Tuesday , March 31 2020
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Maricris Valdez Nicasio (page 41)

Author Archives: Maricris Valdez Nicasio

Feed Subscription

Advocacy for a wider platform, tampok sa 34 taon ni Gary V.

MULA sa commercial at critical success ng kanyang two-night benefit Valentine concert na Love In Motion na ginanap sa The Shangri-La at The Fort, at sa kanyang memorable stint bilang isa sa mga celebrity juror ng phenomenal celebrity musical competition ng ABS-CBN na Your Face Sounds Familiar Kids, bubuksan ni Gary Valenciano ang ikalawang quarter ng taon sa pinakahihintay na ... Read More »

Brillante Mendoza, muling magtutungo ng Cannes para sa Amo

KINOMPIRMA ni Brillante Mendoza na muli siyang magtutungo sa itinuturing na world’s most prestigious film festival, ang Cannes International Film Festival para sa kasalukuyan niyang crime miniseries sa TV5, ang Amo. Napag-alaman namin ito sa press conference ng TV5 para sa Pagtatapos,isa sa mga tampok na palabras para sa Brillante Mendoza Presents. Ani Mendoza, naimbitahan ang Amo para sa screening ... Read More »

JuliaNella, bagong teen dance tandem na pasisikatin ng sisikat

SAYANG at hindi kami nagkaroon ng pagkakataong mainterbyu ng one on one sina Julian Trono at Ella Cruz dahil nakaalis na kami na hindi pa natatapos ang presscon ng sinasabing rising teen dance tandem na tiyak magte-take over sa local entertainment world. Sa pakikipaghuntahan namin kay Leigh Legaspi, Asst. VP of Video Marketing and Label Manager ng Viva, naka-23 mall ... Read More »

Kim, aminadong nailang kay Gerald nang unang makita

AMINADO si Kim Chiu na nailang siya nang muli silang nagkita sa unang pagkakataon pagkatapos ng kanilang hiwalayan ni Gerald Anderson para sa taping ng kanilang Ikaw Lang Ang Iibigin mula sa Dreamscape Entertainment ng ABS-CBN. Pero mabilis namang nawala ang pagkailang nang gumiling na ang kamera kaya naman natutuwa si Kim. Aniya, hindi magiging maganda ang kalalabasan ng kanilang ... Read More »

Iza, ibinuyangyang ang katawan, pinasasaan pa ng tomboy

TAMA ang nakalagay sa press release ng pelikula ni Iza Calzado, ang Bliss na idinirehe ni Jerrold Tarog. “Director Jerrold Tarog is back with a shocking new film. The psychosexual thriller, ‘Bliss’, is Tarog’s tenth full-length film and already, it’s becoming his most controversial project to date.” Tunay na nakagugulat ang Bliss sa kung paano iyon inilahad ni Tarog. Ang ... Read More »

Mother Lily, saludo kay Ai Ai

HINDI ikinaila ni Mother Lily Monteverde na malaki ang paghanga niya sa Comedy Queen na si Ai Ai Delas Alas. Ani Mother sa pagsisimula ng presscon ng pinakabagong handog niya mula sa kanyang Regal Entertainment, ang Our Mighty Yaya, na hinangaan niya ang pagkakaroon ng courage ni Ai Ai bilang isang single working mom. “She has raised beautiful kids singlehandedly ... Read More »

Direk Dan Villegas, excited sa magic element ng Luck at First Sight

SOBRANG excited pala si Direk Dan Villegas nang ialok sa kanya para gawin ang Luck at First Sight na mula sa Viva Films at N2 Productions na pagbibidahan nina Jericho Rosales at Bela Padilla na mapapanood na sa May 3. Aniya, “Ang difference nito sa mga nagawa ko na, ‘yung dati, rooted on reality, kung ano ang nangyayari sa totoong ... Read More »

1st Sem ni Lotlot, sinuportahan ng mga kapatid

KAHAPON, lumipad na patungong Houston, Texas si Lotlot dahil kasali ang pelikula niyang 1st Sem sa 50th WorldFest Houston International Film Festival. Pero bago ito, nagkaroon muna ng celebrity screening ang 1st Sem noong Sabado na dinaluhan ng mga bida nitong sina Darwin Yu, Miguel Bagtas, Sebastian Vargas, Marc Paloma, at Sachie Yu. Ayon kay Rommel Gonzales, kaibigan ni Lotlot ... Read More »

