Monday , April 6 2020
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Maricris Valdez Nicasio (page 4)

Author Archives: Maricris Valdez Nicasio

Feed Subscription

Vic Sotto, never nangialam sa personal na buhay ni Maine

NILINAW ni Vic Sotto na hindi niya pinakikialaman ang personal na buhay ni Maine Mendoza kahit close sila o madalas silang magkasama sa trabaho. Bukod sa kanilang Daddy’s Gurl sa GMA 7, magkasama rin sila sa entry ng APT Entertainment Inc., sa Metro Manila Film Festival 2019, ang Mission Unstapabol: The Don Identity. Giit ni Vic, trabaho lang sila ni ... Read More »

Jose Manalo, nahirapan sa pagiging kontrabida ni Vic

SA kabilang banda, bago ang pagiging kontrabida ni Jose Manalo sa pelikula ni Vic Sotto, pero hindi iyon kinuwestiyon ng komedyante. Ani Jose, “Hindi ko kinuwestiyon. Kasi kagaya ng sinabi ni Direk Mike (Tuviera), gusto ko ring maiba, maiba ‘yung atake, maiba ‘yung karakter.” Aminado si Jose na malaking challenge ang pag-iiba niya ng karakter sa Pamaskong handog na pelikula ... Read More »

Billy James sa Esetgo — pagtulong sa kapwa ang hangad namin

 “MAKATULONG sa kapwa Filipino.” Ito ang iginiit ni Billy James Cash, part owner ng bagong motorcycle-ride hailing service, ang Esetgo ukol sa tunay na layunin ng kanilang services industry na inilunsad kamakailan. Si Billy James ay dating napapanood sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang kapatid ni Mark Abaya at siya ring may-ari ng Billy James Fitness Center ay isa rin sa ... Read More »

Yeng, napa-wow! sa hubad na katawan ni Joem Bascon

TAWANG-TAWA si Yeng Constantino habang ikinukuwento at binabalikan nila ni Joem Bascon ang mga kakaibang bagay na ipinagawa sa kanila ni Direk Crisanto Aquino para maipakita kung gaano nila kamahal ang isa’t isa. Ginagampanan nina Yeng at Joem ang magdyowa sa pelikulang Write About Love na pinagbibidahan din nina Miles Ocampo at Rocco Nacino, entry ng TBA Studios at mapapanood ... Read More »

Miracle ni Aga, gustong i-remake ng original korean director at producer

SOBRA ang katuwaan ng mga orihinal na director at producer ng Miracle in Cell No. 7 na sina Lee Hwan-kyung (director) at Kim Min-ki, (producer) nang mapanood nila noong premiere night ang Filipino adaptation ng pelikulang Miracle In Cell No 7 na pinagbibidahan ni Aga Muhlach handog ng Viva Films at entry nila sa 2019 Metro Manila Film Festival.   ... Read More »

Joshua, ayaw munang makipag-date, ‘di kayang pagsabayin ang love at work

IPINAGTAPAT ni Joshua Garcia na ayaw pa niya o hindi pa siya handing makipag-date pagkatapos magwakas ng relasyon nila ni Julia Barretto. Pero unti-unti naman niyang nao-overcome ang pagiging introvert sa mga nangyari sa kanya. “Mas marami akong nakikilala ngayon at nagiging kaibigan,” anang binata sa The Killer Bride presscon. ”Mas luminaw ang mundo ngayon. Mas lumuwag, mas open ako sa lahat.” Sinabi rin ni Joshua na ... Read More »

Maine, enjoy pag-usapan si Arjo — Wala namang dapat itago

 “OPEN naman kami sa aming relasyon, wala namang dapat itago!” Ito ang nasabi ni Maine Mendoza nang matanong siya kung bakit tila komportable na siyang i-share ang mga nangyayari o ukol sa relasyon nila ni Arjo Atayde. Sa presscon ng Mission Unstapabol: The Don Identity, entry ng APT Entertainment Inc. sa Metro Manila Film Festival 2019, nakatutuwang very open nga siyang mag-share ng ukol sa kanila ni Arjo. Nariyang ... Read More »

HBO, makikipagsabayan sa Netflix

GUSTO n’yo bang mapanood ang buong season ng Game of Thrones ngayong holiday season? O mapanood ang latest episodes ng WATCHMEN same time habang ipinalalabas din ito sa U.S.? Isa lang ang kailangang gawin, mag-stream at i-download ang inyong paboritong HBO Original series sa inyong mga mobile phone at ikonek ang inyong devices sa HBO GO app! Wala itong kontrata o TV subscription na ... Read More »

Coco Martin, ‘di target mag-number 1 — excited kami na mapanood ‘yung pinaghirapan namin

