC Santos

SOBRANG nae-enjoy ni 2014 Miss Universe Japan first runner-up Hiro Nishiuchi ang Pilipinas kaya naman pabalik-balik siya rito hindi lamang dahil na-appoint siya bilang Philippine Tourism Fun Ambassador. Katunayan, sa huling pagbisita niya sa ‘Pinas, muli siyang nagtungo sa Boracay at nakita niya ang malaking pagbabago nito kaya naman dadalhin niya roon ang kanyang pamilya para ipakita ang ganda ng ... Read More »

Bioessence, binabalik-balikan ng Miss Earth candidates

ILANG beses na kaming nakadalo sa opening ng Bioessence at napansin naming laging mga kandidata ng Miss Earth ang special guest nila. Ang dahilan, good relationship and quality service. Ito ang ipinagmamalaki rin sa amin ng COO ng Bioessence, si Joseph Feliciano, na ang magandang relasyon nila maging sa kanilang mga kliyente kaya’t binabalik-balikan sila. “It’s a very family atmosphere. ... Read More »

Javi Benitez, piniling nagtanim kaysa mag-party

LIMANG daang kabataan ang kasa-kasama ni Javi Benitez sa kanyang kaarawan noong Oktubre 8 para magtanim. Imbes na mag-party-party mas ginusto ng action star na maging meaningful ang kanyang kaarawan. Kaya naman kkaibang birthday celebration ang ginawa ni Javi dahil umuwi ito sa kanyang hometown sa Bacolod para pangunahan ang pagtatanim ng  5,000 mangrove seedlings noong October 8. Ginanap ito ... Read More »

FDCP, inilunsad ang Film Philippines Location Incentives sa Busan Film Market

DALAWANG bagong film incentives ang inilunsad ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) para hikayatin ang international film productions na mag-shoot at magtrabaho sa Pilipinas, sa annual Philippine Cinema Night sa Busan International Film Festival (BIFF) na ginanap noong Oktubre 6 sa Haeundae Rooftop Bar. Ang incentive program ay isinapubliko sa welcome reception sa Asian Film Market noong Oktubre ... Read More »

Direk Jun at Direk Perci, galing na galing kay Sarah

AMINADO si Direk Perci Intalan na nakaramdam na siya ng takot sa simula pa lamang ng paggawa nila ni Direk Jun Lana ng Unforgettable movie ni Sarah Geronimo under Viva Films at Idea First dahil pareho silang direktor. “Pero what was good was from the start hinati na naming ‘yung roles. Story telling ang binabantayan ni Jun ako coverage (tumitingin ... Read More »

Black Lipstick, biggest break ni Kyline

BIGGEST break ni Kyline Alcantara ang Black Lipstick, na idinirehe ni Julius Ruslin Alfonso, na isinulat nina Maria Zia Garganera, Kaila Milos Factolerin, at Mark Stanley Mozo para sa Obra Cinema. “I never thought I’d be given the opportunity to do the millennial version of Blusang Itim. It’s flattering to be considered for the part,” ani Kyline na nakilala niya ... Read More »

Anniversary concert ni Imelda, kasado na; Philippine Arena, kayang punuin

NAGING emosyonal si Imelda Papin sa presscon ng kanyang 45th anniversary concert sa October 26 sa Philippine Arena, ang Imelda Papin Queen @ 45. Sinariwa kasi ni Imelda ang mga panlalait sa kanya nang nagsisimula pa lamang siya. Aniya, sinabihan siya na ang mga tulad niyang probinsiyana ay hindi sisikat. Pero she proved them wrong dahil naging superstar nga siya sa ... Read More »

Sarah to Richard — I’m very grateful to have you, to love you for the rest of my life

AMINADO si Richard Gutierrez na natagalan ang pagpapakasal nila ni Sarah Lahbati dahil sa mga showbiz commitment niya. Isa na rito ay ang La Luna Sangre na pinagbidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo kasama ang long time TV partner niyang si Angel Locsin. Ani Richard sa Special Announcement presscon noong Linggo ng hapon, “medyo na-delay po, ang totoo niyan, we’re suppose to get married earlier kaya lang po nagkaroon ... Read More »

US based Filipino chef, umuwi ng ‘Pinas para kay Aga

NAKATUTUWA ang kuwento ng kilalang chef sa Amerika na iniwan ang Las Vegas para maipatikim ang pinagka­kaguluhang Cheez Tart niya kay Aga Muhlach. Actually, nahilig lang sa pagbe-bake para sa pamilya si Chef Cez Buenaventura hanggang sa nakilala siya thru friends and families. Ani Chef Cez, una niyang na-bake ang request ng anak niya na chocolate cake. “Yes she was so excited ... Read More »