Can’t Help Falling In Love, naka-P33-M agad

SAKSI kami sa napakaraming nanood at block screening sa first day showing pa lang ng pelikulang Can’t Help Falling In Love nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo noong Sabado, Abril 15. Isa kami sa naimbita sa pamamagitan ng aming kolumnistang si Reggee Bonoanpara sa pa-block screening ng Ka Dreamers World sa SM Light, Mandaluyong City, noong Sabado, 6:00 p.m.. Nagtungo ... Read More »

Gerald sa May 6 na ang alis, voice strengthening at training, pinalalawig pa

“NGAYON pa lang nagsi-sink-in,” bungad sa amin ni Gerald Santos nang kumustahin ito ukol sa pagkakasama niya sa Miss Saigon UK. Gagampanan niya ang papel ni Thuy. Anang Prince of Ballad sa aming palitan ng PM sa Facebook, ”Hindi ko po akalain na ganito siya kalaki at ka-big deal ‘pag nai-announce.” Abril 12 nang ini-announce ang pagkakasama ni Gerald sa ... Read More »

The singing konsehala, Jaja Castaneda, may concert na

SERYOSO ang Konsehala ng Mariveles, Bataan na si Jaja Castaneda na ipagpatuloy ang pangarap na mag-artista. Kaya naman plano niyang ipagpatuloy ang nasimulang workshop noon sa ABS-CBN kina Beverly Vergel at Pinky Marguez. Sa pakikipagkuwentuhan kay Jaja, naikuwento nitong, naudlot ang pagpasok niya sa showbiz dahil inuna muna niya ang pag-aaral. Gumradweyt siya ng Public Health sa UP at pagkaraan ... Read More »

Gino Torres’ Binhi Ng Pagbabago, wagi sa ToFarm songwriting Competition

NAGMULA sa Muntinlupa City ang itinanghal na Grand Winner sa katatapos na ToFarm Songwriting Competition na isinagawa noong Linggo ng gabi sa Samsung Hall, SM Aura. Naiuwi ni Gino Torres na siyang nag-compose ng Binhi Ng Pagbabago ang premyong P300K at Special Award mula Landbank na P50,000. Si Rap Salazar ang nag-interpret ng Binhi ng Pagbabago. Si Edwin Marollano naman ... Read More »

Awra, Grand Winner sa Your Face Sounds Familiar Kids

HINIRANG na kauna-unahang Your Face Sounds Familiar Kids grand winner ang tinaguriang Breakout Child Star na si Awra Briguela matapos makakuha ng pinakamataas na pinagsamang score ng jury at public text votes sa grand showdown ng programa noong Linggo ng gabi (April 9). Nagkamit ng 95.41% score si Awra na hinangaan ang galing niya sa pag-rap at nakaaaliw na performance ... Read More »

The Greatest Love, nagpakita ng galing at nagpaangat sa career ni Sylvia (Pagmamahal at respeto, natanggap)

AMINADO si Sylvia Sanchez na emotional siya nang pag-usapan ang ang respeto at pagmamahal ng taong ibinigay sa kanya sa kauna-unahang pinagbidahang teleserye, ang The Greatest Love. “Iba ang ginawa ng ‘TGL’ sa buhay ko, sa career ko, for 27 years, ito ‘yung nag-angat sa akin. Ito ‘yung nagpakita ng kakayahan ko bilang artista,” panimula ni Sylvia sa thanksgiving presscon ... Read More »

Asawa ni Cristine, gumagastos ng P500K-P800K para sa laruan

IBINUKING ni Cristine Reyes ang asawang si Ali Khatibi kung gaano ito kagastos sa pagbili ng mga laruan. Sa guesting ng mag-asawa para sa summer episode ng Magandang Buhay, nina Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal, naikuwento ng dalawa ang ukol sa mga natutuhan nila ngayong nagsasama na sila. Pagbubuking ni Ali, medyo magastos si Cristine. Na kaagad namang ... Read More »

Star music singer, ‘di hadlang ang pagkakaroon ng ADHD

ISA kami sa humanga kay L. A. Santos (Leonard Antonio), dahil sa napaka-positibong pananaw nito sa buhay. Na bagamat ipinanganak na may Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD), hindi iyon naging hadlang para matupad ang pangarap niya. Noong Martes, inilunsad si L.A. bilang pinakabagong recording artist ng Star Music kasabay ang paglulunsad ng kanyang self-titled album. Noong Disyembre lamang pumirma ng ... Read More »

OgieD Productions, Inc., Summer Acting Workshop

DALAWANG taon nang ginagawa ng OgieD Productions Inc., ni Ogie Diaz, ang Summer Acting Workshop. Ito ang ginagawa ng magaling na komedyanta sa mga nagpapa-manage sa kanya. Sinasala muna niya nang husto na kapag napili ay pinagwo-workshop niya. Marami nang talents ang OgieD Productions, Inc. na galing sa workshop na may mga guesting at shows sa ABS-CBN. Kaya sa mga ... Read More »

