Thursday , April 9 2020
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Maricris Valdez Nicasio (page 20)

Author Archives: Maricris Valdez Nicasio

Feed Subscription

Kris, nagtungo ng Singapore para makakuha ng tamang medical assessment

Kris Aquino

NASA Singapore na ngayon si Kris Aquino para makuha ang tamang medical assessment ukol sa kondisyon ng kanyang kalusugan. Isang press statement ang ipinost ni Kris sa kanyang Instagram account mula kay Atty. Sig Fortun ng Fortun Narvasa and Divina Law Office ukol sa kasalukuyang kalagayan ng kanyang kalusugan matapos matuklasan ang ukol sa “financial abuse and betrayal” ng dati niyang kasamahan sa KCAP. Sinabi rin ni Kris ... Read More »

Kris, aminadong wasak na wasak, nangayayat dahil sa problemang kinakaharap

Kris Aquino

“H IRAP na hirap po ako na may mga pinagtakpan sa inyo.” Ito ang bungad na post ni Kris Aquino sa kanyang Instagram, Martes ng gabi kasama ang photo slides ng larawan ni Kris kasama ang kanyang inang si dating Pangulong Cory Aquino at amang si dating Sen. Benigno Aquino Jr. gayundin ang mga larawang nagpapakita ng kanyang kapayatan dahil ... Read More »

Date ni Piolo sa ABS-CBN Ball, inaabangan

Piolo Pascual SunPIOLOgy Sunlife

SA Sabado na magaganap ang ABS-CBN Ball at isa sa inaabangan ay kung sino ang makaka-date ni Piolo Pascual sa charity ball ng Kapamilya Network. Sa launching ng ika-10 taon ng SunPIOLOgy, sinabi ng actor na wala pa siyang niyayaya para maging date sa naturang event. “’Yung anak ko, si Inigo ang makakasama ko. Basta, I’ll just go there at ... Read More »

Derrick, tinablan sa sobrang wild ng love scene nila ni Sanya

Derrick Monasterio Sanya Lopez Wild and Free

TINANGGAL nina Derrick Monasterio at Sanya Lopez ang kanilang wholesome image para sa mga love scene na ginawa nila sa bagong handog na pelikula ng Regal Films, ang Wild and Free na pinamahalaan ni Connie S. Macatuno at mapapanood na sa Oktubre 10. Makatawag-pansin ang mga picture at trailer ng lovescene ng dalawa na ginawa sa ibabaw ng washing machine ... Read More »

Vision nina Santos at Ricio, nagkaisa sa pagsasapelikula ng Para Sa Broken Hearted

Para Sa Broken Hearted Yassi Pressman Shy Carlos Louise Delos Reyes Sam Concepcion Marco Gumabao

NANINIWALA si Marcelo Santos III na “perfect ang casting” ng nobela niyang isinapelikula, ang Para Sa Broken Hearted handog ng Viva Films na mapapanood na sa Oktubre 3. Ani Santos, lagi siyang bumibisita sa shooting ng pelikula kaya nakita niya na pareho sila ng “vision” ni direk Digo Ricio kung paano isasalin ang libro sa pelikula. Tamang-tama rin ang theme ... Read More »

#YATO, a gift from God — Lance

Lance Raymundo Jana Victoria

“SOBRANG bait ng kapatid kong ‘yan. Puwede nga ‘yang magpari.” Ito ang tinuran ni Rannie Raymundo nang makausap namin siya matapos iparinig at ipakita ni Lance, nakababata niyang kapatid, ang bagong single at music video ng You Are The One (YATO) mula sa Viva Records. Ayon kay Lance, “The song came together out of real love. I wrote this song ... Read More »

Gabby, game makipag-duet kay Sharon

Chaye Cabal-Revilla Gabby Concepcion Lolit Solis

PAREHONG guests sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta sa ika-11 anibersaryo ng Gabay Guro sa Linggo, Setyembre 23 na gagawin sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Kaya naman sa paglulunsad ng ika-11 taon ng Gabay Guro, ang PLDT-Smart Foundation’s education advocacy noong Lunes na ginawa sa Cities Events Place natanong agad si Gabby sa posibilidad na magka-duet sila ... Read More »

Sylvia Sanchez, tinilian at pinagkaguluhan; dami ng proyekto ng mga anak, ikinatuwa

Sylvia Sanchez Rei Tan Carlo Aquino Beautefy by Beautederm

HINDI pa rin nawawala ang karisma at lakas sa tao ni Sylvia Sanchez. Napatunayan namin ito nang siya ang mas tinilian ng mga taong nag-abang at nanood sa pagbubukas ng Beautefy by Beautederm noong Linggo sa Alimall na mina-manage ni Maria De Jesus. Kasama ni Sylvia na nagbigay kasiyahan ang iba pang Beautederm ambassadors na sina Carlo Aquino, Matt Evans, ... Read More »

