Friday , April 26 2024

Maricris Valdez Nicasio

Kathryn, bitin sa Bora; kaseksihan, inirampa

“BACK in Manila, but i think I left my mind   in Boracay.” Ito ang post ni Kathryn Bernardo sa kanyang Instagram three days ago na tila nabitin sa kanyang bakasyon sa Boracay. Kasama ang picture na seksing-seksi sa kanyang once piece swimsuit, kinuwestiyon ng dalaga kung bakit ba napakabilis ng araw. Ani Kathryn, ”How come time flies by so fast whenever we’re on vacay? Rewind please!” …

Read More »

KC, idinaan sa ig ang pagbati sa kanyang la reina

IDINAAN ni KC Concepcion sa kanyang Instagram ang pagbati at pagbibigay ng birthday message sa kanyang inang si Sharon Cuneta. Kalakip ng kanyang mensahe ang kanilang picture na siguro’y 1 or 2 year pa lamang siya at batambata pa ang kanyang ina na nagdiwang ng ika-55 taong kaarawan kamakailan. Caption niya sa picture, ”Today is the day that outshines any other day of the year! …

Read More »

Sharon, ibinando ang seksing pigura habang naka-swimsuit

PROUD na ipinakita ni Sharon Cuneta ang kanyang sumeseksi nang pigura sa pamamagitan ng kanyang social media account na Instagram. Isang picture na nakaupo lubog ang kalahating katawan at nakasuot ng one piece swimsuit sa swimming pool ang ibinahagi ni Sharon at sinabing size 10 na ang kanyang swimsuit. Ito’y dahil sa ginagawa niyang pagda-diet. Aniya, ”Went swimming and had this picture taken today. …

Read More »

Jodi, nagulat nang ipakilala ni Thirdy ang GF

INAMIN ni Jodi Sta. Maria na ikinagulat niya nang ipinagtapat sa kanya ng anak na si Thirdy Lacson, na may girlfriend na ito. Nangyari ang pagtatapat ng anak sa #AskJodiAnd Thirdy episode sa kanyang Youtube channel na Jodi Sta. Maria PH. Aware naman si Jodi na binata na ang kanyang anak na si Thirdy at darating ang panahon na magkakaroon din ito ng sariling buhay. Pero nagulat pa …

Read More »

Barbie, kinompirma na ang relasyon kay Diego

INAMIN na ni Barbie Imperial ang relasyon niya kay Diego Loyzaga matapos ang ginawang pag-amin ng binata noong Bagong Taon sa pamamagitan ng pagpo-post sa Instagram ng kanilang picture habang magkayakap. Caption ni Diego sa kanyang IG post, ”Happy new year to us. Thanks for making the end of my 2020 memorable. Lets goo 2021!!! :)” Picture naman nila ni Diego nang magtungo sa Pinto Art Museum …

Read More »

Bea, hinulaang ikakasal, 7 mos or 7 yrs from now

“HINDI ba ako ikakasal? Ay hindi ang tanong, ikakasal pa ba ako?” Ito agad ang itinanong ni Bea Alonzo sa tarot reader na si Niki Vizcarra sa kalagitnaan ng panghuhula sa kanya na ipinakita sa kanyang vlog. Sagot ni Niki, ”Later on pa nga. Civil muna. Hindi ka sa Church sa una. Medyo hidden lang. Either seven months from now or seven years from now” Baling …

Read More »

Mga bayani ng Covid-19, pinarangalan ng Ginebra Ako Awards—pix of the awardees

PINARANGALAN ng Ginebra San Miguel Inc. (GSMI) ang ilan sa mga maituturing na bagong bayani ng Covid-19 sa katatapos na  Ginebra Ako Awards Year 3: Pagkakaisa sa Gitna ng Pandemya na ipinalabas sa isang virtual ceremony sa official Facebook page ng Ginebra San Miguel. Bagamat may pandemya, ipinagpatuloy ng GSMI ang taunang Ginebra Ako Awards dahil mas lalong mahalagang kilalanin at bigyang parangal ang mga Filipinong nagpamalas ng pambihirang …

Read More »

Mga pantasya ng boys noon, muling mapapanood sa POPTV (P49 lang, unli na ang POPTV streaming mo!)