Liza, top choice bilang Darna; Ogie Diaz, puring-puri ang alaga

HANGGANG ngayo’y palaisipan pa kung sino ang ipapalit ng ABS-CBN kay Angel Locsin para gumanap na Darna. Maraming pangalan ng mga artista ang lumalabas, pero sinasabing top choice si Liza Soberano. Kaya naman nang makausap namin ang manager ng dalaga na si Ogie Diaz, ay tinanong namin ito kung totoo. Ayon kay Ogie, alam niyang kasama ang kanyang alagang si ... Read More »

Golden Girl at Brave One, espesyal na tawagan ng JoshLia

HINDI itinanggi nina Joshua Garcia at Julia Barretto na malapit sila sa isa’t isa. Kaya naman may espesyal silang tawagan. Ito ang inihayag nila nang mag-guest kahapon ng umaga sa Magandang Buhay ng ABS-CBN2. Ayon kay Joshua, ‘Golden Girl’ ang tawag niya sa ka-loveteam dahil para itong yaman na iniingatan niya. ‘Brave One’ naman ang tawag ni Julia kay Joshua ... Read More »

Lhuillier at Calayan, nagsanib-puwersa sa beauty at wellness

NASAKSIHAN namin ang pormal na paglulunsad ng partnership ng Calayan Medical Group Inc., na pinamamahalaan nina Lalen Calayan at Selina Sevilla at ng mag-asawang Michel at Amparito Lhuillier kamakailan na isinagawa sa Hola Espana sa Mandaue City, Cebu. Sa inagurasyon ng MLCalayan Skincare and Aesthetics Center, sinabi kapwa nina Lalen at Selina gayundin ng mag-asawang Lhuillier na palalawakin at palalakasin ... Read More »

Manay Lolit at Piolo nagkita, nagyakapan

NA-APPRECIATE ni Manay Lolit Solis ang ginawang pagbati sa kanya at pagyakap ni Piolo Pascual sa presscon ng Northern Lights: A Journey To Love na mapapanood na sa Marso 29 handog ng Regal Entertainment Inc., Spring Films, at Star Cinema. Kung ating matatandaan, idinemanda ang veteran columnist noong 2007  nang lumabas sa column niya sa Pilipino Star Ngayon, ang Take ... Read More »

Yen, wala pang anak at single pa rin

IGINIIT ni Yen Santos sa pa-presscon ng Regal Films para sa Northern Lights: A Journey To Love na hindi niya anak ang nakitang kasa-kasama niya nang minsang mamasyal. Aniya, kapatid niya iyon. Nagtataka nga si Yen kung bakit hindi mamatay-matay ang usaping may anak siya mula sa politician eh hindi naman niya iyon pinatulan. Tatlong taong gulang pa lamang ang ... Read More »

Angel, nega na sa Darna; papalit, susuportahan

DESMAYADO man na hindi na makagaganap bilang Darna, excited naman si Angel Locsin sa sinumang mapipili ng ABS-CBN para gumanap sa nilikhang karakter ni Mars Ravelo. Ani Angel, ibibigay niya ang 100 percent support sa sinumang mapipili ng Kapamilya Network. Sinabi pa ng aktres na mayroon siyang bet para gumanap na Darna at positibo siyang mapipili iyon. Bago lumabas ang ... Read More »

Kiko, pressured sa acting dahil sa kanyang pamilya

UNANG mainstream movie ni Kiko Estrada ang Pwera Usog na handog ng Regal Entertainment Inc., na napapanood sa mga sinehan sa kasalukuyan. Kaya naman sobrang nagpapasalamat ang batang actor sa ibinigay na chance para maipakita ang talent niya sa acting. Naka-dalawang indie movie na rin si Kiko pero aniya, iba ang Pwera Usog. “I love the set, sobrang ganda, stress ... Read More »

Ian at Bea, kinabahan sa kissing scene, nadala rin sa titigan

HINDI itinanggi nina Bea Alonzo at Ian Veneracion na kinabahan sila nang kunan ang kissing scene na napanoood noong Biyernes ng gabi sa A Love To Last ng  ABSCBN. Ayon sa dalawa, nakailang-take ang naturang halikan. “Kahit matagal na kaming magkasama ni Bea, hindi nawala ‘yung kaba. Tapos It’s may scene pa ganyan,” giit ni Ian. “Inaabangan kasi ng tao ... Read More »

Scroll To Top