Saturday , April 20 2024

Maricris Valdez Nicasio

Morissette isinalba ng Akin Ka Na Lang ang career

Morissette Amon

SOBRANG laki ng tulong na ginawa ng awiting Akin Ka Na Lang kay Morissette Amon kaya naman isa ito sa importanteng kanta para sa kanya. Pag-amin ng biriterang singer, maraming opportunities ang nagbukas dahil sa awiting Akin Ka Lang. Kaya naman maituturing niyang best moment ng kanyang career ang pagkaka-interpret sa kantang ito. “I was asked by Star Music to interpret for Himig Handog yung ‘Akin …

Read More »

JM Magalona’s #KuwentoNgTagumpay: tapsi business

ISA ang entertainment business sa grabeng naapektuhan ng pandemya. Pero maagap ang actor-model na si JM Magalona para hindi siya maigupo nito dahil nakapagtayo agad siya ng tapsilogan business at digital tools mula sa Globe. Naging advantage ang pagiging showbiz personality cum fitness owner, ni JM para maging matagumpay ang kanyang bagong business na naibebenta online. Sa kanyang Kuwento ng Tagumpay, nai-share ni …

Read More »

Luis sa pagtakbo sa 2022: Hindi ko isinasara ang pinto ko sa politika

HINDI isinasara ni Luis Manzano ang posibilidad na pasukin niya ang politika tulad ng kanyang inang si Congresswoman Vilma Santos at ng amang si Edu Manzano na naging vice mayor ng Makati. Natanong kasi si Luis ng fans sa kanyang Facebook live stream noong Miyerkoles kung tatakbo ba ito sa darating na eleksiyon sa 2022. Sagot ng asawa ni Jessy Mendiola, ”Wala pa, pero malay natin.” Kumbinsido …

Read More »

Rabiya Mateo at iba pa nagkaisa sa isang adbokasiya

MALAKI ang malaakit ni Miss Universe Philippines, Rabiya Mateo sa mga medical worker. Ito ay nakikita sa kanyang social media accounts. Ang pagtulong  sa mga medical worker ngayong pandemya ay isa sa kanyang isinusulong na adbokasiya bilang licensed Physical Therapist, at nagtuturo rin sa medical review center. Nang ipinatupad ang enhanced community quarantine o ECQ noong nakaraang taon, kaagad na tinawagan  ni Rabiya ang kanyang kaibigang Nurse na nagtatrabaho sa isang ospital sa Maynila para kamustahin …

Read More »

Silent film making inilunsad

INILUNSAD ng International Silent Film Festival Manila (ISFFM) sa kanilang ika-15 taon ang Mit Out Sound (MOS): International Silent Film Lab 2021 para lalong mapalaganap ang silent filmmaking sa Pilipinas. Ang ISFFM ay joint partnership ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), Embassy of France in Manila, Philippine Italian Association, Goethe-Institute Philippinen, Instituto Cervantes de Manila, at Japan Foundation, Manila. Taong 2007 itinatag ang …

Read More »

Janine bilang beauty queen —‘Di ko pinangarap

“NEVER ko  pinangarap maging beauty queen.” Ito ang naging tugon ni Janine Gutierrez nang matanong sa thanksgiving virtual media conference ng matagumpay nilang pelikula ni JC Santos, ang Dito at Doon na handog ng TBA Studios at idinirehe ni JP Habac kung bakit hindi siya sumabak sa beauty pageant noon. Katwiran niya, ”I love watching pageants and watching Miss Universe, Binibining Pilipinas, lahat. Pero for me to join hindi ko kasi …

Read More »

TBA’s new releases

Samantala, after ng Dito at Doon isusunod naman ng TBA ang Quezon ni Jerrold Tarog na mag-uumpisa na ang pre-production sa June. Naghahanda na rin sina Direk JP at Crisanto Aquino ng Write About Love sa kanilang follow up projects. Ang Hollywood action comedy na The Comeback Trail na pinagbibidahan nina Robert de Niro at Morgan Freeman ay malapit na ring i-release. Na-eenjoy din ng mga international viewer ang mga bagong award-winning titles via TBA Play  tulad ng Boundary na nagtatampok kina Ronnie Lazaro at Raymond Bagatsing at …

Read More »

JC Santos lilipad ng Qatar para sa isang docu-drama movie

SOBRANG na-challenge si JC Santos sa bagong pelikulang gagawin niya sa Advocacy Global Studio kaya naman tinanggap niya ito bukod sa bago sa kanya ang tema ng pelikula na mala-documentary-drama. Kilala si JC sa pagiging versatile actor kaya naman anuman ang tema ng pelikula o TV series, o anumang role ang gampanan niya, tiyak na aangat ang galing niya. Ani JC sa isinagawang virtual …