MULING mapapanood ang mga certified pantasya ng bayan noong 90s hanggang early 2000 na sina Joyce Jimenez, Maui Taylor, Katya Santos, Andrea Del Rosario, Aubrey Miles, Rosanna Roces, at iba pa sa bagong mobile streaming app na POPTV. Una nang bumabandera ang nakakapag-init ng laman ngunit de kalibreng pelikula ni Erik Matti na Scorpio Nights 2 tampok ang original pantasya ng bayan na si Joyce at …

Read More »

Happenstance ni Direk Adolf, makikipagbakbakan sa 10 entries ng MMFF2020

KASABAY na kasabay ang premiere ng BL series na pinamahalaan ni Direk Adolfo Alix Jr., ang Happenstance na mapapanood sa streaming platform na GagaOOLala sa premiere rin ng mga pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival 2020 na mapapanood naman sa Upstream.ph. Ayon kay Direk Adolf, ang GagaOOLala ang nagbigay ng release date kaya kumbaga eh, no choice siya sa ibinigay na araw ng pagpapalabas ng kanilang series. At …

Read More »

Adrian Lindayag at Keann Johnson, Bea-John Lloyd ng BL movies

CUTE at kilig overload ang pelikulang The Boy Foretold By The Stars. Ito ang nasabi namin matapos mapanood ang advance screening nito na isinagawa kahapon sa Sine Pop. Ang The Boy Foretold By The Star ay isa sa entry ngayong Metro Manila Film Festival 2020 na magsisimulang mapanood sa December 25 via Upstream. At dahil kilig overload, masasabing ang mga bida nitong sina Adrian Lindayag at Keann Johnson ang Bea-John Lloyd ng BL …

Read More »

Wilbert Tolentino may pangako simula nang magka-Covid: Maggpapasaya ako ng tao

IBA talaga ang karisma ng kilalang negosyante, dating Mr. Gay World, at quarantine online philantropist na si Wilbert Tolentino. Hataw kasi siya ngayon sa kanyang Youtube na Wilbert Tolentino VLOGS. Just imagine, wa pang dalawang buwan pero naka-283k subscribers na agad siya. Isang malaking achievement ito kay Wilbert bilang baguhan pa lamang siya sa entertainment streaming app. Ayon kay Wilbert, enjoy siya at nawawala ang stress niya …

Read More »

Alfred on Tagpuan — It’s not about the outcome, it’s about the journey

SOBRANG nakare-relate si Alfred Vargas sa kanyang role sa Tagpuan. Siya si Allan sa pelikula, asawa ni Iza Calzado, matagumpay na businessman, may maayos na pamilya, pero tila may kulang. Kasama rin dito si Shaina Magdayao sa isang napakahalagang papel. Ani Alfred sa isinagawang zoom conference, minsan siyang nakaramdam ng kakulangan, pagkalungkot o tila hindi satisfied sa kung anong mayroon siya. Natanong kasi si Alfred kung bakit …

Read More »

John, sa kung kailan tatapusin ang Ang Probinsyano — Wala yatang plano si Coco  

HANGA si John Arcilla sa tapang ng ABS-CBN na gastusan ng malaki ang action seryeng FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin. Kuwento ni John sa presscon ng pinagbibidahan niyang pelikulang Suarez: The Healing Priest, isa sa 10 entry na mapapanood ngayon sa online Metro Manila Film Festival 2020, hindi biro ang sobrang gastos ngayon sa kanilang taping. Aniya, “Imagine lahat ng artista (kasama na ang staff and crew) ipapa-swab …

Read More »

Jodi, malaking halaga ang inilabas para sa isang BL movie

ANG aktres na si Jodi Sta Maria pala talaga ang naglabas ng pera para magawa ang pelikulang The Boy Foretold By The Stars. Ito ang inihayag ni Direk Dolly Dulu sa virtual conference noong Lunes nang matanong ang partisipasyon ni Jodi. Anang direktor, “Noong una parte lang siya when we’re still part of Sine Pilipino Festival. Para kasi makuha naming ‘yung rights she had to buy …

Read More »

Direk Dolly to Adrian Lindayag — He’s a thinking actor  

HINDI itinago ni Adrian Lindayag na nag-audition siya para sa leadrole sa The Boy Foretold By The Stars na isa sa entry na mapapanood sa December 25 sa Metro Manila Film Festival 2020. Ani Adrian sa isinagawang virtual conference noong Lunes, “Nag-audition po ako. Last year mayroon akong event na dinaluhan. Ang ginawa nag-perform ako bilang singer at isa sa kasama ko roon ay si …

Read More »

Vivian Velez, may pakiusap kay Luis: Sana ‘wag na siyang maging babaero

NAPAPALAKPAK si Vivian Velez habang kausap ng ilang entertainment press nang ibalita sa kanyang engage na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola. Noong Sabado inanunsiyo kapwa nina Luis at Jessy ang ukol sa kanilang engagement sa pamamagitan ng kanilang social media account. Bagamat sinasabing Oktubre pa iyon naganap. “Oh really?! Oh my God, talaga ba?!,” anito sa zoom conference noong Sabado ng hapon. ”Kasi nga biglang …

Read More »