Richard at Sarah, sa Marso 2020 ikakasal

INIHAYAG kahapon nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na sa Marso 2020 na magaganap ang kanilang kasal. Ginawa ang pahayag na ito sa isang Special Announcement presscon na ipinatawag kahapon ng hapon na ginanap nasa 9501 Restaurant ng ABS-CBN. Hindi pa masyadong nagbigay ng detalye sina Richard at Sarah ukol sa kasal maliban sa rito sa Maynila magaganap at siyempre may partisipasyon ang ... Read More »

Rocco, hanga sa pagiging witty ni Miles

HINDI nahirapan si Rocco Nacino na pawang mga Kapamilya actor ang kasama niya sa pelikulang Write About Love tulad nina Miles Ocampo, Joem Bascon, at Yeng Constantino mula TBA Studios. Ani Rocco, si Joem ay kaibigan niya at sina Miles at Yeng ang first time lamang niyang nakatrabaho kaya naman personal siyang nagpakilala sa mga ito. Hindi naman siya nahirapan sa dalawang Kapamilya aktres lalo na kay Yeng ... Read More »

Sue, sakaling ligawan ni Javi — Why not!

HINDI nagkailangan sa intimate scene nila sina Sue Ramirez at Javi Benitez para sa pelikulang Kid Alpha One ng Brightlights Productions. Ani Sue nang dalawin namin ito sa shooting ng KA1 sa Epic Parc, Tanay, “Okey naman, very professional naman ‘yung intimate scene na kinunan. “Inalagaan naman kami pareho ni Direk Richard Somes since it’s his (Javi) first time rin. Ako rin naman hindi naman ganoon din karami pa ... Read More »

Sarah G., starstruck pa rin kay Regine; Nautal, nanigas habang kaeksena

MATAGAL nang pangarap ni Sarah Geronimo na makagawa ng pelikula ukol sa aso. Kaya naman dream come true ang Unforgettable na ukol sa ibang klaseng pagmamahal ng isang alagang aso na idinirehe nina Jun Lana at Perci Intalan handog ng Viva Films at IdeaFirst na mapapanood sa Oktubre 23. Sa one on one interview namin sa Popstar Royalty kahapon sa ... Read More »

Jasmine, sinapawan si Ruru; Abs ng actor, inisnab

ITINANGGI ni Jasmine Curtis-Smith na nasasapawan niya si Ruru Madrid sa pelikula nilang Cara X Jagger ng APT Entertainment at Cignal Entertainment na mapapanood sa Nobyembre 6. Sa pocket interview na isinagawa sa Iago’s Restaurant, sinabi ni Jasmine na never na-intimidate sa kanya ang aktor. “I feel like we both give what we could give. I felt naman na pantay ... Read More »

Matt, ginagaya si John Lloyd; may-ari ng OTE, proud sa aktor

ITINANGGI ni Matt Evans na ginagaya niya ang aktor na si John Lloyd Cruz. Tulad kasi ni Lloydie, nagpapahaba rin siya ng bigote. Mabilis namang itinanggi ni Matt na gaya-gaya siya kay JLC. “Ha ha ha. Wala pong kinalaman ito kay JLC. Sa trabaho po. Para sa ‘A Soldier’s Heart,’ sa teleserye ni Gerald Anderson. Muslim kasi ang role ko ... Read More »

Javi Benitez, ayaw magpa-double sa mga delikadong stunt; Kid Alpha One, pang international

NASAKSIHAN namin mismo ang ilan mga delikadong eksena ni Javi Benitez para sa pelikulang Kid Alpha One nang bumisita kami sa shooting nito sa Epic Parc Rainforest sa Tanay Rizal. Naabutan namin ang paggulong sa mabato at putikan ni Javi na tatlong beses ipinaulit ni Direk Richard Somes para mas perfect pa ang eksena. Walang ka-double si Javi dahil gusto niyang siya mismo ang gumawa ... Read More »

Ang Henerasyong Sumuko sa Love, pelikulang uunawa sa mga millennial

ISTORYA ng mga millennial. Suliranin ng mga kabataan. Ito ang ipinakikita sa pelikulang Ang Henerasyong Sumuko sa Love ng Regal Films na palabas na ngayon. Kung katulad ko kayong magulang na hirap intindihin ang mga anak na millennial, tamang-tama ang pelikulang ito para mas maintindihan p maunawaan ang kanilang ‘ika ko nga’y kakaibang gawi o ugali. Maganda ang tema ng kuwento ng limang magbabarkada na ... Read More »

John Lloyd, nagbalik-acting na

NAGULAT ang lahat ng entertainment press sa pagbulaga ni John Lloyd Cruz sa bandang dulo ng teaser ng pelikulang handog ng iOptions Venture na entry nila sa Metro Manila Film Festival 2019, ang Culion. Hindi extra ang paglabas ni Lloydie sa pelikula kundi isang napakahalagang papel ang gagampanan niya sa pelikulang tatalakay sa sinasabing naging tapunan ng mga may ketong noon. Matagal-tagal din namang hindi lumabas ... Read More »

Scroll To Top