TINUTUKANG mabuti ni Coco Martin ang pre-production, pagpili ng cast, pagbuo ng kuwento, at pagtutok sa akting ng bawat artista ng pelikulang 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon kaya naman confident at no pressure siya sa ganda at kalidad ng entry nila ngayong taon sa Metro Manila Film Festival. Si Coco rin kasi and producer, editor, at direktor bukod sa bida sa pelikula. Kasama niya rito ... Read More »

Vice, pressure na mapangatawanang makapagbigay kasiyahan tuwing Pasko

GUSTO pala sanang maging protective ni Vice Ganda sa kanilang relasyon ni Ion Perez. Ang pagbubunyag na ito’y naganap sa grand presscon ng The Mall The Merrier, 2019 Metro Manila Film Festival entry ng Star Cinema at Viva Films. “Napaka-tipikal at napaka-normal at masaya na pamilya sina Ion. Kaya isa ito sa mga dahilan ko rati kaya ayaw kong ipangalandakan (relasyon). Kasi kung mahal mo ang isang tao poprotektahan ... Read More »

Aga, sure-winner na bilang best actor sa MMFF 2019

IISA ang sinasabi ng mga nakapanood ng advance screening for the press ng Miracle in Cell No 7 kamakailan na ginawa sa VIP Parkway, ‘magaling sina Aga Muhlach at Xia Vigor, gayundin sina Joel Torre, Jojit Lorenzo, Mon Confiado, Soliman Cruz, at JC Santos.’ Wala kang itatapon sa kanila at talaga namang pinalakpakan ang mga eksena nila. Ginagampanan ni Aga ang role ni Joselito, isang tatay na mentally challenge ... Read More »

Kitkat, walang tulog, ‘di nagkakasakit dahil sa Miracle Vit-C

SA Biyernes na o Sabado naka-iskedyul ang operasyon ng ama ni Kitkat Favia na may prostate kaya naman kaliwa’t kanan ang raket niya. Hindi nga naman kasi biro ang gastos lalo’t sa St. Lukes Hospital isasagawa ang operasyon. Kaya kapag nagkikita kami ng komedyana, ang lagi naming tanong, ‘natutulog ka pa ba?, natulog ka na?’ Kabi-kabila kasi ang raket ni Kitkat, kasama ... Read More »

Cool Cat Ash, agaw-eksena; Joaquin Domagoso, ang lakas ng dating

PAGOD man dahil sa sobrang trapik at hirap pagpunta sa Music Museum last Friday, nag-enjoy namin kami sa panonood ng mga nag-perform sa katatapos na Can’t Stop The Feeling benefit concert. Ang Can’t Stop The Feeling benefit concert ay proyekto ng kaibigang manunulat na si Ambet Nabus para sa mga batang kinakalinga ng Bahay Aruga Foundation. Sa concert na iyon namin unang napanood ang anak ... Read More »

Aga, excited mapanood ng Korean actor na si Ryu Seung Ryong; Miracle in Cell No. 7, Rated A ng CEB

IN constant communication pala si Aga Muhlach sa Korean actor na gumanap at nagbida sa Korean movie na Miracle in Cell No. 7, si Ryu Seung Ryong. Sa mediacon na ginanap kamakailan para sa Viva Films entry sa 2019 Metro Manila Film Festival, naikuwento ni Aga na natuwa ang Korean actor sa Filipino adaptation ng Miracle in Cell No. 7. ... Read More »

Role ni John Lloyd sa ‘Culion,’ essential — Meryll

NILINAW ni Meryll Soriano na mahalaga ang papel ni John Lloyd Cruz sa Metro Manila Film Festival entry nilang Culion bagamat maigsi lamang iyon. Kasabay nito’y sinabi ng aktres na hihingi siya ng paumanhin dahil nagkaroon ng usapin ang guesting ng actor sa pelikula. Kaibigan kasi ni Meryll si Lloydie at isa siya sa dahilan kung bakit napapayag lumabas ang ... Read More »

Louise, ayaw muna ng intimate scene — Ayaw kong marumihan

IGINIIT ni Louise delos Reyes na hindi na niya kayang magpa-sexy o gumawa ng mga intimate scene. Ito ang binigyang linaw ng aktres nang matanong kung may intimate scene sila ni Ivan Padilla sa My Bakit List na mula sa Viva Films at BluArt Productions na mapapanood na sa December 11. Nilinaw naman ni Bona Fajardo, director ng My Bakit List ... Read More »

Write About Love, may karapatang mapasama sa MMFF 2019

PROUD si Miles Ocampo na sa 22, ay ”No Boyfriend Since Birth” o NBSB kanyang status. Hindi niya ito ikinahihiya dahil katwiran ng dalaga, hindi pa talaga dumarating ang lalaking magpapatibok sa kanyang puso. Pero iginiit niyang hindi siya tomboy. ”Wala lang boyfriend, tomboy na agad?!” wika nito nang makausap namin noong Lunes ng hapon sa Abe Restaurant sa Megamall bago ang premiere night ng ... Read More »