Direk Mac, pinuri ang galing nina Shaina, Alfred, at Iza sa Tagpuan

ALL praises si Direk Mac Alejandre sa tatlong bida niya sa Tagpuan, isa sa 10 entries na mapapanood in digital sa Metro Manila Film Festival (MMFF) via Upstream simula Disyembre 25. Ang tatlong bida rito ay sina Iza Calzado, Alfred Vargas, at Shain Magdayao. Ani Direk, ”napakahusay ng tatlo.” Nang tanungin kung may laban ba ang tatlong bida niya sa awards night, “Hindi ko alam…relative kasi, subjective naman lagi ang …

Read More »

John Arcilla, excited makatapat sina Jinggoy at Ipe

MAPANSIN man o hindi ang magaling na acting ni John Arcilla sa Metro Manila Film Festival 2020 entry na Suarez, The Healing Priest, ay okey lang sa kanya. Katwiran ng magaling na actor, “Siguro sa itinagal-tagal na nating uma-attend ng festivals, even abroad, lahat naman ng actor you want to be recognized sa work mo. “Kaya lang karaniwan naman kasi kung hindi ka nanalo mapu-frustrate ka. …

Read More »

Alfred, nagulat sa galing ni Shaina — Ibang Shaina ang makikita nila, I was mesmerized by her performance

MATAGAL na palang gustong makatrabaho ni Cong. Alfred Vargas si Shaina Magdayao. Kaya naman natuwa ito nang malaman niyang isa ang nakababatang kapatid ni Vina Morales sa makakasama niya sa Tagpuan, isa sa Metro Manila Film Festival 2020 entry, prodyus ng Alternative Vision Cinema, kasama si Iza Calzado. “Firt time kong makasama and I’ve always wanted to work with Shaina. And alam mo si Shaina, medyo nakagugulat ‘yung performance niya …

Read More »

Cleaners ni Glenn Barit, nakakuha ng 10 nominasyon sa #PPP4SamaAll Awards Night 

SIYAM mula sa 13 pelikula sa Premium Selection Section ng 4th Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) ang ikinonsidera para pagpilian ng mga nominado sa #PPP4SamaAll Awards Night na gaganapin sa December 12 sa pamamagitan ng virtual awards. Tampok sa PPP Premium Selection ang mga titulong may limited release sa bansa o hindi pa naipalalabas kasama ang  non-competition title, opening film tulad ng Ang Lakaran ni Kabunyan: Kabunyan’s Journey …

Read More »

Vhong Navarro, poging ‘di takot papangitin kaya klik sa komedya

SOBRANG natuwa ang Cineko nang pumatok sa takilya ang Mang Kepweng Returns kaya gumawa muli sila ng sequel nito. Ang Mang Kepweng : Ang Lihim ng Bandanang Itim. Ani Vhong Navarro sa virtual conference noong Martes ng gabi, “Baby raw po ng Cineko sa pagpo-produce ay ang Mang Kepweng kaya mula noon nag-promise po sila na gagawa ng part 2. Kaya naman po ang Cineko at Star Cinema …

Read More »

Arjo Atayde, unang Pinoy na nagwagi ng acting award sa Asian Academy Creative Awards

HANGGANG ngayon ay overwhelmed pa rin si Arjo Atayde sa pagkapanalo noong Biyernes (December 4) ng Best Actor Asian Academy Creative Awards. Si Arjo ang kauna-unanag Pinoy na nagwagi ng acting award sa AAAs kaya naman masasabing gumawa ng kasaysayan ang actor nang masungkit ang unang acting award ng Pilipinas sa main competition. Ang Best Actor award ni Arjo ay mula sa pagganap niya sa iWant original …

Read More »

Hindi ako Reyna ng ABS-CBN! — Kim Chiu

SINAGOT ni Kim Chiu ang sinasabing siya na ang pinakamalaking artista ng ABS-CBN dahil siya ang pinakahuling ipinakilala sa mga muling pumirma ng kontrata sa ABS-CBN bukod pa sa sunod-sunod at maraming project sa network. Ani Kim sa virtual conference para sa Bawal Lumabas: The Series na mapapanood simula Disyembre 14 sa iWantTFC kahapon, “Unang-una, hindi ako reyna! Mas marami pang mas matagal pa sa mundo ng Star Magic. Sadyang ako …

Read More »

Lumang style ng comedy nina Janno, Dennis, Jerald, at Andrew, tanggap ng Millennials

HINDI ikinaila ni Janno Gibbs na nagulat siya nang halos wala pang isang linggo nang ma-upload ang movie trailer ng PAKBOYS TAKUSA ay umabot na ito sa 20 million views sa iba’t ibang social media platforms (Facebook, Instagram, YouTube), at marami na ang excited na mapanood ang pelikula. “Sobra. We we’re pleasantly surprised sa dami ng views agad, sa bilis na nakuha ng views namin. Kasi ang ginagawa …

Read More »