Read More »

Kim nagselos kay Sunshine: I’m human

HINDI itinanggi ni Kim Molina na nagselos siya kay Sunshine Guimary. Ang pagseselos ng aktres ay mula sa love scenes nina Sunshine at Jerald Napoles sa pelikulang Kaka ng Viva Films. Sa virtual media conference ng pelikulang pagsasamahan nina Kim at Jerald na mapapanood na sa June 11, 2021, Ang Babaeng Walang Pakiramdam  tuwirang inamin ni Kim na nagselos siya. “I’m very honest with the press mula dati pa, I’m …

Read More »

Jerald at Kim career muna bago kasal

LATE bloomer sa career ang ibinigay na dahilan nina Jerald Napoles at Kim Molina kaya gusto muna nilang tutukang mabuti ang kani-kanilang karera sa showbiz. Ito ang idinahilan ni Jerald nang matanong kung plano na ba nilang magpakasal dahil pitong taon na pala ang kanilang relasyon. “Late bloomer kasi kami sa career so maximize sana kung ano ‘yung kayang i-offer para mas solido ‘yung …

Read More »

Mario Maurer na-happy kay Rabiya; Liza type jowain

WALANG takot na ibinandera ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang pagiging fan niya ng Thai actor na si Mario Maurer. Sa kanyang Instagram Stories, inilagay nito ang isang artikulo ukol sa Thai actor at may caption na,”OMG!!! Fangirling rn.” Tamang-tamang naitanong ang pagiging fan girl ni Rabiya kay Mario sa isinagawang virtual media conference dahil isa siya sa brand ambassadors ng TNT. Kasama ni …

Read More »

Paulo time out muna sa showbiz, tututok muna sa esports

INIWAN muna sandali ni Paulo Avelino ang pagpo-prodyus para mag-focus sa bagong kinahihiligan, ang esports. Ito ‘yung gaming na nakipag-collab siya sa esport companies. Ang tinutukoy namin ay ang pakikipag-partner niya sa Cavite based na LuponWXC na kilala sa pagbo-broadcast ng esports tourneys at pagde-develop gayundin ng pagpo-promote ng game streamers. Masayang ibinalita ni Paulo noong Martes via virtual media conference ang ukol sa …

Read More »

Gloc-9 ibinida ang ina sa kanyang Mother’s Day vlog

NOON pa man ay kilala na namin si Gloc-9 bilang isang mabuting tao, anak, asawa, at kaibigan. Kaya hindi na kami nagtaka nang ibalita sa aming gagawa siya ng isang tribute vlog para sa kanyang ina para sa Mother’s Day. Sa kanyang Youtube vlog, isang makabagbag-damdaming tribute ang inihandog ni Aristotle Pollisco o mas kilala bilang Gloc-9, sa kanyang inang si Ginang Blesilda. Rito’y inihayag ni …

Read More »

Vice Ganda walang idea sa digital concert (Kaya watch kina Regine, Daniel, at Sarah)

INAMIN ni Vice Ganda na sobra niyang na-miss ang mag-concert. Bale dalawang taon kasi niyang hindi nagawa ito dahil sa pandemic. Kaya naman sa pagbabalik-entablado niya para magpasaya, tiniyak niyang magiging masaya ang sinumang manonood sa kanila. Aniya, sulit ang mga manonood ng concert niya dahil punompuno ito ng magagandang kanta at saya mula sa mga kakaibang pagpapatawa niya na isinulat ng …

Read More »

Thai Superstars tampok sa Kilig Saya ng TNT

IBANG klase ang TNT, pinagsama-sama nila sina Nonkul Chanon (Bad Genius), Gulf Kanawut (TharnType: The Series), at Thai superstar Mario Maurer (Love of Siam, Crazy Little Thing Called Love, Pee Mak) para maging ambassadors ng Kilig Saya campaign kasama si Sue Ramirez at ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo. “Filipinos and Thais have always had mutual appreciation for each …

Read More »

Jake inuna ang pagiging ama kay Ellie kaysa makipag-date

INAMIN kamakailan ni Jake Ejercito na limang taon na siyang walang dyowa dahil nag-concentrate siya sa pagiging ama sa kanyang anak na si Ellie. Sa virtual mediacon ng Dreamscape Entertainment para sa Marry Me, Marry You ng ABS-CBN, sinabi ni Jake na, ”I’ve been single for the past five years I think. Because I really chose to focus sa parenting these last few years. ‘Yun ang …

Read More »