Nanay Lesing ni Kuya Boy, pumanaw sa edad 90

PUMANAW na ang ina ng award-winning TV host na si Boy Abunda  na si Licerna Capito Romerica Abunda o Nanay Lesing nitong Linggo, Dec. 1 sa edad na 90 dahil sa complications due to pneumonia. Nakaburol ang labi ni Nanay Lesing sa Arlington Memorial Chapels sa Quezon City. Sa pamamagitan ng Facebook, ipinaabot ng kampo ni Boy at ng kapatid nitong si Maria Fe Abunda, kongresista sa Eastern Samar ... Read More »

Rhed Bustamante, wish makapagpatayo ng bahay; Coco Martin, itinuturing na malaking blessings

“ISA si Kuya Coco (Martin) sa pinakamabait na taong nakilala ko,” panimula ni Rhed Bustamante nang makausap namin ito pagkatapos ng presscon ng Sunod, isa sa walong entry sa Metro Manila Film Festival 2019 handog ng Ten17 at Globe Studios. Kung ating matatandaan, si Coco ang nagbigay-pag-asa o muling nagbigay pagkakataon kay Rhed para muling magkaroon ng project sa showbiz at ito nga ay sa action-serye, FPJ’s Ang ... Read More »

Carmina, ‘sinusundan’ ng mga kaluluwa

AMINADO si Carmina Villaroel na higante ang mga kasabayan nilang entry sa Metro Manila Film Festival na ipalalabas sa Disyembre 25. Pero umaasa siyang panonoorin ang pelikula nilang Sunod dahil sa wala pa silang ginagawa, wala pang eksena, mararamdaman na ang takot. Bale ngayon lang uli gumawa ng horror movie si Carmina matapos ang maraming taon. Ang huli niyang horror movie ay ang Shake, Rattle and Roll ng Regal ... Read More »

Jerald, makakapag-‘Probinsyano’ na ngayong nasa Viva na

IGINIIT ni Jerald Napoles na maayos ang pag-alis niya sa bakuran ng Triple A para lumipat sa bakuran ng Viva. Five-year, 10 picture contract ang pinirmahan ng theater actor. Ayon kay Jerald, hindi siya inimpluwensiyahan ni Kim sa paglipat. ”Ako po kasi nagsimula akong theater actor so, pagpasok ko po ng showbiz, ang gusto ko lang po ay umarte lalo na po sa pelikula kasi po mas ... Read More »

Istorya ng Pag-asa Film Festival, muling magbibigay-inspirasyon sa 2020

BINUBUKSANG muli ni Vice President Leni Robredo at ng Ayala Foundation, Inc., ang Istorya ng Pag-asa Film Festival para sa 2020, para hikayatin ang mga Filipino na magbahagi ng mga kuwento ng inspirasyon mula sa mga ordinaryong mamamayan. Ikatlong edisyon na ito ng film festival, na maaaring sumali ang kahit sinong Filipino, mapa-professional filmmaker man o hindi, at maging iyong mga nakatira sa ibang bansa. ... Read More »

Dimples, ayaw pang magsalita sa petsa ng kasalang Angel at Neil

WALA pang petsa ang kasalang Angel Locsin at Neil Arce. Ito ang iginiit kamakailan ni Dimples Romana sa launching ng Juanlife Personal Accident Insurance. Ang tiyak lang ay ang bachelorette. Natatanong si Dimples ukol sa kasalang Angel at Neil dahil best friend siya ni Angel. Pero wala pang maibigay na update si Dimples ukol sa nalalapit na kasal ng dalawa. Samantala, excited si Dimples sa bago ... Read More »

Karisma ni Kris, ‘di pa rin humuhupa

HININTAY pala talaga ng may-ari ng Dalisay Ultra Premium Rice si Kris Aquino mula sa pagpapagamot nito sa Singapore at pagbabakasyon para maging endorser ng kanilang produkto. Matatandaang nagtungo kamakailan si Kris sa Singapore para sa series of medical tests gayundin ang pagbabakasyon nilang mag-iina. Bagamat alam ng mag-asawang Patrick at Rachel Renucci , may-ari ng Dalisay Ultra Premium Rice na matatagalang bumalik  si Kris, nagpa-una na itong nagsabing ... Read More »

Kitkat, lalong tumataas ang value ‘pag nananalo ng award

PANG-APAT na pala ni Kitkat Favia ang nominasyong natanggap ngayong taon sa Aliw Awards para sa kategoryang Best Stand Up Comedian. Ayon kay Kitkat, may pagkakataon pang nang magwagi siya ng Best Actress ay kasabay ang nominasyon bilang Best Stand Up Comedian at Best Crossover Artist kaya naman sobra-sobra ang kasiyahan niya. Ani Kitkat sa patuloy na nominasyon, ”Hehehe ang sarap po palagi, kasi ‘yung ... Read More »

Scroll To Top