Arjo, natataranta sa sabay-sabay na offer

SA kabilang banda, tuwang-tuwa naman siyang ibinalita na super hectic ang schedule ng kanyang panganay na anak na si Arjo. Aniya, “Rati gusto ni Arjo na magkaroon ng movie kahit isa lang, ngayon ang dami-dami. Natataranta siya ngayon. Siya ngayon ang naloloko kasi hindi na niya matanggap lahat. “Actually hindi yabang pero anim-pito tinanggihan niya, nakatutuwa kasi hindi naman dumating ... Read More »

Mas magagaling ang mga anak

Ria Atayde Arjo Atayde Sylvia Sanchez

MASAYA pang esplika ni Sylvia, “‘Di ba kahit sabihin pang mas magaling sa akin ang mga anak kong umarte, ang saya ko. Mas ayoko iyong ‘uy mas magaling ka sa anak mo,’ mas nakalulungkot ‘yun. “May nagsasabi sa akin na ‘mas magaling sa iyo anak mo.’ Thank you. Kung may nagsasabi na ‘mas busy ang mga anak mo sa iyo’, ... Read More »

Kris, balik-trabaho na agad

Kris Aquino Josh Bimby

NAKABALIK na ng ‘Pinas si Kris Aquino noong Lunes pagkatapos ng mahigit tatlong linggong pagbabakasyon sa ibang bansa and as usual, back to work agad ang ina nina Joshua at Bimby. Sa Instagram post ni Kris kahapon, ibinalita nitong naghahanda na siya para sa isang TVC shoot na ayaw muna niyang sabihin kung anong produkto iyon. Pero masaya siya at ... Read More »

Luigi on Lani — I love her and I see her as my second mom

Luigi Revilla Lani Mercado

MILLENNIAL action film kung i-describe ni Luigi Revilla ang Amats, isa sa trilogy episode na kasama sa Tres movie nilang magkakapatid—Jolo (72 Hours) at Brian (Virgo)—na mapapanood na sa Oktubre 3, handog ng Imus Productions at ire-release ng Star Cinema. Ayon kay Luigi, fast paced ang Amats at walang masyadong barilan. “More of martial arts which is nagamit ko ‘yung ... Read More »

Ineendosong produkto ni Kris, sold out agad

Kris Aquino Snail White

ILANG araw lang mataposilunsad ni Kris Aquino ang isa sa itinuturing niyang biggest project sa taong ito, ang produktong nagpapaganda sa kanyang kutis, ang Snail White, ibinalita nitong sold out na agad! Sa post ni Kris sa kanyang social media account, nagpasalamat ito sa mga agad tumangkilik ng Snail White. Kinailangan ngang mag-stock agad dahil marami ang naghahanap ng produktong nakatutulong sa magandang ... Read More »

Kris, posibleng pasukin ang politika kung…

Kris Aquino

HANGGANG ngayo’y hindi pa rin natatapos ang usaping pagpasok sa politika ni Kris Aquino. Bagamat nagsalita na noon ang aktres/host na hindi siya tatakbo, isang follower niya sa kanyang social media account ang muling nagtanong kung nagbago na baang desisyon niya sa pagpasok sa politika? Tanong ni @gigiboosh5639, ”I am proud of you Ms. Kris!! I will always follow your destiny ... Read More »

Bryan, nagdalawang-isip na balikan ang showbiz

Jolo Revilla Bryan Revilla Luigi Revilla Tres 72 Hours Virgo Amats Imus Productions

HINDI itinanggi ng panganay nina Sen. Bong Revilla at Lani Mercado na si Bryan na medyo nagdalawang-isip siya sa paggawa ng pelikula o muling pagsabak sa pag-arte. Isa sa bida si Bryan sa trilogy ng Tres, ang Virgo, na handog ng Imus Productions kasama sina Jolo para sa episode na 72 Hours at si Luigi para naman sa Amats. Taong 2007 pa pala huling gumawa ng pelikula si ­Bryan (Resiklo) at ... Read More »

Imee, nasa showbiz pa rin ang puso

Imee Marcos Entertainmaet Press

NAGING paksa sa pakikipagkita ni Gov. Imee Marcos sa mga entertainment press na ginawa sa Max’s Quezon Avenue, ang pagkahilig nito sa showbiz. Mula noon hanggang ngayon kasi’y malapit sila ng kanyang inang si dating Unang Ginang Imelda Marcos sa entertainment press. Madala napagkikita si Imee o si Unang Ginang Imelda sa mga showbiz function na ang pinakahuli ay ang 80th birthday ni Mother Lily Monteverde. ... Read More »

Klaudia, ‘di totoong naghihirap

Klaudia Koronel

MARAMI ang natuwa sa pagbabalik-Pilipinas ni Klaudia Koronel. Ang akala ng marami, magbabalik-showbiz na ito. Puwede namang magbalik-showbiz si Klaudia, pero hindi pa sa ngayon. Nais man ni Klaudia na harapin muli ang pag-arte, hindi pa puwede dahil may inaayos pa siya sa Amerika. Pero bukas siya sa anumang offer na darating. Katunayan, sa maigsing pagbabakasyon niya sa Pilipinas, may mga ... Read More »

