Monday , August 26 2019
Breaking News
You are here: Home / Author Archives: Leony Arevalo

Author Archives: Leony Arevalo

Feed Subscription

4 notoryus na karnaper, bumulagta sa Pampanga

APALIT, PAMPANGA – Dead on the spot ang apat na miyembro ng kilabot na robbery holdup gang na sinasabing sangkot sa serye ng nakawan sa lalawigang ito makaraang makipag­barilan sa  pinagsanib na puwersa ng Apalit Police at 2nd PMFC Patrol, sa Sitio Dudurot-Paligue, Barangay Colgante, sa bayan ng Apalit kamakalawa nang madaling araw. Nabatid sa isinumiteng ulat ni P/Lt. Col. ... Read More »

Shabu mula Israel ibinalilk magdyowa timbog

APALIT, Pampanga – Ares­tado ng Apalit Police Anti-illegal Drugs Enforcement Unit sa pakikipagtulungan ng PDEA  ang live-in part­ners  na umano’y  notoryus na bigtime drug pusher mak­araang kunin ang ibinalik ng bansang Israel na ipina­dala nilang package, hinihi­nalang shabu sa LBC Apalit Branch, kamakalawa ng hapon sa Barangay San Vicente. Nabatid sa isinumiteng ulat ni P/Lt. Col. Elmer Dece­na, hepe ng  Apalit Police, sa tanggapan ni P/Col. Jean S. Fajardo, Pampanga Provin­cial Police ... Read More »

Kagawad todas, tanod arestado sa boga’t granada (Mag-utol na taga-barangay)

WALANG buhay na bumu­lagta matapos makipag­palitan ng putok sa mga awtoridad ang isang ba­rangay kagawad na sinabing notoryus na tulak ng ilegal na droga at nasa listahan ng high value target (HVT) drug personality nang Hainan ng search warrant ng pulisya, kamakalawa nang madaling araw. Sa isinumiteng ulat ni Supt. Elmer Decena, hepe ng Apalit Police, sa tang­gapan ni  Chief Supt. Joel Napoleon Coronel, ... Read More »

2 parak, tanod, 1 pa nagbarilan sa quarry site (Sa Tarlac)

CAMP OLIVAS, Pampanga – Agad namatay ang dalawang pulis, isang barangay tanod at isa pang lalaki sa insidente ng barilan sa quarry site sa Brgy. Sta. Lucia, Capas, Tarlac, kamakalawa ng hapon. Sa ulat sa tanggapan ni C/Supt. Joel Napoleon Coronel, Acting Police Regional Office 3 director, kinilala ang mga bikti­mang sina SPO2 Jason Garcia, 45; PO3 Vincent Baluyot Lugtu, ... Read More »

13-anyos, nanay, 2 pa tiklo sa buy-bust

CAMP OLIVAS, Pampanga – Nasagip ng mga elemento ng Minalin Police Anti-Illegal Drug Operation Unit at mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency 3 (PDEA 3) ang isang 13-anyos drug runner, habang nadakip ang kanyang ina at dalawang drug user sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. San Isidro sa bayan ng Minalin, kamakalawa. Ayon sa ulat  ni C/Insp. Pearl Joy C. Gollayan, hepe ... Read More »

Tulak tigbak sa buy-bust 3 pa tiklo

SAN LUIS, Pampanga – Patay ang isang hinihinalang drug pusher makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng San Luis Police Anti-Drugs Special Operation Task Group sa buy-bust operation sa bayan ng San Luis. Nabatid sa ulat ni Chief Insp. Jose Charlmar Gundaya, hepe ng San Luis Police, sa tanggapan ni Senior Supt. Joel R. Consulta, acting Pampanga Provincial Police director, hindi ... Read More »

3 dayuhan tiklo sa ATM skimming (Sa Pampanga)

CAMP OLIVAS, Pampanga – Arestado ang tatlong dayuhan na hinihinalang mga miyembro ng international ATM skimming syndicate, habang nagwi-withdraw ng pera sa BPI ATM machine gamit ang ATM cloning device sa City of San Fernando, sa nabanggit na lalawigan, dakong 10:35 pm kamakalawa. Ayon kay PRO3 director, C/Supt. Aaron Aquino, itinawag ng BPI employee ang insidente kaya agad nadakip ng ... Read More »

2 drug surrenderee arestado sa shabu

CAMP OLIVAS, Pampanga – Nasakote ng mga operatiba ng Macabebe Police Anti-Drugs Enforcement Unit, ang dalawang drug surrenderee, na bumalik sa pagtutulak ng ilegal na droga. Naaresto ng mga awtoridad sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency 3 (PDEA 3), ang mga suspek na sina Marjun Yanga y Mallari, 35, at Bryan Christian Bernabe y Isip, nasakote sa Brgy. Caduang ... Read More »

Rape suspect timbog sa parak

CAMP OLIVAS, Pampanga – Nasakote nang pinagsanib na puwersa ng Mexico Police at Pampanga Provincial Public Safety Company, ang isang lalaking suspek sa panggagahasa at no. 2 most wanted person sa nasabing bayan, sa manhunt operation ng mga awtoridad sa Brgy. Sta. Cruz Maragul, Mexico, kamakalawa ng tanghali. Base sa report ni Supt. Wilfredo M. Paulo, hepe ng Mexico Police, ... Read More »