Kidlat Tahimik’s Unsung Sariling Bayani Short Film Competition inilunsad

INILUNSAD noong Abril 27 ang Unsung Sariling Bayani Online Film Festival ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa  pakikipagtulungan sa National Quincentennial Committee (NQC). Suportado ito ng Bureau of Learner Support Services – Youth Formation Division ng Department of Education. Sa paglulunsad ng USB, mayroong mga kamangha-manghang kuwento ng kabayanihan sa kasaysayan ng Pilipinas, at mayroon ding simpleng kuwento na kapupulutan ng inspirasyon. Ang mga hindi …

Read More »

Sharon kinilig, game gumanap na legal wife sa Doctor Foster

TRENDING ang Sharon Cuneta Dr. FosterPh sa Twitter kaya naman ganoon nalamang ang tuwa ni Sharon Cuneta dahil feel siya ng netizens na gumanap na legal wife sa Pinoy version ng hit BBC Studios TV series na Doctor Foster. Inii-repost ito ni Mega at sinabing, ”OMG! Thank you so much! Would absolutely love to play her!!!” Tinag pa nito ang ABS-CBN Head of Entertainment …

Read More »

Daniel kontra sa pagpasok ng 2 pinsan para mag-artista

MAS gustong makapagtapos ng pag-aaral ni Daniel Padilla ang mga pinsang sina Analain at Ashton Salvador kaya kontra ito sa pagpasok ng mga ito sa showbiz. “When kuya DJ first heard na papasok kami sa showbiz, ayaw niya talaga kasi he wants us to finish school first. “But then kinausap naming at sinabing hindi pa rin namin pababayaan ‘yung pag-aaral namin kasi of course, he also …

Read More »

Direk Toto pumanaw dahil sa komplikasyon sa COVID-19

PUMANAW na ang veteran director na si Toto Natividad, 63, noong Martes, matapos tamaan ng COVID-19. Si Navotas Mayor Toby Tiangco ang naghatid ng malungkot na balita sa pamamagitan ng kanyang Facebook post. Aniya, ”Isa na namang masipag na serbisyo publiko at matapat na katuwang ng pamahalaang lungsod sa paglaban sa pandemya ang nawala sa atin. Ikinalulungkot po nating ibalita ang pagpanaw ni Kap. Toto Natividad, …

Read More »

Bimby ‘di kinokontak ni James — I have a phone… it just takes 10 digits sa keypad to call me

“YEAH. Sorry sa bluntness ko ha. I don’t really care. Ito lang ha. Hindi siya bastos po. You forget. And when you look back at the memories, those horrible memories, mawawala na ‘yung pain.” Ito ang mabilis na sagot ni Bimby Yap nang matanong sa kanya kung napatawad na ba niya ang kanyang amang si James Yap. Ang sagot ay bahagi ng katanungan …

Read More »

Sunshine Guimary sa pagkokompara sa kanya kay Ivana Alawi — Ayoko ng competition, ibang level si Ivana

PRANGKANG inamin ng bagong ibini-build-up na sexy star ng Viva na si Sunshine Guimary na mapapanood sa kanilang bagong handog, ang Kaka na idinirehe ni GB Sampedro at mapapanood sa Vivamax na nag-enjoy siya kay Jerald Napoles at nabitin kay Ion Perez. Sina Jerald at Ion ang leading man niya sa Kaka, isang sexy comedy film na mapapanood simula May 28, 2021. Sa virtual media conference noong Linggo, sinabi ng vlogger at tinaguriang Braless Goddes na …

Read More »

Joshua Garcia ipapareha kay Nancy sa Soulmate at kay Jane sa Darna 

TOTOO nga kanyang si Joshua Garcia na ang napipisil na leading man ni Momoland’s Nancy McDonie? Ito ang usap-usapan ngayon sa online lalo’t nabalitang babalik ng Pilipinas si Nancy sa June 2021 para simulan na ang taping ng matagal nang naplanong The Soulmate Project. Kinompirma rin ng talent agency ni Nancy, ang MLD Entertainment sa pamamagitang ng Instagram Live ang pagpunta ng singer/aktres sa ‘Pinas para masimulan na …

Read More »

Newbie singer sa kanyang musika — It makes my soul very happy

ANIM na taong gulang pa lamang ay kinakitaan na ng hilig sa pagkanta si Enzo Morales, 28, kaya super proud ang ama niyang lagi siyang pinakakanta sa tuwing may pagtitipon sa kanilang bahay. Ang kantahang iyon ay nagsisilbing bonding ng kanilang pamilya at kamag-anak. Ani Enzo, ”Singing is our brand of bonding whenever there’s a gathering in the house. At first, my …

Read More »