Alex, sobrang bilib sa pagdidirehe ni Fifth

Fifth Solomon Alex Gonzaga Jerald Napoles Joj Agpangan Nakalimutan Ko Nang Kalimutan

IPINAGMAMALAKI ni Alex Gonzaga si Fifth Solomon. Katunayan,  open ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga sa pagsasabi kung gaano siya bumilib sa galing ng baguhang writer/director. Nagkasama sina Alex at Fifth sa Pinoy Big Brother at simula noo’y naging magkaibigan na ang dalawa kaya hindi nakapagtataka kung si Alex ang ginawang bida at unang nakaalam sa kagustuhang makapagdirehe ni Fifth. Ito’y sa pamamagitan ng pelikulang Nakalimutan Ko ... Read More »

Commercial movies, mas tanggap ng publiko — Direk Romero

tofarm Milagros How Bibeth Orteza Joey Romero Maryo J delos Reyes

MASAYANG inihayag ni Direk Joey Romero, managing director ng ToFarm Film Festival noong Lunes na madaragdagan ang bilang ng mga sinehang magpapalabas sa mga pelikulang kahalok sa festival na magsisimula ngayong araw hanggang Setyembre 18. Ang paghayag na ito’y isinagawa ni Direk Joey sa opening ceremonies noong Lunes na isinagawa sa Novotel at pinangunahan nina Dr. Milagros How, Executive Producer ... Read More »

Ced, sa ipinagbuntis ni Katherine — Hindi po ako ang ama!

The Lost Sheep

“Grabe! Grabe kayo! Hindi po! Hindi po ako!” Giit ni Ced Torrecarion, isa sa bida ng The Lost Sheep nang tanungin namin ito ukol sa kung siya ba ang ama ng anak ni Katherine Luna. Matatandaang napa­tunayang hindi si Coco Martin ang ama ng ipinagbuntis noon ni Katherine at may nakapagsabing naugnay din si Ced sa aktres. Sa presscon ng ... Read More »

Jolo, na-pressure sa paggawa ng action movie

Jolo Revilla Bryan Revilla Luigi Revilla Tres 72 Hours Virgo Amats Imus Productions

AMINADO si Jolo Revilla na may pressure sa parte niya sa paggawa ng pelikula lalo’t isang action film na tulad ng Tres, isa sa trilogy sa 72 Hours na handog ng Imus Productions at mapapanood na sa Oktubre 3. Dagdag pa sa pressure na kilala ang ama niyang si Bong Revilla sa paggawa ng action movie. Ani Jolo, ”hindi lang sa dad ko (may pressure) pati na ... Read More »

Kylie, may gustong patunayan

Roxanne Barcelo Meg Imperial Kylie Verzosa Nathalie Hart Cristine Reyes Abay Babes

TIYAK na mabubusog ang mata ng mga manonood sa pinagsama-samang kagandahan, kaseksihan, at kalokohan nina Roxanne Barcelo, Meg Imperial, Kylie Verzosa, Nathalie Hart, at Cristine Reyes sa pinakabagong pelikulang handog ng VIVA Films, Abay Babes na mapapanood na sa Setyembre 19.   Magkakaibigan at magkakaklase sa high school ang lima na muling nagkita-kita para sa kasal ng isa. Ginagampanan ni Nathalie ang papel ni Emerald na sinasabing pinaka-hot sa grupo.  Si ... Read More »

Cardo Dalisay at Victor Magtanggol, may kakampi sa pagliligtas sa mga naaapi

Miguard Security Alarm System

NAGKAKABIRUAN ang mga entertainment press na dumalo sa paglulunsad ng Miguard Security Alarm System, ang bagong gadget mula Green Energy na makatutulong sa pagsugpo sa laganap na krimen sa bansa dahil ito na raw ang sagot at katulong nina Cardo Dalisay at Victor Magtanggol. Si Cardo Dalisay ang ginagampanang karakter ni Coco Martin sa FPJ’s Ang Probinsyano, ang tagapagligtas ng mga naaapi, na bagamat hinahabol ... Read More »

FDCP at Intramuros admin, nagsanib para sa #WeAreIntramuros Film Challenge

KATUWA ang mga ginagawang aktibidades ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pamumuno ng chairman nitong si Liza Diño-Seguerra. Ang pinakabago ay ang #WeAreIntramuros Film Challenge, isang 24-hour filmmaking challenge na naka-focus sa cultural awareness ng Filipino values. Ayon kay Diño nang makausap namin sa paglulunsad ng proyektong ito sa Cinematheque Centre Manila, ”It’s a film festival na hosted and organized by Intramuros administration ... Read More »

Vina, pinaghahandaan na ang pagbubuntis

LOVELESS ngayon si Vina Morales at extra careful na siya sa pagpili ng mamahalin. Pero never napagod ang puso niya na magmahal muli. “Wala akong lovelife. Sana magka-lovelife naman ako. Wala pa rin hanggang ngayon eh, medyo mapili,” kuwento ng aktres nang makahuntahan namin sa isa sa 20 branches nila ng Ystilo Salon sa Greenhills. Ani Vina, bagamat may anak na siya at ... Read More »

Scroll To Top