Tserman utas sa rapido ng tandem

SAN SIMON, Pampanga – Agad binawian ng buhay ang isang barangay chairman, makaraan pagbabarilin ng dalawang armadong lalaking lulan ng motorsiklo sa Brgy. Concepcion, ng bayang ito, kamakalawa ng umaga . Base sa ulat ni Chief Inspector Charlmar Gundaya, hepe ng San Simon Police, sa tanggpan ni Senior Supt. Joel Consulta, OIC Pampanga Provincial Police Office director, kinilala ang biktimang ... Read More »

Tulak bulagta sa buy-bust

CAMP OLIVAS, Pampanga – Binawian ng buhay ang isang hinihinalang drug pusher makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng San Fernando Police sa isinagawang anti-drug buy-bust operation sa Brgy. San Agusin, City of San Fernando sa nabanggit na lalawigan kamaka-lawa. Ayon sa ulat Senior Supt. Joel R. Consulta, Pampanga Police provincial director, sa tanggapan ni Chief Supt. Aaron N. Aquino, Police ... Read More »

Sinibak na parak timbog sa buy-bust

CAMP OLIVAS, Pampanga – Hindi nakapalag ang isang dating pulis makaraan maaresto ng pinagsanib na puwersa ng Lubao at San Simon Police sa anti-illegal drug operation sa Brgy. Tulaok, ba-yan ng San Simon, kama-kalawa. Kinilala ng mga awtoridad ang naaresto na si PO1 Aristotle Carlos, 40, residente sa Brgy. Sto. Tomas, Lubao, Pampanga. Ang dating pulis ay na-aresto makaraan bentahan ... Read More »

2 tulak tigbak sa anti-drug ops

CAMP OLIVAS, Pampanga – Patay ang dalawang hi-nihinalang tulak ng droga nang lumaban sa pinagsanib na puwersa ng anti-drug operatives sa buy-bust operation sa City of San Fernando, Pampanga kamakalawa. Kinilala ang isa sa dalawang napatay na si Jomar Oliva y Rueda, 40, ng Vista Rica Subdivision, Dolores, habang inaalam pa ang pagkakilanlan ng isa pang napatay sa operasyon. Ayon ... Read More »

Puganteng Kano tiklo sa Angeles

CAMP OLIVAS, Pampanga – Isang puganteng American national na may patong-patong na kaso ang nasakote nang pinagsanib na puwersa ng Police Station 5, at Fugitive Search Unit-ng Bureau of Immigration (BI) sa ikinasang operasyon sa Angeles City. Ayon sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Supt. Fe Grenas, tagapagsalita ni Chief Supt. Aaron N. Aquino, Police Regional Office-3 director, hindi ... Read More »

1 patay, 1 sugatan sa trike vs van

CAMP OLIVAS, Pampanga – Patay ang isang lalaki habang malubha ang kalagayan sa pagamutan ng kanyang misis makaraan araruhin ng isang van ang sinasakyan nilang tricycle kamakalawa ng umaga sa MacArthur Highway, Brgy. Capalangan, bayan ng Apalit. Base sa ulat ni Supt. Wilson M. Alicuman, hepe ng Apalit Police, sa tanggapan ni Chief Supt. Aaron N. Aquino, Police Regional Office-3 ... Read More »

Bebot pinatay, isinilid sa drum ipinaanod sa ilog

CAMP OLIVAS, Pampanga – Tinatawagan kung sino man ang mga kaanak ng isang hindi nakilalang babaeng hinihinalang biktima ng salvage na makaraan patayin ay isinilid sa drum at ipinaanod sa Pampanga River. Napag-alaman, natagpuan ng isang mangangalakal ang bangkay sa drum sa pampang sa Brgy. Sucad, bayan ng Apalit kamakalawa. Ayon sa ulat ni Supt,. Wilson M. Alicuman, hepe ng ... Read More »

Apalit ex-vice mayor itinumba

CAMP OLIVAS, Pampanga – Bumulagtang walang buhay ang isang dating vice mayor ng bayan ng Apalit makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek sa loob ng kanyang pag-aaring Masa Royale Resort kamakalawa ng hapon sa Brgy. San Juan, ng nabanggit na bayan. Nabatid sa ulat ni Supt. Wilson M. Alicuman, hepe ng Apalit Police, sa tanggapan ni Chief Supt. Aaron ... Read More »

Humalay sa 6-anyos sa Pampanga nadakma

CAMP OLIVAS, Pampanga – Arestado sa Brgy. San Nicolas, Tarlac City ang isang lalaking No. 7 most wanted person bunsod nang panggagaha sa isang 6-anyos batang babae noong 2015 sa San Simon, Pampanga. Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si Edmart Gutierrez y Cabilin alyas Mac-Mac, 19, construction worker, suspek sa panghahalay sa kanyang kapitbahay. Ayon kay PO2 Mary ... Read More »

Titser ginahasa pinatay, anak idinamay ng ‘kawatan’

CAMP OLIVAS, Pampanga – Kapwa patay ang isang titser at 10-anyos niyang anak na lalaki makaraan gahasain ang ginang at pagsasaksakin ng anak ng kanilang labandera sa kanilang bahay sa Brgy. San Jose, Lubao, Pampanga  kamakalawa ng madaling-araw. Agad naaresto sa follow-up operation ng mga awtoridad ang suspek na si Rommel Canilao habang naka-check-in sa Twin Peaks Motel sa bayan ... Read More »

Scroll To Top